00:00Inaresto ang isang guro sa Maynila dahil sa pagpapakain umano ng ipis sa kanya estudyante.
00:07Ang estudyante, binantaan din umano ng guro matapos siyang makita na may minumolestya raw sa loob ng CR.
00:14Nakapagpiansa na ang suspect.
00:16May unang balita live si Jomer Apresto.
00:19Jomer!
00:24Again, good morning.
00:25Hiling nahaharap ngayon sa kasong child abuse ang isang guro matapos niya umanong pakainin ng ipis ang isang grade 7 student sa Tondo, Maynila.
00:37Mismong sa loob ng paaralan kung saan siya nagtuturo, sinilbihan ng Warren Tofares ang isang guro sa Tondo, Maynila.
00:44Ang 52 anyos na akusado, nahaharap sa kasong child abuse matapos umanong niyang pakainin ng ipis ang isang grade 7 student.
00:52Sa investigasyon ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng paaralan noong October 25, 2025.
01:00Base doon sa hawak nating report at doon na rin sa account ng ating biktima,
01:04itong nasabing guro ay nahuli niya habang minumolest siya yung isang estudyante rin na babae doon sa loob ng isang CR, doon sa loob ng eskwelahan.
01:13Kung saan nga nung nakita siya ng estudyante na ito, ay tinakot siya nitong guro, pinagbantaang papatayin pag nagsumbong at according din sa kanya, pinakain siya ng ipis.
01:27Sabi ng MPD, hindi nagsampan ng reklamong minorteedad na babae na sinasabing minulest siya umanon ng guro.
01:34Noong Nobyembre naman nagsampan ng reklamong lalaking estudyante ang pinakain umanon ng ipis.
01:39Itong December 11, lumabas ang arrest warrant para sa guro.
01:42Tinitignan kung meron nakita na pagpapabaya doon sa loob ng eskwelahan, tinitignan yan.
01:48At depende yan doon sa magiging resulta ng pag-iimbestya kung magkakaroon ng formal investigation.
01:54Sinusubukan naming makunan ng pahayag ang akusado na nakapagpiansa na raw kagabi ng 120,000 pesos.
02:01Hinikayat naman ang polisya ang iba pang estudyante na posibleng nakaranas din ng pangmumulest siya sa guro
02:05na magsumbong sa mga otoridad para masampahan siya ng reklamo.
02:12Igan, sabi ng MPD, posibleng magkaroon din ng investigasyon para malaman kung may pananagutan ba ang paaralan,
02:21lalo at sa loob nito nangyari ang dalawang insidente na kinasangkutan ng akusadong guro.
02:26At yan ang unang balita mula dito sa Maynila.
02:28Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:31Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments