Skip to playerSkip to main content
Pagod nang maging mandirigma ang mga commuter na araw-araw naiipit sa traffic, lalo na pag bumabaha! Kaya nakaabang nang pumara ang marami sa mga proyektong pantransportasyon na pinagugulong ng gobyerno. Sa ano ba sila nadidiskaril at aabot ba sa finish line?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagod ng maging mandirigma ang mga commuter na araw-araw na iipit sa traffic, lalo na pag bumabaka.
00:18Kaya nakakabang ng pumara ang marami sa mga proyektong pang-transportasyon na pinagugulong ng gobyerno.
00:25Saano ba sila nadidiskaril at aabot pa ba sa finish line?
00:29I-mayin natin sa Sona Special Report na tinutukan ni Joseph Moro.
00:47Araw-araw, dalawang oras ang biyahe ng estudyanting si Yvette mula ka Laocan kung saan siya nakatira hanggang sa eskwelahan niya sa Maynila.
00:55Pag traffic, minsan umabot pa tatlong oras. Nakakapago din yung biyahe.
01:00Papunta pa lang yan. Ang biyahe ni Yvette, walumpong oras kada buwan o lampas tatlong araw sa isang buwan o sa isang taon, 40 days.
01:10Kung umaanda ng araw sana ang MRT7 na ginagawa dito sa may fairview sa Quezon City.
01:16Kasi tuloy-tuloy eh. Kumbaga yung hihintuan ko from ano na eh, parang point to point na.
01:25Nasasayangan din sa oras ang security officer na si June na sa East Avenue sa Quezon City naman ang baba.
01:31Mas mabilt siyan sir kasi alam mo naman na stress yun lang yan ang biyahe niyan eh.
01:35It is clear in my mind that railways offer great potential as it continues to be the cheapest way of transporting goods and passengers.
01:45My order to the Department of Transportation or DOTR is really very simple. Full speed ahead.
01:53Isa ang MRT7 sa mga programang imprastruktura na inutos ni Pangulong Marcos na pagtuunan ng pansin sa kanyang unang zona.
02:03Kasama na ang North-South Commuter Railway Project o NSCR, Metro Manila Subway, LRT Line 1 Cavite Extension,
02:12at ang Unified Grand Central Station na magkukonekta sa LRT Line 1, MRT3 at MRT7.
02:18Dito sa depo, nakaabang na ang lampas isandaan na mga bagon ng MRT7 at kapag natuloy na ang operasyon na ito sa inisyal na biyahe,
02:28yung isang tren na may tatlong bagon kayang magsakay ng lampas isang libong mga pasahero.
02:34Isang MRT7 sa mga proyekto na magkakaroon daw ng partial operations sa taong 2027 ayon sa Department of Transportation o DOTR.
02:44Dalawamput-dalawang kilometro ito ng riles ng tren na mula sana sa San Jose del Monte, Bulacan hanggang sa North Avenue Station sa Quezon City.
02:54Approaching North Avenue Station.
02:57Ganito yung lapad nitong bagon nitong MRT7 at halos katulad ito ng mga bagon ng LRT Line 2
03:05at mas malapad ito dun sa mga nakasanayan natin na bagon ng MRT3 at LRT Line 1.
03:11Isa-isa nang nabubuo ang labing apat itong istasyon tulad sa batasan sa Quezon City.
03:17Pero ayon sa DOTR, labing dalawa munang istasyon mula sa Sacred Heart hanggang sa North Avenue Station
03:23ang mapapatakbo sa 2027 dahil nagka-problema sa right-of-way sa San Jose del Monte, Bulacan.
03:30Yung natitirang stasyon, pipigitin natin tapusin yan by 2028. Pero baka dulo na ng 2028.
03:37Sa 2027, magiging fully operational rin ang Unified Grand Central Station sa Quezon City.
03:45Nung isang taon naman, umandar na ang Phase 1 ng LRT Line 1 Cavite Extension.
03:51Pero nakabinbinpanda ito nitong istasyon dahil sa issue rin sa right-of-way na nasolusyonan naman na daw.
03:57Susubukan daw na ma-operate ang Las Piñas at Support Station bago matapos ang termino ng Pangulo.
04:03Kung may pinaka-aabangan ang publiko ng infrastructure project, ito na marahil ang Metro Manila Subway Project
04:10na kaya magsakay ng lampas kalahating milyong pasahero araw-araw mula Valenzuela hanggang na Ia Terminal 3.
04:19Ininspeksyon ni DOTR Secretary Vince Dizon ang North Avenue Station na lampas 50% na ang nabubutas patandang Sora Station.
04:27Dito, kita na ang forma ng magiging istasyon.
04:32May mga kontrata na ang mula Valenzuela hanggang Shaw Boulevard.
04:36Pero ngayon taon pa lamang maia-award ang mga kontrata para sa mga istasyon mula sa Kalayaan Avenue hanggang na Ia Terminal 3.
04:44Nabalam ang proyekto dahil sa mga issue rin sa right-of-way lalo na sa mga bahaging may pribadong subdivisyon at mga matataas na gusali.
04:522032, matatapos ang buong proyekto pero sa 2028 daw.
04:59Yung Quirino Avenue, yung Valenzuela, matatapos natin na.
05:03Sa 2032 rin maaaring matapos ang NSCR na may 35 stations mula Kalamba sa Laguna hanggang sa Clark sa Pampanga.
05:12Pero sa 2027, papaanda rin na raw ang mula Valenzuela hanggang sa Malolos sa Bulacan.
05:18Anong mula Kalamba hanggang sa Alabang.
05:21Yan ang medyo matagal yan, mga bandang 2032 pa yan.
05:26Para sa Philippine Institute for Development Studies o PIDS, patya-patsya raw at tila walang master plan ang mga proyekto.
05:33Right from the start, hindi commuter-centric kasi yung planning.
05:39Hindi nako-consider talaga yung commuter experience.
05:43It's true. Doon tayo tingin ko nagkurang ng plano.
05:46Sa connection, yung mga magigingit na connection.
05:49Ang issue sa transportasyon, pinapalala ng pagbaha.
05:55Ayon sa Department of Public Works and Highways, ang solusyon nila dyan,
05:59ang Metro Manila Flood Control Project na magsasamoderno ng drainage system
06:03at ang Pasig Marikina River Channel Improvement Project para maiwasan ang pag-apaw ng mga ito.
06:09Noon sa Upper Marikina River, we are actually in the process of constructing yung other engineering interventions there,
06:17like yung Marikina floodgate structure that will actually temporarily impound some of the floodwaters
06:28or i-divert muna ng konti sa Laguna Lake.
06:34Pinag-aaralan na rin daw ang paggawa ng mga dam na sasalo sa mga tubig na umaagos mula sa Sierra Madre.
06:41Ang mga commuter tulad ni Yvette, umaasang matatapos ang mga proyekto.
06:46Di ba, ang tagal na, sabi maayos na, pero until now, wala pa rin, puro delay.
06:51Does it matter that it's going to finish ang Indiana Marcos administration?
06:55Eh, po, hindi naman tayo na-high eh. Ang sabi naman ni Pangulong Bongbong Marcos,
07:00ang importante lang, lahat ng kaya nating gawin ngayon, magawa na natin.
07:04Para tuwi-tuwi na, konti na yan.
07:06Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
07:16Pag-aaralan na rin.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended