Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsimula na ang paglilinis sa mga sementeryo sa Pangasinan bilang paghahanda sa Undas 2025.
00:06May mga pwede rin kontratahin para maglinis at magpintura sa mga puntod.
00:10May unang balita live si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:14Sandy!
00:18Iba, narito tayo ngayon sa Roman Catholic Cemetery sa Kalasyao, Pangasinan
00:23at sa mga oras na ito ay patuloy ang pagdating ng mga bisita,
00:26ganyan din ng mga tagalinis ng mga puntod.
00:30Alas 6 pa lang ng umaga, nakaantabay na ang 34 anyos na si Rogelio sa bukana ng Roman Catholic Cemetery sa Kalasyao, Pangasinan.
00:42Nagihintay siya ng mga bibisita sa sementeryo na pwede niyang kontratahin na magpapalinis ng nicho ng kanilang mga yumaumahal sa buhay.
00:50Pag may nakita kami ng mga taong pumapasok rito, ito sa buwan namin, magpapalinis kayo, sir.
00:5516 years na raw itong ginagawa ni Rogelio tuwing Undas.
00:58Katunayan, meron na siyang permanenteng kontrata sa labing isang nicho roon na lagi niyang nililinisan kahit hindi Undas.
01:06Nasa 300 hanggang 700 pesos ang singil niya sa kada nicho depende sa laki.
01:11Meron na kaming kukontratahin dyan, ilinisan namin, pipinturaan namin.
01:19Pagkatapos po namin nalinisan, kukuhawal kami ng panibago na namin nalinisan.
01:25Nakaantabay na rin si Marites sa sementeryo.
01:28Nagtitinda siya ng mga bulaklak at kandila.
01:31Naglalaro sa 120 hanggang 200 pesos ang presyo ng bulaklak.
01:3520 hanggang 35 pesos naman sa kandila.
01:38Unti-unti raw na daragdagan ang bilang ng mga nagpupunta sa sementeryo mahigit isang linggo bago ang Undas.
01:44Last week po, sir, medyo konti pa pero ngayon po marami na po.
01:54Ivan, inaasahan na maglalabas ng traffic rerouting ang Kalasyao po so upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko pagdating ng Undas.
02:03Inaasahan na rin na maglalabas ng operation plan ang Kalasyao PNP upang matiyak ang malinis, tahimik at mapayapang pagunita ng Undas.
02:12Ivan.
02:13Maraming salamat, Sandy Salvasho ng GMA Regional TV.
02:17Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:21Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended