- 19 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Ilang klase sa eskwela, suspendido dahil sa masamang panahon ngayong araw
-Sen. Lacson: Si dating DPWH Sec. Bonoan ang posibleng mag-ugnay kay dating Exec. Sec. Bersamin sa kontrobersya sa flood control
-Aspiring artists na sumalang sa Sparkle Prime Workshop, graduate na
-QC LGU: Brgy. Batasan Hills, pinakamaraming kaso ng dengue sa lungsod ngayong taon
-Guwardiyang nangholdap sa pinagtatrabahuhang bangko, arestado; P670K cash, natangay
-8 sa inisyuhan ng arrest warrant kaugnay sa anomalya sa flood control projects, hawak na ng mga awtoridad
-INTERVIEW: DANA SANDOVAL, SPOKESPERSON, BUREAU OF IMMIGRATION
-Lalaki, sugatan sa pamamaril habang kapatid niya, pinukpok ng baril; suspek na dati umanong pulis, arestado
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Sen. Lacson: Si dating DPWH Sec. Bonoan ang posibleng mag-ugnay kay dating Exec. Sec. Bersamin sa kontrobersya sa flood control
-Aspiring artists na sumalang sa Sparkle Prime Workshop, graduate na
-QC LGU: Brgy. Batasan Hills, pinakamaraming kaso ng dengue sa lungsod ngayong taon
-Guwardiyang nangholdap sa pinagtatrabahuhang bangko, arestado; P670K cash, natangay
-8 sa inisyuhan ng arrest warrant kaugnay sa anomalya sa flood control projects, hawak na ng mga awtoridad
-INTERVIEW: DANA SANDOVAL, SPOKESPERSON, BUREAU OF IMMIGRATION
-Lalaki, sugatan sa pamamaril habang kapatid niya, pinukpok ng baril; suspek na dati umanong pulis, arestado
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahong hatid ng Bagyong Verbena.
00:06Ayon sa anunsyo ng mga lokal na pamahalaan, walang face-to-face klase sa lahat ng antas
00:10sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Albay, Sorsogon City at Provincia ng Cebu.
00:16Inirekomenda ang pag-shift sa alternative learning modality.
00:20Pero may ilang bahagi naman ng Cebu Province ang nagdeklaranan ng wala na talaga silang klase kahit alternative mode.
00:27Yan ay sa mga bayan ng Liloan, Compostela, Minglanilla, Dalagete, Bolhoon, Argao, Dumanhug, Santander, Karkar, Badian, Barili at Bantayan.
00:43Pero pareho po yan sa mga public at private school.
00:47Habang sa bayan ng Balamban, mga pampublikong paaralan lamang ang walang klase ngayong araw.
00:58Testimonya rao ni dating Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan
01:02ang posibleng mag-ugnay kay dating Executive Secretary Lucas Bersamin sa flood control scandal ayon kay Sen. Ping Laxon.
01:12Si Bonoan actually, ang pwede mag-link directly kay E.S. Bersamin,
01:17assuming na totoo yung sinabi ni Bernardo, assuming na totoo yung kwento ni Olaybar kay Bernardo.
01:23Sabi ni Laxon, kung magsasalita si Bonoan at maglalabas ng ebidensya,
01:29ito raw ang magpapatibay sa koneksyon ng mano ng dating Executive Secretary sa 2025 budget insertions.
01:35Pero sa ngayon, sangayon si Laxon na triple hearsay ang akosasyon kay Bersamin.
01:41Ganyan din inilarawan ni Bersamin ang pagsangkot sa kanya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
01:47Si Bernardo ang nagsabing ikinwento sa kanya ni dating Education Undersecretary Trigib Olaivar
01:53na nag-usap si Bersamin at Bonoan tungkol sa pamamahagi ng kickback mula sa budget insertions.
02:05Monday latest mga mare!
02:08After 10 sessions, graduate na ang mga aspiring artist na sumalang sa Sparkle Prime Workshop.
02:14Ayon sa mga participant, nakatulong sa kanila ang workshop dahil mas na-express nila ang kanilang mga sarili.
02:23Isang hakbang din daw ito para sa pangarap nilang maging artista.
02:27Ikinitawa ni Ana Fileo na facilitator ng workshop ang graduation ng kanyang students.
02:32Babalik ang Sparkle Workshop para sa mga aspiring talent sa first quarter ng 2026.
02:38Umabot na sa mahigit sampung libo ang naitalang kaso ng dengue sa Quezon City ngayong taon.
02:50Isa sa mga pinakamaraming kaso niyan ang barangay Batasan Hills.
02:55Balitang hatid ni Darlene Kai.
02:57Masakit pa rin para kay Gemma ang pagpanaw ng kanyang isang taong gulang na anak na si Princess noong isang buwan dahil sa dengue.
03:08Hindi namin nalamdam na may sakit talaga siya.
03:10Kasi marakas siya eh.
03:13Masigla, tapos naglaro pa.
03:14Mulo siya, humakap sa akin.
03:16Yun na pala ang pisa niya.
03:17Susok, nagsoka siya.
03:19Tapos nagsisure.
03:21Kahit pa din nila sa ospital si Princess, hindi na bumuti ang kanyang lagay.
03:26Na-ospital din itong Setiembre dahil sa dengue ang sampung taong gulang na si Prince.
03:30Three days siyang nilalagnat.
03:32Tapos ano, sabi ko nadadali na namin sa ospital.
03:36Kasi nangihina na po siya, nanginginig na po yung mga katawan niya.
03:41Tapos sumasakat na yung binti at saka yung mga paan niya.
03:44Severe o malala na pala ang dengue ni Prince, sabi ng mga doktor.
03:47Bumuti ang pakiramdam niya pagkatapos ng isang linggo sa ospital.
03:52Hindi kaya ng dibdib ko na makita ulit yung ganun na sitwasyon.
03:55Sina Gemma at Prince, taga Barangay Batasan Hills,
03:58na ayon sa Quezon City LGU ay may pinakamaraming kaso ng dengue sa lungsod ngayong taon.
04:04857 ang nagkasakit sa barangay mula January hanggang November 20.
04:08Apat sa kanila ang namatay.
04:10Sa buong Quezon City, may gitsampung libo ang nagkadengge mula Enero,
04:14kabila ang 44 na nasawi.
04:16Pinakamarami sa mga tinamaan, mga batang edad isa hanggang sampu.
04:20Ang problema sa Batasan Hills, may mga naiipong tubig na pinamumugaran ng mga lamok.
04:25Ang mga ginagawa po namin sa search and destroy,
04:29yung pong mga gulong na nasa bubong na tinatamaan ng tubig ko lang,
04:34so yung po ay tinatanggalo namin lahat yun.
04:36So yung mga drampo na nakikitaan namin ng kitikite,
04:40tinotobo namin yun at tina-advise namin sa mga constituent namin.
04:45Susi sa pagsugpo sa dengue ang malinis na paligid at protektadong katawan
04:49laban sa kagat ng lamok.
04:50Dapat din magpadoktor agad kapag nakaramdam ng sintomas,
04:54gaya ng lagnat, panghihina, pantal, pagsusuka at pagdurugo ng gilagid.
04:58Sa buong bansa, ayon sa DOH, may pagbaba ng mga kaso ng dengue bago ang mga linggong
05:03na nalasang mga bagyong Tino at Uwan na nagpabaha sa maraming lugar.
05:07Wala pa tayong datos dun sa mismong mga linggo na nakaraan na si Tino sa si Uwan.
05:13Kaya patuloy pa rin tayo nagtatala, wala pa tayong mga reports na nagsitaasan ang ating dengue.
05:20Patuloy pa raw nangangalap ng datos ang DOH at nagbabalang wag maging kampante
05:25dahil inaasahan pa rin ang mga ulan hanggang matapos ang taon.
05:29Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:35Tinutukan ang security guard ng barilang empleyadong yan ng isang bangko sa Iba, Zambales.
05:39Ang lalaking nagdeklara ng hold-up, mismong gwardya ng bangko.
05:45Inutusan din niya ang iba pang empleyado na dalhin siya sa vault ng bangko.
05:49Halos 700,000 pisong cash ang natangay ng gwardya na tumakas sakay ng isang tricycle
05:54na inagaw rin niya.
05:56Makalipas sa tatlong araw, natuntun ang kulis siya ang suspect sa isang bar sa Santa Cruz
06:00matapos i-report na nagpakita siya ng baril sa loob ng isang establishmento.
06:05Nahaharap siya sa patong-patong na reklamo.
06:07Walang pahayag ang suspect at ang mga empleyado ng hinold-up na bangko.
06:11May babala si DILG Secretary John Vic Remulia sa mga may arrest waran
06:23kaugnay sa anomalya sa flood control projects.
06:26Detalya tayo sa ulit on the spot ni June Veneracion.
06:29Connie, dalawang opisyal ng San West at isang opisyal ng DPWH
06:39ang nanasalabas ng bansa ang inaasahang susuko sa Imbahada ng Pilipinas.
06:44Sa ngayon, walong akusado sa flood control anomaly ang hawak na ng maotoridad.
06:50Isa ang sumuko si Gerald Pacanan, na Regional Director ng DPWH, Samima Ropa.
06:55At pito ang arestado ng PNP at NBI sa mga personalidad na may warrant of arrest
07:00sa Sandigan Bayan, kaulay ng anomalyang flood control projects sa Oriental Mindoro.
07:06Sa walong pinagahanap, apat ang nasa lablas ng bansa,
07:09kabilang si dating Congressman Zaldico.
07:11Sabi ni Interior and Local Government Secretary John Vic Remulia,
07:15maliban kay Ko, nagpahayag na ang tatlong akusado na nasa lablas ng Pilipinas
07:19na susuko sila sa mga Imbahada natin sa mga bansa kung saan sila nandoon.
07:23Sabi naman ni Remulia na meron silang impormasyong may isa pang pasoporte na ginagamit si Ko.
07:29Hindi lang daw malinaw sa ngayon kung ito ay nasa ilalim din ng kanyang pangalan.
07:33Inaasahan ni Remulia na meron ang lalabas sa red notice mula sa Interpol laban kay Ko.
07:39Sa mga pinagahanap pa, nagbabala si Remulia na kahit saan sila mapunta ay hahabulin sila.
07:45Mabuting sumuko na lang daw sila dahil kapag nagka manhunt operation na,
07:49ay hindi niya magagaransyahan kung ano ang magiging resulta.
07:52Kinumpirman ni Sekretary Remulia na pagmamayari ng Vice Mayor ng Bansud Oriental Mindoro
07:58ang bahay kung saan nahuli kahapon si DPWH Official Dennis Abagon.
08:04Inaalam pa nila ang sirkomstansya kung paano napunta sa nasabing bahay si Abagon.
08:10Wala pang pahayag ang binanggit na opisyal.
08:12Ayon naman kay DPWH Sekretary Vince Tison, simula pa lang ito at marami pa ang kaso ang susunod at marami pa ang maaaresto.
08:22Yan ang latest mula rito sa CAM CRAME. Balik sir Connie.
08:25Maraming salamat, June Veneracion.
08:27Kaugnay sa pagbabantay ng Bureau of Immigration sa mga individual na kinasuhan dahil sa anumalyas sa flood control projects,
08:35kausapin natin si Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval.
08:39Magandang umag at welcome po sa Balitang Hali.
08:43Bala lahat sa inyo.
08:44Kapag mula po yung pagbabantay at monitoring ng Bureau of Immigration sa mga individual na ipinapaaresto dahil sa pagkakasangkot sa mga anumalyang flood control projects?
08:52Yes, doon sa 16 po na individuals na included doon sa Ligtahan ng Sabi ng Bayan na warrants of Arrest.
09:01Na-monitor po natin na apat po sa kanila ay outside the cantina po,
09:06including four congressmen dahil di ko na nakaalis po earlier bago po ilabas itong warrants of Arrest.
09:15Pag sila po yung nasa labas na ng bansa, meron ho bang paraan ang BI para matuntun kung nasaan po sila?
09:22Since they are Filipinos po, hindi po ito magpo-fall under the jurisdiction of the BI.
09:28It would fall under the jurisdiction po ng ating law enforcement agencies, including PNC and NBI.
09:35Sila po ang tumutugis, ito po sa mga individual na ito.
09:39Tumutulong po ang BI sa pagkalag po sa intelligence information.
09:46Kasi naman po namin ibinapaton sa law enforcement.
09:49May informasyon ba kayo mula sa inyong mga foreign counterparts kung nasang bansa ngayon si Zaldico?
09:55At iba pang nasa abroad, sabi po ng DILG?
09:58Nakikipag-ugnayan po kami sa kapulisan po tungkol dito sa informasyon na ito.
10:04Although meron po tayong mga ilan na nakukuha ng information,
10:08we are verifying it po and forwarding the information to the PNC.
10:13Mula po nung makarating sa inyong listahan, may mga nagtangka na po bang lumabas?
10:18So far, wala pa po apart from the four that are already out of the country.
10:23At paano po yung koordinasyon kung sakaling mangyari po ito at may magtangka na lumabas,
10:27kung hindi man sa ating mga ports at airports ay sa tinatawag na backdoor?
10:31Yes, kung sila po ay mag-attempt na umalis doon po sa ating mga format na paliparan at international na pagpalan,
10:40ito po ay nasa ating centralized database.
10:43So agad po namin, agad po ma-encounter at pakikita po ito ng ating mga immigration officer.
10:49Once makita po mag-tag yung tao na siya po ay yung wanted dito po sa case na ito,
10:57i-inform po agad ang kapulisan para ang punis po ang mag-implement ng arrests doon po sa mga individuwan.
11:05At in the case naman po, often sa mga tinuturin natin na illegal migration corridor or backdoor,
11:12ito po ay binabantayan ng local government at saka ng kapulisan po, as well as the coast guard.
11:19At so far po, nakikita po natin, mukhang binabantayan naman po nila ng maigi itong mga areas na ito
11:25para hindi po magamit para sa pagtawid-daga.
11:29May pananag-doton ho ba yung mga posibleng tumulong sa mga ito para makalabas ng bansa?
11:35Definitely po. Kung merong illegal po na pamamaraan sa paglabas ng bansa,
11:40definitely there are criminal cases waiting for them kung whatever pamamaraan po ang ginamit
11:46para illegal po na umulis sa bansa ang mga sasak.
11:49At kung sa kasakali pong gamitin nila yung ating mga opisyal na dokumento ng Pilipinas
11:53at ma-flag ika nga sa ibang bansa, sakali lang, na hindi ito ma-detect sa atin,
11:58pero na-flag ito sa ibang bansa, automatic kung bang inire-report ito ng ibang bansa sa atin?
12:04Not necessarily po. It would depend kung ano po yung agreement.
12:08If there is an Interpol notice na in-initiate po ng ating local law enforcement,
12:14maaari pong matulungan tayo ng Interpol na ibalik po ito sa Pilipinas.
12:17Kung halimbawa naman po, bakal sila ang kanilang mga pasaporte,
12:22ang immigration naman po doon sa bansa kung nasaan sila,
12:27ay ida-deport sila for being undocumented.
12:30So iba-iba po yung paraan na maaaring gamitan,
12:33iba-iba yung ruta na maaaring gawin ng ating law enforcement agencies.
12:38But essentially po, it would actually need to have them return to the Philippines
12:44for them to face the case.
12:45Yung sinasabi niyo pong pag-ubantay sa backdoor,
12:49paano po ito kapag hindi nila ginamit yung kanilang opisyal na dokumento
12:53at mag-disguise po sila at hindi na sila dumaan sa mga immigration officials?
13:00Kung hindi po sila dumaan sa ating mga pali,
13:03parang hindi po po masagot because it's covered by the local government units
13:07and the police and the post guards.
13:10Pero ito naman po ay kasama rin sa mga lookouts nila.
13:13And primarily, this is a police matter
13:17dahil mga Pilipino po ito na mayroong sinakaharap na kaso.
13:21Naniniwala po tayo na maising ang pagbabantay po
13:24ng ating mga kapulitan dyan po sa southern borders po natin.
13:27Okay. Patuloy po kami tututok sa balitan ito.
13:29Maraming salamat po sa oras na ibinahagin niyo sa Balitang Hali.
13:33Of course. Salamat po. Magandang araw.
13:36Maraming salamat po, Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval.
13:38Sa ibang balita, isang dati umanong polis ang arestado.
13:48Matapos umanong mamaril at manakit na magkapatid sa Maynila.
13:52Balitang hatid ni Bea Pinlak.
13:53Dumaplis sa ulo ng lalaking niyan ang bala mula sa pinaputok na baril
14:00ng nakaaway niyang dati umanong polis.
14:03Ang kuya naman ang biktima,
14:05pinalo rin umanong ang baril sa ulo ng 45 anyos na suspect.
14:09Ayon sa polisya,
14:10nag-aayos ng motor sa barangay 93, Tondo, Maynila,
14:13ang magkapatid na biktima
14:15nang biglang dumating ang suspect.
14:17Ang galit, meron daw binato na pinitik na sigarilyo
14:21saka doon sa ating victim number one
14:23na tinamaan ng sigarilyo.
14:26Nagkasagutan daw ang suspect
14:27at isa sa mga biktim ang tinamaan ng sigarilyo.
14:30Hanggang sa bumunot na raw ng baril ang suspect.
14:33Itinutok niya doon sa ating victim.
14:36Pinutok niya,
14:37buti na lang nakaiwas si victim
14:38so kaya nadaplisan siya sa bandang ulo.
14:41Nakita nung kapatid,
14:42inagaw yung baril.
14:45Pero naiiwas ang kamay,
14:46pinalo naman sa ulo niya ni victim number two.
14:49Nagkaroon sila ng pambunog,
14:50nagpagulong-gulong daw sila sa kalsada.
14:53Kalaunan,
14:54nabitawan ng suspect ang baril.
14:56Ayon sa barangay,
14:57ang pinag-ugatan ng krimen,
14:59dating away kapit-bahay
15:01na nauwi sa panununtok sa suspect
15:02ng isa sa mga biktima.
15:05Legendally,
15:05based doon sa verbal na sinabi ng ating suspect,
15:09meron daw ng gulpi sa kanya
15:10a day before na magkaroon sila
15:12ng argument ng ating biktim.
15:15Nung nando na kami,
15:18hindi ko malimutan
15:19yung ginawa mo kahapon,
15:22yung pagsuntok mo sa akin,
15:24kasi bumagsas eh.
15:26Sinubukan pa raw awati ng barangay ang gulo,
15:29pero nauwi na ito sa pamamaril.
15:31Siguro,
15:33na-trigger siya nung tinitigas siya.
15:36Doon na nagsimula.
15:36Minunit niya yung baril,
15:43tinutok niya.
15:45Na-recover ang baril na ginamit ng suspect.
15:48Ayon sa pulisya,
15:49nakapangalan umano ito sa tatay niya
15:51at 2017 papaso ang mga dokumento.
15:55Inaalam pa ng mga otoridad
15:56kung totoong dating polis ang suspect.
15:58Ongoing yung request
16:00para magkaroon ng records
16:01sa kanyang dismissal.
16:03Nasa kustudya siya ngayon
16:04ng Rahabago Polis.
16:06Reklamong attempted murder,
16:08physical injuries
16:09at illegal possession of firearms
16:11ang isinampa laban sa suspect.
16:13Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
16:15Bea Pinlak,
16:16nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Recommended
14:59
6:00
10:44
14:15
10:39
8:10
9:45
12:04
9:49
13:28
11:55
12:17
16:45
7:55
16:58
14:10
6:38
9:01
16:01
48:31
Be the first to comment