Skip to playerSkip to main content
Inihahanda na ng Quezon City Police ang mga kaso kaugnay ng pagbagsak ng tipak ng semento sa ilang estudyante sa Quezon City. Madamdaming inalala ng kanyang mga kaanak ang isa sa mga biktima na pumanaw matapos ang ilang araw na pakikipaglaban sa ospital para mabuhay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inihahanda na ng Quezon City Police sa mga kaso kaugnay ng pagbagsak ng tipak ng semento sa ilang estudyante sa Quezon City.
00:10Madamdamin inalala ng kanyang mga kaanak ang isa sa mga biktima na pumanaw matapos ang ilang araw na pakikipaglaban sa ospital para mabuhay.
00:22Nakatutok si Darlene Kai.
00:23Isang maliit na lamesa ang nasa tabi ng ataul ng 12 anyos na si Carl Jaden Baldonado o CJ para sa kanyang pamilya.
00:35Dito may nakalagay na mga Rubik's Cube, maliit na Biblia at papel na may mga Bible verse.
00:41Mga bagay na paborito rao ni CJ.
00:43Tuluyan ng pumanaw noong Martes si CJ.
00:46Isa sa tatlong estudyante na nabagsakan ang kongkretong bahagi ng isang kondominium sa panulokan ng Tomas Morato at Roses Avenue sa Quezon City noong August 12.
00:57Taoperahan pa si CJ pero nagtapos din ang dalawang linggo niyang pakikipaglaban para sa kanyang buhay.
01:03Masakit sa amin, mabigat sa amin.
01:05Sobrang kritikal niya nung dinala sa ospital.
01:08Tapos nagpasalamat nga kami kasi binigyan pa kami ng panalangin namin na second chance, binigyan naman ng Panginoon.
01:17Dahil in-extend niya yun, buhay niya, in-stretch niya para makapagpaalam kami ng maayos.
01:23Pauwinaw si CJ nang mangyari ang insidente.
01:26Kasama niya ang dalawang kaibigan, ang magkakambal na si Michael at Miguel.
01:30Si Michael nasa ospital pa rin.
01:32Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng binuong Special Investigation Team ng QCPD o Quezon City Police District.
01:40Chinek na ng isang independent structural expert ang building.
01:44Doon sa inisyal na inspection nila, nakita nga po na may mga cracks na malapit doon sa antena na naka-install doon sa part ng condominium na yun.
01:54So yun po yung tinitingnan din ng mga investigador natin.
01:57Basis sa preliminary findings ng imbestigasyon, ang vibrations mula sa drilling at pagkakabit ng antena noong 2022
02:04ay posibleng nagdulot ng pagluwag at pagkakatanggal ng palitada sa bahaging iyon ng gusali.
02:10Definitely criminal and civil cases po maibagpawal since kung makakatunayan na may negligence doon po sa nangyari.
02:20Basta ang mga parties po nakikipag-cooperate po yung management ng condominium.
02:26Sinubukan uli ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng pamunuan ng Atherton Place condominium.
02:32Pero walang humarap sa amin.
02:34Sa ngayon, kinurdunan muna at nilagyan ng signages ang palibot ng condominium.
02:39Sa linggo, nakatakdang i-cremate ang mga labi ni CJ.
02:42Sobrang hirap po kasi bilang tatay, malaki din ang pagkukulang ko.
02:50Palagi akong wala.
02:53Kaya babawi ako.
02:55Hindi ko sila pababayaan mag-iina.
02:58Yung pangako niya sa mama niya, gagawin ko.
03:01Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended