Skip to playerSkip to main content
-52-anyos na lalaki, patay matapos barilin habang nagbibisikleta/Guro, patay sa pamamaril; isa sa 2 suspek, sumuko para linisin daw ang kanyang pangalan

-Rider, sugatan matapos bumangga sa kolong-kolong

-Lalaki, patay matapos ma-trap sa excavator na lumubog sa ilog

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Dead on the spot ang isang lalaking nagbibisikleta sa Kabanatuan, Nueva Ecija, matapos siyang barilin.
00:18Chris, natukoy ba yung gunman?
00:22Connie, tumakas daw agad ang salarin at patuloy pa siyang tinutugis.
00:26Base sa investigasyon, nagbibisikleta ang 52 anyos na biktima sa Maharlika Highway umaga nitong Sabado.
00:33Kwento ng ilang tricycle driver na malapit sa crime scene, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.
00:40Nakita na lang nilang nakabulagtana sa kalsada ang biker.
00:44Patuloy pa ang investigasyon.
00:46Patay din sa pamamarilang isang guro sa bayan naman ng Talavera sa Nueva Ecija pa rin.
00:51Patay sa investigasyon, nakikipag-inuman ang 39 anyos na lalaking guro sa kanyang mga kapitbahay.
00:59Bigla na lang daw may dumating na dalawang sospek at ilang beses pinapotoka ng biktima.
01:04Hawak ngayon ng Talavera Police ang isang lalaking itinuturo ng mga saksi na isa sa mga sospek.
01:10Sabi niya, sumuko siya sa pulisya para linisin ang kanyang pangalan.
01:14Pamilya raw ang turing niya sa biktima.
01:17Tinutugis pa ang isa pang salarin.
01:19Sugota naman ang isang rider matapos na bumanga sa kolong-kolong sa Kawayan, Isabela.
01:25Sa kuha ng CCTV, kita ang kolong-kolong na nauuna sa motorsiklo.
01:30Biglang pubihit pakanan ang kolong-kolong kaya bumanga roon ang motorsiklo.
01:35Sumemplang ang rider.
01:37Ayon sa driver ng kolong-kolong, hindi niya napansin ang motorsiklo.
01:41Dinala sa ospital ang rider dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.
01:44Kumakala pa ng ibang impormasyon ng pulisya, pero inaasahan daw nilang magkakaareglo ang dalawang panig.
01:51Ito ang GMA Regional TV News.
02:00Mainit na balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
02:05Nalunod ang isang heavy equipment operator sa hinigaran Negros Occidental.
02:10Sara, ano daw nangyari?
02:11Raffi, lumubog sa ilog ang inooperate niyang excavator.
02:18Huli kam ang pangyayaring yan habang nagki-clearing operasyon ng excavator sa tabing ilog.
02:23Makikita na nakalubog na sa putik ang parehong track nito habang unti-unting tumatagilid.
02:29Ilang sandali lang, tuluyan na itong lumubog sa ilog at bumaligtad.
02:34Humingi ng tulong ang mga saksing residente.
02:36Sinubukan daw ng mga rescuer na iligtas ang operator pero malakas ang agos ng tubig.
02:42Ayon sa pulisya, nasawi ang operator matapos matrack sa loob ng tatlong oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended