Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May hanggang bukas na lang si Atong Ang para isuko ang mga armas niya at ng kanyang security,
00:06kabilang ang ilang matataas na kalibre tulad ng M16.
00:10Binabantayan na rin ang mga polis na umunoy tumutulong kay Ang
00:14kabilang ang ilang senior police officer at ilang nasa servisyo pa.
00:18Nakatutok si Mga Nisukol, Abdurrahman.
00:24Ipinasusuko na kay Ang ng PNP ang mga baril na nakarehistor sa pangalan niya.
00:28Sa sulat na ipinadala kay Ang, sinabihan siya, kanyang pamilya, mga kamag-anak o abogado
00:34na i-surrender sa Firearms and Explosives Office ang kanyang mga baril.
00:38There are six firearms under his name. Two are high-powered firearms. The rest are pistols.
00:44We have informed him today properly na the firearm is supposed to be surrendered
00:52kasi nga akusado po isa sa isang krimen.
00:54Sa ngayon, itinuturing ng iligal ang mga baril ni Ang, kabilang sa mga pinasusukong
01:00high-powered firearms ang dalawang M16.
01:02Otherwise, we will be conducting also applying for research warrant para makuha namin
01:09yung mga baril na yan. Medyo process na po na ibigay sa kanya.
01:12Meron siyang hanggang bukas.
01:13Yeah.
01:13Pinababawi na rin ng PNP ang mga baril ng kanyang security.
01:17These are Glock pistols. Siya ang bumili but under the name ng mga security niya.
01:23And we have also asked the CSG to revoke it.
01:28Ayon sa pulis siya, hamon ng pag-aresto kay Ang, lalo't kabilang sa mga tumutulong umano sa kanya
01:33ay mga kabaro nila na hindi basta-basta ang mga pulis.
01:36Tumutulong? Marami po kasing nakinabang kay Atong Ang. May mga yumaman na tao, may mga yumaman na mga pulis officers.
01:45Alam naman natin ito. They are also seasoned police officers.
01:49So basically, yung pagtatago niya, nakakakuha rin po siya ng mga information dito sa mga tao nito
01:55ng mga naging kaibigan niya on how to evade yung pulis. But you know, we will not stop.
02:01Kilala naman daw ng CIDJ ang mga pulis na tumutulong kay Atong Ang.
02:05Sa katunayan, nasa watchlist na rin nila ang mga ito.
02:09Does it involve a post-target anymore?
02:11Some of them are senior officers.
02:14But not in the service anymore?
02:16Some of them are in the service, some are not.
02:18Bagaman di pinangalanan, pinaalalahanan ni Morico ang mga nasabing pulis sa kahinat na ng kanilang ginagawa.
02:24Alam natin na justisya ang hinahanap ng gobyerno.
02:27Let us support the Department of Justice. And you know, mga pulis tayo, whether you are active, retired or dismissed,
02:39alam nyo na one day sa buhay ninyo, nabuhay yung pamilya natin sa sweldo na binigay ng gobyerno.
02:45So I think it's time na yung loyalty natin ay nasa government at sa ustisya ng Pilipinas.
02:51Sa ngayon, patuloy daw ang imbisigasyon sa kanila.
02:56Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto, 24 oras.
03:06Mga kapuso, lumakas pa at isa ng tropical storm ang Bagyong Ada habang unti-unting lumalapit sa kalupaan.
03:13Ang latest sa magiging lagay ng panahon, alamin natin kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
03:20Amor!
03:21Salamat, Emil. Mga kapuso, sa weekend, posibleng pinakamalapit sa lupa ang Bagyong Ada.
03:28Pero simula po bukas, biyernes, mas mararamdaman na rin yung epekto nito sa ilang bahagi ng ating bansa.
03:34Isinailalim na rin sa wind signal ang ilang bahagi ng Bicol Region,
03:38kabilang ang eastern portion ng Camarines Sur, Sorsogon, eastern portion ng Albay at pati na rin ang Catanduanes.
03:44Sa Visayas naman, kasama rin po sa wind signal number one, ang Northern Samar.
03:48Ganon din ang Eastern Samar, eastern portion ng Biliran, eastern portion ng Leyte at pati na rin ang eastern portion ng Southern Leyte.
03:57At para naman po sa Mindanao, kasama rin po sa wind signal number one, ang Dinagat Islands.
04:01Ganon din ang Surigao del Norte at pati na rin ang Surigao del Sur.
04:05So dito po, posibli pong maranasan yung mga bugso ng hangin na may kasama pong mga pag-ulana.
04:11At inasaan po natin, dahil nga isa na nga tropical storm, ito pong Bagyong Ada.
04:16Ito ay posibli po na umabot hanggang sa wind signal number two, ang babala na itataas ng pag-asa.
04:22At posibli rin pong madagdagan pa yung mga lugar na kabilang dito sa tropical cyclone wind signal.
04:27Ayon po sa pag-asa, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Ada sa layong 400 kilometers sa silangan ng Surigao City.
04:35Taglay po ang lakas ng hangin na abot sa 65 kilometers per hour.
04:39At yung bugso naman yan, nasa 80 kilometers per hour.
04:43Northwest po ang galaw nito sa ngayon sa bilis na 15 kilometers per hour.
04:48At ito po yung magiging track naman ng Bagyong Ada.
04:51Base po ito sa inesya at yung pong latest na bulletin na ilabas ng pag-asa.
04:55Inaasaan po natin, nakikita pa rin na ito po ay kikilos pa Northwest.
05:00Hanggang bukas po yan, ibig sabihin pahilagang kanluran.
05:02Magtutuloy-tuloy yung pagkilos niyan.
05:04At ito pong landfall o yung pong pagdikit niyan dito sa bahagi ng Eastern Visayas.
05:09Kasama po itong Eastern Summer at Northern Summer.
05:13Posibli po yan na dumikit o lumapit dito sa nabanggit na lugar.
05:17At sunod naman natutumbukin itong bahagi ng Katanduanes.
05:20Pero mga kapuso, patuloy po natin i-monitor dahil meron din posibilidad na hindi lang po yan didikit basta o lalapit dito sa mga nabanggit nga natin na lugar.
05:30Dahil posibli pa rin na magkaroon po ito ng landfall activity o pagtama sa lupa sa Eastern Visayas o di kaya naman ay dito sa Bicol Region.
05:40At patuloy po natin i-monitor.
05:41At mangyayari yan ngayong weekend pero posibli pa pong magkaroon ng mga pagbabago.
05:46So yan po yung magiging movement ng bagyo bago po ito tuluyang mag-recurve o lumihis ng direksyon papalayo dito sa ating bansa.
05:54At patuloy po natin i-monitor kung ano pa yung magiging development dyan sa mga susunod na oras.
06:01At dito po sa ating satellite image kitang kita po natin na talaga pong nahahagip na noong mga kaulapan nitong Bagyong Ada.
06:08Itong bahagi ng Bicol Region, buong Visayas at pati na rin itong Mindanao.
06:12Meron po yung mga pag-ulan na mararanasan sa mga susunod na oras.
06:18At bukod po dito sa Bagyong Ada, meron din pong presence ng Northeast Monsoon o yung hanging amihan.
06:23Yan po yung magdudulot ng malamig na panahon.
06:26Pero bukod po dyan, sa malamig na simoy ng hangin ay magdudulot din po yung mga pag-ulan sa iba pang bahagi ng ating bansa.
06:33Doon naman po sa mga lugar na hindi ko nabanggit po siming makaranas ng localized thunderstorms.
06:38Base po sa datos ng Metro Weather, bukas po ng umaga, pinakamataas yung chance na mga pag-ulan.
06:44Dito yan sa Bicol Region, ganun din sa Eastern and Central Visayas, Caraga at pati na rin sa Northern Mindanao.
06:50May nakikita po tayo kagad na mga malalakas na pag-ulan kaya maging handa po at dobling ingat para sa mga residente.
06:58Magtutuloy-tuloy po yan sa hapon at halos buong Visayas na po ang uulanin.
07:02Kasama dito ang Samar and Leyte Provinces, ganun din ang Buhol, Cebu, Negros Island Region at pati na rin ang Western Visayas.
07:10Meron pa rin mga pag-ulan dito yan sa Northern at Eastern portions ng Mindanao, pati na rin sa ilang bahagi ng Davao Region.
07:17May mga malalakas at matitinding buhos ng ulan na pwede pong magdulot ng mga pagbaha o landslide.
07:23Kaya dobling ingat pa rin, lalong-lalong na po sa mga kapuso natin dito sa Bicol Region, sa banta po ng mudslide at lahar flow dahil dito sa patuloy na pag-aalboroto ng Mayon Volcano.
07:35At dito rin sa ating mapang nakikita natin, may mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi po ng Northern at ng Central Luzon, ganun din dito sa ilang bahagi ng Mimaropa.
07:44Para naman sa Metro Manila, hindi pa rin inaalis ang tsansa na maulit yung mga pag-ulan gaya po ng naranasan kanina sa ilang lungsod.
07:52Kaya kung lalabas ang bahay, magdala pa rin ang payo.
07:56Yan muna ang latest sa ating panahon. Ako po si Amor La Rosa. Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
08:05At kaugnay niyan, kansilado na ang ilang klase at biyahe sa Surigao Provinces dahil sa Bagyong Ada.
08:12Ang latest doon tinutukan live ni Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
08:18Cyril?
08:20Yes, Mel. Ngayong araw, nakaranas ng pag-ulan na may kasamang pabugsong-bugsong malakas na hangin dito sa Surigao City, Surigao del Norte.
08:30Kaya ang klase sa ilang lungsod sa probinsa at Surigao del Sur at Diragat Islands ay kansilado.
08:38Buong araw, pabugso-bugso ang ulan na may kasamang malakas na hangin sa Surigao City, Surigao del Norte.
08:49Dahil nasa wind signal number one ang probinsa, dulot ng Bagyong Ada.
08:54May mga lugar na nagkansila ng klase.
08:57Kansilado rin ang lahat ng biyahe sa mga pantalan ng syudad at ipinagbawal rin ang pangingisda.
09:03Mahigpit naman ang monitore ng CDRRMO.
09:06Nakabantay rin sa coastal municipalities, pati na Siargao at Bukas Grande Islands.
09:11Nakadeploy na ang kanila mga kagamitan sa iba't ibang lungsod.
09:15As of now po, wala pa rin kaming nareceive na information regarding evacuation centers that have popped up recently.
09:22However, as per our municipal de-arm officers, they have been proactively checking yung mga eskwelahan to see if the need to evacuate is necessary.
09:32Mal, sa ngayon nakaranas uli ng pagulan dito sa Surigao City, pero nasa normal level pa naman ang alon dito sa may coastal area.
09:46Kaya paalala ng otoridad natin, lalo na sa mga residente, na huwag maging kampante dahil baka lumakas pa ang epekto ng bagyo.
09:53Mal.
09:54Maraming salamat sa iyo, Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
09:58Sumagsad pa sa panibagong all-time low ang halaga ng piso kontra dolyar.
10:04Ang itinuturing na dahilan ng palasyo, ang mga investigasyon sa flood control scandal.
10:11Nakatutok si Ivan Mayrina.
10:15Lalo pang humina ang piso kontra dolyar.
10:17At ngayong araw, nagtala na naman ito ng panibagong all-time low.
10:21Nasa 59.46 na ang piso kada dolyar, pinakamahina sa kasaysayan.
10:25Kung ikukumpara na sa average sa 58.39 ng piso kada dolyar noong Enero ng 2025.
10:32Bukod sa mga pangyayari sa ibang bansa, Aminado Malacanang, na isa sa mga dahilan ng paghina ng piso,
10:37ang investigasyon sa maanumalyang flood control projects.
10:40Isa sa mga naging reason dito ay ang patuloy na pagpapaimbestiga ng mga maanumalyang flood control projects.
10:46Nakaka-apekto po ito at daraanan po talaga ang sitwasyon na ito.
10:50Pero naniniwala daw Malacanang na ang pag-usad ng investigasyon at pagpapanagot sa mga may sala
10:55ay makakatulong sa pagbawi ng tiwala ng mga Pilipino at maging mga mamumuhunan sa gobyerno.
11:00Bagamat ganyan ang magiging konsekwens, minabuti pa rin po ng Pangulo na linisin po ang gobyerno
11:07laban sa maanumalyang flood control projects, laban sa mapang-abusong paggamit ng pondo ng bayan.
11:14Sa pagbinding sa lunes, ipapatawag ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Public Works Sekretary Manny Bonoan.
11:20Ayon kasi sa chairman ng komite na si Senador Ping Lakson,
11:23sa jawmanong niligaw ni Bonoan ang Pangulo na magsumiti ito ng maling grid coordinates ng mga flood control projects.
11:30Bineberipika pa rin yan ng Malacanang.
11:32Pero hindi malinaw kung paano yung masasagot ni Bonoan dahil hindi pa siya bumabalik ng bansa mula sa Amerika.
11:38Taliwas sa pangakong uuwi noong December 17.
11:41Nung nag-resign po si Sekretary Bonoan or the other cabinet secretaries for that matter,
11:47wasn't there an agreement between them and the President or wasn't there a condition na
11:51should it be necessary for them to face investigation, they will make themselves available?
11:57Kasunduan, wala po tayong masasagin kasunduan.
11:59Pero ang gusto ng Pangulo, maimbisigahan ang lahat ng sangkot.
12:02Kung sila man po ay sangkot, kailangan po sila imbisigahan.
12:05Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
12:11Bago naman maramdaman ang bagyo nagsilikas na ang mga nakatira sa lahar-prone area sa Albay,
12:18lalo't nag-aalboroto pa ang Bulcang Mayon.
12:22Suspendido naman ang paglalayag sa ilang lugar sa Bicol,
12:25kaya halos 2,000 ang stranded.
12:29Wala pa rin sa ginubatan sa Albay.
12:31Nakatutok live si Ian Cruz.
12:34Ian?
12:34Mel, dahil nga sa paparating na Bagyong Ada ay patuloy nga inililikas ngayon
12:41ang mga residenteng nakatira doon sa mga lugar na maaaring daanan ng pagragasan ng lahar
12:47na nanggagaling naman sa delisdis ng patuloy na nag-aalborotong Bulcang Mayon.
12:51Pami-pamilya na ang lumikas sa barangay Maninila dito sa Ginubatan Albay.
13:01Nakaalalay ang mga taga-barangay at munisipyo pati na mga bumbero sa kanilang paglikas,
13:06karamihan sa kanila mga mag-iina.
13:09Mahalaga raw na habang hindi paramdamang epekto ng Bagyong Ada, makaalis na sila.
13:14Yung lahar ba matindi ragasa dito sa inyo?
13:17Opo sir, kapag may bagyo po.
13:19Ano nangyayari?
13:20Yung daanan namin, yung na hukay ng tubig.
13:27Itong kanilang barangay ay na-isolate kapag rumagasa po yung tubig na may lahar
13:32doon sa dalawang gali na nasa gilid ng kanilang barangay.
13:36At ayaw daw po nila na ma-isolate sila dito, kaya kailangan lumabas sila sa kanilang barangay.
13:41Sa ginobatan East Central School dinala ang mga evacuee.
13:46Sa barangay Masarawag, magkatuwang naman ang MDRRMO at mga sundalo sa pagpapalikas.
13:52Nalulubog kasi sa tubig at lahar ang mahabang bahagi ng kalsada at komunidad kapag malakas ang ulan.
13:59Gawa nga po ng ano, yung galing po sa mayo, dito po sa amin bumabas.
14:04Lahar po yun?
14:06May kasama pong lahat, sa kayo mga bato-bato.
14:08May git dalawang limong pamilya ang nais ng ginobatan LGU na maidikas mula sa Maninila at Masarawag.
14:15At sakaling hindi kusang lumikas ang ibang residente.
14:18We will do it po naman na magpa-force evacuation just to ensure po na safe ang ating mga kababayan.
14:25Ganito ang Masarawag gali sa bayan ng ginobatan na nasa 8 km radius mula sa Bulcang Mayon.
14:31Kilala itong nilalamo ng lahar kapag malakas ang ulan.
14:35Pero hanggang kanina, marami pa rin dumara ang malalaking quarry truck.
14:39Isang magsasaka rin ang namataan natin doon na galing mula sa direksyon ng bulkan
14:43sakay ng Paragus o Cariton na hila ng Kalamaw.
14:47Sa isang bahagi ng bayan ng Kamalig, patuloy rin sa trabaho ang mga heavy equipment sa isang gali o uka.
14:53May marker sa gilid ng kalsada na nagbibigay babala na iyo'y lahar flow prone area.
14:59Ang Philippine Coast Guard Station, Albay, sinuspindi na ang lahat ng operasyon ng lahat ng klase ng sea vessel at watercraft
15:06sa southeastern portion ng Albay na nasa ilalim ng wind signal number 1
15:11gaya ng Legazpi City, Manito, Rapu-Rapu, Bakakay at Santo Domingo.
15:16Pati ng Tabaco City, malilipot, malinaw at tiwi.
15:21Samantala, inatasan naman ni Governor Patrick Alain Azanza ang mahigpit na pagbabantay ng mga LGU at disaster response agencies
15:29sa buong isla ng Katanduanes para paghandaan ang pusibling epekto ng bagyo.
15:35Pinalilikas na rin ang mga residente mula sa mga lugar na bahain at may banta ng landslide
15:40at dahil sa wind signal number 1 na ang umiiral sa isla, ipinatingil na ng PCG Katanduanes
15:47ang paglalayag ng mga sakyang pandagat doon.
15:51Kabilang sa mga apektadong pantalan sa masbate, ang MOBO, Matnog, Pilar at Castilla Port sa Sorsogon
15:58kung saan nasa halos dalawang libo ang stranded na pasahero.
16:03Samantala, mula sa Bayan ng Daraga, bago pumutok ang liwanag kaninang umaga,
16:07nakita pang nagningningning ang bulkang mayon.
16:10Dahil sa patuloy na aktividad tulad ng pagbaba ng uson o pyroclastic density current.
16:20Mel, gabi na pero hanggang sa mga sandaling ito, dito sa Ginubatan East Central School
16:25ay patuloy na dumarating yung mga evacue. Yung iba ay sinundo ng MDR-RMO,
16:30ng mga sundalot mga pulis. Pero ang nakatutuwa, Mel,
16:32merong mga lumilikas na sila mismo ang nagpupunda dito,
16:35sakay ng kanilang motorsiklo o sakay ng kanilang tricycle.
16:38Ang sinasabi ng MDR-RMO ng Ginubatan, talagang dapat ay tiyaki nila
16:42na walang tao doon sa critical zone para nga kapag rumagasa ang lahar,
16:47ay walang mapahamak. Yan ang latest mula rito sa Ginubatan Albay.
16:51Balik sa iyo, Mel.
16:52Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
16:55At ngayong palapit na ng palapit ang ustisya para sa kanila,
16:59lalong ayaw bumitaw ng kaanak ng mga missing sabongero sa kanilang alas.
17:04Hiling nila, siguruhing ligtas ang mga testigo.
17:07Narito ang aking pagtutok.
17:13Kasalukuyang nasa isang undisclosed location daw ngayon
17:16at bantay sarado round the clock,
17:19si Nadondon at Elakim Patidongan,
17:21ang magkapatid na tatayong testigo sa kaso ng mga nawawalang sabongero
17:26at kapwa nasa DOJ, Witness Protection Program.
17:30Binabantayan sila ng gobyerno.
17:32Sa ngayon, hindi ko alam kung asan yung mga exact location nila.
17:35Ayon sa kanilang abogado, matagal nang may banta sa buhay
17:38ang magkapatid na patidongan.
17:40Pero, laloan niya ngayong inilabas na ng Korte ang warrant of arrest
17:43laban kay Atong Ang at sa iba pang akusado.
17:46Napaka-critical ng kanilang mga kalagaya.
17:50Napaka-importante ng role nila rito.
17:52The fact na ikaw ay binabantayan ng gobyerno,
17:55meron kang continuing threat.
