00:00This is the end of the video.
00:30Good morning. Malawag pa naman yung sitwasyon dito sa Balintawak Tall Plaza ng North Luzon Expressway ngayong umaga.
00:38Inaasaan na pamunuhan ng NLEX ang dagsa ng mga motorista na pauwi sa kanilang mga probinsya para sa undas mamayang hapon hanggang sa umaganan ng Sabado, November 1.
00:47Inaabisuhan ng mga motorista na siguraduhin na sapat ang load ng kanilang RFID accounts para iwas-abala.
00:53Kung walang RFID sticker, may mga links naman na maari magbayad ng cash.
00:56Nagdagdag na rin ang NLEX na mga nakadeploy na traffic, toll at emergency personnel.
01:01Suspendido lahat ng road work simula kahapon hanggang sa November 3, maliba na lang sa mga emergency repairs.
01:07May free towing service din para sa mga Class 1 vehicle sa pinakamalapit na exit mula alas 6 ngayong umaga hanggang alas 6 ng umaga sa November 3.
01:17Kaninang madaling araw, may ilan na tayong mga kababayan na maagang bumiyahe para raw makaiwa sa inaasahang traffic sa expressway.
01:23May mga nakausap ako na patungo sa La Union, Ilocos Norte at Pangasinan.
01:28Susulitin na raw nila ang long holiday weekend.
01:30Sa madalaigan, ito po yung live na situation ngayon dito sa Balintawak, Toll Plaza ng North Amazon Expressway.
01:36Nakikita nyo na nagkakaroon ng pila.
01:38Yan yung mga walang RFID sticker at kinakailangan magbayad ng cash.
01:42Karaniwan dito yan sa may gawing kanang bahagi nitong Toll Plaza.
01:46At nakita natin na nagdagdag na rin nga ng personal itong pamunuan ng NLEX dahil nga po doon sa inaasahang dagsa ng mga motorista dito sa expressway.
01:55Ang latest na sitwasyon dito po sa NLEX mamaya sa update natin alas 7 ng umaga sa unang balita.
02:01Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
02:04Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
02:16Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Comments