Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Kalumpit Bulacan, 4 buwan ng babad na sa baha ang mga residente, kaya galit na galit ngayon.
00:07Hindi na nga nila inasa sa gobyerno ang pagpapagawa sa isang tulay roon na sila ang nag-ambagan,
00:12e wala pa silang mahita sa mga flood control project na may ambag din ng kanilang buwis.
00:18Nakatutok doon live si June Ginerasho.
00:21June.
00:22Vicky, sa loob ng mahabang panahon, inakala ng ilan sa mga taga rito sa barangay San Miguel, Kalumpit Bulacan,
00:32ang problema nila sa baha ay dala ng kalikasan at pabago-bagong panahon.
00:37Kaya ganoon na lang ang kanilang galit ngayong lumalantad na at nabubuggar na.
00:42Nakabilang din pala sa nagpalubog sa kanila ang kasakiman sa pera ng mga korup na tao sa loob at labas ng gobyerno.
00:52Apat na bonang hindi humuhupa ang baha rito sa Sicho Cabo, barangay San Miguel, Kalumpit, Bulacan.
01:00Pati ang kanilang kongkretong makeshift bridge, kahit mataas, nilubog ng tubig.
01:051.5 meters yan.
01:07Ang taas?
01:08Ang taas.
01:09O eh ngayon, lubog pa rin.
01:11Gano'n lang katagal?
01:134 months na, magpa 5 months na.
01:15Hindi nyo lang nakikita pero itong aking nalalakaran, makeshift bridge ito dito sa isang bahagi ng barangay San Miguel.
01:26Alam nyo ba, yung tulay na ito naipatayo gamit yung pera ng mga residente.
01:32Nagambagan sila para maski pa panoy, mayroong solusyon dun sa kanilang problema.
01:36Diyan ang gagaling yung galit ng mga residente rito dahil nababalitaan nila ngayon na bilyon-bilyong piso pala ang nawawala
01:43dahil sa korupsyon, kaugnay ng mga flood control project na dapat sana'y napapakinabangan nila.
01:50Ang kalumpit ay sakop ng First Engineering District, Bulacan, kung saan maraming proyekto ang lumalabas sa mga pagdinig na substandard.
01:58Hugot tuloy ng mga taga rito kung hindi sana inuna ang kasakiman sa pera.
02:02Malamang, hindi ganito kalaki ang problema nila sa baha.
02:05Hindi po sana mangyari na, puro hearing lang po. Puro hearing lang. Sana po may managot po talaga.
02:13Maraming residente na ang umalis at inabando na ang kanilang bahay na pinaghirapanan nilang maitayo sa malinis na paraan.
02:21Ang mga naiwan, araw-araw na nagtitiis.
02:24Katulad ngayon, kahit saan ka bumaling, tubig dahil po sa mga kagagawa ng mga korup na po na yan.
02:30Subukan po nila na itry na mamuhay ng pamumuhay namin ngayon. Baka po sakaling makonsensya po sila.
02:37Talaga ang hirap na hirap na kami sa nangyayari na yan.
02:42Hindi po namin akalain na abutin, naborgar nga ngayon yung mga korakot na tao.
02:50Nasa dalawang pong pamilya ang nasa evacuation center ngayon ng barangay.
02:54Karamihan, hindi na mabilang kung ilang beses nang lumikas.
02:58Sila po nagpapakasaya, kami pong Pilipino. Nagpapakahirap po kasi. Nahirapan po talaga kami.
03:05Hindi nakakakumpleto ng isang linggo nang pasok ang mga estudyante dahil laging lubog ang kanilang eskwela.
03:10Masakit po yung nakukuha po nila yung mga pondo po ng Pilipinas dito po. Mahirap din po.
03:21Matatandaan na nitong nakarang buwan lang, mismong si Pangulong Bongbong Marcos
03:25agdag inspeksyon sa mga flood control projects sa mga karating barangay ng San Miguel.
03:31Sira-sira, butas-butas at nakausli ang mga bakal ng diking pinuntahan sa barangay Frances.
03:37Sinita rin niya noon ang proyektong indireport ng tapos.
03:40Kahit kulang pa ng 200 metro at butas-butas pa sa barangay Bulusan.
03:49Nitong linggo Vicky ay kasama itong mga taga-barangay San Miguel sa mga sumama sa rally
03:55dito sa kanilang bayan sa kalumpit para kundinahin yung korupsyon sa mga flood control project.
04:01At kung may mga susunod pa raw na rally, ay sasama muli sila para matiyak na mapanagot ang mga taong
04:07imbis na makatulong ay nagpalalapa sa kanilang problema.
04:11Vicky.
04:11Maraming salamat sa iyo, June Veneracion.
04:14Mga kapuso, patuloy ang paglakas ng bagyong opong na inaasaang aabot ang pinakamantaas na babala sa wind signal number 4.
04:27Ang latest kaunay niyan, iatid ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
04:32Amor.
04:33Salamat, Emil. Mga kapuso, paghandaan po ang bagyong opong na ayon sa pag-asa ay posibleng lalo panlumakas
04:41bago pa man ang pagtama at pagtawid nito sa lupa.
04:45Huling namataan ang sentro ng bagyong opong sa layong 670 kilometers silangan ng Suligaw City.
04:50Taglay po niya ng lakas ang hanging aabot sa 95 kilometers per hour at yung pagbugso naman, 115 kilometers per hour.
04:58Kumikilos po yan pa west-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
05:03Sa latest track na inilabas po ng pag-asa, lalapit itong bagyong opong dito sa may Eastern Visayas at Southern Luzon area.
05:10At kumpara po sa forecast kagabi, ay medyo umangat yung posibleng landfall nito dito na yan sa may Bicol Region,
05:17biyernes po ng umaga o hapon.
05:19Saka naman ito tatawi dito po yan sa may Southern Luzon hanggang sa makarating na dito sa may West Philippine Sea.
05:25At posible naman na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility pagsapit po ng Sabado.
05:31Dito po sa ating track, ang linya po na nakikita po nyo, ito po yung nagpapakita kung saan posibleng dumaan yung sentro lamang o yung pong center o gitna po ng bagyo.
05:41Pero yung kabuang lawak po niyan, itong bagyong opong ay aabot pa dito sa iba pang probinsya.
05:47Nasakop nitong tinatawag natin na cone of probability.
05:51So kapag tumawid yung sentro nitong bagyong opong, dito yan sa may Southern Luzon, particular na sa bahagi po ng Calabarzon Area,
05:59ramdam din yung hagupit ng bagyo dito po yan sa Metro Manila, Central Luzon at ilang bahagi pa ng Mimaropa lalo na dito sa may Mindoro Provinces, Marinduque at Rumblon.
06:09Pero mga kapuso, pwede pang magbago yung track ng bagyo.
06:13Pwede po yung umangat ng konti o bumaba ng konti kaya patuloy po tumutok sa update sa mga susunod na oras.
06:19Ngayon pa lang nakataas na ang signal number 2, dyan po yan sa Northern Samar at pati na rin sa Northern portion ng Eastern Samar.
06:27Signal number 1 naman sa Catanduanes, Camarinesur, Albay, Sursogon at Masbate.
06:32Kasama rin dito ang Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, Biliran at Northern portion ng Lete.
06:38Madadagdagan pa yan sa mga susunod na oras at araw at posibleng umabot pa hanggang sa signal number 4, yan po yung highest na warning natin na posibleng.
06:48At yung lakas na yan, kaya pong magpatumba ng poste at puno, magpalipad ng mga yero at makapinsala sa mga istrukturang gawa sa light materials.
06:56Pero huwag na po natin intayin na tayo po ay mabigyan ng signal number bago po tayo maghanda.
07:01Ngayon pa lang po ay mag-prepare na tayo.
07:04Bukod sa direktang epekto ng bagyong opong, dapat din paghandaan ng epekto nitong enhanced o yung pinalakas na habagat.
07:11Base po sa datos ng Metro Weather ngayong gabi, may mga pabugsong-bugsong ulan pa rin.
07:15Dito yan sa ilang bahagi po ng Luzon at pati na rin po dito sa ilang lungsod sa Metro Manila.
07:21Posible rin po yan maranasan dito sa Bicol Region at Eastern Visayas.
07:25Bukas ang umaga, may mga kalat-kalat na ulan na at lalong-lalo na po yan dito sa ilang bahagi po ng Mimaropa, Bicol Region at ganoon din dito sa Quezon.
07:35Malawakan na po yung mga pag-ulan at halos buong Luzon na po yan pagsapit ng hapon at ng gabi.
07:40May mga matitinding buhus ng ulan na posible pong magdulot ng mga pagbaha-ulan slide lalo na dito sa may Central Luzon, Calabar Zone at ganoon din dito sa Mimaropa.
07:51Dito naman sa Metro Manila, mataas pa rin ang chance sa mga pabugsu-bugsong ulan din bukas kaya magingat pa rin at lagi mag-monitor ng advisories.
07:59Sa Visayas naman, umaga pa lang may mga kalat-kalat na pag-ulan na po mararanasan at buong Visayas na.
08:04Ang uulanin pagsapit po ng hapon at magpapatuloy po yan hanggang sa gabi.
08:10Malalakas yung buhus ng ulan lalong-lalo na dito sa may Summer and Leyte Provinces pati na rin po dito sa may Western Visayas kasama na ang Negros Island Region.
08:19Sa mga taga-Mindanao naman, maaliwalas ang panahon maliban lang po sa localized thunderstorms lalo na po paghapon at gabi.
08:26At ngayon naman, silipin na rin po natin pagdating po ng Biyernes kung kailan po natin inaasahan pinakamalapit ito pong bagyong opong dito sa ating landmass.
08:34So dito na po mabababad na sa matitinding buhos ng ulan, ito pong ilang bahagi ng Luzon at halos magtutuloy-tuloy po yan dito sa malaking bahagi ng Luzon.
08:43Lalong-lalo na po dito sa may Bicol Region, Calabar Zone, Mimaropa at pati na rin dito sa ilang bahagi po ng Northern and Central Luzon at sa may Visayas.
08:54Yan muna ang latest sa ating panahon.
08:56Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
09:00Maasahan anuman ang panahon.
09:02Sinuspindi na ng kamara ang pagdinig nito sa mga flood control project.
09:13Isusumiti na lang ang mga nakalab na ebidensya sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
09:21Sinampahan na rin ang ethics complaint.
09:23Si ako Bicol Representative Zaldiko.
09:27Nakatutok si Tina Pangani Van Pere.
09:29Today we're announcing the suspension of proceedings of the House Infrastructure Committee
09:38to give way to the full and impartial proceedings of the Independent Commission for Infrastructure.
09:45Nakakatalawang pagdinig pa lang pero suspendido na ang investigasyon ng House Infrastructure Committee sa mga flood control project.
09:52Even previous to the change in leadership of the House,
09:57I think yan na po yung mga pinag-uusapan talaga ng mga miembro ng komite.
10:01And I think the chairs of the three committees have basically agreed na we have to suspend and cooperate na lang po with the ICI.
10:09Para ipakita ang pakikipagtulungan ng Kamara sa Independent Commission for Infrastructure,
10:15ito turnover nito ang mga nakalap nitong dokumento at ebidensya,
10:19pati na transcripts na mga isinagawang pagdinig ng House Infrastructure Committee sa ICI.
10:24At si House Speaker Faustino Bojidi III ang magdadala nito.
10:30Kahapon, sinampahan ni Navotas City Representative Toby Tiangco ng ethics complaint si Ako Bicol Representative Saldico
10:37dahil anya sa paglabag sa konstitusyon, sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,
10:45at sa mga patakara ng Kamara.
10:46Kasama sa mga binanggit ni Tiangco ang biliyong-biliyong pisong budget insertions
10:51ng SICO ang chairperson ng House Committee on Appropriations.
10:55Ang pagiging absent ni Co mula na magbukas ang 20th Congress noong July 28
11:00at marangyang lifestyle ni Co at pamilya nito.
11:04Sabi pa ni Tiangco, base sa data ng DPWH,
11:08nakakuha ang umunay kumpanya ni Co ng mahigit 86 billion pesos
11:13na halaga ng government infrastructure contracts mula 2016 hanggang July 2025.
11:20Kalahati ng mga proyekto ay nasa Bicol Region na baluarte ni Co.
11:24So napagdugtong-dugtong na natin, sinabi ko na yung proponent napakahalaga ng role na ginagampanan.
11:33Sinabi na ni DE Alcantara na pag may na-insert, may silang dinideliver na amount.
11:41Noong una, 20%, pangalawa, noong later on, naging 25%.
11:46Sinisika pa namin makuha ang reaksyon ni Co.
11:50Pero sabi umano nito kay Congressman Alfredo Garbin Jr.
11:54na kasama niya sa party list, walang basehan ang mga aligasyon na handa niyang harapin.
12:00Nasa Amerika raw si Co.
12:01Nang makausap niya, dalawang linggo na ang nakararaan
12:04at may medical check-up pa ito roon sa September 24.
12:08Prioridad ng Kamara ngayon ang pagpapasa sa panukalang 2026 budget.
12:14Pero hiling ng Ethics Committee, payagad silang magsagawa ng mga pagdini.
12:18This way, we can clear the docket of the Committee on Ethics
12:22para kung sakaling may makasuhan man sa ating mga miyembro,
12:26handa po rumesponde ang ating committee bago po tayo mag-adjourn.
12:29Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez,
12:33na Hatutok, 24 oras.
12:39Shala Dismaya is back!
12:41At may makakasama pa siyang mga bagong karakter na mas magle-level up pa ng katatawanan
12:46sa susunod na hearing sa Bubble Gang.
12:49Kung sino-sino, it's a chika ni Nelson Canas.
12:52Mula sa multi-million views, sa mga clips na hindi lang nagpatawa,
13:07Hindi po flood control, birth control po.
13:10Nag-raise pa ng awareness.
13:14Ang panibago at certified trending na karakter ni kapuso comedy genius Michael V.
13:19sa longest-running gag show na Bubble Gang, si Shala Dismaya.
13:24Hindi po kami contractors.
13:26Construction po ang business namin.
13:30Magbabalik!
13:31Walang kupas nga ang atake ni Michael V. bilang si Shala.
13:34Kasabayan pa si Matt Lozano at Sen. Espada.
13:38At Betong Sumaya at Sen. Marco Lekta.
13:41Yung Rolls Royce, gustong gusto mo raw dahil may libreng payo.
13:46Huwag mag-isinungaling. Maming ka.
13:50Hindi po totoo yan, Your Honor.
13:53What do you mean na hindi totoo?
13:55Eh, kitang-kita doon sa interview niyo.
13:57Binili ko yung payong dahil may libre siyang kotse.
14:02Yan, yan naman kami siya yan ah!
14:04This coming Sunday, level up ang kulit dahil not only is Shala coming back,
14:11may makakasama rin siya sa kanyang next na hearing.
14:16Ipinakikilala, Corny Dismaya at Senator Tolpu.
14:21Marami tuloy ang nagtatanong, ito na nga ba ang simula ng pag-reveal niya sa iba pang secret projects?
14:29Mula kina Shala at Corny, may isa pang bibida.
14:32Sa lahat na nakaupo, subukan nyo naman tumayo.
14:40Para miyam, miyam, miyam, miyam.
14:43Naniiwala ako sa freedom of speech kaya gagawin ko anong gusto kong gawin.
14:46Si Kong Kikoy, expect triple trouble, more than triple tawanan, at mga pasabog sa Bubble Gang.
14:57Hindi po ako galit.
14:59Dismayado lang.
15:00Nelson Canlas updated sa Shubis Happenings.
15:03Patay ang magkakambal na bata sa Valenzuela dahil sa pagsabog ng mga pulbura ng paputok na nakaimbak sa isang bahay.
15:12Pito ang sugatan at apat na pamilya ang nawala ng bahay.
15:17Nakatutok si Jamie Santos.
15:19Jamie.
15:23Vicky, isang malakas na pagsabog ang yumanig nga sa isang residential area sa barangay Marulas, Batimana Compound,
15:30dito nga sa Valenzuela City, bandang alas 11.30 kaninang umaga.
15:34Nasawi ang magkakambal nga na pitong taong gulang na babae habang pito ang nasugatan pa.
15:43Kasunod ng malakas na pagsabog ay sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Paisy Street, Valenzuela City.
15:50May nakaimbak umano rito ng mga kemikal gaya ng pulbura na ginagamit sa paggawa ng paputok at iba pang fire techniques.
15:57Pitong fire trucks at labing apat na ambulansya ang rumespondes sa sunog
16:00na naideklarang under control ng Bureau of Fire Protection bandang 11.48 ng umaga.
16:06Pero hindi nakaligtas at patay ng natagpuan ang pitong taong gulang na magkakambal na babae.
16:12Pito naman ang sugatan at isinugod sa Valenzuela Medical Center.
16:16Kabilang ang isang senior citizen, tatlong bata at isang 13 anyos na nasunog ang hanggang 80% ng katawan.
16:23Inilipat ang huli sa Tondo Medical Center dahil walang burn unit sa unang ospital.
16:27Sa kabuuan, labing pitong tao mula sa apat na pamilya ang naapektuhan at nawala ng tirahan.
16:33The city government and emergency response teams are working closely to provide assistance to the affected families.
16:41Lahat ng hospital bills po ng pamilya and ng mga victims ay to be shouldered by the LGU.
16:48Sa isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng EOD at SOCO, nakumpirma na walang ebedensya ng Improvised Explosive Device o IED sa lugar.
16:57Ang natagpuan lamang daw ay mga pulbura at materyales para sa paggawa ng paputok.
17:02Sa information got from the resident saka yung member of the family, ang kanilang deklarasyon ay may nakaimbak po dung mga kuitis na iniipon na ibibinta.
17:16Kaso during the inspection, hindi na siya nakita yung traces kasi kasama na siya sa explosion.
17:24Ayon sa mga otoridad, malino na may pananagutan ang may-ari ng bahay dahil ipinagbabawal ang pag-iimbak ng ganitong mga kemikal sa isang residential area, lalot wala itong kaupulang permit.
17:35Nag-stock dyan ang pyrotechnic powder dahil mura pa ngayon.
17:45Magawa nga sila para sa Pasko bagong taon at ganitong bermas.
17:50Nag-stock na sila. May pananagutan yung reliability ng may-ari ng bahay.
17:56Wala siya kanina dyan pero yung babae, biktima rin siya.
18:00At ang masakit po talaga dito, yung dalawang namatay ay yung po ay kamag-anak niya.
18:07Magpapaikot po tayo ng tao para malaman pa po kung ito ba ay isolated case ba or ito po ay nagiging industry na dito sa Valenzuela.
18:17Tiniyak naman ang lokal na pamahalaan na bibigyan ng tulong ang mga apektadong pamilya.
18:26Vicky, nagpapatuloy ang isinasagawang investigasyon ng Valenzuela City Police para matukoy ang liability nga ng may-ari ng bahay at ang lawak ng kanyang nalabag sa batas.
18:36At iyan ang latest mula rito sa Valenzuela. Balik sa'yo Vicky.
18:39Maraming salamat sa'yo Jamie Santos.
18:41Labis ang pangamba ng ilang taga-Oriental Mindoro sa posibleng hagupit ng bagyong opong.
18:48Lalo na sa isang barangay kung saan may mga hindi matuntun na proyektong pangontrasala sa baka.
18:55Nakatutok live si Bea Pinlak.
18:57Bea.
18:58Emil, nandito tayo ngayon sa Nauhan Oriental Mindoro at ang ilang magsasaka rito nangangamba na sa posibleng pinsala sa palayan ng inaasahang hagupit ng bagyong opong.
19:13Ang ilang buwang dugot pawis ng mga magsasaka dito sa barangay Apitong sa Nauhan Oriental Mindoro,
19:22inangangambahan nilang mawawala lang ng isang iglap.
19:25Gaya ni Tatay Alan, nakabado sa inaasahang hagupit ng bagyong opong.
19:30Marami pong mga hayop, marami pong palayan. Una-una po palayan talaga ang mga nadidisgrasya.
19:37Kaya mga tao po'y talagang dumadanas ng paghihirap. Mawala na naman kami ng hanap buhay.
19:45Sa paulit-ulit na pagkalubog nila sa baha, mahirap daw hindi magalit dahil sila ani ang nagdurusa sa epekto ng Umanoy Ghost Flood Control Project sa barangay nila.
19:54Sa ginawang pagbisita ng DPWH sa lugar, hindi natagpuan ng tatlong proyektong Umanoy Gawana at Pinunduhan noong 2024.
20:04Ang 300 million peso dike at esplanad sa Pangalan River, isang dike na may halagang 250 million pesos, at isa pang dike na halagang 200 million pesos.
20:15Talagang nakapaginanakit po at nakakasama ng loob. Kaya wala po kaming maliliit, wala kami magawa.
20:21Gawana na sa kanila po ang kapangyarihan, ang nangyayari po sa amin, na higing kaawa-awa, maliliit na katulad namin, na wala pong ibang inaasahan kundi po makisaka o may palayan.
20:36Ayon sa barangay, malaking tulong sana kung may gumaga ng flood control project sa lugar nila.
20:42Pero meron man o wala, kailangan na raw nilang maghanda sa pananalasa ng bagyong opong.
20:47Sobra pong pangambam, madam. Kaya nga po kami noon ay nag-request na magkaroon dito ng flood control project.
20:54Ay yung nga lamang po, hindi po namin alam kung saan napunta.
20:58Magkakaroon po tayo ng pakikipag-ugnayan doon sa ating mga kabarangay na malapit dito sa mga prone area na binabaha.
21:08Upang wala pa man po yung baha, ay palilikasin na po natin.
21:12Sa buong probinsya ng Oriental Mindoro, puspusan na ang paghahanda para sa bagyong opong.
21:18Nakalatag na ang mga rescue boat, ambulansya at iba pang kakailanganin sa gitna ng dilubyo.
21:23Mahigpit yung ating coordination sa mga local government units, particular sa ating mga local DRM officers,
21:30na magpaabiso na kagad sa ating mga kabarangay, lalo na doon sa mga flood prone areas.
21:37Emile, ayon sa MDRRMO ng Nauhan, ay bukas ng umaga, mag-iikot na sila sa labing isang coastal barangay dito
21:50para abisuhan yung mga residente sa posibleng maging epekto ng bagyong opong.
21:55Yan muna ang latest mula rito sa Oriental Mindoro. Balik sa iyo, Emile.
21:59Maraming salamat, Bea Pinlock.
22:01Saktong isang linggo na lang, bago ang opisya na pagbubukas ng NCAA Season 101.
22:09Bukod sa maagsong tapatan sa bagong format ng mga laro, kabang-abang din ang mga nagbabalik
22:16at mga bagong courtside reporter ng Liga.
22:20Nakatutok si Katrina Son.
22:24All set na ang lahat para sa NCAA Season 101 na magsisimula sa October 1.
22:31Sa media launch, pinida ng NCAA Management Committee members ang bago format para sa games.
22:37Dati kasi pagka sa elimination, naka 10 to 12 weeks, alam na eh.
22:42Hindi patapos, alam na kung sino yung papasok sa Final Four.
22:45So itong bagong format, ang hirap i-determine.
22:48It would really be consistency over complacency.
22:52So I hope that all the teams are really preparing for all the games because every game would count.
22:59Dapat din daw abangan ang pag-officiate sa mga games ngayong season.
23:04Ang mga team, puspusan ang pag-ensayo at maghahanda.
23:07Before we were underdogs and now we got our chip on our shoulder.
23:10Challenge yun to do better from last year and to keep us going talaga.
23:15Kasabay ng opening ng NCAA Senior Basketball, ang pagsisimula rin ng Juniors Basketball.
23:20It's a challenge for us to prepare.
23:23We need to really, mas maging refine yung training namin.
23:30Ang courtside reporters ngayong season ay kombinasyon ng mga nagpapalig at mga bagong pangalan.
23:36Well represented rin ang bawat patch, simula nang i-cover ng GMA ang NCAA noong season 97.
23:42Returning courtside reporters si na Chantal Laude at Tatima Reyes.
23:48Patuloy ang NCAA journey ni Nafunel Agua, Lysel Galpo at Christine Sanagustin.
23:55New courtside reporters si na Aaron D, Tatiana Austria at Bianca Tagarda.
24:01Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Son, Nakatutok 24 Horas.
24:12N recognizing that you can do the new doppelganger as a.
24:14Cul
24:22Nорон and Trainer
24:26B
24:27Alden
24:28Lysel Galpo
24:30P
24:33S
24:35Pass
24:37Pass
24:39C
Be the first to comment
Add your comment

Recommended