Skip to playerSkip to main content
Hanggang limang oras na naipit sa traffic ang ilan na dumaan sa Marcos Highway at mga karugtong na kalsada nitong unang weekend ng Disyembre. Kaya pinag-aaralan doon ang pagbubukas ng mga subdivision sa trapiko. Sa EDSA naman, may pagsisikip ng trapiko kahit ngayong holiday.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang limang oras na naipit sa traffic ang ilang dumaan sa Marcos Highway at mga karugtong na kalsada nitong unang weekend ng Desyembre.
00:10Kaya pinag-aaralan doon ang pagbubukas ng mga subdivision sa trafico.
00:14Sa EDSA naman, may pagsisikip kahit ngayong holiday.
00:18Ang latest tinutukan live ni Sandra Aguinaldo.
00:21Sandra!
00:23Kamusta na traffic ngayon?
00:24Yes, Vicky, partida nga eh holiday ngayon pero may bahagya pong pagbagal ng daloy ng trapiko sa bahagi ng North EDSA.
00:37Doon po yan sa parte ng tatlong magkakatabing mall at saka dalawang malaking hotel.
00:43Pero Vicky, kanina alas 4 mas malala pa yan.
00:46Aming nasaksihan po na umabot yung pagbagal ng daloy ng trapiko hanggang doon sa parte ng Quezon Avenue.
00:53Papunta nga po sa lugar na ito.
00:56Pero ganun pa man, eh masasabing wala ito sa kalingkingan ng dinanas ng ating mga kababayan sa Marcos Highway nitong nagdaang Sabado.
01:08Kumukutitap na naman ang kahabaan ng Marcos Highway nitong Sabado.
01:12Dahil sa mga sasakyang halos hindi gumagalaw.
01:15Biruan man sa social media na mukha silang Christmas lights,
01:19panira ito sa Christmas feels sa mga naipit sa trapiko.
01:23Hindi lang sa highway kundi sa mga karugtong na kalsada tulad ng C5, Katipunan at Aurora Boulevard.
01:30May mga inabot pa umano ng limang oras sa kalsada.
01:34Sabi ng MMDA, merong apat na road crash at dalawang nasirang truck na nakapagpatraffic sa Marcos Highway noong rush hour ng Sabado.
01:44Bukod pa yan sa dami ng mga sasakyan noon at pagkaimbudo nila sa mga U-turns sa highway.
01:49We invited the traffic engineering team of MMDA tomorrow para aralan yung pagbubukas ng mga intersections sa mga lugar na yan,
02:00magkaroon ng iba pang traffic scheme.
02:03Kakausapin din ang mga subdivision doon para sa posibleng pagbubukas ng kanila mga village gates sa mga sasakyan.
02:09During take hours, if the private subdivision is can accommodate, especially kung magkakatabi at magkakadugtongan lang naman yung mga area.
02:22Problema rin ang mga pampasayarong sasakyan na nagbababatsakay sa bawal na lugar gaya sa bahagi ng ligaya sa Marcos Highway na nasumpungan pa rin kanina.
02:33Pino na rin ito ang mga e-track at mga habal-habal na bawal sa highway at babantayan ang mga truck na hindi sumusunod sa truck ban.
02:42Ngayong holiday, masasabing maluwag ang daloy ng trapiko kumpara sa ordinaryong araw.
02:48Pero may build-up pa rin ang mga sasakyan malapit sa mga mall sa EDSA gaya sa bahagi ng Mandaluyong.
02:55Panulukan ang EDSA Quezon Avenue at panulukan ang EDSA North Avenue.
03:01Pinangangambahang lumala ang traffic sa Metro Manila habang papalapit ang Pasko dahil sa mga mall.
03:06Dalawamput siyam sila sa EDSA pa lang.
03:09131 naman ang mall sa buong Metro Manila.
03:12Kaya matinding koordinasyon ang kailangan, sabi ng MMDA.
03:16Kikipag-ugnay namin sa mga mall operators na kung sakaling may mga mall-wide sale during weekends,
03:24e dapat ma-inform nila kami at maibigay nila yung kanilang traffic management plan at least two weeks before yung mall-wide sale na event nila para makatulong din ko kami.
03:37Vicky, bukas naman ay pupulogin po ng MMDA, ang mga local government ng Marikina, Pasig, Cainta po.
03:49At ito po ay para daw po maghanap ng solusyon sa traffic.
03:54Vicky?
03:54Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended