- 3 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
- Bago ngayong gabi: Manay, Davao Oriental, nasa state of calamity;
tsunami warning nakataas dahil sa lindol ngayong gabi
- 6.8 magnitude na lindol, yumanig sa Manay, Davao Oriental kasunod ng 7.4 na lindol kaninang umaga
- Magnitude 7.4 quake, ramdam hanggang Visayas at ilang bahagi ng Bicol
- PBBM, ipinag-utos ang paglilikas sa mga nakatira sa coastal areas
- Petisyong interim release ni Dating Pang. Duterte, tinanggihan ng ICC
- Iloilo at Bacolod, binaha dahil sa ulang dala ng Southwesterly Windflow; La Niña, magpapaulan hanggang Pebrero
- Siklista, patay nang magulungan ng modern jeep
- Kasal na naantala ng lindol, itinuloy sa labas ng simbahan
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
tsunami warning nakataas dahil sa lindol ngayong gabi
- 6.8 magnitude na lindol, yumanig sa Manay, Davao Oriental kasunod ng 7.4 na lindol kaninang umaga
- Magnitude 7.4 quake, ramdam hanggang Visayas at ilang bahagi ng Bicol
- PBBM, ipinag-utos ang paglilikas sa mga nakatira sa coastal areas
- Petisyong interim release ni Dating Pang. Duterte, tinanggihan ng ICC
- Iloilo at Bacolod, binaha dahil sa ulang dala ng Southwesterly Windflow; La Niña, magpapaulan hanggang Pebrero
- Siklista, patay nang magulungan ng modern jeep
- Kasal na naantala ng lindol, itinuloy sa labas ng simbahan
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:06May nakataas ngayong babala ng tsunami sa Mindanao dahil sa magnitude 6.8 na lindol.
00:26Kasunod yan ng mas malakas na pagganig o magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga na malapit sa Manay Davao Oriental ng epicenter at ramdam sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas.
00:38Di bababa sa 6 ang naitalang na sawit. Nasa State of Calamity na ang bayan ng Manay.
00:44May report si Argil Relator ng GMA Regional TV.
00:46Nagkaklase kaninang umaga sa Mapua Malayan Colleges of Mindanao sa Davao City ng lumindol.
01:04Silya ang ginawang proteksyon ng mga estudyante.
01:06Hanggang nagbagsakan ang kisame.
01:19Nawalan pa ng kuryente.
01:25Kaya na nga pa sa dilin ang mga palabas na estudyante.
01:36Naghiyawan din sa paglikas ang mga estudyante sa St. John Paul II College of Davao.
01:52Habang sa San Pedro College, may chemical spill pa na nirespondihan ng Bureau of Air Protection.
01:57Nabulabod din ang mga dumalo sa isang konvensyon.
02:06Matapos ang pag-inig, nagmadali silang lumabas ng mall na nagkabasag-basag ang salamin ng entrance.
02:17Sa mga opisina, napasilong sa ilalim ng mesa ang mga empleyado.
02:22Bumigay ang kisame sa pagyug-yug.
02:39Naalog din ang mga ilaw at gamit sa 10th floor ng gusalig ito.
02:43Naka-duck cover and hold ang mga empleyado habang hinihintay na huminto ang pagyanig.
02:56Bubuhos ang emosyon sa paglabas nila.
02:58Ang mga naabutan ng pagyanig sa rabas, walang nagawa kundi mapaupo habang umiindayog ang paligid.
03:13Gaya na nasaksihan ng isang youth scooper sa Spring Valley, Buhangin, Davao City.
03:22Napaupo rin sa takot ang mainabutan ng lindol sa Davao City Fishport Complex.
03:27Relax na, relax na, relax lang, relax.
03:34Iwinasiwas din ang lindol ang mga nakasabit na paninda sa Agdao Public Market.
03:42Sa Davao International Airport, may napaupo na lang at meron ding nagsilabasan.
03:52Nagambala rin ang mga ospital.
03:54Agad inilabas kalsada ang mga pasyente.
03:57Sa isang subdivision, gumuho ang isang bagong renovate na bahay.
04:08Apat ang nasagip.
04:09Ayon sa CDRMO, isang lalaking edad, walumpo ang nasawi matapos maragana ng pader sa Barangay Tomas, Monteverde.
04:18Nakikipag-ugnaya na ang Davao City Social Welfare and Development Office sa mga nilindol para matulungan.
04:24Sa inspeksyon ng City Engineer's Office at DPWH, wala namang nakitang pinsala sa apat na pangunahing tulay sa Davao City.
04:32Ramdam din ang lindol sa labas ng lungsod.
04:39Sa panabo Davao del Norte, niyugyug ang mga truck ng bombero at ambulansya.
04:44Sa Tagong City, Davao del Norte, nabasag ang mga salamin at natumba ang mga gamit sa isang mall.
04:54Habang sa labas,
04:55Buwis-buhay sa pagbaba ang mga trabahador mula sa itaas ng ginagawang giant Christmas tree.
05:05Sa Tagong City Hall, bumagsak ang isang bahagi ng kisame at ilan pang gamit.
05:11Nagkabitak sa pader ng isang gusali sa Tagong Doctors College.
05:15Ikinatapit din ang pag-uga ng flyover na ito.
05:26Sa nabunturan Davao de Oro, napakapit na lang sa isa't isa ang mga residenteng habang inuuga ng lupa.
05:33Abot sa General Santos City ang pagyanin.
05:39Naglabasan ang mga isudyante at nerespondihan ang mga hinimatay.
05:46Gayun din sa Caguay at Surigao del Sur.
05:49R. Jill Relator ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:56Nanginginig pa sa takot ang marami sa Mindanao dahil sa magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga.
06:13Heto at muli silang niyanig pa sa 2.7 ngayong gabi.
06:23Magnitude 6.8 ang lindol.
06:25Sa dagat pa rin ang epicenter, 36 kilometers southeast ng Manay, Davao Oriental.
06:30Di kalayuan sa epicenter ng lindol nitong umaga.
06:33Ang munisipyo ng Manay, delikado pa dahil sa mga bitak kaninang umaga.
06:37Nasira pati ang bahagi ng St. Francis Xavier Parish na itinayo noong 1897 at kakarenovate lang.
06:44Sa post si Atty. Isaili Tutorion, humamba lang ang malalaking tipak ng bato at mga nabual na puno sa kalsada.
06:51May mga nasira rin bahay.
06:55Ayon sa LDRRMO, nasa 80% ng kanilang emprastruktura ang apektado.
07:01May mga tulay at mga daan nang isinara dahil delikado nang gamitin.
07:05Sa Mati City, Davao Oriental, nasa Wi, ang isang babaeng edad 57 matapos mabagsakan ang perimeter wall ng compound ng isang electric cooperative.
07:19At dahil may panibagong babala ang FIVOX ng mahigit isang metrong taas ng tsunami,
07:25nagutos ang Office of the Civil Defense ng forced evacuation sa mga coastal barangay sa Surigao del Norte, Surigao del Sur at Davao Oriental.
07:34Nasa 1.8 million na tao ang pinalilikas.
07:37Ayon sa FIVOX, hindi ito aftershock. Maaring doublet earthquake ang dalawang lindol na ito.
07:44Sa lindol kanina, paggalaw sa Philippine Trench ang dahilan.
07:48Paliwanag ng FIVOX, nagbabanggaan sa ilalim ng dagat ang dalawang tectonic plates o dalawang malaking tipak ng lupa.
07:55Kapag sobra na ang pressure, biglang dumudulas ng mabilis ang mga bato sa fault line kaya nagkakalindol.
08:03Yung trench naman at yung seafloor natin gumigit-git papailalim.
08:08We have the line dun sa dagat natin at gumigit-git yung seafloor natin dun sa trench.
08:14And as a result, yung pagigit-git niya, nagkakaroon ng friction.
08:18And once the friction is released, yun yung nagkakaroon ng paglindol.
08:22Bukod sa Philippine Trench, may lima pang trench sa Pilipinas.
08:26Ang Negros, Sulu, Cotabato, East Luzon, Truff at Manila Trenches.
08:31Generally, mga trenches natin are capable of generating great earthquakes.
08:37Earthquakes greater than 8.
08:41The longer the fault, the higher the magnitude it would be able to generate.
08:47Nilinaw rin ng FIVOX na walang kinalaman sa lindol ngayon.
08:50Ang magnitude 6.9 na lindol sa Visayas noong September 30, malapit sa Bugo City, Sabu.
08:56At magnitude 4.4 na lindol sa Pugo La Union kahapon.
09:00Pareho silang dahil sa mga fault sa kanika nilang lugar.
09:03Nagbabala rin ang FIVOX na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na paparating na lindol.
09:08Dahil wala pang paraan para malaman o madetect kung kailan magkakalindol.
09:13Ang pwede lang daw gawin natin, maging handa at alerto.
09:17Hanggat maaari, huwag magpanik at sundin ang mga itinakdang alituntunin kapag may lindol.
09:23Jandy Esteban ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:28Maging sa Visayas at Vico Region, sa dulo ng Luzon, ramdam ang magnitude 7.4 na lindol kanina umaga.
09:47May report si Oscar Oida.
09:48Winagay wine ng magnitude 7.4 na lindol ng mga panindah sa sari-sari store na ito sa Albay.
10:00Magigang chandelier sa loob ng bahay, halos isang minuto tumagal ang pagyanig sa probinsya.
10:10Naramdaman din ito sa maraming lugar sa Visayas.
10:14Gaya sa hotel sa Iloilo City, na tila nagsasayawan na ang mga ilaw.
10:21Ang mga kawarinang City Hall, mabilis na bumaba at nagtipon sa Plaza Libertad.
10:28Wala namang nakitang pinsala sa gusali.
10:30Dahil sa lindol, nagsuspindi agad ng trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa lungsod.
10:38Sa provincial capital, sinuspindi rin ang trabaho sa gobyerno.
10:42Ayon sa FIVOX, Intensity 1 ang naramdaman sa Iloilo City at ilang bahagi ng Kapis.
10:50Napadak-cover and hold naman ang mga mag-aaral at guro ng isang eskwelahan sa Kalbayog, Samar,
10:56nang magsilabasan sa kanika nilang mga classroom.
11:00Naudlot naman ang State of the Province address ni Bohol Governor Enrico Aristotel Aumentado.
11:05Pinalabas ng kapitulyo ang mga empleyado.
11:09Wala namang nakitang pinsala sa gusali, kaya pinayagan ulit silang bumalik.
11:14Kahit sa Ormok City, Leyte, ramdam ang pagyanig.
11:18Kabilang ang probinsya ng Leyte sa mga napasailalim ng tsunami warning na binaawirin kalinang hapon.
11:26Oscar Oida, nagbabalita para sa GM Integrated News.
11:31Ipinagutos ni Pangulong Marcos ang paglilikas sa mga nakatira sa coastal areas,
11:36kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao.
11:39Inatasan din niya ang mga ahensya na i-activate ang emergency communication lines
11:44at makipag-ugnayan sa mga LGU.
11:47Iyahanda na rin ang search, rescue, and relief operations
11:50na dapat anyang i-deploy agad na oras na ligtas na itong gawin.
11:56Nagposisyon na rin ang DSWD ng ipapamahaging pagkain at iba pang gamit.
12:01Handa namang magbigay ng servisyong medikal ng DOH.
12:04Ang Civil Aeronautics Board hiniling sa mga airline
12:07na huwag nang maningil ng re-booking at cancellation fee
12:10sa mga pasaherong apektado ng lindol.
12:13Kinimok din ito ang mga airline na pabilisin ng pagbibigay ng refund
12:17at maglaan ng libreng cargo space para sa humanitarian at relief efforts.
12:23Ang Rodrigo Duterte.
12:33Ibinasura ng pre-trial chamber ng International Criminal Court
12:36ang hiling na interim release, itating Pangulong Rodrigo Duterte.
12:40Sa 23 pahinang desisyon, sinabi ng korte na hindi sila nakumbinsing
12:46mapagbigyan ng petisyon at sa halip, kailangan manatili sa detensyon ni Duterte.
12:51Kabilang sa mga ipinunto ng pre-trial chamber ay ang pagkwestyon ni Duterte
12:55sa pagdakip at pagpiit niya sa kanya na tinatawag ng dating Pangulo
13:01na pure and simple kidnapping.
13:03Gayun din ang ilang ulit na pagbanggit ni Vice President Sara Duterte
13:07sa ideya na itakas ang ama mula sa detensyon center.
13:11Binigang pansindi ng mga hukom ang pahayag ng bise
13:14na sinabi ng dating Pangulo sa kanya
13:16na iuwi na siya sa Davao City kung pagbibigyan ng hiling na interim release.
13:22Taliwas daw ito sa sinasabi ng defense team ni Duterte
13:24na mananatili ito sa estado kung saan siya ililipat.
13:29Para rin sa chamber, speculative at walang basihan
13:32ang sinasabi ng defense team na may cognitive impairment si Duterte.
13:37May mga doktoraw sa loob ng detensyon center
13:39na pwedeng tumingin at gumamot sa dating Pangulo.
13:42Ayon sa defense lawyer ni Duterte na si Nicholas Kaufman,
13:46erroneous o mali ang disisyon ng pre-trial chamber.
13:50Nagay na sila ng apila noon pang isang linggo.
13:54Binaha ang malaking bahaging ng Bacolod City kasunod ng malakas na ulan.
13:59Nagmistulang ilog ang bahaging iyan ng puro Carvic sa barangay Mangaldan.
14:05Sinagip ng Bureau of Fire Protection ang ilang stranded sa isang overpass.
14:10Hindi rin makalis sa mga empleyado ng isang BPO sa barangay Villamonte
14:14dahil sa gutter deep na baha.
14:17Sa Iloilo City, pinasok ng tubig ang ilang bahay malapit sa creek.
14:20Ayon sa pag-asa, southwesterly windflow ang nagdadala ng mga pag-ulan sa Visayas.
14:27Nagbabala rin ang pag-asa sa mas maraming ulan o above normal rainfall
14:31simula ngayong buwan hanggang Pebrero ng susunod na taon dahil sa Laniña.
14:36Puli kam sa gasolinahan sa Iloilo City kung paano nakaladkad ng modern jeep ang isang nagbibisikleta.
14:49Gumanggarin siya sa bollard ng gasolinahan.
14:52Nasira ang signboard.
14:54Nasawi sa ospital ang biklimang napuruhan sa tsyan patapos pumailalim sa jeep.
14:59Ayon sa pulis siya, posibleng inatake habang nagmamaneho ang driver na patuloy na nagpapagamot.
15:04Ipinaproseso na raw ng operator ng jeep ang tulong pinansyal para sa biktima.
15:11Sinubok na ang pag-iibigan ng mga nagpakasal ngayong araw sa Davao del Norte.
15:17Wala namang sumigaw na itigil ang kasal.
15:19Pero kailangang ihinto dahil yumanig ang magnitude 7.4 na lindol.
15:24Nagdulit ito ng takot sa mga bisita at groom na agad lumabas ng Santo Niño Parish sa Talaingod, Davao del Norte.
15:32Napakapit naman sa poste ang ride na si Michelle.
15:36Ang good news, itinuloy sa labas ng simbahan ang kanilang kasal.
15:42Hindi rin napigil ng lindol ang apat na magsingirog sa Panabos City, Davao del Norte.
15:48Itinuloy ang kasalan sa Balay, Dakbayan, sa labas ng Panabos City Hall na sinaksihan ng mga empleyado ng munisipyo.
15:57Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
16:06Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
Recommended
17:23
|
Up next
18:27
16:33
15:19
18:34
18:03
17:10
17:52
18:02
17:18
19:10
16:04
21:39
16:12
14:01
20:38
Be the first to comment