17:57Ang kaanap ng mga biktima nangangambarin sa kaligtasan ng mga testigo
18:01kaya nanawagan sila sa gobyerno.
18:03Yung witness namin is maproteksyon na hanggang dulo
18:07at hindi magkaroon ng bias na doon sa kaso.
18:14Nananawagan po ako na sana po protection na alagaan nyo yung witness namin.
18:21Siya na lang po yung natitirang pag-asa namin para makamit itong hostesya na to.
18:25Ipagdasal ninyo kami, yung kliyente namin, buong pamilya nila, safety nila.
18:30Dahil nakasalay dito yung hostesya sa mga pinaslang ng mga sabongero.
18:35Sa kabila niyan, nakakita na ng pag-asa ang pamilya ng mga nawawala
18:38na dati nangangapa sa dilim.
18:41Masayang-masaya po kami ngayon dahil po,
18:43ito na po yung matagal na pinakihintay na magkaroon po ng warang to pares si Mr. Atong Ang.
18:48Si Ryan ay kapatid ni Michael na na-video hang ine-escortan palabas ng sabongan
18:53sa Santa Cruz, Laguna na kontrolado umano ni Atong Ang.
18:57May mensake si Ryan sa dalawang suspect na kinilala ni Patidongan
19:01na si Rodelio Anigig at Roger Burican.
19:05At ngayon, nasa kustudiya na rin daw ng pulisya.
19:08Si Anigig at Burican, so ito na yung pagkakataon natin na talagang
19:13mapatunayan nyo kung talagang hindi kayong may gawa sa kuya ko noon.
19:19And then, sana, sana, ito na yung pagkakataon namin na makuha yung hostesya para sa kuya ko.
19:25Kinalampag din nila ang puganting si Ang na ngayon itinuturing ng DILG bilang armed and dangerous.
19:55Hindi po kaming maniniwala na talagang kasalanan niya lahat to.
19:58Lahat ang nangyari sa mga kaanak ko namin, kasalanan niya po yun.
20:01Paano naman namin malalaman yung panig niya kung hindi siya susuko?
20:05Hindi pa ganun kasaya yung nararamdaman namin dahil unang-una,
20:10hindi pa naman siya totally nahuhuli.
20:12Hindi malaman kung nasaan siya ngayon.
20:14Di ba kung talagang wala siyang kasalanan, kung talagang totoo,
20:18yung mga pinagsasabi niya, bakit siya nagtatago ngayon?
20:22Bakit hindi siya humarap?
20:23Sagot ng Kampo Nina Patidongan sa statement ng abogado ni Ang
20:27na premature ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa negosyante.
20:31Alam mo, kahit law student, alam mo yan na kapag ang korte nagkaroonan ng jurisdiction sa isang kaso,
20:39idedetermine niya lang yung probable cause.
20:41The fact na meron ka ng moral certainty of conviction na dinetermine ng Department of Justice.
20:48Samantala, patuloy naman daw na ipaglalaban ng pamilya ng mga mising sabongero
20:52na makasama sa mga makasuhan,
20:54ang iba pang kasapi ng tinatawag na Alpha Group
20:58na natanggal sa listakan ng mga itinuro ng testigo na may kinalaman sa kaso.
21:02Ikaw ay isa sa mga may-ari ng isang organisasyon, kasama ka doon.
21:07Lahat ng mangyayari sa raw ng organisasyon mo, alam mo yun.
21:10Kasi kasapi ka po doon.
21:12Kaya hindi po kami naniniwala na wala siyang alam.
21:15Hindi nga siguro siya yung pumatay sa mga kamag-anak na yan,
21:17pero alam ko, naniniwala po ako na may alam po sila.
21:21Makikipagtulungan kaugnay nito ang kampo ni Na Patidongan.
21:24We will be submitting supplementary evidence.
21:29Para sa GMA Integrated News,
21:31Emil Sumangil, nakatutok 24 oras.
21:34Ikaw walong araw na mula nang gumuho ang tambak ng basura sa Cebu City,
21:39pero labing isa pa ang hindi nahahanap.
21:42Umakyat naman sa 25 ang mga nasawi,
21:45kaya tuloy ang pangangalampag ng mga naulila para sa hustisya.
21:49Tuloy ang pagtutok live ni Maris.
21:56Vicky, nagbabadya ang sama ng panahon dito sa Cebu City
21:59at sa buong maghapon nga ay pabugso-bugso ang buhos ng ulan
22:03na nagdudulot daw ng higit na piligro
22:04sa mga responder na nasa ground zero ng gumuhong Binalio Landfill.
22:09Sumasakay na sa manlift ang mga naghahanap sa mga taong natabunan ng basura sa Binalio Landfill.
22:19Non-stop din ang operasyon ng dalawang mobile crane,
22:22apat na excavator at tatlong truck na tagahakot ng debris.
22:26Gayun din ang fire truck na pumapatay sa pagliliyab ng basura kapag nagpuputol ng bakal.
22:31Tuloy ang operasyon kahit posible ang bagong paguho sa gitna ng pabugsugso-bugsong ulan.
22:39Labing isa pa ang hinahanap hanggang ngayon.
22:42Limang labi naman ang narecover ngayong araw,
22:44kaya umakyat na sa 25 ang naitatalang na sa week.
22:48Dagdag sa mga natagkuang patayang asawa ni Julifer
22:51na ilang araw din nilang inabangan ng hipag na si Arlene.
22:54Sobrang sakit ma'am.
22:57Di ba palawanag ang sakit?
22:59Sobrang sakit parang gusto ko na rin mawala.
23:02Pilit po niyang kinaya kasi dahil sa kawalan ng pera.
23:07Kahit ayaw na niya, pinipilit pa rin niyang magtrabaho kasi walang pera para sa mga bata.
23:12Kaya para sa mga bata rin, ang panawagan nila sa Prime Waste Solutions.
23:16Yung education ng mga anak ba?
23:18Kasi sino pa naman ang magpo-provide? Wala na yung breadwinner ng family.
23:23Di ba?
23:24Nagluloksa rin si Fritz Valiente na baga man nakaligtas sa paguho,
23:27ay namataya naman ang tatlong kaanak at iba pang kasama.
23:31May mga kasamahan pa ako na naririnig doon na humihingi ng tulong.
23:34Kahit kalabog nga lang ng pintumam, natutroma na ako.
23:41Nariricall na siya agad na agad sa isip ko yung nangyari.
23:45Kaya, hirap talaga.
23:48Noon pa man ay naramdaman na raw nila ang piligro pero kailangan daw nila ng trabaho.
23:53May kakulangan talaga sila ma'am.
23:54Hindi na natin mababalik pa yung buhay kasi nila ma'am eh.
23:58Pati si John Lloyd na nakapagligtas sa tatlong kasamahan, binanggit ang kakulangan ng kumpanya.
24:03Nanang siniyas ko ba nga, pahawa mo dina, pumalis kayo dyan sa pisto nyo kasi delikado na.
24:10Yun, walang nakarinig sa akin. Walang nakakita. Yun, wala kaming radyo ma'am.
24:18Sinusubukan pa namin kunin ang sagot ng primary solutions hinggil sa mga umunoy pagkukulang.
24:22Sakit ma'am. Parang kumuto ng logan mo yun. Makita ko sila ma.
24:33Kasi may mga anak pa yun sila, may mga pamilya pa.
24:37Maliit pa yung mga bata. Nag-skwila pa. Wala na sila.
24:44Sakit ma'am.
24:46Kanina, isa si John Lloyd sa mga binisita ng Dole Central Desayas
24:50para mapabilang sa tupad program and livelihood o cash for work program ng ahensya.
24:59Vicky, dito sa aking kinaroroonan ay tuloy-tuloy yung pagpuputol sa mga malalaking mga bakal
25:05na nanggaling dun sa ground zero gamit yung asetilin.
25:08At ito po ay by batch na hinahakot papunta ng Mactan, Cebu
25:12para hindi na maging dagdag na alalahanin sakaling bumuhos ang malakas na ulan dito sa lugar.
25:18Vicky, maraming salamat sa iyo, Mariz Umali.
25:21Vicky, maraming salamat sa iyo, Mariz Umali.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended