- 4 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Inimbestiga na ng PNP-HPG ang tatlong luxury vehicles na naharang sa magkakaywalay na operasyon
00:06dahil wala umanong kaukulang mga papeles.
00:09Inaalam pa kung nakaw ang mga sasakyan o kung may kinalaman sa maanumalyang flood control projects.
00:16Nakatutok si Chino Gaston!
00:21Tatlong luxury vehicles gaya ng GMC Denali SUV, Porsche Boxster at Chevy Camaro
00:26ang inimbound ng PNP Highway Patrol Group matapos maharang sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite at Pasay.
00:33Ang Bulang Camaro, nasita sa Cavite noong September 6, walang may pakitang lisensya o registration papers ang driver nito.
00:41Noong September 4 naman, nasabat sa Pasay ang GMC SUV at Porsche na masyado raw mababa ang bentahan
00:47at walang valid authority mula sa registered na may-ari.
00:51Iniimbestigahan na ng PNP-HPG ang mga sasakyan.
00:55Ang may-ari ng Camaro, hinihintay na ng HPG na tubusin ito at maipakita ang kaukulang papel.
01:02Pinapagawa naman ng tamang Special Power of Attorney ang may-ari ng nalalabing mga sasakyan.
01:08Pinagagawa naman ng valid na Special Power of Attorney ang may-ari ng GMC SUV at ng Porsche Boxster.
01:15Pero paglilinaw ng HPG, wala pang ebidensya sa ngayon na nagpapakitang nakaw ang mga sasakyan
01:21o kung may kinalaman nito sa mga embestigasyon sa mga nasasangkot sa maanumalyang flood control projects.
01:28Nagiging aggressive lang yung HPG sa mga bentahan, sa mga dumadaan, if there's some violations, lalo na if it is luxury cars.
01:37Natanong din ang HPG kung iniimbestigahan din nila ang mga luxury vehicles ng ilang opisyal ng gobyerno na sangkot sa maanumalyang flood control projects.
01:46Inuunahan na namin sila para pag nagtanong, ito na, ito na lang lang, ito yung nakuha na naming detalye.
01:54And we are doing it right now. In fact, right now, may mga tinitignan na kami.
02:00Sir, kaya minumonitor ang mga bentahan dahil may possibility na i-dispose na nila?
02:04Yes, that's correct. Kaya nga nakuha yung tatlo eh, dahil dyan sa monitoring na yan.
02:11Nakatakdag makipagpulong ang HPG sa Bureau of Customs para paigtingin ang koordinasyon
02:16sa pagbibigay ng clearance sa mga imported na sasakyan.
02:20Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
02:26Inalala ni Pangulong Bongbong Marcos ang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
02:31ngayong ika-108 taong kaarawan nito.
02:34Binigyan din ang Pangulo sa kanyang talumpati ang mga natutunan mula sa ama,
02:39kabilang anya, ang pagrespeto at pakikipaglaban para sa dignidad ng bawat Pilipino.
02:45Pinangunahan ng Pangulo ang pag-alay ng bulaklak sa monumento ng kanyang ama sa Batac, Ilocos Norte.
02:58Hawak na ni Sen. Ping Lakson ang CCTV footage ng pagpunta sa Senado
03:05ng kinatawan ng isang construction company para ipadala umano ang kickback sa isang senador.
03:11I-imbestigahan nito ng Blue Ribbon Committee at nakatutok si Ian Cruz.
03:19Sabi ni Sen. Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson,
03:22hawak na nila ang CCTV ng pagpunta umano ng isang kinatawan ng WJ Construction sa Senado noong August 19.
03:30Ang nasabing construction company, ang inilutang ni nating Bulacan District Engineer Bryce Hernandez
03:36na nagde-deliver umano ng kickback sa isang Beng Ramos para umano kay Senador Jinggoy Estrada.
03:43As we speak, meron kaming video footage ng CCTV, CCTV footage na dumalaw dito talaga yung WJ.
03:53Ang pangalan niya, Tamina.
03:55Ipapatawag namin yun.
03:56Kasi tatanungin namin, although may idea kami kung saan siya nagpunta rito,
04:01kaninong opisina ang dinalaw niya,
04:03pero ipapatawag namin para malaman natin kung kanino siya nagpunta,
04:08kaninong opis at sino yung kinausap niya.
04:10Para maliwanag, whether or not staff ng Blue Ribbon yung pinuntahan
04:15o legislator yung pinuntahan,
04:17edi magpaliwanag yung kapwa Senador.
04:20Nauna nang itinanggi ni Estrada na may staff siyang nagnangalang Beng Ramos.
04:26Pero may kapangalan daw ito na staff ng Blue Ribbon Committee.
04:30Dahil dito, sinabi ni Lakson, kailangan ng internal cleansing ng Blue Ribbon.
04:36Inilipat na rawang nasabing casual employee sa isang departamento, Anilakson.
04:40Inimbisigan siya, actually ngayon, meron siyang parang explanation at napag-explanation siya ng legal.
04:49Wala pa akong update.
04:51Pero yun ang huling usap namin ni Secretary General, Secretary Bantug.
04:58For humanitarian reasons, sabi ko, medyo dahan-dahan din tayo.
05:02Ang aligasyon ni Hernandez, 355 million pesos ang dinownload na proyekto ni Estrada sa Bulacan.
05:10Nang tanongin noon si Estrada ukol dito.
05:12Wala kayo tatanda na paano?
05:14I don't know.
05:16Sa dami ng mga mayors, mga governors, mga konsyahal na humihingi sa akin ng mga project,
05:25eh lahat, pinababaya ko na lang, binibigay ko na lang sa mga staff ko para sila na magbigay sa mga mayors.
05:35Ang 355 million pesos na halaga ng proyekto na isiningit sa 2025 national budget para sa Bulacan na tukoy na raw nila Lakson.
05:43Pina-check ko agad sa General Appropriations Act, kung meron bang insertion na nagkakahalaga ng 355 million pesos na intended para sa Bulacan.
05:55And we found one.
05:57Meron talaga insertion na wala sa house version pero lumabas ito doon sa after BICAM.
06:06So maliwanag na either sa Senate version or sa BICAM yun na insert.
06:11May proyekto na nga raw na na-award mula sa nasabing pondo nitong Mayo lang.
06:16My teams are checking kung ano yung status ng mga at least five projects na yun na hindi pa namin alam yung amount.
06:25Madali makita yun kasi nasa website naman ng DPWH.
06:28At titignan namin sa ground ano yung status.
06:31Sa gitna na akusasyon ni Hernandez, iginiit ni Lakson na walang sasantuhin ang Blue Ribbon.
06:36Sabi niya, masagasaan na kung sino man ang masasagasaan.
06:41Kung may pagtatakpan pa daw, bakit pa daw kailangan pang mag-imbestiga.
06:46Kinokonsidera na raw ng Blue Ribbon na ipatawag ang dating pinuno ng Senate Finance Committee na si dating Senador Grace Poe.
06:53Inter-parliamentary courtesy, si Senador Grace Poe para ma-identify kung saan o kung sino yung nag-insert nung 355 billion na yun.
07:04Kasi established na natin na either sa Senate version or sa bicameral, sa BICAM, lumabas bigla.
07:12Kasi wala sa NEP, wala rin sa GAB o sa House GAB.
07:16Pagdating naman sa mga proyekto noong Duterte administration, pwede raw nilang tanungin si Senador Mark Villar na nooy kalihim ng DPWH.
07:25Si Senador Villar could be a very good resource person, at the same time, member of the panel.
07:33He can share. He's free to share his whatever he thinks or he knows about what happened from 2016 to 2022.
07:42Ang sinasabi ko, sabihin ko lang sa inyo, sa nakita ko, very, very, very active ang bank accounts ng Diskaya Coe Paul simula noong 2015, 2016, 20.
07:57Tapos naging active uling sobra 2025.
08:01Aminado si Senador Ping Lakson, walang record na mga kasama ang posibleng nagsingit ng mga items sa 2025 national budget.
08:09Mahirap man daw ang trabaho, hahanapin daw nila kung sino-sino ang mga ito.
08:14Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katutok, 24 Horas.
08:22Sunod-sunod na pasabog ang handog na performances ng ating Kapuso Stars sa 3rd anniversary ng Kalaka Cityhood.
08:29At ay first time ng ilan sa kanila roon, ano kaya ang gusto nilang itry na tatak Batangas?
08:35Narito ang report ni Diane Loquillano ng GMA Regional TV.
08:39Sa puso ng Batangas, nagsama-sama ang mga Kapuso Star para sa isang makulay at punong-puno ng sorpresang Kapuso Fiesta,
08:52handog ng GMA Regional TV sa ikatlong anibersaryo ng Kalaka Cityhood.
08:58Hindi la ang are basta show, ha?
09:00Ito ay gabing puno ng musika, tawa at pagdiriwang para sa mga kalakazen.
09:06Unang nagpasabog ng kilig ang power couple at lead stars ng Sanggang Nikit FR na sina Jenny Lin Mercado at Dennis Trilio.
09:14Maraming salamat po.
09:16Para makita kami, oo. Thank you sa inyo.
09:17Thank you sa pag-welcome niyo sa amin.
09:19Gusto natin matikman yung Kaping Barako, Lomi, tsaka yung ano pa ba?
09:24Specialty nila dito.
09:25Bulalo.
09:26Ayun, yun.
09:27Thank you GMA Regional TV.
09:30Happy 3rd Cityhood Anniversary, Kalaka, Batangas.
09:35Nag-perform din si Juancho Trivino.
09:38Lizelle Lopez.
09:45At ang tambalang Tito Abdul at Tito Marcy.
09:51Isa pang inaabangan si kapuso ex-housemate at birthday girl na si Charlie Fleming.
09:58Mas naging espesyal pa ang gabi nang sorpresahin siya ng kanyang Char Boss fans mula pa sa Maynila.
10:05May pabonus pang birthday celebration mula sa GMA Regional TV family kasama ang ilang masuswerteng fans on stage.
10:16More kilig, more fun naman ang dala ng hating kapatid cast.
10:21Kinilig ang lahat ng lumabas ng kanilang lead star na si Navi Legaspi.
10:26Siyempre, it's my first time here also.
10:28Sobrang ingay, sobrang saya at super supportive sila.
10:33Samahan pa yan ang nakakabinging hiyawan para kay PBBX housemate Vince Maristela na game na game pang nag-selfie kasama ang fans.
10:44Dumagdag pa sa energy ang performances ni Natchezka Fausto at Angel Leighton.
10:50Truly party vibes all around.
10:53Thanks to kapuso host Pipita Curtis mula sa TikTok clock na nagpa-hype all night long.
10:59Gustong gusto ko talaga yung pasalamat sa mga Batanggenyo dito sa Kalaka.
11:04At syempre, ito talaga yung mga panahon na tine-cherish ko talaga kasi ito lang yung chance ko and yung opportunity ko na magbigay ng saya.
11:14Masasabi ko talaga na ang show na ito is a success talaga kasi everybody enjoy.
11:20Maraming salamat po sa effort sa pagpunta nila dito para lang makasama kami.
11:24Mula sa JMA Regional TV at JMA Integrated News, Diane Loquelliano, nakatutok 24 oras.
11:33Magpa-file ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa plano ng China na magtatag ng National Nature Reserve sa Bajo de Masinlok.
11:41Tingin ang isang eksperto, paraan ito ng China para pigilan ng mga Pilipino na mangsda roon.
11:47Kakit na exclusive economic zone ito ng Pilipinas.
11:51Nakatutok si JP Soriano.
11:54Saktong isang buwan na mula ng magbanggaan ang dalawang barko ng China.
12:02Habang hinahabon ang barko ng Pilipinas na magdadala ng ayuda sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinlok.
12:09Ang China may ginagawa na namang panibagong hakbang sa lugar.
12:13Kahapon inanunsyo ng kanilang state media na inaprubahan ng China State Council ang pagdatatag ng isaan nilang Nature Reserve sa Bajo de Masinlok na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas at bahagi ng West Philippine Sea.
12:30Ito raw ay para mapanatidian nila ang diversity, stability at sustainability ng lugar.
12:37Nagpadala rin ng karagdagang pahayag ang Chinese Embassy sa Pilipinas pero nasa wikang Mandarin at wala pa raw available na English version sa ngayon.
12:46Mariing inalmahan ng Foreign Affairs Department ang anilay walang basihang pagkatayo ng Nature Reserve.
12:52The Philippines will be issuing a formal diplomatic protest against this illegitimate and unlawful action by China as it clearly infringes upon the rights and interests of the Philippines in accordance with international law.
13:13The Philippines likewise has the exclusive authority to establish environmental protection areas over its territory and relevant maritime zones.
13:27Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea kabilang na ang Bajo de Masinlok dahil bahagi raw ito ng kanilang 9 o 10 dash line historical map pero ibinasura na yan ng 2016 Arbitral Tribunal.
13:41The Philippines urges China to respect the sovereignty and jurisdiction of the Philippines over Bajo de Masinlok.
13:51Refrain from enforcing and immediately withdraw its state council issuance and comply with its obligations under international law.
14:03Ipoprotesta man ang gobyerno ng Pilipinas ang anunsyo ng China na maglalagay sila ng Nature Reserve sa Bajo de Masinlok
14:09Tingin ng isang maritime law expert, tila paraan ito ng China para mas mapalawak pa ang kanilang kontrol sa Scarborough Shoal na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
14:19Ayon pa sa isang maritime affairs expert, kahalintulad sa pagdadeklara halimbawa ng Pilipinas sa Tubataha Reefs Natural Park,
14:29paraan-aanya ito ng China para gawing lehitimo ang pagpigil sa mga manging isda mula sa Pilipinas at ibang bansa na makapasok sa Scarborough Shoal.
14:39Ang pinapalabas nila ngayon ay environment protection. Katawa-katawa na naman yun kasi sila lang naman ang sumira ng buong bahura na yun.
14:48Sakali meron silang uhulihin sa ating mga tao, mga fishermen natin, gagawin nilang basihan yan para siguro dalin sila sa korte sa China at patawan ng parusa.
14:58Cover lang ngayon para sa isang mas maitim na objective.
15:02Sa tingin ng National Security Council, ang galawang ito ng China ay malinawa nilang paghahanda sa kalaunang pananakop sa lugar.
15:13Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.
15:19Kinawestiyon naman sa Kamara, ang pagiging government contractor ng asawa ng isang COA Commissioner.
15:33COA kasi, ang sumusuri kung tama ang paggasto sa kabanang bayan kung saan kinukuha ang pambayad sa mga kontraktor.
15:42Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
15:44Sa budget briefing ng COA kanina, natanong si COA Chairperson Gamalil Cordova tungkol sa pagkakaroon ng government contracts ng misis ni COA Commissioner Mario Lipana.
15:58Ayon kay Act Teachers Partilist Representative Antonio Tino, ang asawa ni Lipana na si Marilu Laurio Lipana, President at General Manager ng Olympus Mining and Builders Group Philippines.
16:11Batay sa datos ng COA, mahigit 326 million pesos na ang naibabayad sa Olympus para sa flood control at iba pang infrastructure projects.
16:22Ang ibang proyekto, ongoing pa.
16:25Para po sa akin, personally, there's a potential conflict of interest.
16:28Bakit po potential conflict of interest?
16:30Pagka po siya ay nakailam dun sa mga auditor sa baba na gumagawa na ka ng trabaho din, that's a potential conflict of interest.
16:37That's a potential.
16:38Pero malinaw na pinagbabawal ng konstitusyon. Tama po ba?
16:43Seems like that, Your Honor.
16:45So, na-award yung mga yan, while Commissioner ng Commission on Audit,
16:50Itong si Commissioner Lipana, the very same commission, task to audit DPWH projects. Tama po ba?
16:59Yes, I think so, Your Honor.
17:00I was simply appalled by the fact that the Commissioner concern, you were talking about the Commissioner earlier, remains to be in office.
17:11For me, it's a clear case, not only of potential conflict of interest. It's not a potential conflict of interest.
17:18It's real, actual conflict of interest.
17:23Kaya sabi ni Tinio, dapat mag-resign na ang Commissioner na ito, Mr. Chair.
17:30Pero sabi ng Chairperson ng COA, wala siyang kapagyarihang utusan si Lipana na mag-bequeue o disiplinahin ito.
17:37Tinignan ko nga po sa konstitusyon din, the chairperson or the commission does not have a discipline authority over one of its commissioners.
17:46Dahil po, constitutionally created po ang commission audit din, yung pong mga commissioners at Chinchere are impeachable officers.
17:55Please talk to him once he reports back to office.
17:59Otherwise, one of us, or some of us, may initiate impeachment proceedings against him.
18:07Because it clearly falls under one of the grounds, betrayal of public trust, and also even graft and corruption.
18:16Sinusubukan ng GMA Integrated News na makunan ang pahayag si Lipana, kaugnay nito.
18:21Wala si Commissioner Lipana sa budget briefing.
18:24Ayon kay Chairperson Cordoba, naka-medical leave ito mula Agosto hanggang sa katupusan ng Setiembre para magpagamot sa Singapore.
18:32Naungkat din sa pagdinig ang mga umanima-anumalang flood control projects sa Bulacan.
18:39Ayon kay Cordoba, naisumite na nila sa Office of the Ombudsman itong lunes ang fraud audit reports
18:45para sa dalawang proyekto ng St. Timothy Construction, dalawang proyekto ng Wawa Builders,
18:52at isang proyekto ng Sims Construction Trading.
18:55Kapag nagsimula na raw ang investigasyon ng Independent Commission,
18:58pwede rin daw nilang ibigay roon ang mga ulat.
19:02Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatuto, 24 oras.
19:12Mga kapuso, may bagong namumuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
19:18Yung low-pressure area kahapon, malapit po sa Quezon Province, nag-dissipate o nalusaw na.
19:22Pero, may bagong LPA na nabuo at huling namataan kanilang hapon sa layong 980 kilometers silangan ng Southern Mindanao.
19:31Ayon sa pag-asa, sa ngayon ay mababa pa ang tsansa nitong maging bagyo.
19:35Pero, lalapit o tatawi nito sa Eastern Visayas o Northern Mindanao simula sa weekend.
19:40Ngayon pa lamang, ramdam na ang efekto ng trough o yung buntot nito sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
19:46Patuloy rin ang pag-iral ng Easter Lease sa iba pang panig ng bansa.
19:50Base sa datos ng metro weather, may tsansa na ng ulan umaga pa lamang bukas sa ilang bahagi ng Mimaropa, Calabarzon at Panay Island.
19:58Pusibling may kalat-kalat na ulan naman sa Central at Eastern Visayas, pati sa ilang bahagi ng Mindanao.
20:04Pagsapit ng hapon, mataas na rin ang tsansa ng ulan sa Ilocos Region, Central Luzon at Southern Luzon, kasama ang Bicol Region.
20:11Halos buong Visayas at Mindanao naman ang uulanin sa hapon at gabi.
20:15Maging alerto dahil pusibli ang baha o landslide kapag nagtuloy-tuloy ang maulang parahon.
20:22Sa Metro Manila, pwedeng maulit ang mga pag-ulan gaya ng naranasan kanina.
20:26Mas tumataas ang tsansa ng ulan sa tanghali at hapon pero pusibli rin hanggang gabi sa ilang lungsod.
20:33Vistado sa Angeles, Pampanga, ang pugad umano ng Forex trading scam.
20:39Aristado ang dalawang Israeli at pitong Pinoy.
20:42Ang kanilang modus, tinutukan ni John Consulta, exclusive.
20:50Sa isang apartment sa Angeles, Pampanga, huli sa akto ang dalawang Israeli nationals at ilang Pilipino habang abala sa kanilang pangi-scam.
21:00Ano ang mga waksil po?
21:02Naku-on pa ang mga computer na ginagamit ng grupo sa kanilang Forex trading scam.
21:10Karamihan sa mga biktima ay nasa ibang bansa.
21:13Itong grupo na ito, isa din sa nag-viral dati sa Cebu kung saan nahack yung kanilang CCTV at nakunan nga yung activity sa loob nitong mga scammers na ito.
21:23Sa una ay bibentahan ka nila or aalukin ka nila ng mentoring para matuto ka ng Forex trading.
21:31So pag nahook ka na doon, papadalaan ka nila ng link or ng malware upang makontrol nila yung account mo at sa paraan ngayon ay maaari na nilang mahack yung mga bank accounts.
21:44Pero parang mistulang dobling dagok ang inaabot ng mga biktima ng grupo.
21:49Dahil matapos mabiktima, kakausapin silang muli ng mga Pilipinong kasabwat para muling mapainvest at makuhanan ng pera.
21:56Na ikipag-ugnayan tayo sa PNP-ACG upang magkaroon ng mas malaliman pa na investigasyon.
22:04Iko-coordinate din natin sa Canadian at sa Australian authorities na na ikipag-ugnayan din sa atin ngayon kasi napag-alaman nila na may mga biktima din sa kanilang bansa.
22:16Sinisikap pa namin makuha ang panig ng mga inaresto na nakapiit sa detention facility ng BI sa Bikutan.
22:22Para sa GMA Integrated News, John Konsulta, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment