Skip to playerSkip to main content
-3, patay nang mahulog sa Chico River ang sinasakyang truck; 2, patuloy na hinahanap

-Paglilinis sa Mangaldan Roman Catholic Cemetery, pinapayagan na hanggang sa gabi

-Pulis, patay matapos barilin habang nagsasagawa ng surveillance operation sa Brgy. Sudlon 2; isa pang pulis, sugatan

-15-anyos na lalaking nalunod umano sa ilog sa Brgy. Mandug, patuloy na hinahanap

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Isang truck ang nadisgrasya sa Bontoc Mountain Province.
00:14Chris, kamusta ang mga sakay ng truck?
00:18Connie, 3 sa 5 sakay ng truck ang nasawi ng dumiretso ito sa Chico River sa barangay Tukukan.
00:24Base sa investigasyon, bumanga ang truck sa dalawang sasakyan na nakaparada lang sa kurbadang bahagi ng Bontoc, Tabuc, and Rille Road.
00:33Mula sa gilid ng kalsada, nahulog ang truck sa mahigit sandaang metro papunta sa ilog.
00:38Dead on the spot ang tatlong sakay ng truck.
00:41Hinahanap pa ang dalawa nilang kasama.
00:43Ay sa mga otoridad, construction worker ang mga biktima na papunta na sana noon sa kanilang project site sa bayan ng Sadanga.
00:50Extended naman ang oras ng paglilinis sa mga Don Roman Catholic Cemetery dito sa Pangasinan.
00:57Hanggang ngayon kasi, may mga punto doon na balot pa rin ang makapal na damo.
01:02Kaya papayagan na muna ang paglilinis hanggang sa gabi.
01:06Ang ilang naglilinis, nag-iingat daw at baka may namumugad na ahas na sa mga damo.
01:11Samantala, simula bukas, magde-deploy na ng mga pulis sa mga sementeryo dito sa Pangasinan.
01:17Ito ang GMA Regional TV News
01:23Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV
01:28Nauwi sa pamarilang surveillance operation sa Lapu-Lapu, Cebu.
01:32Sara, anong update dyan?
01:36Rafi patay ang isang pulis matapos barilin habang nagsasagawa ng nasabing operasyon.
01:42Ayon sa investigasyon, kasama ng biktima ang isa pang pulis nang pagbabarilin sila sa Bargay, Sudlondos.
01:48Sugatan sa insidente ang isa pang pulis.
01:51Posibye umunong natiktikan sila ng mga sospek.
01:54Nag-alok na ng pabuya ang pulisya at ang lokal na pamahalaan para sa ikadarakip ng tatlong sospek.
02:00Wala pang pahayag ang Criminal Investigation and Detection Group
02:03kung saan nakadestino ang dalawang pulis na nag-surveillance.
02:06Hindi rin muna humarap sa media mga kaanap ng nasawin.
02:10Ito ang GMA Regional TV News.
02:20Kinahanap pa rin ang nawawalang 15 anyos na lalaki na nalunod-umano sa ilog dito sa Davao City.
02:26Sa ulat ng Super Radyo Davao, pinagpapatuloy ngayong araw ang search and retrieval operation para sa biktima.
02:32Batay sa inisyal na investigasyon mga otoridad, inanod ang minor de edad matapos mahulong sa ilog sa Bargay Mandug noong linggo.
02:41Wala pang pahayag ang kanyang mga kaanak.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended