Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, January 14, 2025

-NDRRMC, pinag-iingat ang publiko dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon


-"Huwag Kang Titingin" stars Charlie Fleming, Allen Ansay at Sean Lucas, humataw sa kanilang newest Tiktok dance entry


-Abogado ni Henry Alcantara: Hindi totoong nag-recant ng testimonya ang aking kliyente


-Sarah Discaya at 9 na iba pa, naghain ng not guilty plea sa kasong graft at malversation kaugnay sa P96.5M ghost flood control project sa Davao Occidental


-3, arestado matapos maaktuhang nagsusugal sa Brgy. Tatalon; isa sa kanila, nakuhanan ng baril


-Lalaki, arestado dahil sa pangmomolestiya umano sa babaeng menor de edad sa sementeryo


-Police asset, patay matapos saksakin nang 22 beses ng tatlong stepbrother ng kanya raw karelasyon


-Lalaki, ligtas matapos matuklaw ng cobra sa damuhan sa loob ng isang unibersidad


-Kapuso singers na kalahok sa "Veiled Cup," puwedeng iboto sa Best Listeners' Choice category sa isang streaming platform


-Kontrata ng Solar Philippines ni Rep. Leandro Leviste, kinansela ng DOE dahil bigo raw i-deliver ang halos 12,000 megawatts na power supply


-Ph Tennis player player Alex Eala, umakyat sa WTA ranking no. 49 na bago niyang career-high/Ph Tennis players Alex Eala at Tennielle Madis, may wildcard slots sa WTA 125 Philippine Women's Open


-Sandamakmak na patay na hipon, inanod sa dalampasigan


-Kasunduan sa pagpapaunlad ng defense technology, pagbawas ng taripa at pagpapaganda sa market access, nilagdaan ng Pilipinas at U.A.E.


-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA


-Atong Ang at 17 iba pa, ipinaaaresto ng Sta. Cruz, Laguna RTC kaugnay sa kasong kidnapping with homicide; walang inirekomendang piyansa


-Bureau of Immigration, nagbabala sa publiko kaugnay sa paggamit sa pangalan at awtoridad ng ahensya para makapanloko online


-BFP Reg. 7: 17 ang bagong bilang ng patay sa gumuhong landfill


-Malacañang: Dapat ilabas agad ng government agencies ang Anti-Epal guidelines


-Jopay Paguia-Zamora, thankful sa mga nagdarasal sa kanyang paggaling matapos maospital


-Alden Richards at Nadine Lustre, magtatambal for the first time sa romance-drama series na "Love, Siargao" 
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Thank you so much for joining us.
00:30Thank you so much for joining us.
01:00Lalapit at magpapaulan sa Kalaga Region at Eastern Visayas ang Bagyong Ada sa mga susunod na araw.
01:06Maghanda rin po sa bagyo ang mga taga-bicol, lalo na yung mga Mayon Evacuee.
01:12Tataas ang banta ng Baha, Landslide at Lahar Flow.
01:16May posibilidad na mag-landfall ang Bagyong Ada sa Eastern Visayas sa Biernes o Sabado.
01:22Pagkatapos po niyan, ililihis na ito at lalayo sa bansa.
01:25Sa ngayon, magpapaulan na ang trough o buntot ng Bagyong Ada sa may Eastern Visayas, Davao Region, Karaga, Kamigin, Misamis Oriental at Bukidnon.
01:37Bukid po sa bagyo, may chance na rin ng ulan sa ilan pang panig ng bansa dahil sa hanging amihan at Easter leaves.
01:45Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin sa mga susunod na oras ang ilang bahagi ng Cagayan Valley Region, Cordillera, Central Luzon, Quezon Province, Mimaropa Region, Southern Leyte, Karaga, Davao Region, Soxargen at BARMM.
02:05Nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
02:13Hanggang mamayang alas 10 ng gabi at posibleng makaranas po ang mga nasabing lugar ng biglaang ulan na may pagkulog at pagkidla.
02:22Ngayon po Merkules, naitala sa City of Mines, Baguio ang 15.6 degrees Celsius na minimum temperature, habang 23.2 degrees Celsius dito naman po sa Quezon City.
02:33Isa pang mainit na balita, labing-anin na ang huling bilang ng nasawi sa pagguho sa landfill sa barangay Binaliw sa Cebu City.
02:47Ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, dalawang pupaho ang pinaghanap, labing-walo naman ang sugatan.
02:55Patuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad.
02:59Kahapon, isinailalim sa State of Calamity ang Cebu City kasunod ng pagguho.
03:05Naglaan na ng 30 milyong pondo ang lokal na pamahalaan para resolbahin ang isyo tungkol sa waste management at search and rescue operations.
03:15Huli kam sa Rodriguez Rizal ang pagnanakaw sa isang tindahan ng appliances.
03:22Nang walang makitang pera sa kaha, pinuntiran niya ang tindang portable speakers.
03:28Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
03:34Kuha sa CCTV ang dalawang lalaking nakasuot ng helmet na lumapit sa roll-up door ng isang appliance shop sa barangay Burgos Rodriguez Rizal madaling araw nitong lunes.
03:44Sumampa ang isa sa balikat ng kanyang kasama para patayin ang ilaw.
03:49Dumilim ang sumunod na kuha sa kamera.
03:51Sinubukan na raw ng mga salari na buksan ang pinto ayon sa empleyado ng shop.
03:56Meron po silang dalang bullcatter para po mabuksan yung roll-up.
04:02And then nung after po na buksan po, doon na po sila nag-isip na banggain po yung glass door.
04:08So hanggang sa masira po yung glass door.
04:09Sa unang beses na pagbangga ng motorsiklo, hindi nabuksan ang pinto.
04:14Sinubukan itong sirain ang isa pang lalaki.
04:17Ngayon may lalaki na kayo, may nakamotor eh.
04:19Binangga ulit po.
04:22Nang makapasok, agad dumiretsyo ang isang lalaki sa kaha ng shop.
04:26Nung pag halongkat po nila, wala po sila nakitang pera.
04:30And then pumunta po siya sa may selling area.
04:33And then doon niya na po naisipan na kumuha na lang po ng speaker, portable speaker.
04:39Ano, dalawang speaker?
04:41Boom, yun nandito.
04:44Bumalik ang lalaki at kumuha ng isa pang speaker.
04:47Kinaumagahan na nang malaman ng empleyadong si Michael na ninakawan ang kanilang shop.
04:52Nakita ko po ma'am na binulatlat na po.
04:55Kumbaga winasak na po nila yung sa roll-up.
04:58And then yung pambaba po namin ng roll-up ma'am is baluktot na ma'am.
05:02And then pag angat ko po ng roll-up, and then nakita ko po doon, mabukas na po yung glass door.
05:06Abot daw sa 26,000 pesos ang halaga na mga portable speaker na natangay ng mga salarin.
05:13Ito po yung appliance shop na nilooban.
05:15Ito po yung ilaw na pinatay ng riding in tandem.
05:19At yung sinira po nila na roll-up door na ngayon ay kagagawa lang.
05:24Ayon sa mga empleyado, ilang araw bago ang insidente ng panluloob,
05:28isang lalaki ang nakita nilang umaali-aligid sa lugar.
05:33Kita sa CCTV, ang isang lalaking tila inaabot ang ilaw sa harap ng shop bago ang pagnanakaw.
05:40Ilang katabing establishmento ng appliance shop gaya ng bakery at drugstore na rin daw,
05:44ang nilooban kamakailan lang.
05:47Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanla ng mga salarin.
05:50Tuloy-tuloy naman po din yung pagkipagugnayan namin sa PNP,
05:55tsaka dun sa tao na kung ano yung mga pwede pa namin maitulong sa kanila.
05:59Binabalaan namin sila. Pag nakuli namin sila dito, pasensyaan na lang.
06:04Talagang pakukulong po namin sila.
06:06EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:12Ito ang GMA Regional TV News.
06:15Oras na para sa mayiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
06:23Patay ang isang motorcycle rider matapos maaksidente sa Ordaneta, Pangasinan.
06:29Chris, ano ang dahilan ng aksidente?
06:33Connie, nakasalpukan ng biktima ang isa pang motorcycle rider sa barangay Kabarwan.
06:40Ayon sa pulisya, dead on arrival sa hospital ang biktima matapos na mabaguk ang ulo sa kalsada.
06:45Wala siyang suot na helmet pati na ang nakasalpukang rider.
06:49Sa tingin ng pulisya, may posibilidad ding hindi nakalkula ng dalawa ang daan na maaring dahilan ng salpukan.
06:56Patuloy namang ginagamot sa hospital ang dalawang sakay ng nakasalpukang motor ng biktima.
07:01Sinisikap ang makuna ng pahayag ang kaanak ng nasa wing rider at iba pang sangkot sa nangyari.
07:06Sa La Union naman, nailigtas sa muntikang pagkalunod ang isang babae habang lumalangoy sa dagat sa San Juan.
07:14Sa video, kita ang pagresponde ng tauhan ng Philippine Coast Guard sa labing-anim na taong gulang na hinahampas ng malalakas na alon.
07:23Nahila rin siya pabalik sa dalampasigan matapos na malapitan ng rescuer.
07:28Napansin ang Coast Guard personnel na nahihirapang makabalik sa dalampasigan ng biktima kaya agad siyang nagsagawa ng rescue operation.
07:36Isinailalim sa medical assessment ang dalagita at nasa maayos ng kalagayan.
07:41Nagpulasan ng mga batang niya nang biglang sumabog ang paputok na dart bomb sa bahaging niyan sa Santa Cruz, Maynila.
07:48Napuruhan ang sampung taong gulang na babaeng nag-inline skates at nagbabalansay sa bintana kung saan nakakabit ang paputok.
07:59Isinugod siya sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
08:03Nakaligtas po ang biktima pero kinailangang putulin ang buong kaliwang kamay niya dahil wala nang natirang daliri matapos masabugan.
08:12Dinala naman sa Manila Reception and Action Center ang 14-anyos na lalaking naglagay ng paputok sa bintana.
08:20Humingi ng tawad ang mga magulang ng binatilyo sa mga magulang ng biktima nang magkaharap sila sa barangay hall.
08:27Pinag-aaralan ng mga magulang ng batang babae ang mga legal na hakbang para mapanagot ang binatilyo.
08:34Ipinablotter na rin ang insidente sa pulisya.
08:36Update na po tayo sa Bulkang Mayon at live mula sa Daraga Albay, may ulat on the spot si Ian Cruz.
08:46Ian?
08:50Yes, Connie, sa mga sandaling ito ay nakikita natin na natatakpan na naman ng ulap yung tuktok ng Bulkang Mayon.
08:58Hindi katulad, kanina nga mas maaga pa na talagang kitang kita ang kabuoan nitong bulkan.
09:04Kaya naman tanaw na tanaw din yung tinatawag na almost perfect shape nito na cone.
09:10At kanina nga Connie ay may usok pa na lumalabas doon sa tuktok nga nitong bulkan.
09:16At sa abiso ng NDRRMC, patuloy nga na pinakiingat ang publiko sa pag-agos ng uson at rockfall,
09:23dulot umano ng pagguho ng lava dome ng bulkan.
09:26Kagabi, pasada na 9.30 ng mamataan, aktibidad ng bulkan ng mahawi ang tumatakip na ulap,
09:33kung saan nga kitang-kitang usok sa tuktok pati ng pag-agos ng uson sa dalis-dis ng bulkan.
09:38Connie, nananatili sa alert level 3 ang status ng bulkan sa nakalipas na 24 hours.
09:44Kabilang sa mataas na aktibidad nito, ang pagbuga ng lava dome at lava flow.
09:47Nakapagtala rin ang dalawang volcanic earthquakes, 209 rockfall events at 46 pyroclastic density currents o uson.
09:56Nasa 1,387 tons naman ang inilabas na sulfur dioxide o asupre.
10:02Nagpapatuloy din ang pamamaga ng bulkan kaya naman naghahanda na.
10:06Ang mga LGU na walang evacuee ngayon pero darami ang kanilang evacuee kapag inakyat na sa alert level 4 ang status ng bulkan.
10:15Kagaya na lamang doon sa Santo Domingo na inaasahang papalo sa 10,000 kataong kailangang ilikas
10:20kapag kailangan ng alisin sa 7 to 8 kilometer radius o ang extended danger zone ang mga tao.
10:28Aminado nga ang administrator ng bayan na si Arnel Teodoro na hindi ganun karami ang sasakyan nilang pwedeng gamitin sa paglikas sa mga tao
10:34pero may handa naman daw umalalay sa kanila gaya ng mga line agencies na kapaloob sa Disaster and Risk Reduction Council ng buong Albay.
10:42Anim na paralan ang inihahanda nila para maging temporary evacuation pero sa mga tinatawag na mga taga Santo Domingo na ranso
10:50yung parang kubol ang magiging temporary housing ng mga evacuees.
10:55Ayon nga sa isa sa mga nagpapatayo ng ranso na si Arlene Balunso,
10:59nagkahanda na sila para kung mag-alert level 4 ay may matitirahan agad sila sa kanilang kagyat na paglikas.
11:07Pagkagawa man, Connie, ng mga lilikas ang ranso, ang iba pang pangailangan ay sagot na raw ng munisipyo.
11:13Ayon kay Mark Ian Shapno, ang MDRRMO officer ng Santo Domingo, Albay,
11:18bukod sa ayun ng pagkain, maglalagay din ng tubig at kuryente ang munisipyo para sa mga ranso,
11:24gaya nga doon sa Barangay San Andres.
11:28So yan, Connie, ang latest mula rito sa Albay.
11:32Ian, papaano pinaghahandaan ng mga taga-Albay yung posibleng epekto roon ng Bagyong Ada?
11:40Well, Connie, ang huli nating komunikasyon kay Governor Noel Rosal ng Albay,
11:45ang sinasabi niya sa atin ay talagang minomonitor nilang maigi itong bagyo
11:51dahil nga syempre, Connie, may magiging matinding epekto kung dito sa aktividad din ng vulkan
11:58itong pagdaan ng bagyo dahil maaring magkaroon o mag-trigger ng lahar flow
12:03yung malakas na ulan dahil nga maraming deposits ng mga volcanic materials
12:09at pyroclastic materials doon sa dalisdis ng vulkan.
12:12Hindi lamang sa aktividad ngayon, maging doon din sa naging aktividad nga
12:17nitong Mayon Volcano noong 2023 at noong 2018, Connie.
12:22Alright, maraming salamat at Ian, sabi mo nga yung mga binabantayan na mga lugar pa sa Albay,
12:32yung pag-agos ng lahar particularly, yun yung talagang medyo matindi-tindi dyan e, hindi ba Ian?
12:40Yes, Connie, talagang matindi ang bantanang lahar.
12:43Connie, kung maging intense yung pag-ulan, nagiging dulot halimbawa ng mga bagyo,
12:49e talagang delikado ito dahil bukod nga doon sa sinasabing mud flow,
12:54dahil sa bilis nito, Connie, minsan o kadalasan ay meron din itong kasamang mga boulders,
13:00may mga bato, kaya kapag may mga structure natinamaan, siguradong masisira.
13:05Ang kagandahan naman talaga dito sa Albay, yung 6km permanent danger zone nila e talagang halos wala ng tao.
13:12Doon nga sa last na count ay nasa 4,000 individuals yung naialis.
13:17And ang problema nga, doon may mga tao sa 7 to 8 extended danger zone.
13:23So, yan talaga yung minomonitor ng probinsya at ng mga LGU dahil dito sa kinaroonan natin,
13:30sa Daraga, sa Ginobatan, sa Kamalig, yan yung mga area kung saan nag-runoff itong mga tubig
13:35mula doon sa dalistis nga ng vulkan.
13:38So, iyan ang kailangang bantayang maigi at yung iba pang mga daluyan ng tubig.
13:42Oo, iyan paulit lamang kung mga nabanggit na ba ang governor ng, at dyan sa Kamalig
13:49particularly, yung mga tao daw, mga nasa evacuation centers,
13:55eh syempre madadagdagan yan.
13:56Ilan pa yung sinasabing total over the weekend pagka talagang tumama ng malakas na ulan
14:01dyan sa Albay.
14:06Yes, Connie, right now, ina-assess pa nila kung ang sinabi ni Governor Rosal
14:12ay tinitingnan pa nila kung talaga bang magiging malakas itong magiging epekto sa kanila
14:18and then from then on ay iaayos nila kung paano nga yung mga tao pa
14:23na kailangang i-alist doon sa mga area na lalo na yung malalapit doon sa mga waterways
14:30o yung mga tinatawag dito na mga gullies.
14:32Yun, Connie, ang magiging concentration nila kapag talagang nakita
14:36at base rin sa assessment ng NDRRMC at ng iba pang ahensya ng gobyerno
14:41kung merong intense rain na maidudulot ang parating na bagyo dito sa kanilang lugar.
14:47Pero at the same time, Connie, talagang naghahanda din sila doon sa possible hazard
14:53kung sakasakaling iakit sa alert level 4 itong bulkang mayon
14:58dahil hindi naman makakaapekto yung parating na bagyo doon sa activity ng bulkang mayon
15:04dahil independent yung nangyayari sa bulkan doon sa parating na bagyo.
15:08So, yun, Connie, ang mas malaking evacuation na inihahanda nila
15:12dahil around 70,000 nakaragdagang mga individual yung maaring i-evacuate
15:19kapag inakit sa alert level 4 yung alerto ng bulkang mayon, Connie.
15:23Maraming salamat, Ian Cruz.
15:32Wednesday latest ng kumari at pare, bago ang pananakot this 2026,
15:38kumasa muna sa TikTok Dance Craze ang stars ng upcoming kapuso horror film na huwag kang titingin.
15:45Hataw kung hataw, sina Sparkle stars Charlie Fleming, Alan Ansay at Sean Lucas,
15:55ang kanilang TikTok entry mayroon ng over 500,000 views.
15:59Kasama rin nilang bibida sa GMA Pictures film si Sofia Pablo, pati sina Michael Sager, Marco Massa, Josh Ford, Anthony Constantino, Kira Ballinger, Shuvie Etrata at Sherilyn Reyes.
16:14Mapapanood na po yan soon.
16:21Sa matala utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of the Interior and Local Government,
16:27pag-aralan ang mga paraan para mapauwi si dating Congressman Zaldico na nakaharap sa mga kaso kaugnay sa flood control projects.
16:34Itinang ginima ng kampo ni dating Engineer Henry Alcantara na binawi niya ang kanyang testimonya.
16:41Balitang hatid ni Rafi Tima.
16:45Nasa DOJ si dating DPWH Bulacan, 1st District Engineer Henry Alcantara.
16:51Ayon sa abugado niya, walang katotohanan ang mga lumabas na ulat na nag-re-cant o binawi niya ang kanyang mga pahayag sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
16:59Sa Sandigan Bayan, ibinasura naman ng 5th Division ang Urgent Motion for Reconsideration ni dating Congressman Zaldico
17:05laban sa pagdeklara sa kanya bilang pugante at pagkakabasura ng kanyang passport.
17:11Sa pinakahuling impromasyon ng DILG, nasa Portugal si Co at pinaniniwala ang meron siyang Portuguese passport.
17:17Ayon kay Interior Secretary Janvic Rimulia, nagutos na si Pangulong Bongbong Marcos na pag-aralan ang mga paraan para maibalik si Co sa bansa sa lalong madaling panahon.
17:25There is the Interpol, there is the United Nations, there are other agencies which we can pass through.
17:33So pinapag-aralan niya sa amin kung paano gagawin.
17:35Ang mga sasakya namang iniuugnay kay Co at kinumpis ka nitong Huwebes, nananatili sa kustudiya ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
17:43Ayon kay ICI Special Advisor Rodolfo Azurin, kung mapapatunay ang pag-aari ni Co ang mga sasakya ang nakapangalan sa ilang kumpanya,
17:50malaking tulong ito para mapalakas ang kaso laban sa dating kongresista.
17:53Ang titignan mo dyan, ano ba yung mga kontrata na nakuha ng company na yan?
17:58Diba? And then, kailan na-acquire yung sasakyan?
18:02So, dahil company yan, anong pinambili ng sasakyan?
18:07Natuntun daw ang mga sasakyan dahil sa sumbong na isang sibilyang nagtungo sa kanilang opisina.
18:12Hindi na idinitalya ang pagkakakilanlan nang nagbigay ng tip.
18:15Panawagan ng ICI, tularan siya ng iba pang may nalalaman sa mga ari-arian na mga sangkot sa flood control scandal.
18:21Kung yung mga nakakaalam, ganun din ang gagawin, mapapabilis talaga yung asset recovery natin.
18:27Sa ngayon, di raw makapagbigay ng referral ng ICI kaugnay sa investigasyon sa flood control projects.
18:33Kulang daw kasi sila sa commissioner.
18:35Sa mga orinal na commissioner ng ICI, si ICI chairman Andres Reyes Jr. na lang,
18:39ang natira matapos mag-resign si Narogelio Singson at Rosana Fajardo.
18:43Hindi raw sila apektado ng balibalitang mabubuwag sila,
18:46Pero susulat sila sa palasyo para tanungin kung may ipapalit sa mga nagbitiw na commissioner.
18:51Wala pong anumang panaguutos pa ang Pangulo, kundi pagpatuli pa rin ang kanilang mandato.
18:58Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:02Nag-hah-in ang not guilty plea ang kontratistang si Sara Descaya
19:06ng mga kasong graft at malversation of public funds.
19:10Kaugnay po yan sa halos 100 million pesos na ghost flood control project sa Davao Occidental.
19:16Nag-pleed ding not guilty ang presidente ng St. Timothy Construction na si Maria Roma Rimando
19:22at walang taga DPWH Davao Occidental.
19:26Ibinasura naman ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court a motion to quash information
19:30ng mga akusado pati ang motion to transfer
19:33para maibalik sila sa kustudiya ng National Bureau of Investigation.
19:37A-appel na daw rito ang kampo ng mga taga DPWH officials.
19:43Hindi naman nagbigay ng pahayag ang kampo ni Nadiskaya.
19:46Sa February 3, itinakda ang pre-trial sa mga kaso.
19:52Sa ibang balita, sa presinto ang bagsak ng tatlong lalaking na aktuhang iligal
19:58na nagsusugal dyan po yan sa barangay Tatalon, Quezon City.
20:02Isa sa kanila, nakuhanan pa ng baril.
20:05Balitang hatid ni James Agustin.
20:10Sa isang iskinita sa barangay Tatalon, Quezon City,
20:13naaresto ng polisyan tatlong lalaki na naaktuhang nagsusugal.
20:17Nagugat ang operasyon matapos makatanggap ng tawag ang polisyan
20:19mula sa concerned citizen.
20:21Nakuha mula sa isang sospek ang improvised na baril na kargado ng bala.
20:25Although improvised siya, subject for ballistic examination pa rin yung baril natin
20:32at for cross-matching pa din kasi possible po pwedeng magamit din sa ibang krimenyo.
20:39Ayon sa polisya, magkakakilala ang tatlong sospek na lahat ay residente sa lugar.
20:44Inaalab pa kung may kinabibilang silang criminal group.
20:46Hindi natin tinatanggal yung posibilidad na yun na ang lakad nila is robbery hold-up din kasi may mga baril.
20:54Based dun sa record po nung isa natin sospek is may the same po na kaso.
21:01Robbery hold-up at Republic Act 1591 din po.
21:06So may baril din na previous record niya.
21:08Maarap ang mga sospek sa reklamong illegal gambling.
21:12Ang isa may karagdagang reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and the Munition Regulation Act.
21:18Naglilibang lang po.
21:20Ayun ba rin?
21:22Ang protection po.
21:24Ang napadaan lang po, tapos nagsugan lang po.
21:26Magtakbuan sila.
21:28Tapos?
21:30Pinamay lang ako yan.
21:31James Agusti, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:35Arestado ang isang lalaki dahil sa pangmumulestya umano sa isang minordeedad sa sementeryo sa Marikina.
21:44Ang kanyang panig sa balitang hatid ni E.J. Gomez.
21:49Arestado ang 19-anyos na lalaking nahaharap sa kasong pangmumulestya ng babaeng minordeedad sa Marikina City.
21:58Sinilbihan siya ng arestwaran sa barangay Fortune hapon itong lunes.
22:01Ayun sa pulisya, May 2024 naganap ang pangmumulestya umano ng nooy 17-anyos na akusado sa 15-anyos na dalagita.
22:11Base sa investigasyon, hindi naisauli ng biktima ang hiniram niyang cycling shorts sa akusado.
22:17Kaya ni Yaya umano makipagkita ng lalaki ang biktima.
22:20Nagkita raw ang dalawa sa loob ng isang sementeryo sa barangay Santa Elena kung saan nangyari umano ang unang insidente ng pangmumulestya.
22:40Ang ikalawa, nangyari rin umano sa isang sementeryo sa barangay Tanyong.
22:44October 2024 nang ilabas ng korte ang arestwarant laban sa akusado.
22:50Itinanggi ng akusadong si Alias Mike ang paratang.
22:54Girlfriend daw niya ang biktima na nagpapunta umano sa kanya sa sementeryo para ipakilala ang kanyang lolang na mayapana.
23:02Siya po yung nagpapunta po sa akin doon. Papakilala niya daw po sa lolat niya. Nakala ko po sa bahay.
23:11Yun po pala sa sementeryo. Doon niya lang sinabi na wala na nga daw po yung gano'n. Wala na yung tao. Patay na daw po.
23:18Girlfriend ko po siya noong panahon na yun. Wala pong nangyaring gano'n na molestya po.
23:23Sinampahan ng kasong two counts of acts of lasciviousness ang lalak.
23:27E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
23:33Ito ang GMA Regional TV News.
23:38May init na balita sa Kabisayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
23:43Binugbog na sinaksak pa ang isang lalaking police asset sa Cagayan, De Oro City.
23:49Cecil, kakilala ba yung sospek ng biktima?
23:53Connie, tatlong stepbrothers ng karelasyon umano ng biktima ang sangkot sa pagpatay.
23:59Huli kam kung paanong pinagtulungan ng mga sospek ang biktima.
24:04Ayon sa Cagayan, De Oro City Police, 22 saksak sa katawan ang tinamunya at idiniklarang dead on arrival sa ospital.
24:12Naaresto ang isa sa mga sospek na sinusubukan pang punan ng pahayag.
24:17Sabi ng polisya, ang dalawa pang tinutugis ay dati ng kaalitan ng biktimang police asset.
24:23Siya raw ang itinuturong nagsuplong sa ama ng mga sospek na nakulong dahil umano sa iligal na droga.
24:30Nahaharap ang mga sospek sa reklamong murder.
24:33Sinusubukan pang punan ng pahayag ang pamilya ng biktima.
24:37Sa Sogood Southern Leyte, nagpapagaling na sa ospital ang isang lalaki matapos matuklaw ng kobra sa isang universidad.
24:46Ayon sa Supervising Administrative Officer ng universidad,
24:50bigla na lang tinuklaw ng ahas ang biktima habang naglilinis sa damuhan.
24:55Agad niyang napatay ang kobra.
24:58Rimuspundi rin ang iba pa niyang kasamahan.
25:01Isinugod siya sa ospital at nabigyan ng anti-venom.
25:04Naglabas naman ng abiso ang universidad para paalalahanan ang mga estudyante na umiwas sa mga madadamong lugar
25:12at makipangugnayan sa mga otoridad kung makakita ng ahas.
25:17Kapag natuklaw ng ahas, payo ng Department of Health,
25:20kumalma, humingi ng tulong at magpadala agad sa pinakamalapit na ospital.
25:26Paalala rin ng DOH, huwag sipsipin ang kamandag,
25:29huwag galawin o pakialaman ng sugat at huwag itong lagyan ng halamang gamot o ice pack.
25:35Maiging mga medical expert ang umasikaso agad-agad.
25:39Mga mari at pare, it's time to support some kapuso singers sa Vailed Cup competition sa South Korea.
25:52Open na ang botohan para sa Best Listener's Choice category ng Reality Singing Contest.
25:58I-search ang Vailed Cup playlist sa Spotify at pumunta sa voting section.
26:02I-select ang entries ng Pinoy contestants na Wishful Thinking by Manila Storyteller
26:08or Love by Zambales Beast at Wake Up by Laguna Diva.
26:14Three votes per day ang pwede hanggang sa January 29.
26:18Tuloy-tuloy ang pagsuporta sa kapuso singers na si Nathaya Astley, Garrett Bolden at Arabal de la Cruz
26:25as they represent the talent and pride of the Filipinos.
26:29Sa ibang balita, kinansila ng Department of Energy ang kontrata ng Solar Energy Company
26:36ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste dahil umano sa mga paglabag.
26:41Sabi ni Leviste, sasagutin niya ito maging ang iba pang isyong ibinabato sa kanya
26:46sa muling pagbubukas ng kongreso sa January 26.
26:50Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
26:52Dahil bigong maideliver ang commitment na halos 12,000 megawatts na power supply,
27:01kinansila ng Department of Energy ang mga kontrata para rito
27:05ng Solar Philippines Power Project Holdings,
27:08kumpanyang itinatag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
27:13Ang kanselasyon, bahagi ng mas malawak na paglilinis daw ng DOE sa mga hindi natutupad na kontrata.
27:22Sa isang mensahe sa GMA Integrated News, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin
27:27na mga lehitimo at seryosong investors lamang ang gusto nila sa energy sector.
27:33Kaya kinansila nila ang mga kontratang aabot sa 17,000 megawatts ng renewable energy,
27:40kabilang ang sa Solar Philippines.
27:42Ayon kay Garin, ilang beses silang nagpadala ng show cost orders at iba pa,
27:47pero wala raw silang nakuhang tugon sa Solar Philippines.
27:51Pinagmumulta sila ng tinatayang 24 billion pesos.
27:55Dagdag ni Garin, ang kanselasyon ay base lamang sa discipline, performance
28:00at pagpapatupad ng kanilang contractual obligations.
28:04Pagsunodan niya ito sa integridad ng mga kontrata at pananagutan sa publiko
28:09at hindi dahil sa politika.
28:12Ayon pa sa kalihib, posibleng kulangin na ang reserbang kuryente sa hinaharap
28:17at hindi mangyayari ang inaasahan sa nang pagbaba ng presyo ng kuryente.
28:22Hininga namin ang reaksyon si Leviste at ang Solar Philippines,
28:27ngunit wala pa silang tugon.
28:28Tungkol naman sa umano'y pagbebenta ng shares ng kumpanya ni Leviste
28:32ng walang pasabi at pagpayag ng kamera na nagbigay ng prangkisa nito,
28:38sinabi ng isang vice chairperson ng House Committee on Legislative Franchises
28:42na i-investigahan ng kumite ang issue kung may maghahain ng resolusyon.
28:47Sir, kailangan kong may reso, hindi po pwede mo ito.
28:51Well, first, let me just say it's my first term as a congressman.
28:57From my understanding, there has to be some kind of resolution
29:00because that's the formal way of actually bringing it to the attention of the committee.
29:03Kamakailan, sinabi ng kongresista na magbibigay siya ng dalawang linggo
29:09para sabihin na na mga tao ang lahat tungkol sa kanya,
29:13sa kanya ito sasagutin sa pagbubukas ng kongreso sa January 26.
29:18Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
29:27New career high para kay Pinay tennis star Alex Ayala
29:31ang kanyang ranking ngayon sa Women's Tennis Association.
29:35Umakit po si Alex sa rank number 49.
29:39Apat na spots, siyang tumaas mula sa pagtatapos ng kanyang 2025 season.
29:44Kasunod din yan, ang paglaban ni Alex sa 2026 ASB Classic sa New Zealand
29:49kung saan umabot siya sa semifinals ng women's singles.
29:53Ngayong Enero, kabilang si Alex sa mga nabigyan ng wildcard slots
29:57para sa WTA 125 Philippine Women's Open.
30:02Kauna-unahang beses ito na mag-ho-host ang Pilipinas ng isang WTA 125 event.
30:08Isa rin sa mga wildcard ang kapaw-Pinay Sea Games medallist ni Alex na si Teniel Madis.
30:14Halos mahalo na sa buhangin ang sandamakmak na patay na hipon sa dalampasigan niyan sa Sokotra, Yemen.
30:25Nangyari po yan sa Ditwa Nature Reserve.
30:28Ayon sa mga taga roon, first time ito nangyari sa kanilang lugar.
30:32Hiling ng mga residente sa mga otoridad,
30:34imbisigahan ang sanhinang pagkamatay ng napakaraming hipon
30:37na itinuturing na banta sa supply ng lamang dagat doon.
30:41May nilagdaang mga kasunduan ang Pilipinas at United Arab Emirates
30:47sa larangan ng kalakalan, depensa at sustainable development.
30:52Pinirmahan ang mga iyan kasabay ng working visit doon ni Pangulong Bongbong Marcos.
30:57Kabilang sa mga nasabing kasunduan,
30:59ang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation
31:02na layong paunla rin ang defense technology ng dalawang bansa.
31:06Nilagdaan din ang Comprehensive Economic Partnership Agreement
31:10sa pagitan ng Pilipinas at ng UAE.
31:13Layon itong bawasan ang taripa, paluwagin ang market access
31:17at daloy ng pamumuhunan.
31:20Ayon sa Malacanang, ito ang unang free trade agreement ng Pilipinas
31:23sa isang Middle Eastern country.
31:26Kasama ng Pangulo sa kanyang working visit,
31:28si First Lady Lisa Araneta Marcos
31:30at ilang miyembro ng kanyang gabinete.
31:34Kabilang sa sideline activities nila,
31:36ang pagbisita sa Filipino community sa Abu Dhabi.
31:40Update po tayo sa lagay ng panahon ngayong isa ng bagyo
31:48ang binabantayang LPA.
31:49Kausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
31:54Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
31:58Magandang umaga po, Ms. Connie,
31:59at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
32:01Saan mga lugar, sir,
32:03ang inaasahang maapektuhan kaya ng Bagyong Ada?
32:05Generally, kung titignan po natin yung forecast track
32:10o yung pagtaya natin ng pagkidos ng bagyo sa loob ng 3-5 araw,
32:15posibleng mapuruhan ng mga pagulan,
32:18mga paghangin itong silangang bahagi ng Visayas,
32:22in particular Eastern Visayas area,
32:24maging itong Karaga at ilang bahagi ng Dabao region,
32:27at maging ilang bahagi po ng Bicol region.
32:29Sa ngayon, may nakataan tayong mga wind signal nga
32:32dito sa Summer Provinces, Surigao Provinces,
32:36at sa Dinagat Island.
32:37At saan pa po,
32:38na posibleng madagdagan yung mga lalawigan
32:40na may wind signal sa mga susunod nating issue
32:43at sa tropical cyclone bull ditin?
32:44Inaasahan ho ba natin maglalandfall ito
32:47at kung sakali, saan ho kayang lugar?
32:50Well, Connie, kung titignan natin yung forecast track,
32:54ay hindi natin ito inaasahang maglalandfall,
32:57pero kung titignan po natin yung area of probability
33:00na tinatawag,
33:01ay hindi pa rin natin nirurule out
33:03yung possibility na posibleng tumama ito
33:06dito sa may bandang southern Leyte area
33:09or anywhere over the eastern Visayas area
33:13or the southern part of Bicol region
33:16sa mga susunod na araw.
33:17Kasi malawak po yung tinatawag nating area of probability.
33:20Kaya ngayon pa lamang po,
33:21pinapayod na natin yung mga kababayan natin
33:23dito nga sa Bicol region, sa eastern Visayas,
33:25at itin sa Karaga na patuloy na mag-monitor
33:28sa update natin regarding tropical depression, Ada.
33:32Opo, at particular na sa Kabikulan,
33:34yung pinapangambahan po,
33:35yung lahar eh, di ba?
33:36Lahar flow, mud flow.
33:38Ano ho ba ang koordinasyon na dapat na ginagawa na ngayon?
33:43Well, unang-una po sa panig ng pag-asa,
33:45patuloy po kami,
33:46nagkakaroon ng mga meet,
33:48MC, and other government agencies
33:50na partner natin sa disaster preparedness and mitigation.
33:54And then, of course,
33:55natin, in particular sa Bicol region,
33:58doon po sa lugar na apektado,
34:00saka sa lukoy ng pag-potong
34:02or yung activity ng Mayon Volcano,
34:05dapat din po patuloy na magpag-ugnayan
34:07sa kanilang local government,
34:08local disaster reduction managers,
34:10para po sa continuous disaster preparedness and mitigation,
34:14lalong-lalong na may inaasaan nga tayong
34:15posibleng efekto ng bagay sa kanilang lugar
34:17sa mga darating na araw.
34:18Opo, at sa bahagi rin,
34:20ito pong gumuhong landfill dyan sa barangay Binaliw sa Cebu,
34:24may inaasahan din po ba tayo mga pag-uulan doon?
34:26Maapekto rin, maapektuhan po kaya
34:28yung search and rescue pa rin na ginagawa ngayon doon?
34:33Kung titignan po kasi natin yung area probability,
34:36may chance na lumagpas pa ito
34:39sa landmass ng Eastern Visayas
34:40at lumaybay dito sa Central Visayas area.
34:43Kaya andon din yung abiso natin
34:45dito sa mga kababayan natin sa Central Visayas
34:48pati yung ating pagkasa Regional Service Division,
34:51sinimula na pong makipagunay
34:52provincial disaster reduction managing officers
34:56and then with the LGUs
34:58para po sa disaster preparedness and mitigation
35:00dyan sa Cebu area.
35:02Opo, at kanina po sa ating monitoring,
35:04nasa 44 kilometers per hour po ito,
35:07pero sabi nga maaari pang lumakas
35:09ito pong bagyong itong ada
35:11habang nasa karagatan pa.
35:13Ano ba ang latest natin ngayon
35:15sa lakas po nitong bagyong ito?
35:17Sa ngayon, tropical depression category pa lang itong si Ada.
35:21Ang lakas ng hangin, 45 kilometers per hour.
35:23Malapit sa gitna,
35:24ang pagbugso abot ng 55 kilometers per hour.
35:27Ngayon, in the next 24 hours,
35:29hindi natin niro-rule out na
35:30posibleng pang lumakas ito
35:32at maging isang tropical storm category na bagyo
35:35habang patuloy itong lumalapit
35:37dito nga sa kalupan ng Eastern Visayas
35:38at Bicol Region area.
35:40Kaya, yung mga binanggit natin ngayon
35:42ng may tropical cyclone wind signal number one,
35:44buong sa posibleng madagdagan,
35:46ay posibleng rin tayong magtaas pa
35:47ng mga wind signal sa ilang lugar
35:49sa mga susunod nating issuance.
35:51Dagdag pa po dyan,
35:52yung weather advisory natin
35:53patungkol sa pagulan na dala nito,
35:55posibleng yung nakararaming bahagi nga
35:57ng Bicol Region,
35:59ilang bahagi po ng Karaga
36:02at Northern Mindanao
36:03ang magkaroon ng forecast rainfall
36:05na pwede magdulot ng mga pagba
36:07at paghuo ng lupa.
36:08Alright. Marami pong salamat, sir,
36:10sa inyo pong update sa amin.
36:12Marami salamat din pa. Magandang araw.
36:14Yan po naman si Pag-asa
36:15Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
36:22Mainit na balita,
36:23ipinaaresto ng Santa Cruz, Laguna
36:25Regional Trial Court Branch 26
36:27ang negosyanteng si Atong Ang
36:29kaugnay sa pagkawala
36:31ng mga sabongero.
36:32Para po yan sa kasong
36:33Kidnapping with Homicide.
36:35Ipinaaresto rin ang korte
36:36ang labing pitong kapwa
36:37akusado sa kaso.
36:39Non-bailable o hindi po pwedeng
36:41magpiansa si Ang
36:43at ang iba pang mga pinaaresto
36:44sa naturang kaso.
36:46Bukod po sa kasong
36:47Kidnapping with Homicide,
36:48haharap din ang mga akusado
36:50sa kasong Serious Illegal Detention.
36:53Sinisika pong kunin
36:54ang pahayag ni Ang
36:55at iba pang akusado.
36:57Dati nang itinanggi ni Ang
36:58na may kinalaman siya
37:01sa pagkawala
37:02ng mga sabongero.
37:04At kaugnay naman po
37:05sa inilabas na arrest warrant
37:07sa negosyanteng si Atong Ang
37:08ng Santa Cruz, Laguna RTC.
37:11Sinabi po
37:11ng kanyang abogado
37:12na si Atty. Gabriel Villarreal
37:14na bigyan siya
37:15ng oras
37:16para i-review muna
37:17ang mga ito.
37:18Sinusubukan pang kunin
37:19ang pahayag
37:20ng labing-pitong
37:21iba pang akusado.
37:25Nagbabala
37:25ang Bureau of Immigration
37:26sa publiko
37:27kaugnay
37:27sa panggagamit
37:29sa pangalan
37:30at otoridad
37:30ng ahensya
37:31para makapanloko
37:33online.
37:34Ayon sa bihay,
37:35nakatanggap sila
37:36ng walk-in inquiry
37:37mula sa isang babae
37:38na nagpapa-verify
37:39ng email
37:40na ipinadala umano
37:41ng ahensya.
37:42Kaugnay po yan
37:43sa isang package
37:43na ipinadala
37:44mula abroad
37:45ng kanyang
37:46nobyong foreigner.
37:47Base sa email,
37:48hinarang yun
37:49ng Ministry of Interior
37:50ng Bureau of Immigration
37:51dahil may kailangan
37:53pang bayaran
37:54bago ito i-release.
37:55Mga kapuso,
37:56hindi po ito totoo
37:57dahil isa itong uri
37:59ng love scam.
38:01Paalala ng ahensya,
38:02hindi nag-ooperate
38:04sa ilalim
38:04ng Ministry of Interior
38:06ang BI.
38:07Hindi rin sila
38:08nanghaharang
38:09o nangongolekta
38:09ng anumang bayad
38:10para sa packages.
38:12Inendorso na nila
38:13ang insidente
38:13sa Cybercrime Investigation
38:16and Coordinating Center
38:18at National Bureau
38:19of Investigation
38:20Cybercrime Division
38:21para i-bisigahan.
38:28Mainit na balita
38:29na dagdagan pa po
38:30ang bilang
38:31ng mga nasawi
38:32sa paghuhu po yan
38:33ng landfill
38:34sa Cebu City.
38:36Detali tayo
38:36sa ulit on the spot
38:37ni Maris O'Malley.
38:39Maris?
38:39Conny,
38:45narito tayo ngayon
38:46sa isang bahagi
38:47ng paanaan
38:47ng Binalio Landfill
38:49kung saan nangyari nga
38:51yung pagguho
38:51ng bundok
38:52ng basura
38:52noong January 8.
38:53At itong nakikita ninyo
38:55sa aking gilid
38:56ay yung mga debris
38:57na nakuha na
38:59mula doon
38:59sa pinangyarihan
39:00ng guho.
39:01Kung makikita ninyo
39:02talagang napakalalaking
39:03mga bakal
39:04at mga metal
39:06yung mga nakuha doon
39:07kaya dito makikita
39:08kung gaano raw kahirap
39:10yung isinasagawang operasyon
39:12at wala pa rin patid
39:14yung operation
39:16na ginagawa nila
39:16katunayan 24 oras
39:18yung search,
39:19rescue and retrieval
39:20operations
39:20na isinasagawa po
39:21ng mga iba't-ibang
39:23mga tauha
39:24ng government agencies
39:26at as of 10-28
39:28ngayon nga
39:28January 14,
39:302026
39:31nasa
39:31sa kabuhuang bilang
39:32ng mga biktima
39:33na 48
39:34nasa 17 na po
39:36ang nare-recover
39:37na bangkay
39:3812 ang sugatan
39:3911 siyampa
39:40ang pinagahanap
39:41at ongoing po
39:43yung pag-identify
39:43doon sa tatlo
39:44kasi yung tatlong huling labi
39:45na na-recover
39:48ay beyond recognition
39:51na raw.
39:52Inilarawan ng Bureau of Fire Protection
39:54Special Rescue Force
39:55kung gaano nga
39:55kateknikal
39:56at kahirap
39:56yung search,
39:57rescue and retrieval
39:58operations nila
39:59nangangailangan nito
40:00ng specialized equipment
40:01at iba't-ibang mga expertise
40:02dahil sa haluhalong debris
40:04gaya nga po
40:05ng pinakita ko sa inyo
40:05kanina dito sa aking gilid
40:07malalaking mga bakal
40:08steel beams
40:09ang kailangan nilang
40:11linisin
40:13o i-clear muna
40:13bago may ahon
40:14yung mga
40:15bangkay
40:16o yung mga
40:17natabunan na nga po
40:19ng mga
40:20basura
40:21at kung ano-ano
40:22pang mga debris
40:23at lalo na raw
40:25pinahihirap ito
40:26na nga
40:27minsan pagsama ng panahon
40:28yung operasyon nila
40:29matapos yung mga
40:30pag-ulan na nagdulot
40:31ng putik
40:32at pagpasok din
40:32ng tubig
40:33sa loob ng landfill
40:34na maaaring magdulot
40:35ng karagdagang panganib
40:37napakadelikado rin
40:38daw po ng sitwasyon
40:39hindi lamang dahil
40:39sa bigat
40:40at laki ng mga bakal
40:41na kailangan putulin
40:42bago alisin
40:42kundi dahil din
40:43sa banta
40:44sa kalusugan
40:45ng mga rescuer
40:46nilagyan na nga raw
40:47po nila ng lime
40:48yung lugar
40:48upang mabawasan
40:49ang mabahong amoy
40:50at maiwasan
40:51yung respiratory
40:52at biological hazards
40:54sa kabila ng paggamit
40:55ng life detecting equipment
40:56sinabi ni
40:57SF01
40:58Fulberta Navarro
41:00na mahirap matiyak
41:01kung ang mga
41:01nadedetect na signs of life
41:03ay mula sa tao
41:04o hayop
41:05tulad ng daga
41:06at pusa
41:06ginagawa raw
41:07ng mga otoridad
41:08ng lahat
41:09ng kanilang mga kaya
41:10gamit-gamit
41:11yung kanilang mga
41:12heavy equipment
41:13at iba pang mga
41:13available resources
41:14para mahanap pa
41:16yung labing siyam
41:17na nawawala pa
41:18So yan muna
41:18ang latest sa sitwasyon
41:19mula pa rin dito
41:20sa Binalio Landfill
41:22dito po sa Cebu City
41:24Balik sa Yoconi
41:25Maraming salamat
41:26Mariz Umali
41:27Samantala
41:28gusto ni Pangulong Bombo Marcos
41:30na maglabas na agad
41:32ng anti-EPAL guidelines
41:34ang iba't-ibang kagawaran
41:35at ahensya ng gobyerno
41:37Sabi ng Malacanang
41:38ito'y para hindi magamit
41:40sa politika
41:40ang mga proyektong
41:41galing sa pondo ng bayan
41:43alinsunod sa 2026
41:45General Appropriations Act
41:47Sabi ni DSWD
41:48Secretary Rex Gatchalian
41:49hindi niya
41:50papupuntahin
41:51ang social workers
41:53at ipatitigil niya
41:54ang pamamahagi
41:55ng ayuda
41:56kung may politiko
41:57sa distribution site
41:59Binigyang diin naman
42:00ni DILG
42:01Secretary John Vic Remulia
42:02ang kasama
42:03sa mga bawal
42:04tulad ng
42:05paglalagay ng larawan
42:07pangalan
42:08o logo
42:09ng mga politiko
42:09sa mga proyekto
42:10ng gobyerno
42:11Ang pwede lamang ilagay
42:13ay ang mga detalya
42:14gaya ng
42:15pangalan ng proyekto
42:16kontratista
42:17petra kung kailan
42:19nagsimula
42:19at matatapos
42:20at kung magkano ito
42:22Hinihikayat din
42:23ni Remulia
42:24ang publiko
42:25na isumbong
42:25sa DILG
42:27ang mga politikong
42:28lalabag dyan
42:29Maari daw
42:30masuspindi
42:31o maharap
42:31sa reklamo
42:32sa ombudsman
42:33ang mga politikong
42:34gagawa niyan
42:35Nagpasalamat
42:42si Sexbomb
42:43Jopay
42:44Pagya Zamora
42:44sa mga
42:45nagdadasal
42:46para sa kanyang
42:47paggalin
42:48Kamakailan
42:49na ospital
42:50si Jopay
42:51matakos siyang
42:51mabagsakan
42:52ng tiles
42:53ng CR
42:53sa ulo
42:54at likod
42:55Kinailangan niyang
42:56magpa CT scan
42:57at MRI
42:57Pinayuan siya
42:58ng doktor
42:59na magpahinga muna
43:00Itinodo ni
43:07House of Life star
43:08Chris Bernal
43:08ang paghata
43:09with Sexbomb
43:10Ira Bermudes
43:11sa kanilang
43:12dance collab
43:12Sabi ni Chris
43:13pinalaki siya
43:14ng Sexbomb
43:15at masayang
43:16nakakollab
43:17si Ira
43:17na idol daw niya
43:19Hirit ng netizens
43:21pasado
43:21at pwede raw
43:22i-recruit
43:23ng Sexbomb
43:24si Chris
43:24This coming Sunday
43:26naman
43:27abangan
43:28ng pangmalakasang
43:29performance
43:29ng Sexbomb
43:30sa All Out Sundays
43:31Chika sa inyong
43:32marin ng OG
43:33P-Pop Girl Group
43:34Thankful sila
43:35sa overwhelming
43:36support at love
43:37ng fans
43:38Patunay raw
43:39ang kanilang
43:39reunion concert
43:40na umabot na
43:41ng round 3
43:424 to 5
43:44sa February
43:45Noon kabadong kabado
43:53dahil feeling namin
43:55baka wala nang
43:56sumusuporta sa amin
43:58ummm
43:59wala nang manonood
44:00ngayon
44:01kinakabahan na kami
44:02sa sobrang
44:03andami-daming
44:04sumusuporta
44:05hindi namin
44:06alam kung matutungbas
44:07ang ba namin
44:08For the first time
44:13magtatambal
44:14si Asia's multimedia star
44:15Alden Richards
44:16at si Philippines
44:18multimedia princess
44:19Nadine Lustre
44:20Para yan
44:21sa upcoming
44:22View original series
44:23na Love
44:24Siargao
44:25Makakasama rin
44:26sa romance drama
44:27ang Korean actor
44:28na si
44:29Chebbo Min
44:30Ang serye
44:31yung tatalakay
44:32sa tinatawag na
44:33Siargao Curse
44:35ay project
44:35ng View
44:36with Viva
44:37and GMA
44:38Sa announcement
44:39ng serye
44:40present si
44:40Alden at Nadine
44:42Full support
44:43naman
44:43ang executives
44:44ng tatlong
44:45industry giants
44:46at production heads
44:47sa pangunguna
44:48ni na Vicente
44:49Alejandro
44:50Siquia
44:50country manager
44:52View Philippines
44:53Vincent Del Rosario
44:54President and COO
44:56ng Viva
44:56Communications
44:57Incorporated
44:58at
44:59Attorney Annette
45:00Gozon Valdez
45:01Senior Vice President
45:03ng GMA Network
45:04Incorporated
45:05Mapapanood
45:06ang 26 episode
45:08na Love, Siargao
45:08simula sa
45:09second quarter
45:10ng taon
Be the first to comment
Add your comment

Recommended