00:00Stable na trabaho, magandang kalusugan at makapagtapos ng pag-aaral.
00:05Ilan lang po yan sa mga gustong patutukan ng ilang Pilipinos sa gobyerno.
00:09Live mula sa Quezon City, may unang balita with James Agustin.
00:13James, good morning.
00:18Maris, good morning.
00:19Pagpapataas sa sahod ng mga magagawa at pagpapababa doon sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin.
00:24Ito daw yung mga dapat tugunan ng gobyerno ayon doon sa mga nakausap natin dito sa FELCOA.
00:29Ang kanilang sagot tumutugma naman sa resulta ng isang survey.
00:37Maaga naghihintay na masasakyan sa FELCOA ang tower crane operator na si Errol na papasok sa kanyang trabaho sa Makati City.
00:44Daladala niya ang ilang damit dahil stay-in siya sa kanyang trabaho para makatipit.
00:48Para sa kanyang unang dapat tugunan ng gobyerno ang pagpapataas sa sahod ng mga magagawa.
00:52Tasa na ang suyeldo.
00:54Yan lang.
00:56Babayong mabiliin kasi sobrang mahal talaga.
00:59Paano ang diskat na pag-inakawa niyo?
01:03Titipid na lang po.
01:05Ganyan din ang pananaw ng security guard na si Pablo.
01:08Kumisan kinakapos daw talaga ang kita kahit anong paghihikpit ng senturot.
01:12Una-una, ma-increpan yung sahod ng mga gawa.
01:16Bakit?
01:17Sa kapos na sa taas ng bilihin, hindi kasi yung tinikita.
01:23Magising ka ng madaling araw, mamasahe ka pa ng malaking halaga.
01:26Diba? Wala na natira sa sahod mo.
01:29Tugma ang mga hinaing na yan sa naging resulta ng tugon ng masa survey ng Okta Research
01:34na isinagawa noong fourth quarter ng 2025.
01:37Sa tanong na kung anong issues ang dapat tinutugunan ng gobyerno,
01:40pinakamarami ang nagsabi na nararapat na itaas ang sahod ng mamanggagawa.
01:44Sinundan niya ng pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilhin at serbisyo,
01:49sapat na supply ng pagkain, pagsugpo sa korupsyon sa gobyerno,
01:52at libring edukasyon.
01:55Pasok naman sa top five urgent personal concerns sa mga Pinoy ang pananatiling malusog
01:59at pag-iwas sa sakit.
02:01Sumunod ang makapagtapos ng pag-aaral o makapagpaaral ng mga anak,
02:05sapat na pagkain araw-araw, matatag at maayos na kita,
02:09at pagnanais na hindi mabiktima ng krimi.
02:11Dalawa sa mga nabanggit ang inaalala ni Ginger na isang government employee.
02:16Dapat magkaroon po ng stable na trabaho,
02:19tsaka maging healthy.
02:23Kasi syempre, sa panahon ngayon, lalo na laging may virus yung mga sakit na naman na kumakalat,
02:33so dapat maging healthy lang po talaga.
02:36Kung ang third-year college student na si Krisa naman ang tatanungin,
02:39makapagtapos po ng pag-aaral para po makatulong din po sa mga magulang ko.
02:45Isinagawa ang survey noong December 3 to 11, 2025.
02:49Sa bumagitan ng face-to-face interview sa 1,200 respondents,
02:53may margin of error ito na plus minus 3%.
02:56Samantala, Maris, ayon pa sa Okta Research,
03:03yung naging resulta doon sa tanong na kung ano ba yung mga bagay na dapat tinutugunan ng gobyerno
03:07ay parehas doon sa resulta na naging survey noong ikalawa at ikatlong quarter ng 2025.
03:14Yan na unang balita mula po rito sa Quezon City.
03:16Ako po si James Agustin para sa JMA Integrated News.
03:18Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:22Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments