00:00Ngayong unang Biyernes ng Disyembre, may mabibili ng puto bumbong at bibingka sa paligid ng Quiapo Church sa Maynila.
00:07Ang mga debotong nagsimba, ibinahagi ang kanilang Christmas wish para sa bansa.
00:12May unang balita si Jomer Apresto.
00:17Dinagsa ng mga debotong ngayong unang Biyernes ng buwan ng Disyembre ang Quiapo Church.
00:21Ramdam na rin ang diwa ng Pasko sa paligid ng simbahan.
00:25May ilan ang nagbebenta ng puto bumbong at bibingka.
00:28Naabutan pa namin sila na naghahanda ng mga sangka para dire diretsyo ng kanilang pagluluto.
00:33Mabibili ng 70 pesos ang puto bumbong at nasa 100 pesos naman ang bibingka.
00:38Magang nagpunta sa simbahan ng mga deboto ng Pong Jesus Nazareno.
00:42Ang 64 years old na si Tatay Rolando, alas 4 pa lang ng madaling araw, nagbebenta na ng Sampagita sa labas ng simbahan.
00:4949 years na raw siyang nagbebenta nito pero iniinda niya ngayon ang matas na puhunan sa Sampagita
00:54na tumaas daw ng mahigit 500 pesos mula pa noong Oktubre.
00:58Ang 76 years old naman na si Lolo Antonio galing pa raw ng Valenzuela.
01:16Mahigit tatlong buwan pa lang daw nang bumalik siya sa pagsisimba sa Quiapo tuwing unang biyernes ng buwan matapos sumailalim sa operasyon.
01:23Ipinagpapasalamat niya raw sa Nazareno ang himala na nakaligtas siya sa panganib.
01:27May Christmas wish din siya para sa bansa.
01:30Sana medyo mababa ang buhay ko at sa publiko naman para sa akin.
01:36Sana, kasi ang tingin ko parang hindi tayo nakakaintindihan.
01:41Sana magkaintindihan na yung mga nasa gobyerno.
01:45Ibinahagi niya rin sa amin na nagpaparal pala siya ng mga batang hindi naman niya kamag-anak.
01:50Dalawa raw sa kanila ay nakatapos na ng kolehyo at nagtatrabaho na.
01:53Bahagi raw ito ng kanyang pasasalamat sa may kapal.
01:56At bumabalik naman sa akin ng tulong.
01:59Dalo na ako yung magkasakit, pinulungan naman nila ako.
02:02Eh, talagang naaawa ako sa mga bata.
02:04Ako naman din, mga mayaman ako eh.
02:06Talaga lang siguro ako na gusto kong makatulong.
02:10Napakasaya dahil nakatulong ako sa isang tao o mga batang nakapag-aral.
02:15Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:21Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:24Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments