Skip to playerSkip to main content
-84-anyos na babae, patay sa sunog sa kanilang ancestral home


-Sasakyan ng mga pumatay sa kapitan ng Brgy. Tres De Mayo, nahagip sa CCTV/Hepe ng Digos City Police Station na dating nakaalitan ng binaril na Brgy. Captain, sinibak sa puwesto matapos ituring na person of interest sa krimen


-Sen. Alan Cayetano: Luma at hindi makatarungan ang umiiral na PhilHealth case rates o sinasagot ng PhilHealth sa hospital bill/ DOH, aminadong 2017 pa huling narepaso ang case rates kaya hindi nakasabay sa inflation/Sen. Alan Cayetano, hinamon si DOH Sec. Herbosa na mag-resign kung mapatutunayang kayang gawin ang cost analysis sa 160 hospitals sa loob nang 1 linggo/Delay sa pagdating ng ilang bakuna, inusisa rin sa Senate hearing


-Ilang tinawag na "cong-tractor," handa raw harapin ang mga paratang sa kanila


-Dormitory building ng isang eskwelahan, gumuho/61 ang naitalang patay sa baha sa Indonesia, ayon sa mga awtoridad


-Ilang programa, artikulo at personalidad ng GMA Network, pinarangalan sa Philippine Heart Association Media Awards 2025


-Hotel kung saan nagtatago umano ang 3 opisyal ng SunWest, Inc. na akusado sa kasong graft at malversation, pinasok ng NBI at PNP para isilbi ang warrant of arrest/PNP CIDG NCR: Hotel na pinasok, subsidiary ng SunWest; hindi nakita ang 3 akusadong opisyal ng SunWest, Inc.


-Panawagan ng ilang business groups: Magkaroon ng mandatory lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno


-Senate Pres. Tito Sotto: Hindi nagpaalam si Sen. Dela Rosa sa kanyang mga pagliban sa Senado


-Alden Richards, hands-on sa paghahanda sa kanyang 15th anniversary fan meet sa Sta. Rosa, Laguna/Alden Richards sa kanyang career plans: More reinvention in the next 15 years


-50th National Prayer Breakfast, ipinagdiriwang ngayong araw; Senate President Tito Sotto, panauhing pandangal


-Giant Christmas Tree, pinalamutian ng 20,000 recycled plastic bottles/ Christmas Garden, enchanting at Korean Christmas vibes ang hatid sa mga bumibisita


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Isang matandang babayang patay sa sunog sa kabangkalan Negros Occidental.
00:15Sarah, ano nangyari?
00:18Rafi, hindi na nailabas ng buhay ang 84 na taong gulang na biktima
00:23ng magkasunog sa kanilang ancestral home.
00:27Ayon sa mga otoridad, may kasama ang biktima sa kanilang bahay.
00:31Ngunit dahil nasa second floor ang kanyang kwarto,
00:34hindi na makalakad at sa laki ng apoy, hindi siya nailigtas.
00:38Tuluyan ding nasunog ang bahay.
00:40Inaalam pa ang posibleng pinagmulan ng apoy na nag-iwan na mahigit 400,000 pisong pinsala.
00:46Sinisikap kunin ang pahayag ng pamilya ng biktima.
00:50Sa Digos Davo del Sur, nahagip sa CCTV ang sasakyan ng gunman
00:55na bumaril kay Kapitan Oscar Bucol Jr. ng Baragay Tres de Mayo.
01:00Unang nakita ang sasakyan na pumasok sa subdivision kung saan nakatira si Bucol.
01:04Maya-mayay, mabilis na ang takbo nito papalayo sa bahay ng biktima.
01:09Kinumpirma ng pulisya na ito ang sinakyan ng mga sospek.
01:13Base sa inisyal na investigasyon, tatlo ang sakay nito.
01:16Itinuturing nilang persons of interest na mga individual na binanggit ni Bucol
01:20sa mga dati niyang social media posts.
01:22Kabilang dyan ang nakaalitan niyang hepe ng Digos City Police.
01:26Tinanggal ang hepe sa pwesto habang isinasagawa ang investigasyon.
01:30Isinailalim naman siya at dalawampung iba pang pulis sa paraffin test.
01:35Wala pa silang pahayag.
01:36Humiling naman ang pamilya ni Bucol na investigahan ng National Bureau of Investigation
01:41ang pagpatay sa kapitan.
01:43Kabilang ang delay sa pagdating ng ilang bakuna at case rates
01:48o yung nga sinasagot ng PhilHealth sa hospital bill
01:50sa mga tinalakay sa pagdinig ng Senado sa budget ng Department of Health.
01:55Si Sen. Alan Peter Cayetano may naging hamon kay Health Secretary Ted Herbosa
02:00nang mapag-usapan ang tungkol sa cost analysis sa mahigit sang daang ospital.
02:06Balitang hatid ni Jamie Santos.
02:07If I can do it in one week, magre-resign ka?
02:15Yes.
02:16O sige, call ako. Call ako.
02:19Nauwi sa Hamunan ang pag-usisa ng Senado sa paano kinukwenta ang saguti ng PhilHealth sa mga ospital.
02:26Kabilang ang kaibahanan sa privado at sa ilang pampublikong ospital na may zero billing.
02:32Kung sa DOH hospital, pag sinabi nyo 50,000 for this procedure,
02:37kung sa DOH hospital it's only 35,000, zero billing ka or no billing.
02:44Pagpunta ka sa isang private hospital and it's 50,000 within the case rate, zero billing ka.
02:48Ba't kung ikaw mismo pupunta ka sa mas mahal na ospital and it's 70,000, bayad ka ng 20,000.
02:55Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano,
02:59luma at hindi makatarungan ng PhilHealth case rates na 7 taon nang di naa-update.
03:05Pag-amin ng DOH, 2017, pahuling na repaso ang case rates o yung sasagutin ng PhilHealth sa hospital bill.
03:12Kaya di nakasabay sa inflation.
03:15Habang di pa na pag-aaralan ulit, otomatiko munang dinadagdagan ng 30% ang lahat ng case rates.
03:22Hiwalay pa sa 50% na dagdag sa ilang piling serbisyo.
03:26Pero pagpunto ni Cayetano, kulang pa rin ang sinasagot ng PhilHealth lalo na kung komplikasyon.
03:32Halimbawa, mahigit 900,000 pesos lang ang sagot nito sa isang bypass procedure.
03:37Kahit posibleng umabot sa 1.5 million pesos ang bill kung may komplikasyon.
03:43Humingi siya ng cost analysis o survey sa 160 hospitals na ayon kay Health Secretary Herbosa ay matagal gawin.
03:51Pumalag si Cayetano at sinabing kung magagawa niya ito sa loob ng isang linggo ay dapat mag-resign si Herbosa.
03:57For the survey to be completed, it's about 5 to 6 million claims that they started to average the cost.
04:05You don't need the claims. Ang pinag-uusapan dito, costing analysis.
04:11All you have to do is ask all the hospitals, yung bawat magkano yun.
04:17Inusisa rin sa hiring ang delayed umanong pagdating ng ilang bakuna.
04:21Can you guarantee us in 2026 there will be no delays?
04:26Because if not, let's get a secretary who can.
04:28The secretary admits that they've had a major procurement problem.
04:35In fact, he has fired their procurement officer.
04:38As to whether they can handle it better next year, I don't know yet if there's an answer.
04:45Jamie Santos, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
04:55Bismong mga estudyante ang nakasaksi sa pag-uho ng dormitory niyan sa isang boarding school complex sa Sumatra Island sa probinsya ng Ache sa Indonesia.
05:06Ayon sa isang saksi, efekto yan ang landslide dahil sa pag-apaw ng kalapit na ilog.
05:13Walang naiulat na nasaktan pero hindi naisalba ang ilang gamit ng mga estudyante.
05:19Sa isang moske sa loob ng school complex, muna sila tumutuloy.
05:23Basa sa pinakabagong datos mula sa mga otoridad, umabot sa mahigit-anin na po ang nasawi.
05:29Posible pa raw madagdagan dahil may sandaan pang nawawala.
05:33At nagpapatuloy pa rin ang masamang panahon doon.
05:38Samantala, binigyang parangal ang ilang programa, artikulo at personalidad ng GMA Network sa Philippine Heart Association Media Awards 2025.
05:49Sa ilalim po ng Media Entity Category, kinilala ang GMA Integrated News at GMA News Online.
05:56Para po yan sa responsable at tamang pagbabalita kaugnay sa public health.
06:00I-binigay naman ang best news story kay Giselle Kasusian ng GMA News Online.
06:07Para po yan sa kanyang online article na PHA Renews Calls for Depth Ed to Fully Implement Samboy Lim Law.
06:15Sa ilalim naman ang program category, kinilala po ang Pinoy MD sa Double B, posted po ng inyong lingkod.
06:22Para po yan sa talakayan at informasyong nakatutulong sa publiko na mas maunawaan ang iba't ibang issue tungkol sa kalusugan.
06:30Para naman sa behind the scenes category, binigyang parangal si Amita Legaspi, news editor ng GMA News Online, pati na rin si Makay Quadra, executive producer ng Pinoy MD sa Double B.
06:43Yan ay para sa kanilang mga ambag sa pagbuo ng makabuluhang mga balita kaugnay sa kalusugan behind the scenes.
06:51At ang inyong lingkod naman ay isa na po nga Hall of Fame awardees.
06:56Kasama po sa Hall of Fame ang mga matagal ng katuwang ng Philippine Heart Association sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon tungkol sa kalusugan ng puso.
07:07Maraming salamat pong muli sa Philippine Heart Association para sa inyong pagkilala.
07:14Sa amin dito po sa GMA Integrated News.
07:22Update po tayo sa operasyon ng mga otoridad sa Pasay.
07:25Kaugnay pa rin po sa questionabling flood control projects.
07:29May ulat on the spot si June Veneracion.
07:31June?
07:32Conny, lahat ng sulok at kuwarto ng isang ngatang story hotel sa Pasay City.
07:38Ang pinasok ng mga tauha ng PNP at NDI para isilbi ang restaurant?
07:46Yes, June?
07:52June?
07:55Conny, nagkakaroon lang tayo ng problema sa komentasyon.
07:58So ngayon para isilbi ang restaurant laban sa tatlong opisyal ng San Luis Incorporated.
08:04Nakadilang sa mga akusado sa mga kasong anti-graft and crack-up isasak.
08:08At malversation of public funds through falsification of public documents.
08:13Kaugnay ng substandard umanong 289 million peso road bike project sa Nauhan Oriental Mindoro.
08:20May gitsanta ang polis at NDA agents ang pinakilos para magsagawa ng visual search.
08:25Sa loob ng hotel, magkipag-coordinate muna ng otolidad sa hotel management.
08:29Sa loob dating niya sa area.
08:31Sabi ni CIBGNCR Chief, Police Colonel Jan Diaghi.
08:35Meron silang informasyon na sa hotel, nagtatanggo si Nagkonsuelo,
08:39Baito, Aldon, Anthony Lingo at Laurel Yafkaw,
08:44mga member ng San Luis Incorporated.
08:46Ang hotel ay sub-TBI ng San Luis Incorporated ay kay Colonel Diaghi.
08:51Pero makarahan ng isang oras na magkahanap ay walang nakita ang mga operatiba.
08:56Sabi ni Colonel Diaghi, malamang ay nakaposite na ang kanilang mga target.
09:01Pero hindi pa rin bang sila titili sa maghanap hanggang sa makuha
09:04at lahat ang mayroong warrant of arrest.
09:06Sa labing-anin na inisuhan ng warrant,
09:09ito pa ang up-large kabilang si dating congressman,
09:12sabi ko.
09:14Maraming salamat, June Venerasyon.
09:17Sa gitna namang isyo ng katiwalaan sa pamalaan,
09:22nananawagan ang ilang business groups
09:24na magpatupad ng mandatory lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
09:28Kailangan daw masuri kung talagang sinasalamin ang ineklarang statement of assets,
09:33liability sa net worth o salen,
09:35ang pamumuhay at paggastos ng mga government official.
09:39Mas madali na raw mag-lifestyle check ngayon sa tulong ng digital footprints
09:42gaya ng social media posts, pattern ng paggastos at pagbiyahe,
09:47at pagkakaroon ng mga mamahaling ari-arian.
09:50Hinihikait din ang business groups ang publiko
09:52na maging mapagmatsyag sa mga kahinahinalang yaman ng mga opisyal ng gobyerno.
09:57Kabilang sa mga nananawagang business group,
09:59ang Justice Reform Initiative,
10:01Financial Executives Institute of the Philippines,
10:04Institute for Solidarity in Asia,
10:06Makati Business Club,
10:08Management Association of the Philippines,
10:10at Shaleholders Association of the Philippines.
10:15Hindi raw ipinaalam o pinaalam,
10:18ayon kay Senate President Tito Soto,
10:20ang mga pagliban ni Sen. Bato de la Rosa.
10:24Hindi na pumasok si de la Rosa simula November 10
10:27o noong magbaliksesyon ang Senado.
10:30Sabi ni Soto,
10:32hindi pa niya nakakausap muli si de la Rosa mula noon.
10:35November 8,
10:36nang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia
10:39na may arrest warrant na umano ang International Criminal Court
10:43laban kay de la Rosa.
10:44Pero hindi ito kinumpirma ng ICC.
10:47Kahapon,
10:48si Senate Finance Committee Chairman Wynne Gatchalian
10:51ang humalili kay de la Rosa
10:53para i-defend ang budget ng Department of National Defense.
10:57Sabi ng Senate President,
10:58hindi ito dapat mangyayari.
11:00Tinitingnan daw niya kung nasa rules ng Senado
11:03ang pagpataw ng parusa
11:04dahil sa pagliban ng walang paalam.
11:11Hindi okay yun.
11:13Sana,
11:13hindi mo kaya,
11:14hindi mo dapat ikiniling na makuha po yun.
11:18Especially vice chairmanship ng budget.
11:21National defense.
11:24Napakahalagay.
11:24Hands on si Asia's multimedia star Alden Richards
11:33sa paghahanda
11:33sa upcoming 15th anniversary fan meet niya
11:36sa Santa Rosa, Laguna.
11:39Chika ni Alden sa media briefing ng ARXB,
11:43very personal sa kanya ang event.
11:45Paraan daw niya ito to give back sa fans
11:47na malaking bahagi ng kanyang showbiz career.
11:50Isa sa mga dapat abangan sa December 13
11:53ay ang special performance nila
11:55ng isa sa kanyang loved ones.
11:58Inalala rin ni Alden ang yumaong ina
12:00na isa sa kanyang biggest supporters.
12:03Ano naman kaya ang inaasahan niya
12:04for the next 15 years of his career?
12:10I just want my tenure here in the industry
12:13to be full of surprises.
12:16More reinvention in the next 15 years.
12:20E pinagdiriwang ngayong araw
12:22ang 50th National Prayer Breakfast.
12:25Dumalo ang ilang personalidad
12:26kabilang sa Senate President Tito Soto
12:28na panauhing pandangal
12:30sa kanyang talumpate,
12:31ipinuntino Soto na layuni
12:33ng pagdiriwang na yakapi ng pagdarasal
12:35at pamumuno ng may integridad.
12:38Pati na rin ang paglapit
12:39at paghingi ng gabay sa Panginoon
12:41ng mga namumuno sa bansa
12:42sa gitna ng isyo ng katiwalian sa gobyerno.
12:45Naroon din sa pagdiriwang
12:47si Naritar Justice Raul Victorino
12:49at Retired Chief Justice Reynato Puno.
12:56Marit!
12:5727 days na lang, Pasko na.
13:00Yes, at ramdam na yan ha
13:02sa ilang probinsya.
13:03Kaya naman patok na
13:04ang ilang Christmas team
13:06na pasyalan.
13:12Nagniningling ang eco-friendly
13:14Christmas tree na yan
13:15sa Antipolo Rizal.
13:17Nasa 50 feet ang taas
13:18at pinalamutian
13:19ng 20,000
13:20recycled plastic bottles.
13:23Sinabayan ang Christmas lighting na yan
13:25ng nga pa-fireworks
13:27o sa kalanitan.
13:29Eco-friendly
13:29ang mga Christmas decoration
13:30na akma naman
13:32sa Yes to Dream program
13:34ng Rizal.
13:35Isang kampanya
13:35para sa greening,
13:36cleaning,
13:37at recycling.
13:38Sa Kalasyao, Pangasina naman,
13:42dinarayo ang Christmas Garden
13:44sa barangay
13:45Dinaloan.
13:46Enchanting at Korean Christmas
13:48ang vibes na hatid niyan
13:49at libre lang
13:50umasyal rito.
13:522021
13:52ang buksan
13:53ang Christmas Garden
13:54sa publiko.
13:55Happy weekend po sa ating lahat.
14:01Ito po ang Balitang Hali
14:02at bahagi kami
14:02ng mas malaking misyon.
14:04Ako po,
14:04si Connie Cison.
14:05Congratulations, partner.
14:07Congratulations.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended