Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Apektado ng madalas na pagulan ang bentahan ng gulay.
00:11Inaasahan ng mga tindera na tataas ang presyo ng ilang gulay.
00:14Ang iba naman na madaling masira, ibinaba ang presyo para maibenta na agad.
00:19At live mula sa Maynila, mayun ang balita si Bea Pintlap.
00:23Bea!
00:27Marius, good morning.
00:28Tuwing umuulan o tuwing tagulan, inaasahan nga ng mga nagtitinda ng gulay na tataas ang presyo.
00:35Pero ayon sa mga nagtitinda ng gulay dito sa Blooming Treat Market sa Maynila,
00:38napipilitan pa silang iba ba ang benta nila kapag naapektuhan na ng ulan ang kalidad ng gulay nila.
00:47Malakas na ulan ang bumungad sa mga nagtitinda sa Blooming Treat Market sa Maynila kaninang madaling araw.
00:53Kanya-kanya silang diskarte para maisilong ang mga paninda nila.
00:56Pero ang ilang tindang gulay, hindi na nailigtas at nabasa na ng ulan.
01:01Tuwing tagulan, inaasahan na raw ng mga tinder at mamimili ang taas presyo sa gulay.
01:06Gawa ng yung ibang patong-patong at saka yung pagkarga, syempre umuulan, matrapik.
01:17Kung halimbang tumaas ang kuha namin, papatong lang kami kahit konti lang.
01:21Konting patong, pwede na.
01:23Pagka po na ulanan, maganda ang gulay din kasi nga sumasariwa kaya lang tumataas.
01:28Problema rin daw nila ang mabilis na pagkasira ng ilang gulay tulad ng repolyo kapag maulan ang panahon.
01:34Iba kasi ang tubig ng ulan eh, kesa sa tubig na natural lang.
01:38Kailangan hahabulin mo rin yung punan mo kahit nadulogin ka na, bigay mo na lang sya para yung magiging pera kasi itatapon mo.
01:49Tinutumpok na lang po namin pagpagano.
01:51Binibigay na namin pagka kahit sa mababang presyo para at least magiging pera.
01:58Ang mga mamimili naman, todo check sa kalidad ng gulay na binibili nila.
02:02Hindi po mawawala talaga yung nasisira kasi katulad po yung mga repolyo, mga anong pagka po nabasa talaga yan, nasisira talaga.
02:09Nakakatawad naman po.
02:10Sa Benguet, maraming magsasakang napilitang anihin ng kanilang mga pananim.
02:15Daing ng isang nagtitinda sa La Trinidad Vegetable Trading Post, halos palugi na raw nila ibenta ang panindang repolyo.
02:22Matumal din daw ang bentahan ng gulay sa Metro Manila dahil sa pagulan.
02:26Sa Blooming Treat Market sa Maynila, nasa 60 pesos kada kilo ang repolyo.
02:32Abot naman ang 80 pesos ang kada kilo ng talong.
02:35140 pesos sa sibuyas at bawang at 60 pesos naman sa kamatis.
02:40Ang carrots naglalaro sa 80 to 100 pesos.
02:44180 pesos naman sa broccoli at 200 pesos sa cauliflower.
02:48Maris, sa ngayon, wala pa naman daw gaanong paggalaw sa presyo ng gulay dito sa Blooming Treat Market.
03:02Ang inaasahang taas presyo sa gulay ngayong tag-ulan ay nakatebende raw sa mga supplier nila.
03:08At yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
03:10Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
03:13Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:16Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended