00:00Samantala, dumako naman po tayo sa Cordillera Region na kabilang din sa mga nakatutok ngayon sa inaabang ang ikaapat na Sona ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Junior.
00:11Iaatid sa atin yan ang ating kasamang si Janice Dennis ng PTV Cordillera Live.
00:18Janice!
00:20Ala na maulang hapon dito nga sa Baguio City ay nararanasan ang matinding pagulan at malakas na hangin,
00:27dulot pa rin ng habagat. Ngunit gayon pa man, yung mga kababayan natin dito sa Baguio City may mga kahilingan para sa Sona ni President Ferdinand R. Marcos Junior.
00:40Mahigit labing limang taon nang nagsasaka si Manong Anton sa Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet.
00:47Sa nagdaang bagyong emong, lumubog sa baha ang mga pananim niyang strawberry.
00:52Anya, hindi na niya mababawi ang kanyang labing limang libo na puhunan kaya naman mangungutang ulit siya.
01:01Dahil dito, nananawagan si Manong Anton sa Pangulo na tututukan ng pamahalaan ang pagpapalakas ng sektor ng agrikultura,
01:11lalo na sa bingget kung saan nagmumula ang malaking supply ng gulay sa bansa.
01:15Sana yung financial support kasi etong nangyari sa amin na na-flood tong strawberry farm, halos yung tanim namin nasira.
01:25Si Manong Delia naman na labing tatlong taon nang nagtitinda rin sa strawberry farm, pagbaba pa ng presyo ng bilihin ang panawagan.
01:34Baka pwedeng babahan ng mga bilihin, hindi masyadong maraming binta kasi wala pong turista.
01:41Ang senior citizen na si Nanay Estrilita, hiling niya na sana ipagpatuloy ni President Marcus Jr.
01:48Ang programang 20 bigas meron na.
01:52Ngayong Hulyo nang inilunsad sa Baguio City ang programa na malaking tulong sa kanya.
01:58Lalong-lalo na at malaki ang gastos niya sa gamot dahil sa hypertension.
02:03Ngayong po na may 20 bigas para sa lahat, sana magtuloy-tuloy po ito.
02:10Samantala, si Manong Crisanto na nagtatrabaho sa isang kainan sa Baguio City, kumikita lamang ng mahigit limang daan kada araw.
02:19Sana po lahat po ng mga empleyado sa Pilipinas na inaing nila tulad po ng mga dagdag-sahod, yung mga bilipisyo, sana mapag-ibigay po yan.
02:28Sa sektor naman ng transportasyon, 20 taon ng jeepney driver si Tatay Charles sa Baguio City.
02:37Kada araw, 1,500 pesos ang kanyang nakukolekta sa pamamasada.
02:43Pero malaking porsyento ang binibigay niya sa kanyang operator.
02:47Apektado ang kanilang kita dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
02:54Kaya ang hiling niya?
02:55Gusto ko lang makuha kay Mr. President kung pwede, maibaba ng kunti yung crudo para naman na mayroong pagkakitaan.
03:07Sa ngayon nga ay inaantabayanan ng mga kababayan natin dito sa Baguio City at Benguet ang SONA ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
03:20At umaasa sila na sana ay matugunan ang kanilang hiling at may maibigay na solusyon para sa kanilang mga hiling.
03:27Para sa SONA 2025 ng Integrated State Media, Janice Dennis ng PTV.
03:34Maraming salamat, Janice Dennis ng PTV Cordillera.