Skip to playerSkip to main content
- Magkaangkas, patay matapos makasagasa ng aso at magulungan ng bus
- PBBM, idineklara ang State of National Calamity; P760M, ayuda ng OP para sa mga binagyo
- Ilang dating opisyal ng DPWH Bulacan at contractor ng ghost project sa Bocaue, inirekomenda ng ICI na kasuhan ng Ombudsman
- Malabon City Jail inmates, nag-ingay dahil sa isyu sa dalaw, pagkain at pamamalakad ng warden
- Parangal sa nasawing Air Force personnel | 1.96-M unemployed na mga Pinoy, atbp.
- Pinsala ng bagyong tino sa agrikultura, aabot sa P13M
- Ang pagbabalik ni Agane sa Encantadia | “WillCademy Presents: That Fair Called Tadhana”
- Halos 30,000 pamilya sa Palawan, nasa evacuation centers; ilang alagang hayop, nasawi dahil sa bagyo
- Pagdaan ng lalaki sa bridal entourage, kinatuwaan ng netizens

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:07State of the Nation
00:09State of the Nation
00:14Binabaybay ng rider at angkas nito ang National Highway sa Hasaan, Misamis Oriental
00:19nang masagasaan nila ang tumawid na aso sa kalsada.
00:23Natumba sila at napunta sa kabilang lane ng saktong dumaan ang isang bus.
00:29Nagulungan silang dalawa.
00:31Dead on the spot ang mga biktimang mag-live in partner.
00:34Hindi nagbigay ng pahayag ang bus driver pero nag-usap na ang kumpanya ng bus at ang pamilya ng mga biktima.
00:48Idineklara ni Pangulong Marcos ng State of National Calamity sa gitna ng matinding pinsalang iniwan ng Bagyong Tino.
00:55Nagpapatuloy ang search and retrieval operation sa Cebu kung saan isang daan at walo ang nakumpirmang nasawi ayon sa PDRMO.
01:03May report si Emil Sumang.
01:06Naiyak na lang ang babaeng ito sa Cebu habang lumulubog sa baha ang mga alaga nilang paboy noong kasagsaganang Bagyong Tino.
01:19Tatlong po lang sa maigit-pitong pong baboy nila ang nasakit.
01:23Sa barangay Kotkot sa niluan, tila rumaragas ang ilog din ang baha.
01:31Sa bilis ng pagdaas ng tubig sa isang gasolinahan, napakyat sa trailer tanker si Rhea pati ang kanyang mga kaanap.
01:41Ang kanyang mister na inabutan ang pagdaas ng tubig kumapit sa signage ng gasolinahan upang hindi matangay.
01:51Sa kalapit na subdivision, wala nang nagawa ang mga residente kundi pagbasnan mula sa mga bubong ang pag-anod ng lampas taong baha sa kanilang mga gamit.
02:02Para-paraan ang lalaking ito para kunin ang aquarium na pinagtaguan ng shelfo ng isa sa mga residente.
02:11Paghupa ng baha, nabalot ng makapal na putik ang mga kalsada hanggang sa loob ng mga bahay.
02:16Dito, muna ng tubig sa kataas.
02:19Ang ina namang residente nananatili pa rin sa second floor.
02:25Problema ang supply ng tubig sa malaking bahagi ng liloan kaya may mga residenteng pilagtitiyagaan ang ganito tubig.
02:33Sa kabila ng matinding unos, may mga residente pa rin nagawa namang tumulong.
02:42Mabilis na ramagasa ang paha sa subdivision at karating na lugar matapos masira ang dike sa pag-apaw ng Kotkor River.
02:48Si Kriza hindi malaman kung paano ilalarawan ang nadaramang sakit.
02:53Nakaligtas nga siya sa baha na matray naman ang kanyang mister.
02:56Tatlong anak pati ang amat pamangkin.
02:58Nawawala naman ang kanyang ina.
02:59Tiyahin at dalawang pamangkin.
03:01Wala ng bahay.
03:02Wala lahat.
03:04Wala pamilya.
03:05Magpadala ng crane para mahukay.
03:10Kasi ngayon mga tao lang talaga nagahanap.
03:16Abot langit din ang hinagpis ni Dexy.
03:19Kapilang sa 25 nasawi sa Compostela ang dalawa niyang anak pati ang buntis na manugang.
03:25Nakaligtas naman ang anak niyang si Ashley na inanod ng rubarga sambaha.
03:28Ang pagkatagak na ako.
03:29Di ba dito punta ako kay mamulang way.
03:32Seria.
03:33Ako manghod.
03:34Kamao yuta.
03:35To siya.
03:36Kaya nakakupot mo akong baboy nga patay.
03:39Naghiwala akong salbabida.
03:41Makop tala.
03:42Unta na akong manghod.
03:43Pero nabuyan ako.
03:44Kaya nalumbos ko.
03:45Kaya di ko kamao.
03:46Langway.
03:47Ay.
03:48Surte lang ko.
03:49Kaya akong buhok na sangit sa dakong kawayan mo ang napataas ko.
03:55Ang mga nawala naman ang tirahan sa barangay Dumlo sa Talisay City.
03:59Sa gymuna ng barangay hall nanululuyam.
04:01Pero dahil maputik, hindi rin magamit ang ipinamahaging tent.
04:06Sa Cebu City, natagpuan ang bangkay ng dalawa sa apat na natabunan ng landslide sa barangay Sapang Daku.
04:11Habang tuloy-tuloy, ang search and retrieval operations sa mga nasawi at relief operations sa mga sirlanta,
04:17idireklaran ni Pangulong Marcos ang state of national calamity sa buong bansa.
04:22Kasabay nito, naglabas ng P760M na ayuda ang kanyang opisina para sa halos 40 lokal na pamahalaan na nasa lanta ng bagyo.
04:30Emile Sumangil, nagbabalita para sa gym-integrated boost.
04:35Patong-patong na reklamo ang kakaharapin ng mga dating DPWH engineer na sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
04:49Sinampan sila ng tax evasion dahil sa mahigit isat kalahating bilyong pisong halaga ng buwis na hindi umano nila binayanan.
04:57Bukod pa yan sa mga kasong ipinasasampan naman ng ICI sa Ombudsman.
05:01May report si Joseph Moro.
05:05We need to love our country. We need to love our countrymen.
05:10Pitbit ni Independent Commission for Infrastructure Chairman Andres Reyes Jr.
05:14ang placard na nananawagan ng pag-ibig nang i-anunsyo ang ikaapat nilang rekomendasyon
05:18kaugnay ng issue sa flood control projects.
05:21Pinakakasuhan ng ICI sa Ombudsman ang mga opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office
05:27sa pangungunan ni dating District Engineer Henry Alcantara
05:30at kinatawa ng contractor ng top-notch catalyst builders at beam team developer specialist
05:35kaugnay ng P95M na slope protection structure sa Bukawi Bulacan
05:40na nadeskubre ang ghost project.
05:42Hinihinga namin sila ng pahayag.
05:44Para sa ghost project na yan, sa Bukawi Bulacan,
05:47wala mga mambabatas o mga proponent na nagpondo sa proyektong iyan
05:51ang inirekomendang kasuhan ng ICI sa Ombudsman.
05:55Puro mga engineer at contractor pa lamang.
05:58Paliwanag ni Reyes, wala pa silang nakitang koneksyon ng mga mambabatas
06:01at mga taga DPWH Bulacan para sa proyektong ito.
06:05Ito ay kahit pa ilang beses nagpabalik-balik si Nalcantara sa ICI.
06:09Ang inirekomendang reklamo ng ICI dagdag sa tax evasion at iba pang paglabag
06:28sa National Internal Revenue Code of 1997 na inihayin ang Bureau of Internal Revenue
06:33laban kina Alcantara at dating DPWH engineers Bryce Hernandez at JP Mendoza.
06:38Sakaling mahatulang guilty, maaari silang makulong na pwedeng umabot sa sampung taon.
06:44Ang naging basihan ng BIR ang kanilang magagarang sasakyan,
06:47milyong-milyong isinugal sa kasino at mamahali mga ari-arian.
06:51Ang titignan lang talaga natin kung tugma ba ang mga revenues
06:55sa mga ginagasos at mga ari-arian nila at kung hindi nagbayad ng tamang buwis
07:00ay yan ang nangahabulin natin.
07:02Kabuwang 1.6 billion pesos ang buwis na hindi raw nabayaran
07:05ni na Alcantara, Hernandez at Mendoza para sa taong 2020 hanggang 2024.
07:11Patuloy namang iniimbestigahan ang BIR ang mga government contractor
07:14na nag-donate sa kampanya ng mga kandidato.
07:17Gayun din ang mga kandidato ang tumanggap ng donasyon.
07:19Tinitingnan din natin yung capacity rin nung nag-donate,
07:22whether or not bayad yung mga buwis niyan at kung may capacity yung nag-donate.
07:27Ang lahat ng kandidato, pag kumandidato yan,
07:29kinakailangan nilang i-report yan din sa BIR kung ano-ano ang mga tinanggap nila
07:34at kung magkano ang ginastos nila.
07:37Kung may natira yan ay kinakailangan nilang magbayad din ng buwis.
07:41Sabi ng abogado ni na Hernandez at Mendoza, hindi pa nilang natatanggap ang kopya ng reklamo.
07:46Pag-aaralan daw nila ito at tiniyak na tutugon.
07:49Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag sa Alcantara.
07:51Nag-hahay naman ang reklamo ng bid rigging si DPWH Secretary Vince Tison
07:56sa Philippine Competition Commission laban sa mga kontraktor
07:59na St. Timothy Construction Corporation at Silver Wolves Construction Corporation
08:04at ilang opisyal ng DPWH, Davao Occidental at La Union.
08:07Kahug na ito ng liming limang kontrata ng flood control projects.
08:11Ayon kay Dison, 3.13 billion pesos ang maaaring imulta sa mga sangkot
08:16kung mapapatunayang pineke nila ang bidding.
08:19Hinihinga namin ang pahayag mga nasabing kumpanya.
08:21Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:25Nag-noise baraj ang mga persons deprived of liberty o PDL ng Malabon City Jail
08:30para iparating ang kanilang hinai.
08:32Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, may issue ang mga inmate sa pagkain,
08:41dalaw at sa mahigpit umanong pamamalakad ng warden na tatong buwan pa lamang sa pwesto.
08:47Inalis muna siya sa pwesto habang nag-iimbestiga.
08:50Dilinaw rin ng BJMP na merong isang menu na sinusunod sa lahat ng mga pasilidad ng BJMP.
08:58Pusibli o manong nagkakaproblema sa komunikasyon sa pagitan ng mga tauhan at mga PDL.
09:04Mga nasawing Air Force personnel sa bumagsak na helicopter sa Agusan del Sur,
09:15binigyan ng military owners.
09:17Dumating sa Villamor Air Base sa Pasay ang labi ng apat sa anim na sundalong tutulong sana
09:23sa mga sinalantah ng Bagyong Tino nitong Martes.
09:26Inuwi naman ang labi ng dalawang iba pa sa General Santos City at Zamboanga City.
09:32Nagkaroon ng send-off ceremony para sa kanila kaninang umaga.
09:39Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Setiembre,
09:42bahagyang dumaas kumpara sa parehong buwan noong 2024.
09:46Ayon sa Philippine Statistics Authority,
09:481.96 million ang unemployed nitong September 2025 na mas marami sa 1.89 million noong nakaraang taon.
09:57Pero kung ikukumpara sa August 2025,
10:00bahagyang bumaba ang bilang ng mga walang trabaho nitong Setiembre.
10:04Sino gasto nagbabalita para sa GMA Integrated News?
10:08Hindi rin nakaligtas ang sektor ng agrikultura sa pananalasa ng Bagyong Tino.
10:13Ayon sa Agriculture Department,
10:16aabot sa isang dang hektarya ang tubuhan at limang dang hektarya ng mais ang nasira.
10:21Sa initial assessment,
10:23tinatayang nasa 13.26 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura
10:28sa Western at Eastern Visayas.
10:30Ayon sa DA,
10:32nasalantaring ang mga palaistaan at mga gamit ng mga namamalakaya.
10:38Ramdam ang epekto niyan sa Iloilo sa Leganes Public Market,
10:42kulang ang supply ng isda matapos manalasa ang bagyo.
10:45Kaya ang ilang nagtitinda,
10:47wala raw magawa kundi magtaas ng 20 pesos sa kada kilo ng isda.
10:52GUSNA DUNES SANGRE
11:01GUSNA DUNES SANGRE
11:03Bahil ang nakakagigil at kinaiinisang si Agane,
11:06muling mapapanood sa Encantadia.
11:10Nostalgic feels nga raw ito para sa gumanap sa role na si Rochelle Pangilinan.
11:19Ang surreal nung pakiramdam na nagkita-kita kami sa set at talagang babalik ang mga hator dito sa Encantadia.
11:30Aabangan kung ano ang magiging papel nila sa kwento lalot kasama niya sa balaak,
11:35ang main villain squad Hagorn at Gurna.
11:38Maraming salamat po at hindi kayo natakot sa amin eh,
11:46parang mas na-excite kayo na nababalik ang Hagorn agane, Gurna.
11:51Excited at naghahanda na rin si Rochelle sa sex bomb reunion concert sa December 4.
11:57Isang fan meet for a cause ang dinaluhan ni Will Ashley.
12:03Organized ito ng fans nila ni Bianca Devera.
12:06Nag-perform din sa event sina Sparkle Artist Matt Lozano.
12:16Folk pop collective band na Ben & Ben.
12:19Pati na ang bandang Hilly After Dark.
12:27Pumalag naman si Will sa mga natatanggap na bashing online,
12:30lalot may mga nadadamay na pamilya at kaibigan niya.
12:34Thankful naman siya sa suporta ng fans.
12:37Para mag-spend sila ng time to defend me, to protect me,
12:41sobrang na-appreciate ko po yun.
12:43Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:49Matinding trauma ang iniwan ng Bagyong Tino sa mga sinalantas sa Western Visayas at Palawan.
12:58Sa Santa Barbara, Iloilo, tumambad ang isang malaking butas paghupa ng baha.
13:03May report si Oscar Oida.
13:08Nagmistulang dagat ang kalsada sa Barangay Maoyon sa Puerto Princesa City, Palawan.
13:14Ang mga bahay niragasa ng baha.
13:16Pahirapan ang pag-rescue sa mga stranded na residente.
13:23Sa El Nido, nangamatay ang mga kalabaw matapos mabagsakan ng puno.
13:28Sa bayan ng Rojas, ilang alagang baka at kambing ang nasawi dahil sa baha.
13:33Mula ahim papawid, kita ang lawak ng pinsala ng bagyo sa bayan ng Rojas.
13:40E sinailalin na sa State of Calamity ang buong Palawan.
13:43Halos 30,000 pamilya ang nasa lanta at nasa evacuation centers.
13:50Naka State of Calamity na rin ang Canlaon City sa Negros Oriental.
13:54Mayigit dalawang pumbahay doon ang sinira ng rumaragas ang baha at mga naglalaki ang bato mula sa bulkang Canlaon.
14:03Patuloy ang paghahanap sa sampu pang nawawalang tao.
14:06Bukod sa mga di madaan ang kalsada, sira ang nasa anin na tulay.
14:11Wala pa rin kuryente sa ilang lugar.
14:14Sa Negros Occidental, apat na put-apat ang kumbirmadong nasawi.
14:20Base sa ginawang verification ng PDRRMO.
14:2453 pa ang pinagahanap.
14:26May mga gin-deploy na mga search and rescue teams.
14:30Nag-deploy mga ta-clearing team.
14:32Kagnagbuligs at ma-LGU.
14:34So far, subong ito nga mga main roads.
14:37Aksesible naman.
14:38May 13,000 individual ang apektado sa La Carlota City, Negros Occidental.
14:44Sandamakmak ang punong kahoy na inanod ng baha at humambalang sa mga kalsada at kabahayan.
14:51Ang mga residente, halos di na alam kung paano makakabangon.
14:56Kung ano naman ang masala naman sa sinigang kalibutan pa sa patawaron kami.
15:00Napangamuyok ka kay ninyo. Pagamuyok ka sa ginuong makasurvive kami.
15:04Ang ginahapo ko.
15:05Kani before ko.
15:06May bigla lang.
15:07Masaka sa babaw.
15:08Dako ginanghalit sa mga panimalay.
15:11Ubrahon ang tanan na matatapan ang mga pumuluyo sa La Carlota.
15:16Pero di lang tao ang apektado. Sira rin ang 6 na shelter na ito sa Bacolod.
15:23Sa Santa Barbara, Iloilo, ikinakatakot ng isang pamilya ang gumuhong lupa na may 14 na metro ang lalim at hanggang 3 metrong lawak. Katabi lang ng kanilang bahay.
15:36Nakalbaan mga miser eh.
15:38Di rin kayo magaturo.
15:39Sa sala na kami subong katuro.
15:42Kay nadlock na.
15:43Basi, dalong mga magdalo mga buho.
15:45Bahagi mo na ito ng flood control structure na itinayo noong 2018.
15:50Basi, may nag-cause nga nag-leak ang lupa sa likod ng slow protection. So ang leak nga ito, kung may buho ito yan sa dalom, ang motong nag-cause nga nagsigisigi nga nag-erode ang lupa sa likod ng slow protection.
16:07We already instructed them to move to a safer place sa house nanda.
16:13Sa datos ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, 233,694 na pamilya o maigit 760,000 na individual ang naapektuan ng pananalasa ng Bagyong Tino sa Western Visayas.
16:28Napinsala rin ang mga seawalls at warfs sa Gimaras at Iloilo.
16:32Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:43Isang lalaking umiksena sa Bridal Entourage ang kinaaliwan ng netizens.
16:48Ang bigyan niya kasi yung pagsulpot para bang ipapatigil ng kasal.
16:52Busuan na yan sa report ni Ian Cruz.
16:58Here comes the bride.
17:01All dressed in white.
17:04Pero, teka.
17:07Sino ang lalaking yon?
17:09Na para bang gustong magpahinto sa kanyang kasal?
17:16Minsan na nga lang kita ipag-drive sa kasal mo pa.
17:19Huling tanaw bago bumitaw.
17:22Na para bang ikaw yung nagparayan?
17:25Pero tuloy daw ang kasal.
17:27Dahil the man behind the bride,
17:29bridal driver pala.
17:31Ang kanyang serious look,
17:33hindi raw dahil sa heartbreak.
17:35Nadamay lang sa shock dahil nais nilang makunan ang sasakyan.
17:40Kaya naman todo focus siya habang kinukunan din ang bride.
17:45No worries kuya dahil nagawa naman ang paraan ng editor.
17:50Pati ang bride natawa na lang din sa scene stealer.
17:54Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:58At yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon
18:03at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
18:06Ako si Atom Arawlio mula sa GMA Integrated News,
18:09ang news authority ng Pilipino.
18:11Música
18:13Música
18:14Música
18:15Música
18:17Música
Be the first to comment
Add your comment

Recommended