00:00Para masolusyonan ang pagbaha, magkakaroon po ng malawakang paglilinis sa mga daluyan ng tubig sa Metro Manila at ilang kalapit na probinsya.
00:08Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, magsisimula yan ngayong Nobyembre at target makumpleto bago ang tag-ulan sa 2026,
00:17kabilang sa mga gagawin ay pagdatanggal sa mga nakabarang basura sa drainage.
00:21At pagtitiyak na operational na lahat ang pumping stations na hindi nag-ooperate dati.
00:27Gigibain din ang mga iligal na estruktura sa mga estero na hindi naman nakatutulong sa pagkontrol ng baha.
00:34Katuwa ng DPWH ang Metro Manila Development Authority, Metro Manila Council at pribadong sektor.
00:40Nakipag-ugnayan na rin daw ang DPWH sa Department of Environment and Natural Resources para matukoy kung saan itatapon ang mga mahukuhang basura.
00:57Sa unang balita.
Comments