Skip to playerSkip to main content
-Ilang kalsada, nalubog sa baha dahil sa mga pag-ulang dulot ng Shear Line

-Delivery van, 2 tricycle at motorsiklo, nagbanggaan sa Brgy. Sta. Cecilia; 4, sugatan

-Mahigit 40 piranha na naka-plastic bag na ibinibenta umano online, nakumpiska sa isang bus terminal

-3 binatilyo, sugatan matapos saksakin sa eskinita; suspek, tinutugis pa

-Mag-tiyuhin na nag-aayos ng naputol na linya ng kuryente, patay matapos makuryente

-42-anyos na lalaki, arestado sa pagbebenta umano ng hinihinalang shabu

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Ito ang GMA Regional TV News.
00:06May init na balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
00:11Walang bagyo pero ilang araw nang inuulan ang ilang bahagi po ng Cagayan.
00:16Chris, ano ang sanhidaw ng masamang panahon dyan?
00:21Connie, shear line ang nagpaulan sa ilang bahagi ng Cagayan.
00:25Sa Tuguegeraw, nalubog sa Baha ang ilang kalsada gaya sa Central Riverside.
00:30Napilitang lumusong ang ilang residente nitong mga nagdaang araw.
00:33Ngayong lunes, bahagyan ang humupa ang tubig pero hindi pa rin ito madaanan ng mga sasakyan.
00:39Magsasagawa pa raw kasi ng clearing operations ang mga otoridad sa naiwang putik at basura.
00:46Nagkarambola naman ang apat na sasakyan sa barangay Santa Cecilia sa Tagcawayan, Quezon.
00:51Sa investigasyon na pulisya, patungo Bicol ang delivery van na may mga kargang bote ng tubig at alak.
00:58Sumalubong ito sa kabilang linya sa pababa at pakurbang bahagi ng Quirino Highway at nasalpok ang dalawang tricycle at isang motorsiklo.
01:07Isinugod sa ospital ang sugatang rider, mga driver ng tricycle at isang pasahero.
01:12Ayon sa pulisya, nasangkot din sa aksidente sa Atimonan ang nasabing delivery van nitong biyernes.
01:19Patuloy ang investigasyon.
01:20Wala pang pahayag ang truck driver.
01:22Ito ang GMA Regional TV News.
01:31Balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
01:35Bistado sa isang bus terminal sa General Santos City, ang isang bahagi o bagahe na may mga buhay na pirana.
01:43Cecil, saan do galing ang mga pirana?
01:44Raffi, ibinibenta raw ito ng isang online seller mula sa Cagayan de Oro City.
01:53Base sa investigasyon, mahigit apat na pung pirana ang naka-plastic bag at niligay sa kahon ang nakita ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
02:03Kinustudiya pansamantala ang isang binatilyo na isa sa mga buyer.
02:07Nakabili raw siya ng sampung pirana sa halagang 2,000 pesos.
02:12Hindi raw niya alam na bawal ito.
02:14Pinakawalan din siya kalaunan matapos makausap ng mga polis ang kanyang mga magulang.
02:19Ayon sa B-FAR Region 12, ipinagbabawal ang pagbibenta ng pirana na isa sa mga highly invasive na isda o nakapipinsala sa natural ecosystem.
02:30Patuloy pang tinutugis ang sinasabing nagbibenta nito.
02:33Sugatan sa pananaksak ang tatlong binatilyo sa Lapu-Lapu City dito sa Cebu.
02:40Nagtamunong sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang edad 18, 17 at 15.
02:46Kwento ng pinakabatang biktima.
02:49Naglalakad lang sila noon sa isang madilim na iskinita nang madaana nila ang isang lalaking tila nakainom.
02:55Sinakal daw siya kaya sumuntok ang kanyang barkada hanggang bumunot ng patalim ang lalaki.
03:01Nakatakbo palayo ang isa nilang kasama, kaya silang tatlo ang nasaksa.
03:06Ang pinakamantanda naman na biktima halos hindi pa makagalaw dahil sa mga sugat na tinamog.
03:12Kumukuha pa ng mga CCTV footage ang kulisya malapit sa lugar para makilala ang sospek.
03:21Ito ang GMA Regional TV News.
03:25Patay ang isang lalaki at kanyang pamangkin matapos aksidenteng makuryente sa Oton, Iloilo.
03:35Ayon sa misis ng isa sa mga biktima, nagpaalam ang mister niya noong Webes ng gabi na aayusin ang naputol ng linya ng kuryente kasama ang pamangkin niya.
03:45Sinabihan pa raw niya ang asawa na huwag nang tumuloy dahil madilim na pero umalis pa rin.
03:50Biyernes na ng umaga nang natagpuan ang barangay Tanud ang magtsuhin na nakadapas sa damuhan.
03:57Walang pahayag ang iba pa nilang kaanak.
04:03Arestado naman sa bypass operation na isang lalaki nagbebenta umano ng iligan na droga sa Tuguegaraw, Cagayan.
04:10Nakumpiska sa kanyang 20 gramo ng hininalang syabu na may halagang 130,000 pesos.
04:16Ay sa pulisya na sa drug watch list ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang 42 anyos na sospek.
04:24Wala siyang pahayag.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended