00:00Sa Abril, posibleng maramdaman ang epekto sa singil ng Meralco ng gulo sa Middle East.
00:06Kung kailan pa namang inaasahang lalong iinit.
00:09Nakatutok si Maki Pulido.
00:14Kahit na coal at natural gas ang ginagamit ng mga planta ng kuryente
00:18ang pinagkukuna ng Meralco at ang bulto niyan ay galing sa Asia.
00:22Tumataas naman ang presyo niyan basta sumisipa ang presyo ng langis.
00:26Kaya sabi ng Meralco, maaaring makaapekto pa rin ang gera sa Middle East
00:29sa presyo ng kuryente kung magmahalang langis.
00:33Ito'y kahit sinabi ng Department of Energy o DOE kahapon
00:36na wala silang nakikitang epekto sa presyo ng kuryente
00:40dahil nasa 3% lang na mga planta sa bansa ang gumagamit ng langis.
00:45If the price of gas increases or the price of oil increases,
00:48lilipat sila sa ibang energy source like coal.
00:51So mas marami rin gagamit ng coal kumpara sa other energy sources.
00:56So yung presyo ng coal pwede rin tumaas in the coming months.
00:59Kung sakali man, mararamdaman daw ito sa April billing ng Meralco.
01:03Parang double whammy dahil nagsisimula ng uminit ang panahon
01:07kaya tataas ang konsumo sa kuryente.
01:10Si na Ricardo, ginawa ng lahat ng klase ng pagtitipid.
01:13Ilaw na lang ng cellphone ang ginagamit sa gabi
01:16at tinanggal na mga bumbilyang maaaring maiwang bukas na mga bata.
01:20Sa tanghali na lang sila gumagamit ng electric fan
01:22at may mga pagkakataon pang hindi ginagamit ang ref.
01:26Sa lahat ng paraan, ginagawa na namin.
01:28Parang ganun pa rin.
01:29Kaya mo siya, nag-iisip kami na baka may jumper,
01:32may nakakonekto sa amin, wala naman.
01:34Sa power lab ng Meralco,
01:36ipinakita nilang ilan sa tips na resulta ng kanilang pag-aaral.
01:40Kung DC o direct current fan ang electric fan,
01:43nasa P190 ang bawas kada electric fan.
01:46Mas mahal ito kesa sa conventional electric fan
01:49pero bawiraw ang gastos sa loob ng isang taon.
01:53P106 naman ang matitipid kada buwan
01:55kung nasa 25 degrees ang thermostat ng isang 1 horsepower na aircon.
02:00Kung laging nililinisan ang aircon filter,
02:03P95 kada buwan ang mababawa sa electric bill.
02:06P20 ang matitipid kung isang beses sa isang oras mo lang bubuksan ang iyong ref.
02:11Yung mainit na hangin sa kwarto, papasok mo sa loob
02:14at kailangan pala magin ulit ng ating refrigerator.
02:17Yung po yung nagkakos ng pagtaas ng bill.
02:20Ang presyo naman ng langis, sabi ng Department of Energy,
02:23asahan ang mas tataas pa sa Martes sa susunod na linggo.
02:26Hindi palang masabi sa ngayon kung magkano
02:28dahil batay ito sa 5-day trading average sa bentahan ng langis.
02:32Sa gitna nito, may mga mungkahing magpatupad ng 4-day work week
02:36para mabawasan ang biyahe ng mga manggagawa
02:38na nagpapataas ng konsumo ng langis.
02:41Sa ngayon po ay maaaring pag-aralan po ng Pangulo ang ganyan suwestiyon
02:46lalo na kung magiging malala pa po ang nangyayaring Israel-Iran issue.
02:54Sa ngayon po ay hindi pa po ito napag-uusapan.
02:56Para sa GMA Integrated News,
02:59Mackie Pulido na Katuto, 24 Horas.
Comments