Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inihahanda na ang proseso ng pagpapadeport sa isang mining executive na inaresto dahil pineke umano ang pagkapilipino.
00:09Binabantayan na rin ng Bureau of Immigration ang iba pang personalidad kabilang na ang mga posibleng tumulong sa kanya.
00:17At nakatutok si Dano Tingcunco.
00:19Isang malaking negosyante sa Pilipinas si Joseph C., ang mining executive na inaresto dahil sa pamimeki umano ng kanyang pagkapilipino.
00:30Chairman siya ng Global Ferro Nickel Holdings, isang kumpanya nakalista sa Philippine Stock Exchange at ikalawang pinakamalaking nickel ore exporter sa Pilipinas.
00:39Bukod kay C., ilan pang personalidad ang binabantayan ng Bureau of Immigration.
00:43We're looking at big people already, we're looking at people of influence already.
00:49Kasi ang concern natin ngayon is not the retail, retail, retail anymore. It's more of national security.
00:57If there were people involved in protecting him or assisting him, yan po lalabas doon sa later investigation.
01:07Inaresto si C. matapos magtugma ang kanyang biometrics sa biometrics ng isang Chinese national.
01:12Nakakulong siya ngayon sa Immigration Detention Facility sa Camp Bagondiwa at inihahanda na ang deportation proceedings.
01:19Pero nananawagan ng kumpanya ni C. na Global Ferro Nickel Holdings na palayain ang kanilang chairman.
01:24Valid umano ang Philippine passport ni C., hindi siya sangkot sa kahit anong kriminal na aktividad at malaki ang kontribusyon sa ekonomiya dahil sa mga buwis at regulatory fees na ibinayad nito sa gobyerno.
01:35Nauna na rin tinawag ng Philippinical Industry Association na iligal at hindi makatarungan ng pagkaka-aresto kay C.
01:41Dahil dati nang pinatotoon ng Bureau of Immigration na isa siyang Filipino citizen.
01:46Pero tugon ng immigration, wala pa raw kasing pruweba noon. Hindi tulad ngayon.
01:50Nagkaroon na siya ng immigration case, I think way back 2014 or 2015. Also for the same thing for misrepresentation, it stemmed from a complaint of an individual.
02:01There were no other proof na nakita doon sa investigation. So ito pong kaso na ito ay na-dismiss.
02:07Ngayon, it's different because government intelligence sources have given us a name.
02:14At itong Chinese name na ito, we cross-matched with our records at doon lumabas yung biometric information.
02:21Nung Chinese individual na ito at nung Filipino individual na ito, when we cross-check the records, tugma po.
02:28If you were born of foreign parents, parehas foreigner yung magulang mo, walang source yung nationality mo, hindi ka pwedeng maging Pilipino.
02:37Walang reason for you unless you are a naturalized Filipino citizen, which this person did not do and which this person does not claim.
02:47Minomonitor din ang Securities and Exchange Commission ang pagkaka-aresto sa negosyante at pinag-aaralan ng anumang hakbang na kailangan itong gawin sa ilalim ng hurisdiksyon ng SEC.
02:57Sinaysikap pa naming makausap ang Campo ni C.
03:00Para sa GMA Integrated News, daan natin kung ko nakatutok 24 oras.
03:04Hindi na nga otorizado, e overpriced pa kung magbenta ng BIP cards.
03:11Ang isang umunoy online seller nito, ang pag-aresto sa kanya sa pagtutok ni Oscar Oida.
03:20Wala nang nagawa ang isang umunoy online seller ng masakote ng PNP Anti-Cybercrime Group sa entrapment
03:27dahil sa umunoy iligal na pagbibenta ng BIP cards.
03:30Ayon sa Cyberpatrolling at Intelligence Unit, nag-alok online ang 32-anyos na suspect ng BIP cards sa alagang P19 kada isa, malayo sa orihinal na P30 pesos.
03:45Nang makumpirma sa DOTR na hindi siyang authorized distributor,
03:50isang polis na nagpanggap na buyer ang nakibagkita sa suspect August 15.
03:54Sa entrapment na hindi nasamsaam sa suspect, ang 50 BIP card.
04:00Naharap siya sa paglabag sa Access Devices Regulation Act, Consumer Act at Cybercrime Prevention Act.
04:07Maraming pang gumagawa ng garitong rakit ayon sa pamunuan ng kumpanyang nagsusupply ng mga BIP card.
04:13Akong tatanungin, mahigit 20,000 po, ang iba sa kanila nakapagbenta na ng mahigit 20,000 pieces.
04:21Ibig sabihin, matagal na nilang binagawa po ito.
04:25May gumigimig pa nga umano na nagbebenta rin ng BIP charms.
04:29May babala si D-Zone sa mga online selling platform kung di haharangin ang mga ganitong produkto.
04:56Susulatan din natin itong mga online selling platforms.
05:00Pag hindi nga pinasara ito, isasama sila ni General Yang sa mga kaso.
05:07Kasi kinukonsimpti nila, binibigyan nila ng platform.
05:12Makikipagtulungan po ako sa mga rail operators po natin na kumpispahin yung mga charms po na ito.
05:20Kinagawa na rin ang nila ang lahat para lalong maging readily available ang BIP cards.
05:26Wala na tayong shortage.
05:29Nagahanap na kami ng iba pang mga paraan para papadagay at pagbigay at kuha at pagload ng mga BIP cards.
05:37Kahit sa mga convenience stores.
05:39Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok 24 oras.
05:44Kinumpirma ng Philippine Navy na may tugboat o barkong panghatak ng mas malalaking barko na umaaligid malapit sa BRP Sierra Madre.
05:55Sa kabila niyan, hindi nababakala ang Philippine Navy na baka katakin ang nabanggit na barko ng Pilipinas na nakasadsad sa Ayungin Shoal.
06:03Nakatutok si Chino Caston.
06:04Kahapon pa umaaligid ang tugboat ng China Navy, 5 nautical miles mula sa BRP Sierra Madre sa may Ayungin Shoal ayon sa Philippine Navy.
06:17Kabilang ang tugboat sa mga barko ng China na nagsimulang magtipon doon noong August 20,
06:22araw kung kailan nilapitan ng mga Chinese rubber boat at speed boat ang BRP Sierra Madre.
06:26Pero hindi masabi ng Philippine Navy kung bakit kahapon lang lumapit sa BRP Sierra Madre ang tugboat.
06:32Ayon sa Philippine Navy, handang lumaban kung sakali ang mga sundalo sa BRP Sierra Madre.
06:37The monitoring by the Philippine Navy and the AFP for the past days have noted the presence of a tugboat only yesterday.
06:46While this is not a cause for alarm, it is not also a reason for us to be prepared for them to tow away BRP Sierra Madre.
06:56Sakaling atakihin, akyatin o tangkang hatakin ang BRP Sierra Madre ay ituturing niyang redline o pangyayaring maaring magbigay katwiran sa paggamit ng puwersa ng AFP.
07:07May iba pang ituturing na redline, kabilang ang reclamation sa baho di masinlok at kung may mamatay na Pilipino sa West Philippine Sea dahil sa China.
07:16Hindi rin ani ang mapipigilan ng Pilipinas na mag-resupply sa mga military outpost nito.
07:20The men there are veterans of the Mindanao campaign. Sanay ito sa hard life.
07:26And if you notice the videos being posted, they have been jeering at the maritime militia and the Chinese Coast Guard.
07:34This only indicates that their moral is sky high.
07:38Sa huling monitoring ng AFP, bukod sa tugboat, may dalawang Chinese Coast Guard ships at labing tatlong Chinese maritime vessels
07:44at mga rigid hull inflatable boats sa paligid ng Ayungin Shoal.
07:48Wala pagtugon ng Chinese Embassy kung bakit nagpadala ang China ng tugboat sa Ayungin.
07:54Para sa GMA Integrated News, chino gasto na katutok, 24 oras.
08:02Happy Tuesday, chikahan mga kapuso!
08:04Imbes na maging huwantamad, di huwantama!
08:08Ito ang goal ng bagong advocacy ng GMA na inilunsad ngayong 75th anniversary ng network
08:13at ipupush hanggang sa mga entertainment programs.
08:17Makichika kay Athena Imperial.
08:19Dahil gusto natin magbigay ng mga program, makabuluhan, higit sa lahat, eh, makakatulong sa kanilang buhay.
08:25That's what the Filipinos deserve.
08:26Sa panahong ito, mas exposed na sa digital media ang karamihan.
08:31Kaya kailangang palakasin at dumami pa ang sources ng accurate information.
08:36Sa pumamagitan ng GMA shows na Fast Talk with Boy Abunda, Amazing Earth hosted by Ding Dong Dantes at I Believe hosted by Chris Tew
08:45ay mas palalakasin pa ng GMA Entertainment Group ang paglaba nila sa miss at disinformation sa broadcast at digital media.
08:53Matutong, matuwa, B1 TAMAS!
08:58Bilang mga padre de familia, sinisimula ni Nadine Dong Dantes at Chris Tew sa kanilang tahanan ang pag-check kung accurate at educational ang impormasyong nasasagap ng kanilang pamilya.
09:10Pag salimbawa hindi ka sigurado, tanungin mo ako o tanungin mo siguro mag-crosscheck.
09:15Tignan mo siguro sa ibang sources, sa ibang website, sa GMA News kung tama ba yan.
09:20Yung mga kids natin dong, no, we're about the same age, eh, pinanganak sila, lumalaki sila na talaga ito na yung mundo nila.
09:27Kaya ako naging mas passionate about itong cause na ito of educating people to be discerning, pagpili ng tamang impormasyon, tamang asal.
09:39Ang celebrity talk shows and entertainment programs, hindi chismis na makakasira ng reputasyon ng pinag-uusapan.
09:47Dapat, maging source ng tamang impormasyon.
09:50It is possible to be entertaining, to be factual.
09:54It is possible to do an entertainment talk show without having to resort to anything that is not true.
10:04A talk show is just a talk show. It cannot be more important than relationship.
10:09Katuwang ng Kapuso Network sa advocacy campaign na ito, ang ilang partners mula sa iba't ibang sektor na dumalo at nakiisa sa MOA signing ngayong araw.
10:19At ang educational and factual sources, hindi lang limitado mula sa credible news platforms, kundi maging sa entertainment shows.
10:27At GMA Entertainment Group, we've always believed that learning doesn't have to feel like a lecture. It can be fun, exciting, and yes, even binge-worthy.
10:38On our 75th anniversary, we're leveling this up with matuto, matuwa, bihwan tama.
10:46Magiging tampok rin soon sa Masterclass Series ang B-1 Tama.
10:51At Tina Imperial updated sa Showbiz Happenings.
10:55Umaani ng magkakasalungat na komento online ang pagsasayaw ng gobernadora ng Samar habang pinapaulanan ng pera.
11:03Depensa ng gobernadora, tradisyonal na sayaw ang kuratsya at hindi pagpapakita ng karanggaan.
11:10Nakatutok si Tina Pangniban Perez.
11:15Mabilis na kumalat online ang pagsasayaw na ito ni Samar Governor Shari Antan habang pinapaulanan siya ng mga 20 at 50 pesos na perang papel.
11:26Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang anila'y pagpapakita ng karanggaan, lalo sa gitna na anila ng pagkwestiyon din ang iba
11:34sa kung may mga politiko ba na personal na nakikinabang sa ilang proyekto kontrabaha.
11:41Pero depensa rin ng ilang netizen na pamilyar sa sayaw, bahagi ito ng kultura ng mga taga-Samar at iba pang probinsya.
11:49Agad din naglinaw ang opisina ng gobernadora.
11:53Hindi a nila ito kuha sa isang marangyang hapunan at walang kinalaman sa anumang programa o proyekto ng gobyerno.
12:00Kuhaan nila ito sa hermano night ng Pista ng Katbalogan na kabisera ng probinsya.
12:07At ang sayaw ay ang tradisyonal na kuratsya.
12:10Matagal na anilang tradisyon sa Samar at Leyte ang pagsasayaw ng kuratsya kung saan bahagi nito ang pagsasaboy ng pera o tinatawag na gala.
12:20Sinisimbolo raw nito ang pagiging mapagbigay at pagbabayanihan.
12:24Hindi a nila ito pagpapakita ng karangyaan, kundi gawaing matagal nang nakaukit sa pagdiriwang a nila ng pananampalataya at kaisahan.
12:35A nila, nirerespeto nila ang pananaw ng ilan na dapat umiwas sa ganitong aktibidad ang mga public official.
12:42Pero ang pagsalian nila ng gobernadora sa kuratsya ay para ipagdiwang ang pagkakakilanlan ng mga Samar noon at suportahan ang kanilang mga isinusulong at sa pagkakataong ito para sa simbahan at mga komunidad.
12:58Lahat din a nila ng mga nalikom na pera sa kuratsya ay denonate sa mga simbahan sa Katbalogan.
13:04Ipiniliwanag na rin ang National Commission on Culture and the Arts na ang kuratsya ay hindi lang sinasayaw tuwing may piyesta,
13:12kundi pati na rin sa mga okasyon tulad ng kaarawan, baptismo, kasal at mga sports event.
13:19Sabi ng Civil Service Commission, wala silang nakikitang masama sa pagsayaw ng gobernadora kung pagbabasehan ang aspetong kultural.
13:28Pero di raw dapat kalimutan ang mga limitasyon.
13:31Meron tayong mga restrictions in terms of conduct ng government officials like say,
13:37it may be construed as violating the rules and modest or simple living.
13:44Di ba nakalagay din sa civil code natin, walang ostentatious display of wealth.
13:48So pwede po mag-celebrate pero iwasan na rin ang pagkako ng pera?
13:52Medyo, hindi naman sa iwasan, timplahin natin.
13:55Sakali may maghain ng reklamo laban sa governor, sabi ng CSC,
14:00ang Department of Interior and Local Government o DILG ang mag-iimbestiga rito.
14:06Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
14:12DPWH umano ang humingi ng pondo para sa mga flood control projects sa Bulacan,
14:20batay sa pagsusuri ng House Infrastructure Committee sa Pambansang Budget.
14:26Kasama riyan ang mga umano yung ghost project na nagpainit ng ulo ng Pangulo.
14:31Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
14:33Ang Ghost Flood Control Project sa Bulacan na nagpainit ng ulo ni Pangulong Bongbong Marcos,
14:43hindi congressional insertion, kundi proyektong isinulong ng Department of Public Works and Highways
14:49ayon sa co-chair ng House Infrastructure Committee.
14:52Base ito sa pagsusuri ni House Infracom co-chair Terry Ridon sa National Expenditure Program
14:58o yung panukalang budget na isinumite ng Ehekutibo sa Kongreso at General Appropriations Act
15:05o yung pambansang budget na inaprubahan ng Kongreso.
15:09Marami po sa mga napuntahan po ng Pangulo ng Pilipinas,
15:12particular po sa Bulacan, kahit po yung nasa Baguio,
15:16ay mga National Expenditure Program Originated Projects.
15:20Hindi po ito Congressional Initiative Originated Projects.
15:24So kasama po rito yung pong ghost project na supposedly ginawa po ng first engineering district ng Bulacan
15:34through SIMS Construction Trading.
15:37Kabilang din daw rito ang substandard na proyekto sa Bulacan na sinitari ng Pangulo.
15:42Yung pong sinasabi po ng Pangulo ng Pilipinas na substandard project na in-implement din po sa Bulacan,
15:50same district engineering office, implemented po ng St. Timothy Construction,
15:56ito po ay nasa NEP din po, I think 2023 or 2022.
16:02Sagot ng DPWH.
16:03We will try to find out if this is correct.
16:07Maybe if it is SNAP or initiated, we will try to find out.
16:13Pero for us now, it is ghost project.
16:16Then we left to file the necessary charges.
16:18We can do so that we can conclude it with the people.
16:21Of course.
16:22So today, I think I have issued the preventive suspension of the district offices involved in the ghost projects.
16:31Sisimulan na ng kumite ang investigasyon sa mga flood control at ibang infrastructure projects sa September 2.
16:39Kasama sa mga ipatatawag ay ang top 15 contractors na binanggit ng Pangulo
16:44at mga opisyal ng DPWH, Commission on Audit at BIR.
16:49There should be criminal charges for ghost projects.
16:51If it's a 55 million project na pinera, di ba plan there na yun?
16:57Aabot ba ang CC sa kalihim ng DPWH?
17:02We will see kung ano yung level ng kanya pong responsibility.
17:06Pero again, kung in-admit niya halimbawa na meron pong failure to check
17:12at the level of the central office or at the level of the regional director,
17:16there is ultimate responsibility on the Secretary of the Department of Public Works and Highways.
17:22They'll have to establish my liability kung ano yung nangyayari po doon.
17:28Pero sir, at this point in time, you are confident, you can confidently say
17:33you did not benefit from any infrastructure project.
17:37Wala pong corruption on your end.
17:38Absolutely, on my part.
17:39No, I don't even have to tolerate this kind of attitude.
17:46That's why I'm fighting all the charges against anybody who are involved
17:50after these ghost projects that have been discovered by the President.
17:55Ang Commission on Audit naman, magsasagawa ng technical inspection
17:59sa lahat ng flood control projects mula January 1, 2022, hanggang July 31, 2025,
18:07ongoing man o nakumpleto na.
18:09Para sa GMA Integrated News, Pina Panganiban Perez, nakatutok, 24 oras.
18:19Mga kapuso, alamin naman natin ang latest sa minomonitor na low pressure area
18:23sa loob ng Philippine Area of Responsibility
18:25at kung posible ba itong maging bagyo.
18:28Ia-atid niya ni Amor La Rosa, ng GMA Integrated News Weather Center.
18:32Amor!
18:35Salamat, Emil, mga kapuso.
18:36So, kumpara nga nito mga nakalipas na araw, mas lumapit na sa lupa
18:40ang minomonitor natin na low pressure area.
18:42Huling namataan ng LPA, dyan po yan sa coastal waters ng Mercedes Camarines Norte.
18:48Ayon sa pag-asa, may dalawang senaryo na pwedeng mangyari.
18:51Una po dyan, babaybayin nitong low pressure area,
18:54itong eastern coast ng Quezon Province,
18:56saka po ito magdi-dissipate o malulusaw.
18:59Pero, may isa pang bagong LPA na maaari pong mabuo dito yan sa West Philippine Sea.
19:05Yung ikalawang senaryo naman,
19:06posible po na hindi na matuloy yung pagka-dissipate po nito o pagkalusaw.
19:10So, mananatili po yan as low pressure area,
19:13tatawid po dito sa lupa,
19:14hanggang sa makarating na dito sa may West Philippine Sea.
19:17Kapag po nag-cross yan dito sa landmass,
19:19maaaring mahagip ng epekto nito,
19:21itong central zone at ganun din ang calabar zone.
19:23Ayon po sa pag-asa, sa ngayon ay mababa na ulit ang tsansa nitong maging bagyo
19:28dahil nga napakalapit na po yan sa lupa.
19:30Pero kapag nakarating na ito dito sa may West Philippine Sea,
19:34patuloy po natin i-monitor kung ito ay makakaipon pa ulit ng lakas para maging bagyo.
19:39Ayon din po sa pag-asa,
19:40maaaring sa Webes o Biyernes ay wala naman ang umiiral
19:43na sama ng panahon dito sa Philippine Area of Responsibility,
19:47pero patuloy pa rin tumutok sa updates.
19:50Magtutuloy-tuloy ang maulap at maulang panahon
19:52sa ilang bahagi ng ating bansa
19:54dahil yan dito sa low-pressure area
19:56at ganun din sa patuloy na pag-iral
19:58nitong hanging habagat o southwest monsoon.
20:00Base nga sa datos ng Metro Weather,
20:02ngayong gabi may tsansa po ng ulan.
20:04Dito yan sa may extreme northern Luzon,
20:07ganun din sa may Caguen Valley, Cordillera,
20:09ilang bahagi po ng central Luzon,
20:11ilang lungso dito sa Metro Manila,
20:13pwede rin po yan makaranasan.
20:15Pati na rin po dito sa may southern Luzon,
20:17lalong-lalo na sa may Mindoro provinces
20:19at pati na rin sa Palawan.
20:21Ganun din dito sa ilang bahagi po ng Bicol Region.
20:24Pusibla rin ang ulan sa ilang bahagi ng Visayas,
20:27lalong-lalo na dito sa western Visayas
20:29at ganun din sa Negros Island Region.
20:32Mararanasan din po ang mga pag-ulan
20:33sa ilang bahagi po yun ng Mindanao,
20:34gaya na lamang sa Zamboanga Peninsula,
20:37northern Mindanao,
20:38at pati na rin sa Caraga Region.
20:40Bukas ng umaga,
20:41mataas na po ang tsansa ng ulan.
20:43Dito po yan sa bahagi ng Mimaropa
20:45at pati na rin sa western Visayas.
20:47So dito po concentrated yung mga malalakas
20:49sa pag-ulan bukas ng umaga.
20:52Magtutuloy-tuloy po yan sa hapon
20:53at meron na rin mga pag-ulan
20:54sa northern and central Luzon,
20:57ganun din dito sa Bicol Region,
20:58at pati na rin sa ilang bahagi pa ng southern Luzon.
21:02Sa Metro Manila,
21:03bago magtanghali po,
21:04sibling maging maulap
21:05at magsisimula na ulit tumaas yung tsansa
21:07na mga pag-ulan.
21:09Kaya po magdala pa rin ang payong
21:10kung meron po kayong lakad.
21:12May pag-ulan din sa hapon
21:13sa western Visayas,
21:14ganun din dito sa may Negros Island Region,
21:17eastern and central Visayas,
21:18ganun din dito sa Mindanao,
21:20kasama po ang Zamboanga Peninsula,
21:22northern Mindanao,
21:23ganun din ang Caraga, Davao Region,
21:25at Soxarjena.
21:26May malalakas sa buhus ng ulan,
21:28kaya maging alerto po sa bantanang baha
21:30o landslide.
21:32Yan muna ang latest sa ating panahon.
21:33Ako po si Amor La Rosa.
21:35Para sa GMA Integrated News Weather Center,
21:37maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended