Skip to playerSkip to main content
- Lalaking 12-anyos, nagmamaneho nang hubad at walang seatbelt


- 3 grounds para sa interim release ni ex-Pres. Duterte, ibinasura ng ICC appeals chamber


- Kaanak ng mga EJK victims, ikinatuwa ang pagbasura ng ICC appeals chamber sa interim release ni Duterte


- Mga nasawi sa sunog sa Hong Kong residential complex, umakyat sa 128


- Ex-DPWH district Engr. Henry Alcantara, nagsauli ng P110M


- Rider, nasawi nang magulungan ng truck


- Higanteng christmas tree at belen, pinailawan sa Pasay City


- Dance choreo ng self-produced single ni Julie Anne San Jose na "Simula", patok sa Tiktok


- Mga baboy, tumakbo mula sa nasunog na jeepney


- Aw-Asen Falls, saksi sa dalawang magkahiwalay na wedding proposal 

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06So guys, ito pala ang *** natin.
00:16Video drive natin.
00:17Matip pala ito.
00:19Viral ngayon ang video nito ng 12-year-old na lalaking nagmamaneho ng kotse sa kurbada ng kalsada.
00:27Makikita ang hindi pa siya naka-seatbelt.
00:29Ayon sa Land Transportation Office, naglabas na sila ng show cost order laban sa nakarehistrong may-ari ng kotseng pinaandar sa Mindanao.
00:38Wala pang detalye kung sino ang kasama ng bata o nagpahintulot sa pagmamaneho niya.
00:43Sinusubukan namin makuha ang pahayag ng magulang ng minor de edad pero wala pa silang tugon.
00:49Paalala ng LTO, iligal ang pagpapamaneho ng minor de edad
00:53at pagpapawpo sa mga 12-years-old pa baba sa harapan ng sasakyan.
00:58At mula 16-years-old naman ang pwedeng kumuha ng student driver's license.
01:02Magpapasko sa ICC detention cell sa The Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:19Ang hiling niya kasing interim release na nakaangkla sa tatlong grounds,
01:24isa-isang ibinasura ng Appeals Chamber ng International Criminal Court.
01:28Pero hindi raw susuko ang defense team.
01:31May report si Rafi Tima.
01:32Unanimous ang pasya ng Appeals Chamber ng International Criminal Court
01:39na ibasura ang apela ni dating Pangulong Duterte para pagbiga ng kanyang interim release.
01:44Kinitigan ng Appellate Chamber ang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1 itong Setiembre
01:47na necessary o kailangan ng pananatili sa detention facility ni Duterte
01:51na nahaharap sa kasong Crimes Against Humanity.
01:55Isa-isang nireject ang tatlong grounds na inilatagdang kampo ni Duterte para sa kanilang apela.
01:59Ground No. 1, nagkamali ang Pre-Trial Chamber ng sabihing flight risk si Duterte
02:05at magiging banta siya sa investigasyon at sa mga testigo kapag pinalaya.
02:09The defense has failed to show that the Pre-Trial Chamber's approach was unreasonable.
02:18For these reasons, having rejected the defense's argument under this ground of appeal,
02:24the first ground of appeal is rejected.
02:27Ground No. 2, nagkamali ang Pre-Trial Chamber ng tanggihan nito ang mga inilatag na garantiya ng
02:32Bansang Handang Tumanggap kay Duterte.
02:34When discussing potential release of the suspect to the host state,
02:39what matters are not conditions that may in principle be possible
02:45in case of a release to a state different to the one proposed by the defense.
02:51Rather, what is of consequence for the Pre-Trial Chamber's assessment
02:55are the conditions and warranties preferred in relation to a release to the state party concerned.
03:04At Ground No. 3, nagkamali ang Pre-Trial Chamber sa hindi pagsasaalang-alang ng humanitarian conditions
03:10para sa interim release ng dating Pangulo, gaya ng kanyang medical condition.
03:14Punto ng Appeals Chamber, hindi kasama ang medical conditions sa mga grounds para sa interim release.
03:20The Appeals Chamber considers that the Pre-Trial Chamber did not refuse
03:25to address the question of interim release on humanitarian grounds.
03:31Rather, it gave the reasons for which, in its view,
03:36the humanitarian grounds advanced by the defense
03:39were not sufficiently set out in the case at hand.
03:44Having rejected the three grounds of appeal presented by the defense
03:48in the appeal brief,
03:50the Appeals Chamber unanimously confirms the impugned decision.
03:57Pinal na ang desisyon ng Appeals Chamber at hindi na maaari pang i-apela.
04:01Ditulad noong Marso, wala kanina sa Appeals Chamber ang dating Pangulo.
04:05Pinili niyang huwag dumalo sa pagbasa ng desisyon.
04:07Sinabi ng defense counsel ni Duterte,
04:09hindi kailanman pinayagan ng ICC Appeals Chamber
04:11ang interim release ng sino mang nahaharap sa Crimes Against Humanity.
04:16Muli ro'n nilang hihilingin ang pagpapalaya sa kanya
04:18habang hinihintay ang resulta ng medical evaluation kay Duterte.
04:22Dahil sa pasya ng ICC Appeals Chamber,
04:24tiyak nang magpapasko si Duterte sa ICC detention cell sa Dahig
04:27kung nasaan siya ngayon.
04:29Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:32Ikinatuan ng mga kaanak ng EJK victims ang pagbasuran ng ICC Appeals Chamber
04:39sa hiling na interim release kay dating Pangulong Duterte.
04:48Ang ilan sa kanila sama-samang pinanood ang live stream ng ICC Appeals Chamber.
04:55Batid raw nila na umpisa pa lamang ito ng anilay panalo,
04:59pero marapat daw na ipagdiwang na ito.
05:01Ang palasyo sinabing iginagalang nila ang naging desisyon ng ICC.
05:06Ang pamilya Duterte tanggap na rin daw ang desisyon ng ICC.
05:10Patuloy daw silang makikipagtulungan sa defense team
05:13at sosoportahan pa rin ang dating Pangulo.
05:16Even if the appeals court didn't find any grounds,
05:23we still trust our authorities and the legal team
05:25handling the defense of my grandfather.
05:29So it's up to them.
05:32The family fully backs their strategies
05:34and they know what to do next.
05:36128 na ang nasawi sa sunog sa Wang Fu Court Residential Complex sa Hong Kong.
05:44Ayon sa mga otoridad, kabilang sa mga kumpirmadong nasawi,
05:48ay dalawang domestic helpers mula Indonesia.
05:51Nasa 200 ang hinahanap pa, kabilang ang isang Pinoy.
05:55Ayon sa ating konsulado, 58 Pinoy ang kumpirmadong ligtas,
05:59habang isa ang sugatan.
06:01Naalam naman ang kinaroroonan ng 71 Pilipino
06:04na may registered address sa Wang Fu Court.
06:08Napagalaman ng Hong Kong authorities
06:09na hindi gumagana ng maayos ang mga fire alarm.
06:13Nire-renovate ang residential complex ng sumiklabang sunog.
06:17Hawak na ng mga otoridad ang tatlong opisyal ng construction company
06:20na namamahala sa renovation ng gusalit.
06:24Iniimbisigan sila para sa reklamong manslaughter
06:26dahil umano sa paggamit ng unsafe materials sa renovation.
06:31Masusundan parao ang P110M na isinauli
06:41ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara ngayong araw
06:45ayon sa Justice Department.
06:47May bago namang utos si Pangulong Bongbong Marcos
06:49para ma-recover ang air assets si dating Congressman Zaltico.
06:54May report si Jonathan Andat.
06:55Ganito karami ang P110M.
07:03Ang bulto-bultong perang ito na tig-1,000 pesos
07:08isinauli sa gobyerno ni dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara.
07:13Ita-turn over sa Bureau of Treasury ang pera.
07:29Sa kwenta ng DOJ, aabot sa 300 million pesos ang dapat maibalik.
07:34Inuuri namin yung salaysay kung makatotohanan o tindi
07:38at doon mo namin binabase yung restitution.
07:42Sabi ng DOJ, may restitution pa o balik pera sa Desyembre si Alcantara.
07:46Maging si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
07:49magbabalik din daw na ngaabot sa 1 billion pesos.
07:53This is recovery of the people's money.
07:55Provisionally admitted na raw si Alcantara at Bernardo
07:59sa Witness Protection Program.
08:01Ito'y pagpapapakita ng kanilang good faith.
08:05Kasi sinasabi, di ba pag nag-state witness,
08:07Mr. DOJ, narito po kami.
08:11Gusto po namin tulungan ng gobyerno.
08:13Kasi nagsisisi na po kami.
08:16Sabi ngayon ng DOJ, sa limang flood control cases,
08:19tatlo na yung submitted for resolution.
08:21Ibig sabihin, titimbangin na ng mga piskal kung may sapat mga ebidensya
08:26para paharapin sa mga kaso sa korte
08:28yung mga inerereklamong dating opisyal ng DPWH.
08:32Sina Alcantara at Bernardo,
08:34parehong idinawit si dating Congressman Zaldico
08:36sa mga maanumalyang flood control project.
08:39Bagamat at large pa rin si Co,
08:40iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos
08:42sa bagong video na habuli ng air assets ni Co
08:45na pinapafreeze ng Anti-Money Laundering Council.
08:48Bawal na raw galawin ang mga ito.
08:50Inatasan ko ang DOTR at saka yung CAAP
08:53na makipag-ugnayan sa mga kaibigan natin sa Malaysia at sa Singapore
08:58dahil ang mga pag-aari na helicopter at saka aeroplano
09:04ay mukhang doon tinatago ni Zaldico
09:08at nakarehistro po ito sa kanyang kumpanyan
09:12na tinatawag ng Misbis Aviation and Development Corporation.
09:16Ang kumpanyang iniugnay kay Co na Sunwest Incorporated
09:19kontraktor ng umano'y substandard na road dike project
09:23sa Nauhan Oriental Mindoro.
09:25May arrest warrant na ang 5th at 6th Division
09:28laban sa mga opisyal ng Sunwest.
09:30Sa visa na mga yan,
09:31ginalugad kanina ng mga polis at NBI agent
09:33ang isang hotel sa Pasay.
09:35We received an information yesterday wherein itong hotel is one of their subsidiary owner,
09:41ang Sunwest.
09:42And based doon sa information is dito itinago,
09:45dito nagtago.
09:46Unfortunately, wala tayong nakita.
10:02But again, hindi dito nagtatapos yung ating paghahanap.
10:05Sa labing-anim na may warrant of arrest galing Sandigan Bayan,
10:09pito pa ang hinahanap kabilang si Co.
10:11You have the money to run,
10:13but you cannot outrun the Republic of the Philippines.
10:16Tuloy naman ang panawagan ng iba't ibang grupo
10:18para managot ang mga kurakot.
10:21Ang malaking kilos protesta kontra katiwalaan.
10:23Sa November 30, pinaghahandaan na ng pulisya.
10:26Ang mga magsasakang nagpikit sa Department of Agriculture,
10:29hinikayat ang publiko na makiprotesta sa Linggo sa Luneta.
10:33Pinabababa rin sa pwesto si na Pangulong Marcos
10:35at Vice President Sara Duterte
10:37at nanawagang magtatag ng Transition Council.
10:40Pero babala ni Defense Secretary Gilbert Yudoro
10:42iligal at maituturing na inciting to sedition
10:45ang mga panawagang reset sa gobyerno.
10:48When you say withdrawal of support,
10:50it's an indirect way of saying I'll take over,
10:53which is illegal.
10:55Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:02Nasawi ang isang rider na nag-counterflow
11:04at sumalpok sa kasalubong na van sa Las Piñas.
11:07Sa Negros Oriental naman, pumailalim at nagulungan ng truck
11:11ang isang rider.
11:12Yan ang mga spot report ni Emil Sumang.
11:14Pahirapang maalis sa apat na malalaking gulong ng truck
11:21ang lalaking rider na ito sa National Highway
11:23sa Bayes City, Negros Oriental.
11:25Wala na siyang buhay ng mahila palabas
11:27ng mga bumbero at Bayes Rescue Team.
11:29Batay sa investigasyon,
11:31nabiglaro ang rider na galing Tanhai City
11:34nang makasalubong nito ang malaking truck
11:35na palikuna papasok ng bodega.
11:37Nasagi ng truck ang rider na pumasok
11:39sa ilalim ng truck at nagulungan.
11:41Lumalabas na walang lisensya ang rider.
11:43Sumuko naman at ikinulong ang truck driver
11:45pero pinakawalan din matapos magkasundo
11:48ang mga kaanak ng biktima at may-ari ng truck.
11:51Sa gitna ng abalang trapiko
11:53sa Diego Sera Avenue sa Las Piñas City
11:55sa pool sa CCTV,
11:57ang motorsiklong napakaliwa
11:58sa kabilang lane
11:59at sumalpok sa kasalubong na van.
12:02Tumalsik pataas ang rider
12:03saka bumagsak sa kalsada.
12:05Umu-avertik po siya sa dalawang motor
12:07na kasunulan niya
12:09na sumalpok po siya sa may van.
12:11Wasak ang hanapan ng parehong sasakyan
12:13dead on arrival sa ospital ng rider.
12:15Sumuko ang van driver
12:16na napagalamang walang lisensya.
12:18Tumanggi siyang magbigay ng pakayag
12:19patuloy ang investigasyon.
12:21Sa dagupan, hulikam ang motorsiklong ito
12:24na biglang nag-u-turn at sumemplang.
12:26Natumba ang tatlong sakay nito
12:27pero pagkatayo ay humarurot din.
12:30Lumutang sa pulisya ang rider
12:31na padre na pamilya
12:32mag-ina ang angkas niya noon
12:34bata pa ang kanilang anak.
12:35Pauwi na raw sila
12:36nang makitang may mga nakabantay na otoridad
12:38at dahil wala siyang lisensya
12:40at hindi sila nakihelmet
12:41ay tumakas sila.
12:44Sa dagupan din,
12:46napasampas sa gutter at bangketa
12:47ang jeep niya ito
12:48na ayon sa mga otoridad
12:48ay nawalan daw ng preno.
12:50Walang nasaktan sa insidente.
12:52Emil Sumakil nagbabalita
12:53para sa German Integrated News.
12:5627 days bagong magpasko
12:58patuloy na pinadarama
13:00ang Christmas fields
13:01sa kabila ng mga pagsubok
13:03ngayong taon.
13:04Sa grounds ng Pasay City Hall,
13:06pasiklab ang pagpapailaw
13:07ng kanilang higanting
13:08Christmas tree at bilen.
13:10Kasabi kasi ng pagsindi
13:11ng libo-libong ilaw,
13:13sumabog sa kalangitan
13:14ang makukulay na fireworks display.
13:17Payawating ng bagong pag-asa
13:19para sa mga tagapasay.
13:21Sa Davao City naman,
13:22sinimulan sa mga pagtatanghal
13:24ang Pasko Fiesta 2025.
13:26Isang Christmas tree
13:27na gawa sa amakan
13:29o sa wali
13:29ang binihisan
13:31ng makukulay na parol.
13:32At sa halip na Santa Claus,
13:34tampok ang isang kalabaw
13:35na nakahila
13:36ng malalaking kahon
13:38ng regalo.
13:39Unang self-produced single
13:58ni Asia's Limitless star
14:00Julie Ann San Jose
14:01na simula.
14:02Patok sa TikTok
14:15dahil sa karyo nito.
14:17May entry na
14:18ang ilang Sparkle stars
14:19at peepop girl group
14:21ng Sparkle
14:21na Dolly Pop.
14:26KMJs gabi
14:27ng lagim The Movie
14:28tuloy-tuloy
14:29ang pananakot
14:30sa mga sinihan.
14:32Kanina,
14:33muling nag-ikot
14:33sa mga sinihan
14:34ang multi-awarded journalist
14:36and host
14:36ng KMJs
14:37na si Jessica Soho.
14:40Athena Imperial
14:40nagbabalita
14:41para sa
14:42GMA Integrated News.
14:44Nag-sitakbuhan
14:52ang mga nakawalang baboy
14:53na yan
14:53mula sa
14:54naglihab na jeep
14:55sa Magdiwang
14:56Romblon.
14:57Ayon sa Magdiwang
14:58Fire Station
14:59galing San Fernando
15:00ang negosyanteng may-ari
15:01ng jeep
15:01para bumili ng baboy
15:03nang umusok
15:04ang baterya nito
15:04hanggang nag-apoy
15:06dahil sa short circuit.
15:08Agad
15:08naka-responde
15:09ang mga aturidad
15:09at naapula
15:10ang apoy.
15:11Pinuksan din
15:12ang likod
15:12para makawala
15:13ang mga baboy.
15:14Pero isang baboy
15:15na naiwan sa loob
15:16ang nasawit
15:17habang nasunog
15:18ang balat
15:19ng dalawa pang baboy.
15:20Walang ibang
15:21napuruhang tao.
15:28Love is in the air
15:30or at the falls.
15:32Talaga kasing
15:33na-fall sa ganda
15:34ng talon sa norte
15:35ang ilang magkasintahan
15:36na piniling gawin
15:38itong backdrop
15:39ng kanilang wedding proposal.
15:41Pusuha na yan
15:41sa report ni Joseph Moro.
15:46Ang angking ganda
15:47ng awas and falls
15:48sa Sigay, Ilocosur
15:49dinayo
15:50at matsagang pinilahan
15:51ni na Elaine at Jerome.
15:53Pagdating sa view deck
15:54di pinalagpas ni Elaine
15:55na umawrat
15:56mag-strike a pose.
15:59Pero ang ganda
16:00ng talon
16:01taob kay Elaine.
16:02Harap, harap!
16:03Harap, harap!
16:05Nang si Jerome
16:06biglang lumuhod
16:07at nag-propose.
16:11Haba ng hair.
16:12Nagandahan kasi talaga ako
16:13dun sa falls na yan.
16:14Dun talaga ako na ano,
16:16nag-decide na mag-proposean niya.
16:18So, nung pagharap po po talaga
16:20na gulat po ako
16:21at naiyak.
16:22Happy po ako
16:23nung time na yun
16:24na na-experience po po
16:26yung ganong proposal.
16:27Sabay naman sa buhos ng tubig
16:31ang pagbuhos ng pag-ibig
16:32ni Edgar
16:33para sa nobyang si Emmeline.
16:35Sabi nga nila
16:36nothing worthwhile
16:37comes easy.
16:38Kaya si Edgar
16:39sa bamboo raft
16:40nag-propose.
16:43Pero di lamang pala
16:44ang pagkamit
16:45ng matamis
16:45na oo ang hamon
16:46dahil sa lakas ng tubig
16:48baka raw mahulog
16:49ang singsing.
16:51Sa taas man
16:52o sa baba
16:52saksi ang awas
16:53and fall
16:54sa mga magkasintahan
16:55tuloy ang na-fall
16:56sa isa't isa
16:57para makuha
16:58ang matamis na oo
16:59for the road to forever.
17:01Joseph Morong
17:02nagbabalita
17:03para sa GMA Integrated News.
17:08At yan po
17:09ang State of the Nation
17:10para sa mas malaking misyon
17:11at para sa mas malawak
17:13na paglilingkod sa bayan.
17:14Ako si Atom Araulio
17:15mula sa GMA Integrated News,
17:17ang news authority
17:18ng Pilipino.
17:22Outro
17:23Outro
Be the first to comment
Add your comment

Recommended