- 3 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
- Tanker na nawalan ng preno, bumangga sa 3 sasakyan at sumabog; driver, nasawi
- Pader sa tinatayong gusali sa Taguig, bumagsak; isa nasawi, 3 sugatan
- Construction worker, patay nang barilin ng nakaalitang brgy. chairman
- Pag-imbestiga sa Confi Funds ni VP Duterte, panawagan ng ilang grupo sa Ombudsman
- 2 sakay ng airport patrol vehicle na nahagip ng cargo plane patungo sa dagat, nasawi
- Korapsyon, pangalawa sa pinakamahalagang isyung dapat aksyunan—OCTA survey
- Net worth ni Sen. Lacson, tumaas sa P244.9-M
- Pangmalakasang stunt ng "The Power Twin Towers"
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Pader sa tinatayong gusali sa Taguig, bumagsak; isa nasawi, 3 sugatan
- Construction worker, patay nang barilin ng nakaalitang brgy. chairman
- Pag-imbestiga sa Confi Funds ni VP Duterte, panawagan ng ilang grupo sa Ombudsman
- 2 sakay ng airport patrol vehicle na nahagip ng cargo plane patungo sa dagat, nasawi
- Korapsyon, pangalawa sa pinakamahalagang isyung dapat aksyunan—OCTA survey
- Net worth ni Sen. Lacson, tumaas sa P244.9-M
- Pangmalakasang stunt ng "The Power Twin Towers"
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:30At nag-apoy at sumabog dahil sa pagkiski sa semento
00:33May nadamay pang ilang sasakyan at tindahan
00:36Nasawi ang driver ng tanker
00:38Di naman lima naman ang may matinding lapnos
00:41Kabilang ang tatlong esudyanteng nakatakdang ilipat sa ospital sa Metro Manila
00:46Tigil muna ang konstruksyon ng isang gusali sa Bonifacio Global City sa Taguig
00:53Matapos bumagsak ang isang pader nito ngayong hapon
00:56Isa ang nasawi at tatlo ang sugatan
00:58May report si Rafi Tima
01:00Pinagturong ang buhati ng mga kapwa manggagawa ang isang nilang kasamahang walang malay
01:08Nangyari yan ilang minuto matapos magkaaberyas sa ginagawang gusali
01:11sa 34th Street, Bonifacio Global City sa Taguig, bago magtanghali
01:15Sa itaas na bahagi ng video, tanawang tila nagtumbahang mga bakal
01:19Sa inisyal na report, apat na steelworkers ang napuruhan
01:22nang bumigay ang itinatayong core wall sa ginagawang elevator shaft ng gusali
01:26Ayon sa area manager ng construction company, agad na itakbo sa hospital ang katilang mga naaksidenteng tauhan
01:32Agad itinigil ang konstruksyon, pinalabas din muna ang mga trabahador para sa investigasyon
02:00Tiniyak ng construction company na sasagutin nila ang gastusin para sa nasawing tauhan
02:05at ang pagpapagamot sa tatlong na ospital
02:07Ang polisya, hindi pa masabi kung kailan itutuloy ang konstruksyon sa gusali
02:22Sa side po namin, nagkandak na kami ng investigation para kung madetermine namin kung may criminal liability
02:29doon sa pinangyarihan ng insidente
02:31And then, magkakandak pa rin ng third party BGC
02:37Sila magkakandak rin sila ng investigation
02:39Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News
02:43Mag-asawa, tinagaan ng lalaking pumasok sa kanilang bahay sa Samal Island, Davao del Norte
02:53Talaki naman sa Cavite, binaril ng sinita niyang nasa inuman at nagbividyoke na barangay chairman pala
03:00May spot report si June Veneracion
03:01Kita sa videong ito ang pagtatalo na nauwi sa biglang pamamaril
03:08sa barangay San Palocuan, Gasmarines, Cavite noong biyernes
03:12Nabaril ang mismo kumukuha ng video
03:17Isang construction worker na habang nasa inuman
03:20ay sinita ang isa pang grupong nagiinuman at nagbividyoke
03:24Nasa grupong yun ang sospek na si Jeffrey Frani
03:28Chairman ng barangay San Jose
03:30Dead on arrival sa ospital, ang biktimang nabaril sa dibdib
03:33Tinutugis pa ang sospek pero sinampahan na siya ng reklamo
03:37Panawagan ko po sa inyo, kung sino man po kayo
03:40Alam nyo naman po kung ano yung batas
03:43Sumuko na po kayo, harapin nyo po ito
03:46Sa Silang Cavite naman, nakunan ang awik kalsadang ito noong Sabado
03:51Ang bus driver tinuhod sa muka at tinulak ng kaalitang lalaki
03:56at hindi siya maawat ng kanyang misis
03:58Batay sa embestikasyon ng PNT, ang misis sabi ng mamaneho ng pickup truck
04:03na nabangga sa likod ang bus
04:05Nung masagi po nung driver na babae, masagi niya yung bus
04:09At nung tumabi yung bus, bumaba po yung driver at minura niya
04:12At nag-react po yung kanyang asawa
04:14Kaya po nag-init ang kanyang ulo po
04:16Ayon sa polis siya, nagkaareglo na ang dalawang panig at di na maghahabla ang bus driver
04:22Pero pinahaharap pa rin ng LTO ang lalaking ng bumbog para magpaliwanag kung bakit di siya dapat kasuhan
04:29Lumalabas ding ang lalaki ang registered owner ng pickup
04:33Kaya sinuspindi ng siyam na pong araw ang kanyang lisensya
04:36Sa Samal Island, Davao del Norte
04:39Pinagtataga ng isang lalaki ang mag-asawa
04:42Sa pinasok niyang bahay
04:43Aristado ang suspect na batay sa embestikasyon
04:46Ay tauhan ng Task Force Samal
04:48Na nakadistino sa patrol base na katapatlang
04:51Nang inuupahang bahay ng mga biktima
04:53Umamin daw siyang nakainom ng gawin ng krimen
04:56Ang dalawang taong gulang na anak ng mga biktima
04:59Na hindi naman sinaktar ang suspect
05:01Nasa pangangalagaan ng Social Welfare Office ng LGU
05:06Sugatan sa pamamaril sa Ginubatan Albay ang isang local radio broadcaster
05:11Dinala sa ospital sa Ligaspe City ang biktimang si Noel Samar
05:15Na ayon sa polis siya, ay nagtabo ng apat na tama ng bala
05:19Tinutukoy pa ang pagkakilala ng suspect at ang motibo sa pamamaril
05:23Kirundin na ng Presidential Task Force for Media Security
05:26At National Press Club ang panibagong insidente ng pag-atake
05:30Sa alagad ng media
05:31Jun Van Arasyon nagbabalita para sa GMA Integrated News
05:35Hinihiling ng ilang grupo na embestigahan ng ombudsman
05:39Ang kontrobersyal na paggastos
05:41Ng milyong-milyong confidential funds ni Vice President Sara Duterte
05:45Guit ng grupong tindig Pilipinas
05:47Di naman sinabi ng Korte Suprema
05:50Na mali ang laman ng impeachment complaint laban sa bise
05:52Mali lang daw ang paraan ng pagkakit nito
05:55Matatanda ang in-archive ng Senado ang impeachment complaint laban sa bise
05:59Matapos si deklara ng Korte Suprema
06:02Na nilabag nito ang nakasaad sa saligang batas
06:05Na isang impeachment complaint lang ang pwedeng pagulungin sa loob ng isang taon
06:10Sabi ng ombudsman, binubusisi na nila ang issue ng confidential funds ng bise
06:15At pwede raw nilang magamit ang mga nabanggit sa impeachment complaint
06:19Pwede raw maharap sa kaso ang impeachable officer tulad ng bise
06:23Pero kailangan pa rin idaan sa impeachment ang pag-alis sa kanya sa pwesto
06:27Sinusubukan pa namin kunin ng panig ni Vice President Duterte
06:31Sarado ngayon ang Louvre Museum sa Paris, France
06:38Matapos malimas doon ang ilang makasaysayang alahas
06:41Naaksidente naman ang isang cargo plane sa Hong Kong na ikinasawi ng dalawa
06:45Pero hindi sila sakay ng eroplano
06:48Yan ang mga world news ni Mark Salazar
06:50Imbes na huminto sa runway ng Hong Kong International Airport
06:57Dumire diretsyo sa dagat ang cargo plane na ito galing Dubai
07:01Batay sa investigasyon, biglang napakaliwa ang eroplano
07:05At nasa gasaan ito ang security patrol vehicle na nakabantay sa runway
07:10At nahagip ito patungo sa dagat
07:12Nakuha sa laot ang dalawang sakay ng patrol vehicle
07:16Dead on the spot ang isa habang namatay sa ospital ang isa pa
07:20Nasagip naman ang apat na crew ng eroplano
07:23Sinisiyasad pa ang dahilan ng disgrasya
07:25Sa Hong Kong din, nasunog ang scaffolding ng isang gusali sa central area
07:32Ayon sa local media, halos 60 tao ang inilikas mula sa gusali
07:37Isa ang nagtamu ng injury sa ulo
07:39Dalawa ang nakalanghap ng usok
07:41At ang isa sinagip ng makulong sa elevator
07:44Nasa ospital pa sila
07:46Inaalam pa kung bakit nagliyab ang scaffold
07:49Sarado mula pa nitong linggo ang Louvre Museum sa France
07:54Matapos luoban sa mga oras na marami ng mga bisita
07:58Lumalabas na gumamit ng crane ng mga magnanakaw
08:01Na nakaski mask para makaakyat sa balkunahe
08:05At mabasag ang bintana
08:06Tinakot daw nila mga gwardya sa loob
08:09Saka nilimas ang ilang makasaysayang alahas
08:13Natadtad ng mamahaling bato at perlas
08:16Gaya ng mga sapphire na brooch, tiara at earrings
08:20At set ng emerald necklace and earrings
08:23Nung kahariyan pa ng France
08:25Gaya noong imperial dynasty ni Napoleon Bonaparte
08:28Dalawa sa mga nanakaw ang nakita malapit sa museyo
08:32Nang mahulog na mga nagnakaw
08:34Patuloy ang pagtugi sa mga salarin at paghanap sa mga ninakaw na alahas
08:39Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News
08:44Panagutin ang mga korak
08:52Yan ang panawagan ng iba't ibang business group
08:54Kay Pangulong Marcos
08:55Korupsyon pa naman ang isa sa mga pangunahing issue
08:58Na para sa mga Pinoy
08:59Ay dapat aksyonan
09:01Ayon sa isang survey
09:02May report si Joseph Moro
09:04Tuwing viernes walang minti sa mga ganitong protesta
09:16Pusina, pusina
09:18Lapan sa korakon
09:21Pagpapakita ng galit ng taong bayan sa katulian
09:23At panilingil sa mga nagnakaw sa kaban ng bayan
09:27Sa pinakabagong tugon ng masa survey ng Okta Research
09:30Pangalawa ang korupsyon
09:31Sa itinuturing ng mga Pilipino
09:34Na pinakamahalagang isyong dapat tugunan agad ng abinensasyong Marcos
09:3731% ang antas ng pagkabahala sa korupsyon sa survey nitong Setiembre
09:42Higit doble sa 13% nung Hulyo
09:45Ayon sa Okta Research
09:47Unang beses napasok sa top 5 urgent national issue sa survey
09:51Ang korupsyon
09:52Kahit ang 34 na grupo ng mga negosyante sa bansa
09:55Nagkaisang manawagan
09:57Kay Pangulong Bongbong Marcos
09:58Na agad tugunan ang katiwalian sa mga infrastruktura
10:01Tulad ng flood control projects
10:03Isinambat nila ang ambag nilang buwi sa kaban ng bayan
10:07Naaaksaya lamang sa mga proyektong guni-guni, palyado at tinagaang presyo
10:11We didn't know that a lot of people are involved
10:14We don't even know the others
10:17But it was really very surprising to us
10:20That the corruption just for flood control alone
10:25Is this magnitude
10:27Oo nga raw at mismo ang Pangulong nagsiwalad sa korupsyon
10:30Pero kulang pa raw yan
10:31The way it is being investigated and being handled
10:36Is not yet enough to prosecute
10:39We are really those responsible to be punished and to be identified
10:45Angal pa nila bungal ang Independent Commission for Infrastructure o ICI
10:50Para paharapin ang mga dapat maimbestigahan
10:52Bukas naman daw sa mga mungkahi ang palasyo
10:55Mas maganda po talaga na magkaroon ng mas ngipin, pangil ang ICI
11:01Pero sa ngayon po nakikita naman po natin na maganda ang itinatakbo ng ICI
11:07Pag nagpatawag po sila, sila naman po ay tumutugon
11:11Aminado ang ICI na malaking tulong sana kung may contempt power sila
11:16Sa ngayon ang remedyo nila
11:17We can always go to the courts and find the indirect contempt
11:21But another process pa yan, gumawa ng batas to strengthen further the ICI
11:26Ang Sandigan Bayan bumubuuna ng mga alituntunin para pabilisin ang pagulong ng mga kaso
11:32Sa maanumalyang flood control projects na iyahain ng Ombudsman
11:36Ipapilot test na nila ito oras na aprobahan ng Korte Suprema
11:40Una nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia
11:43Nasa isang buwan ay posible makapagsampana sila ng kaso sa Sandigan Bayan
11:47Hawak ng Ombudsman ang reklamo ng DPWH laban sa nasa 20 taga DPWH
11:53taga Bulacan 1st District at limang kontraktor kabilang si Sara Descaya
11:57Sa aking pagagay, magapit na yan
12:00dahil nga na-file na yan sa Ombudsman a month ago
12:03at nagsabi na rin si Ombudsman Boeing na magapit na rin yan
12:09May lambas apat na raan na mga suspected ghost flood control projects
12:15ang naisumite na ng DPWH dito sa ICI
12:18At ayon sa ICI, posibleng sila makapagrekomenda ng 15-20 posibleng reklamo sa Ombudsman
12:26Ngayong linggo inaasang iyahain sa Ombudsman ang ikalawang referral o rekomendasyon
12:32na mga pwedeng kasuhan ng ICI
12:34Si dating Congressman Saldico na hindi pa rin nagpapakita
12:38padadalhan ulit ng ICI ng isa pang subpina
12:41Pumalag naman ang komisyon sa aligasyon ni Vice President Sara Duterte
12:45na binuong ICI para kontrolin ang gobyerno
12:48ang naratibo tungkol sa flood control projects
12:51Ang komisyon nga kasi, as I said, will go where the evidence takes us
12:58Yun ang naratibo namin
12:59Hanapin kung sino mga may sala, paparusahan sila
13:02Kunin yung mga ninako na pera at ibalik sa tao
13:06Pino na naman ng ilang grupo ang pagbisita sa ICI noong biyernes ni Michael Keller
13:10Deputy Chief of Mission ng U.S. Embassy
13:13Paliwanag noon ng ICI na islamang ng imbahada
13:16na makita ang ginagawa ng ICI
13:18Pero ayon kay Kabataan Partialist Representative Reneco
13:22Interference to
13:23Insulto at hindi ito katanggap-tanggap
13:25Sabi naman ang grupong pamalakaya
13:27Wala kami nakikitang dahilan para sa isang foreign government
13:31na sisilipin, aalamin at posibleng iniimpluensyahan
13:37ang kundukta ng isang internal na usapin sa Pilipinas
13:42Sa lag ng ICI, hindi may iwasang magkaroon ng interes ang Amerika sa isyo ng korupsyon sa Pilipinas
13:49There are partners, they have commercial interests
13:52So naturally, they would want to know what the ICI will be doing as far as these projects are concerned
14:00Ayon naman sa palasyo, nagtanong lamang daw ang embahada sa mandato at sistema
14:04ng pagsisiyasat ng ICI
14:06at wala rin na pag-usapan tungkol sa pag-audit ng foreign-assisted projects
14:10Para mapawi ang duda ng publiko, mungkahi ni Bayan President Renato Reyes
14:15isa publiko ang ICI proceedings
14:17I-livestream nyo, ibukas nyo ang lahat
14:19kasi so long as hindi transparent
14:21hindi makikreate, hindi malilikha yung kinakailangang kredibilidad
14:26Tutol sa pag-livestream ang ICI para maiwasan ang pangumulitika rito at trial by publicity
14:32Pabor din daw sa transparency ang Pangulo
14:35pero di siya manghihimasok sa trabaho ng Komisyon
14:38Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News
14:41Nag-anunsyo ng kanyang net worth o deklaradong yaman
14:46si Senate President Pro Tempore, Panfilo Lacson
14:49As of June 30, 2025, nasa P244.9M
14:54ang kanyang idineklarang net worth
14:57Mas matas ito kaysa P58M
14:59na nakasaad sa salin niya sa huling termino niya bilang Senador noong 2022
15:04Paliwanag ni Lacson, noong umalis siya sa Senado
15:08may mga negosyo siyang pinasok na kumita gaya ng real estate
15:12kaya lumago ang kanyang deklaradong yaman
15:14Naunang naglabas ng salin si Sen. Risa Ontiveros
15:18nasa P18.9M
15:20ang idineklara niyang net worth
15:23para sa taong 2024
15:24Nauna nang sinabi ng Senadora
15:27na suportado niya
15:28ang pagtanggal ng restriction
15:31sa access sa salin
15:32ng mga pampublikong opisyal
15:34The Power Twin Towers' Zeus Collins at Faith Da Silva ng stars on the floor
15:43ipinasilip ang behind the scenes ng pangmalakasan nilang stunt
15:47sa finale performance
15:48Ang The Phenomenal Millennials na si Nadasuri Choi at Rodjun Cruz
15:55ang itinanghal na Ultimate Dance Star Duo
15:58sa September 6 episode inanunsyo ni Alden Richards
16:01na makakatanggap ng 1 million pesos ang mananalo
16:05at ang kalahating ito ay idodonate sa kanilang chosen charity
16:10Pero ginulat sila ni Marian Rivera
16:13nang sagutin na niya ang 500,000 pesos donation
16:16sa chosen charity na Smile Train PH
16:19Nandito rin ang oreg si Neneng B
16:23Neneng B Sam Pinto
16:25Magbigay bugay
16:27para siya nag-iisang si Boy P
16:31And Boy Pickup Ogie Alcacid are in the house
16:35Dahil yung anak ng mayayaman
16:37nagpakita nung yaman nila
16:39E alam nyo po ba na yung open pag binaligtad, nepo?
16:44Si Nachito Francisco at Cesar Cosme naman
16:47nagbalik sa ang dating doon
16:50minus Brad Pitt
16:51na pinalitan muna ni Coco de Santos
16:54Ilan lang yan sa mga nagbalik na iconic segment ng Bubble Gang
16:58sa first part ng 30th anniversary ng longest running comedy show
17:02Paris photoshoot ni Gabby Garcia at Kalil Ramos
17:08Malaprinap?
17:10Dati nang sinabi ni Gabby na napag-uusapan na nila ni Kalil Angkasal
17:14Miss Grand Philippines Emma Mary Tiglao
17:19Waging Miss Grand International 2025
17:22Ito ang unang back-to-back win sa kasaysayan ng Miss Grand International
17:27mula kay CJ Opiazza
17:29Aubrey Carampel nagbabalita para sa GMA Integrated News
17:33Daman na ang spooky feels abroad ngayong nalalapit na Halloween
17:43mula sa zombie walk hanggang sa palakihan ng kalabasa
17:47Pusuan na yan sa report ni Ian Cruz
17:49Sa halang tatakbuhan ang mga zombie
17:56nakisabay pa ang libo-libo sa pag-recreate ng legendary thriller dance
18:03ni Michael Jackson sa Mexico City
18:05Pati mga batang zombie, todo bigay sa pag-indak
18:09Patunay na kahit mga undead, may rhythm pa rin
18:13Sa Chile naman, parang nabuhay ang mga nilalang sa horror movie
18:20Mula sa mga naglalakad na kalansay hanggang sa mga dal na creepy
18:26Dandaang monsters ang sumugod sa 2025 zombie walk sa Santiago City
18:34Sa Poland, hindi multoaswang ang bida
18:39kundi mga naglalakihang kalabasa
18:43sa taon ng heaviest pumpkin contest sa Warsaw
18:47Umangat ang higanting kalabasa
18:50na tumitimbang ng 546 kilos
18:55Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News
19:00At yan po ang State of the Nation
19:04para sa mas malaking misyon
19:05at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan
19:08Ako si Atom Araulio
19:09mula sa GMA Integrated News
19:11Ang News Authority ng Pilipino
Recommended
18:50
|
Up next
15:19
17:18
17:10
18:03
14:01
18:27
14:49
19:10
18:29
18:24
21:39
18:27
18:01
16:04
17:53
18:22
Be the first to comment