- 16 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sinibak at sinampakan ng kaso ang 6 na tauhan ng PNPC IDG.
00:05Matapos mabawasan ng mayigit 13 milyong piso ang perang ebidensya mula sa isang sinalakay na Pogo Hub.
00:12Narito ang aking pagtutok.
00:17October 2024, nang salakayin ng mga autoridad sa visa ng search warrant ang umano'y iligal na Pogo Hub na ito sa Bagak Bataan.
00:26Bukod sa mga dinakip at nakuhang ebidensyang patunay umano na naggamit ang hub sa human trafficking,
00:33nasamsam din sa raid ng nasa mayigit 100 at 40 milyong pisong cash.
00:38Ang tumayong assistant ground commander ng operasyon,
00:42ang noing jepe ng PNPC IDG Anti-Organized Crime Unit na si Police Lieutenant Colonel Joey Arandia.
00:56Ang perang nasamsam, kinustudiyan ng CIDG habang dinirinig ang kaso.
01:09Makalipas ang ilang buwan, inutusan ng korte ang CIDG na ibalik ang pera sa kumpanya.
01:15Pera sa turnover, lumitaw ang problema.
01:18Kulang na mahigit 13 milyon pesos ang pera.
01:21Upon opening of the evidence, out of 141 milyon, only 128 milyon was left.
01:30What was left in the other box was budol money.
01:34Nakita na namin na budol yung pera.
01:38Kaya yung iligit lasted at tinanong ko sa kanya kung sino ang kakutsaba niya.
01:43Doon niya inilahad kung sino yung mga kasama niya.
01:46Upon careful investigation, we have identified the culprits.
01:49Lumabas sa pagsisiyasat na nasa likod ng pagkawala ng pera,
01:53ang anim na non-commissioned officers ng PNP-CIDG na tumayong mga investigator,
01:59seizing officer sa operasyon at kustodyan ng mga ebidensya.
02:02Sa press conference kanina, nilahad ng CIDG kung paano hinati ang pera
02:07at magkano ang napunta sa bawat isa.
02:11Yung pinag-divide nila is nasa kanila na.
02:14I think nagastos na or something.
02:16Ang anim, tinanggal na sa CIDG at sinampakanan ng kasong kriminal at administratibo.
02:21The mere act na kunin ng mga pera is already a theft.
02:25So, yeah, it's already a criminal offense.
02:29It's a violation of the oath of office as a police officer.
02:34In fairness to these people, I have also conducted my own inquiry.
02:40They are all good investigators.
02:44It's so happened that there is a criminal offense.
02:48A law was violated. That's why we are going to prosecute them.
02:52Kasama sa mga tinanggal sa CIDG at iniimbestigan ngayon at inirekomendang sampahan ng kaso,
02:58si Police Lieutenant Colonel Arandia na tumayong Assistant Ground Commander at Evidence Custodian.
03:04Ito'y makarang iuwi-umanon ni Arandia ang kahong-kahong mga pera ayon kay CIDG Director Morico.
03:10There was no proper turnover conducted by Police Lieutenant Colonel Arandia based on the investigation.
03:18Accordingly, he took the boxes of evidences to his house.
03:25Pero ayon kay Arandia, mali na isama siya sa asunto.
03:28Pinagkatiwala ko sa akin ng CIDG Command Group that time.
03:33I-mentrust ko sa akin yung pera na yan.
03:35Gusto ko lang niwanagin, halinawin sa mga mamamaya na hindi po ako yun.
03:41Hindi pa ako kasama. Maayos po yung pera na hawak ko na nasa custody ko.
03:46Ola kontil po yun.
03:47Patuloy namin sinusubok na makuha ang panig ng iba pang kinasuhan.
03:50Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil. Nakatutok? 24 oras.
03:58Pinalagan ng palatyo ang paninisi ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga
04:04kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagkakasuspindi sa kanya sa kamera.
04:09Ang sabi kasi ni Barzaga sa isang post online,
04:12sinuspindi siya ng Administrasyong Marcos dahil sa pagsasalita niya laban sa anyay pandarambong ng Pangulo.
04:19Sagot ng palasyo, walang kaugnayan ng Pangulo sa mga malalaswang post ni Barzaga
04:25at ipinapakalat itong maling impormasyon.
04:29Ang mga post na ito kasi ang bataya ng ethics complaint laban kay Barzaga.
04:34Itinuring ang mga ito bilang disorderly conduct
04:37o asa na hindi katanggap-tanggap para sa isang membro ng House of Representatives.
04:43Kaya sinuspindi si Barzaga ng 60 araw.
04:47Sa atin na nakikita rito, ginagamit lamang ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr.
04:53para ma-justify ang kanyang mga ginagawang disinformation.
04:57Indireklamo si na Manila Mayor Isco Moreno, Vice Mayor Chi Atienza
05:01at ibang opisyan ng lungsod ng kapatid ni Ex-Mayor Honey Lacuna na si Dr. Lailani Lacuna.
05:08Kaugnay po yan ng pagtanggal sa kanya at ilang board member ng Liga ng mga barangay ng Maynila
05:14gayon din sa ilang miyembro ng Konseho ng Lungsod.
05:18Graft, usurpation of authority, grave misconduct at grave abuse of authority ang inihain.
05:24Ayon kay Lacuna, dineklarang bakante ang posisyon nila
05:27sa ipinatawag na General Assembly ng lahat ng mga punong barangay sa lungsod
05:32kung saan hindi umano sila inibita.
05:34Tinanggal din siya bilang ex-official member ng Manila Council.
05:38Nagkaroon din naman nun ng special elections para sa mga posisyon
05:42na hindi anya nasaksihan ng DILG.
05:45Sabi ng City Hall, hindi pa nakatatanggap si Moreno ng kopya ng reklamo
05:50pero iginagalang daw ng lokal na pamalaan
05:53ang ginawang botohan ng mga punong barangay
05:56para sa bagong mga uupong opisyal ng Liga.
05:59Hindi pa rin natanggap ni Vice Mayor Atienza ang kopya ng reklamo
06:04pero sasagot daw siya kapag nasa opisina na niya ang mga papeles.
06:10Pinunan ang Commission on Audit sa 2024 audit nito sa Office of the Vice President
06:14ang kulang na dokumentasyon sa ilang gastos at hindi nasuring mga proposal
06:19para sa mga negosyong binigyan nito ng puhunan.
06:22Nakatutok si Marisol Abduraman.
06:24Nakungan natin ang unqualified opinion mula sa Commission on Audit
06:33ang highest audit rating.
06:36Ito ay malinaw na indikasyon ng ating transparency at fiscal integrity.
06:41Ito ang ipinagmalaki ni Vice President Sara Duterte
06:45sa kanyang year-end report para sa 2025.
06:49Ibinida ng BC ang mga accomplishment ng kanyang mga programa
06:52kabilang ang Medical and Burial Assistance, Disaster Relief,
06:56REST Program, Magnegosyo Today Program at iba pang programa ng OVP.
07:00Hindi kami pumayag na maging dahilan ang kakulangan ng budget
07:03para maputol ang serbisyo.
07:05Sa halip, nakipagtulungan kami sa ibang ahensya ng gobyerno
07:10at nagtagumpay na makakuha ng alternatibong pondo.
07:15Sinabi niya ng BC ang kahalagahan ng pagkakaroon ng plano at iba pa
07:18gayon din ang paglaban sa korupsyon para umunlan ang bayan.
07:22Patuloy namin na ipapakita sa inyo na ang tanggapan ng pangalawang Pangulo
07:27ay mahalaga sa amin ang pagkakaroon ng plano,
07:31mahusay na implementasyon ng proyekto paglaban sa korupsyon
07:36at tapang at malasakit para magkaroon ng kapayapaan at kaularan sa ating bayan.
07:44Sa COA audit sa Office of the Vice President para sa taong 2024,
07:48nakalagay nga na nagbigay ng unmodified opinion ng COA
07:51sa presentasyon ng financial statement ng OVP.
07:54Dati nang sinabi ng COA na ang ibig sabihin nito
07:57na sunod ang lahat ng alituntunin sa paghahanda ng financial statements.
08:02Pero nilinaw ng COA na ang audit opinion
08:05ay hindi dapat itulong na rating, score o grado na may lowest to highest.
08:10May mga pinunangangang ang COA sa 2024 audit report sa OVP.
08:14Isa na rito ang mababang fund utilization o paggamit ng pondo ng OVP.
08:18Mula daw kasi sa mahigit 89% na utilization rate noong 2022,
08:24bumaba ito sa mahigit 85% noong 2023,
08:27at lalo pang bumaba sa mahigit 73% noong nakaraang taon.
08:31Sa mahigit 2 billion pesos kasi na pondong pwede nilang gastusin,
08:35mahigit 1.5 billion lang ang nagamit noong 2024.
08:39Sabi sa ulat ng COA,
08:40dahil daw dito, maaaring maapektuhan
08:42ang epektibong paghahati ng programa at servisyon ng OVP.
08:46Sumang-ayo naman daw ang OVP sa rekomendasyon ng COA
08:49na ayusin ang pangplano at pagpapatupad ng kanilang budget.
08:54May kakulangan din daw sa dokumentasyon ng distribution ng mga welfare goods
08:57na nagkakahalaga ng mahigit 110 million pesos.
09:01Hindi daw kasi nagsumitin ang verifikadong master list
09:04ng mga beneficiaryo, situation reports at mission order.
09:08Ang situation report ay patunay na may nangyaring sakuna o kalamidad
09:12na basihan para naman sa mission order,
09:14habang ang master list ay basihan para sa paghahanda
09:17kung gaano karami ang mga welfare goods na ipamamahagi.
09:21Ayon sa COA,
09:22pumayag naman ng OVP na i-review ang kanilang policy manual
09:26para matiyak ang pagsusumite ng kompletong dokumentasyon.
09:30Pino na rin ng COA,
09:31ang anila ay kakulangan ng malinaw na alintuntunin
09:33at proseso sa pagtanggap ng mga donations in kind,
09:37inventory management at pagsusumite ng mga report ukol dito.
09:40Sabi ng COA, sumang-ayon din ang OVP na rabisahin ang mga alintuntunin
09:45upang makasunod sa accounting rules and regulations.
09:49Sinita rin ng COA ang magnegosyo taday o MTD program ng OVP,
09:53layo ng MTD na mabigay ng cash grant upang magbigay ng puhunan sa negosyo
09:58sa mga kababaihan, kabataan, mga miyembre ng LGBTQ+, at iba pang sektor.
10:04Sabi ng COA, hindi raw nasuri ng DTI at PDIC ang feasibility at viability
10:09ng project proposals ng halos 140 na beneficiaries
10:12na nakakuha ng kabuang mahigit 3.4 milyon pesos na pondo.
10:17Hindi rin daw nila binisita para imonitor ang karamihan sa mga beneficaryo.
10:22Nangako naman daw ang OVP na kanilang aayusin ang sistema
10:25ng pagsusuri sa project proposals pati na ang pagbisita sa mga beneficaryo.
10:30Sinisikap namin makuha ang panig ng OVP sa mga obserbasyon ng COA.
10:36Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.
10:46Puno ng pag-ibig ang puso ni Sparkle star Thea Tolentino
10:50na soon ay mag-walk down the aisle to her forever.
10:54Ibinahagi pa ni Thea ang kwento sa kilig proposals sa Japan.
10:57Makichika kay Athena Imperial.
11:00Over the moon pa rin mula sa kanilang recent trip sa Land of the Rising Sun,
11:07si Sparkle artist Thea Tolentino at kanyang boyfriend, now fiancé,
11:12na si Martin Joshua San Miguel.
11:14Sa Japan kasi nangyari ang special milestone sa buhay ni Thea
11:18nang mag-propose doon ang kanyang nobyo.
11:21Kwento ni Thea, nagtaka siya noong una
11:23nang biglang magpakita ng interes si Martin sa photoshoot.
11:26Usually pag pumupunta ako sa Japan, nakikipag-collaborate ako with photographers din.
11:31Pero hindi niya raw in-assume na magpo-propose noon si Martin.
11:34Dayo akong itaas yung hopes ko para hindi ako ma-disappoint.
11:41Nagkataon din daw na gloomy weather ang araw kung kailan na schedule ang inakala niya noong una na couple shoot lang.
11:47Pero marriage proposal na pala.
11:50Noong araw na nag-propose siya, medyo cloudy, tapos paambon-ambon.
11:56Yun lang yung gloomy weather noong five days na nandun kami.
12:00Sumakto pa.
12:01Sa kabila ng makulimlim na panahon,
12:03napuno ng liwanag at kilig
12:06ang engagement photos nila ni Martin
12:08under the Ginkgo Trees of Japan.
12:10Sa ngayon, ine-enjoy daw muna ng dalawa
12:13ang engagement stage nila as a couple
12:15matapos ang four years as boyfriend and girlfriend.
12:20Cloud nine kami.
12:21Kasi last week lang yun eh.
12:24So excited sa ngayon,
12:26nasa stage kami na excited kami na
12:27i-share sa family and friends namin yung news.
12:31Tapos yung, siyempre, dito palang papasok yung mga ideas.
12:34Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
12:41Mga kapuso, anumang oras mula ngayon
12:44ay posibleng nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility
12:47ang minomonitor na low pressure area.
12:49Uli itong namataan na pag-asa sa layong 1,210 kilometers
12:53silangan ng southeastern Luzon.
12:56Ayon sa pag-asa,
12:57posibleng ngayong gabi o bukas ng umaga
12:59ay pumasok na ito sa loob ng para.
13:01Lalo rin tumataasan tsansa nitong maging bagyo
13:03at tatawaging bagyong Wilma.
13:06Sa magiging pagkilos ng potensyal na bagyo,
13:08nakikita itong magla-landfall
13:10o tatama sa Eastern Visayas o Kanaga Region
13:12sa darating na weekend.
13:14Pero habang papalapit,
13:16posibleng unti-unti nang maramdaman
13:18ang efekto nito sa ilang bahagi ng bansa
13:19simula sa Webes.
13:21Sa ngayon,
13:22Intertropical Convergence Zone o ITCZ,
13:24Amihan at Localized Thunderstorms
13:26ang posibleng magdulot ng pag-ulan.
13:28Base sa datos ng Metro Weather,
13:30umaga bukas,
13:31may kalat-kalat na ulan na sa Palawan,
13:34extreme northern Luzon at summer provinces.
13:36Pagsapit ng hapon,
13:37mas malaking bahagi ng northern Luzon
13:39ang uulanin,
13:40kasama rin ang ilang bahagi ng central Luzon,
13:42Calabar Luzon,
13:43Mimaropa,
13:43Bico Region,
13:45Central at Eastern Visayas,
13:46Negros Island Region at Panay Island.
13:49Sa Mindanao,
13:50may mga pag-ulan na rin
13:51sa Caragas,
13:51Ambuaga Peninsula at Soxargem.
13:53May malalakas na ulan
13:55na posibleng magdulot ang baha
13:56o landslide.
13:57Dito naman sa Metro Manila,
13:59hindi pa rin inaalis
14:00ang tsansa ng localized thunderstorms.
14:02Formal nang nanumpa
14:05ang mga bagong matataas
14:06ng opisyal
14:07ng Centrist Social Democratic Union
14:11o CSDU.
14:12Yan ay sina former Senior Associate Justice
14:15Antonio Carpio,
14:17natatayo bilang chairman,
14:18at Mel Velasco Velarde,
14:20bilang presidente.
14:22Upo naman bilang vice chairman
14:23for international relations
14:25si Francis Xavier Manglapos
14:28at corporate secretary
14:29si attorney Alfredo Molo III.
14:33Kasama sa nang sinumpaan
14:34ng mga newly inducted officer
14:36ang paninindigan
14:38sa mga prinsipyo
14:39ng demokrasya,
14:41good governance,
14:42social justice
14:43at national development.
14:45Layo ng CSDU
14:47na makapagambag sa bansa
14:48sa pamagitan
14:49ng pamumunong
14:50hindi nasusukat
14:52sa kapangyarihan
14:53o katanyagan,
14:54kundi sa integridad
14:56at tapang
14:56na maglingkod
14:58sa bayan.
15:00Pinuna ng isang senador
15:01sa pagtalakay
15:02ng panukalang national budget
15:04ang hindi umunong
15:05pagpasok
15:05sa committee report
15:06ng mga napagusapang
15:08amendment
15:08o pagbabago.
15:10May mga amendment din
15:11umunong
15:11hindi alam
15:12kung sino ang nagpasok.
15:14Nakatutok live
15:15si Rafi Tima.
15:17Rafi.
15:21Vicky,
15:22nagpapatuloy nga itong
15:22pagtalakay ng plenario
15:24sa 2026
15:25sa General Appropriations Bill
15:26kung saan
15:26nagpapasok na
15:28ng kanilang mga amendments
15:29ang mga senador.
15:31Target ng Senado
15:31na matapos
15:32ang period of amendments
15:33ngayong araw.
15:38Dahil sa sunog
15:38sa Senate Building
15:39nitong linggo,
15:40hindi nagsesyon
15:41ng Senado kahapon.
15:42Sa kabila niyan,
15:44tiniyak na
15:44Senate President Tito Soto
15:45na matatapos nilang
15:46pagtalakay
15:47sa panukalang
15:485.7 trillion pesos
15:49national budget.
15:50Kanina,
15:51ito na rin
15:51ang pagdinig dyan
15:52kahit pa-holiday
15:53sa Pasay City
15:53kung naasaan
15:54ng Senado.
15:55Okay,
15:56sabi mo sa kitang time
15:57eh.
15:58Kaya-kaya
15:58ipasa to.
16:00Ayon kay
16:00Senate President
16:01Pro Temporary
16:01Ping Lakson,
16:02nakalatag na
16:03ang kanilang schedule
16:04at target
16:04ma-approve ang budget
16:05sa ikatlong pagbasa
16:06bago matapos
16:07ang linggo.
16:07Itong Friday,
16:09ma-approve ang third reading
16:10magpiprint pa eh,
16:12diba?
16:13So,
16:13and then buy come.
16:14So,
16:15malabo yung
16:15re-acted budget.
16:17Saka,
16:18hindi kami papayat.
16:20So,
16:20sa Friday?
16:21Unless bumagyo
16:22ng malakas
16:23na hindi kami
16:23makapag-buy come.
16:26Titiyak,
16:26hindi nilang
16:27maipapasok
16:27ang pagbabagong gusto
16:28ng bawat senador
16:29kahit gabihin pa.
16:31Bagya pang naantala
16:32ang period of amendments
16:33matapos punahin
16:34ni Senate Minority Leader
16:35Alan Peter Cayetano
16:36na tila hindi naipasok
16:38sa committee report
16:39ang mga napag-usapang
16:40amendment
16:40mula sa labing isang
16:42araw na interpellation
16:42sa budget.
16:44Meron din anya
16:44mga amendments
16:45na hindi niya alam
16:46kung sino ang nagpasok.
16:47If we're going to say
16:48full transparency,
16:50wouldn't it be fair
16:51that malaman natin
16:52kasi like ako,
16:53niisa dito,
16:54wala akong amendment.
16:55All amendments
16:56by the committee
16:57will come
16:58in the form
16:59of the committee report.
17:01So,
17:01the succeeding,
17:02itong pong ginawa natin
17:02naman sa plenary
17:03kung meron pang mga
17:04iba pang amendments
17:05it will come
17:06in the form
17:07of individual amendments.
17:08Sa isang panayam,
17:09sinabi ni Cayetano
17:10na nais lang na minorya
17:11na matiyak na transparent
17:12ang pagtalaki sa budget
17:14para sa susunod na taon.
17:16Ang packaging namin kanina
17:17ay kakulangan
17:18sa pag-consult nyo
17:21sa minority
17:21kasi ginawa nyo na lang.
17:23So, syempre,
17:24wala naman bad fate
17:25to kay Chairman Wyn
17:26kasi mahirap
17:27yung trabaho niya
17:28at sama-sama.
17:29Kaya nga tinatanong ko
17:30sila kanina,
17:31budget ba ito
17:32ng buong Senado
17:32o budget ba ito
17:33ng majority?
17:34Baga mataayaw din daw
17:41ng minorya na bumalik
17:41sa re-acted budget
17:42eh hindi masabi
17:43ni Sen. Minority Leader
17:45Alan Peter Quetano
17:46kung masusunod
17:46yung schedule
17:47na inilatag
17:48ni Sen. President
17:49Pro Tempore Ping Lakson
17:51na sa biyernes
17:52ay maipapasa na
17:53ang budget
17:53sa third
17:54at final reading.
17:56Bukas pa lang daw
17:56kasi matatalakay
17:57ang budget
17:58sa second reading
17:59dahil hinihintay pa nila
18:00yung clear copy
18:01ng batas
18:01at kanila pa itong
18:02pagbabotohan.
18:04Yan pa rin ang latest
18:05mula dito sa Senado.
18:06Vicky?
18:07Maraming salamat sa iyo,
18:08Rafi Tima.
18:13Muling na ospital
18:14ang komedyanting
18:15si Ati Gay.
18:16Sa isang post,
18:17sinabi niyang
18:17late niyang naramdaman
18:18ng side effects
18:19ng kanyang cancer treatment.
18:21Dagdag niya,
18:22hindi na siya
18:23makakain
18:24dahil sa dami
18:26ng singaw
18:26sa kanyang bibig
18:27kaya nagpa-confine
18:28sa Asian Hospital
18:29and Medical Center
18:30sa Montenlupa.
18:32Last month lang
18:32i-anunsyo ni Ati Gay
18:34na graduate na siya
18:35sa radiation
18:36and chemotherapy session
18:37para sa kanyang
18:38stage 4 cancer.
18:39Sous-titrage ST' 501
Be the first to comment