Skip to playerSkip to main content
-Lalaking nang-hostage sa 6-anyos na babae sa Brgy. Sabala Manao Proper, patay; biktima, nasagip

-Mahigit 5,000 empleyado ng Bacolod City LGU, nagreklamo sa anila'y amoy panis na pagkain sa Christmas party

-Atong Ang at 21 iba pang akusado, sinampahan ng mga kasong kidnapping sa 3 Regional Trial Courts sa Laguna at Batangas kaugnay sa mga nawawalang sabungero

-Dating Finance Sec. Recto, handa raw makipagtulungan sa imbestigasyon kaugnay sa mga reklamo kaugnay sa pagsasauli ng sobrang pondo ng PhilHealth

-DOH hospitals, naka-Code White Alert para sa mga kaso ng stroke, road crash, at firecracker-related injuries ngayong holiday season

-BSP: Libreng magpapalit ng malulutong na pera sa mga bangko; mas ligtas at mabilis magpadala ng pera gamit ang e-wallet at online banking

-Last-minute Christmas shoppers na gustong makatipid, dagsa sa Divisoria

-INTERVIEW: ROBIN IGNACIO
AVP FOR TRAFFIC OPERATIONS, NLEX CORP.

-DOJ: Contractor na si Sally Santos, nagsauli ng P15M sa gobyerno bilang bahagi ng partial restitution

-Hatol na guilty sa 3 pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Delos Santos noong 2017, pinagtibay ng Korte Suprema

-Van driver at dalawa niyang rescuer, nailigtas mula sa baha

-Mga OFW na nagbalik-bayan para sa Kapaskuhan, tuloy-tuloy ang pagdating sa NAIA

-Publiko, pinag-iingat sa ilang holiday scams

-Vice President Duterte, pinabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya ni Ramil Madriaga

-Mag-asawang senior citizen, patay matapos mabangga ng kasalubong na pickup

-Ilang Kapuso stars, ibinahagi ang kanilang holiday plans at New Year's Resolution

-Ashley Ortega, surprised at grateful sa 27th birthday bash na inorganisa ng kanyang fans

-Magbabarkada na tila nangangaroling sa isang coffee shop, kinaaaliwan online



Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Ito ang GMA Regional TV News!
00:07Balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
00:11Kinostage ang isang batang babae sa Marawi, Lanao del Sur.
00:15Sara, kumusta yung biktima?
00:18Rafi Nasagip, ang 6-taong gulang na bata, mula sa kamay ng kanyang hostage-taker.
00:23Sa imbisigasyon ng pulisya, pinasok ng sospek ang bahay ng biktima sa barangay sa Balamanaw, Proper.
00:30Kumuha siya ng kutsilyo at saka hinostage ang bata.
00:33Nagkataong may nagja-jogging na pulis sa lugar.
00:36Kinausap niya ang sospek.
00:38Pero nang makitang nasugatan na ang bata sa pisngi at braso,
00:42doon na niya hinarang ang hawak na patalim at binaril ang sospek.
00:46Agad isinugod ang biktima at sospek sa ospital.
00:49Maayos na ang kondisyon ng bata habang idiniklarang dead on arrival sa ospital ang lalaki.
00:55Wala pang pahayag ang mga kaanak na bata.
00:57Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng sospek at kung ano ang motibo niya.
01:04Mahigit limang libong empleyado na Bacolod City LGU ang hindi nakakain sa kanilang Christmas party.
01:10Amoy panisraw kasi ang ipinamigay na pagkain sa party.
01:15Bumili na lang sila ng sariling pagkain.
01:17Sabi ng LGU nakatanggap sila ng maraming reklamo tungkol sa pagkain at iniimbestigahan na ito.
01:23Ipinatawag na rin ang dalawang caterer.
01:26Aabot daw sa mahigit isang milyong piso ang inilaang pondo para sa pagkain.
01:31Iwas panis tips na mga eksperto.
01:33Dapat malinis ang mga kamay at mga gamit sa pagluluto.
01:37Gumamit lang ng malinis na tubig at sariwang mga sangkap.
01:41Ihiwalay ang mga hilaw sa naluto na.
01:43Tiyaking naluto na maigi ang pagkain at nasa ligtas na temperatura ang pagtataguan o paglalagyan ng mga ito.
01:51Formal nang sinampahan ng mga kaso ng Department of Justice si Charlie Atong Ang at dalawamput-isa
02:05sa kaugnay sa mga nawawalang sabongero.
02:08Sa kabilayan ng apela ng kampo ni Ang sa DOJ na huwag munang iakyat sa korte ang mga reklamo.
02:13Balitang hatid ni Ian Cruz.
02:15Tatlong lugar sa Laguna at Batangas, may naitalang pagkawala ng mga sabongero.
02:24Kaya sa tatlong regional trial courts na nakakasakop sa lugar na ito,
02:28naghain ang kaso ang Department of Justice noong biyernes, December 19.
02:3310 counts ng kidnapping with homicide at 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention.
02:40Ang isinampa laban sa negosyanteng si Charlie Atong Ang at dalawamput-isa pa para sa pagkawala ng dalawamput-anim na sabongero.
02:48Oras na marakol ang mga kaso.
02:50May sampung araw ang mahukom para desisyonan kung may sapat na batayan para kasuhan si Naang bago maglabas ng warren sa parest.
02:58Non-bailable ang mga isinampang kaso.
03:02Nauna na naghain ng motion for reconsideration sa DOJ ang kampo ni Ang.
03:07Ayon sa abugado ni Ang, kailangang isumite ng DOJ ang kompletong file ng mga kaso sa korte.
03:13Sa DOJ ro sila naghain ng apila at hindi sa korte.
03:18Kung babaliwalain anila ng DOJ ang mosyon,
03:21ay dapat handa ang kagawaran sa mga posibling kakarapin dahil dito.
03:26Pero sabi ng DOJ, pwede pa rin silang magsampan ang kaso
03:30habang nire-resolve ba ng DOJ ang kanilang motion for reconsideration.
03:35Bukod sa mga isinampang kaso sa Laguna at Patangas,
03:39may dinidilig ng mga kasong kidnapping with serious illegal detention sa Manila at San Pablo RTC,
03:45kaugnay ng mga nawawalang sabongero.
03:48Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:52Sa iba pang balita, handa raw makipagtulungan sa Executive Secretary at Noe Finance Secretary Ralph Recto
03:59sa investigasyon sa mga reklamong isinampalaban sa kanya sa Office of the Ombudsman.
04:04Ian ang mga reklamong plunder, graft, malversation at grave misconduct kaugnay
04:08sa pagpapasauli noon ng Department of Finance ng 90 billion pesos na pondo ng Fuel Health sa National Treasury.
04:1460 billion pesos na ang naibalik sa National Treasury bago naharang ng mga petisyon sa Korte Suprema
04:21ang pag-remit ng natitirang pondo.
04:24G8 ni Noe Finance Secretary Recto, wala siyang kriminal na pananagutan,
04:27batay na rin sa opinion ng ilang magistrado ng Korte Suprema.
04:31Kumilos lang anya kasi siya in good faith,
04:34alinsunod sa utos ng Kongreso na ibalik sa kabanang bayan ang hindi nagamit na pondo ng Fuel Health.
04:39Wala pang sagot sa GMA Integrated News, sino ay Fuel Health President Emanuele Desma
04:44na kabilang din sa mga sinampahan ng reklamo.
04:55Bukod sa mga biktima ng paputok, nakaalerto rin ang Department of Health ngayong holiday season
05:00para sa mga kaso ng stroke at road crashes.
05:03Karaniwang dumarami raw kasi ang mga biktima niyan ngayong kabi-kabila ang mga handaan at iluman.
05:09Balita ng hatid ni Mark Salazar.
05:14Naka-code white na lahat ng government hospital sa buong bansa
05:18paghahanda sa mga isusugod sa ER
05:21dahil sa tatlong malalaking banta sa kalusugan ngayong holidays.
05:25Ito palang unang week ng surveillance namin.
05:28Sampung stroke, Kinsing Acute Coronary Syndrome na ang naitala.
05:33Talagang tumataas ang stroke.
05:35Road crash injuries.
05:36Ayan, ma-traffic, nagmamadali, nakainom, distracted driving.
05:43Sinasagot yung Christmas greeting habang nagmamaneho.
05:47And of course, the firework-related injuries.
05:50Sa Philippine Heart Center na main referral hospital,
05:53ang mga inaatake sa puso at nai-stroke,
05:56nag-a-average na sa 45 to 60 patients ang isusugod kada buwan.
06:00What is the link between the stroke and holiday heart syndrome?
06:04Holiday heart syndrome is a condition that is caused by overindulgence in alcohol,
06:09stress, sometimes dehydration, or irregular sleep patterns during the holidays,
06:15and these causes or triggers.
06:17Sabi nga nila, too much of anything is bad.
06:21Kaya ang paalala, huwag sosobra sa alat, sa tamis, at taba.
06:25Dahil once a year lang ang Pasko, sinasabi nila,
06:28naku, hindi bali na yung bawal.
06:30Kakain sila ng lechon,
06:32akakain sila ng matatamis,
06:35kahit diabetic sila,
06:36dahil may gamot naman,
06:38dahil meron namang pang-kolesterol nila.
06:41Famous last words yun,
06:42kasi they end up in the emergency room.
06:45Actually, ang babata na rin yung mga nai-stroke,
06:49as young as 29.
06:50Panahon din ng asthma attacks,
06:53katunayan sa National Kidney and Transplant Institute at Heart Center,
06:57difficulty in breathing ang isa sa malimit ngayong emergency case.
07:01See, the highest number of asthma exacerbation visit in the emergency room actually is on January.
07:07So most probably because of the pollution or the firecracker effects.
07:12Isa rin sa pagtutuunan ng pansin sa Kapaskuhan,
07:15ang mga kasong may kinalaman sa mental health tulad ng anxiety at depression.
07:20Bagay na hindi rin sa ER matutulungan.
07:23Sometimes they will come to you,
07:24masakit ng dibdib,
07:25nahihirap, huminga,
07:27pero yun pala ang problema nila,
07:29mental health.
07:30They are lonely,
07:32their families are elsewhere.
07:33Kaya nga minensyo ko,
07:34at ulitin ko,
07:351553,
07:37yan yung aming helpline
07:38ng National Center for Mental Health.
07:40Sa pinsala naman ng paputok at pailaw,
07:43kwitis pa rin,
07:44five-star at boga ang pangunahing dahilan.
07:47At karamihan ng mga nasusugatan ay edad sampu hanggang labing apat.
07:52Pagdating sa nakababahalang numero ng road crash,
07:5531% ang itinaas ng kaso.
07:58Ngayong taon kumpara nung isang taon.
08:0171% sa mga kaso ay lasing sakay ng single na motor.
08:06Number one cause of death of children in the Philippines is road crash injury.
08:11Whether that's holiday or not,
08:12either a two-wheeler or pedestrian or in a vehicle.
08:16Muling paalala ng DOH,
08:18huwag makalimot sa gitna ng saya at kinang ng Pasko
08:21para ligtas at malusog ang salubong sa bagong taon.
08:26Mark Salazar,
08:27nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:31Para sa mga magbibigay ng Aguinaldo ngayong nalalapit na Pasko,
08:35may paalala ang Banko Sentral ng Pilipinas.
08:38Sa mga BSP authorized na banko lang dapat magpapalit ng lumang pera
08:41para sa bago at malulutong na perang papel.
08:44Libre lang din daw yan.
08:46Hinihikahit na ng BSP ang publiko na gumamit ng e-wallet
08:49o online banking para sa mas ligtas at mas mabilis na pagpapadala ng Aguinaldo ngayong holiday season.
08:54Bisperas na ng Pasko bukas at may mga last minute Christmas shopper pa
09:05na mga panregalo.
09:07Saan pa ba darayo ang mga gustong makatipid?
09:09E sa Divisoria sa Maynila.
09:12Balita hatin ni James Agustin.
09:13Maaga sa Divisoria si Carlo kasama ang tatlong taong gulang niyang anak na si Sang.
09:21Galing silang pasay.
09:22Ngayon lang sila mamimili ng mga panregalo para sa walong inaanak ni Carlo.
09:26Susuliti na rin daw nila ang punta sa Divisoria para maibili ng damit ang kanyang anak.
09:30May hirap na po mamili mamaya sir kasi gawa na maraming tao this season.
09:34Ano ba mga hinahanap niya po pala?
09:36Damit at saka laruan sir. Alam mo naman yung mga gusto ng bata.
09:40Si Roseline ilang ampaw ang binili para sa Christmas party ng kanilang mga staff sa kanilang negosyo.
09:45Ramdam na raw niya ang Christmas rush dahil nangangalhati pa lang siya sa kanyang listahan ng mga re-regaluhan.
09:50Kasi po mamaya siksikan na.
09:54Kaya ano, inagahan na namin kasi last minute na yung iba.
09:58May checklist ako kung ano, chine-cheekan ko yun pag, ah, okay, accomplished na, ganyan.
10:04So ngayon nakakalahati na. Medyo madami-dami po kasi yung staff namin sa story.
10:09Mabenta ang mga laruan na 25 pesos hanggang 35 pesos ang kada isa.
10:13Mula sa mga laruan baril, kotse, billiards, kitchen set at board games.
10:18Mabili rin siya po kasi pagdating ng ano, pwede rin po siya pang regalo, pwede rin pang tinda sa ano.
10:25Pinapakayaw rin.
10:26Alin na pinakamabenta?
10:27Ito yung mga pambabae, saka yung mga baril-barilan.
10:31Ang mga terno pambabae, 100 pesos hanggang 150 pesos.
10:35Ganyan din ang presyo ng mga pantulo.
10:37Sa panlalaki, 200 pesos sa mga t-shirt at sando.
10:40Mabibili naman ng terno pambata mula 180 pesos hanggang 500 pesos depende sa klase.
10:45Maganda, mabenta.
10:46Maraming taong pumupunta.
10:50Tapos nabenta yung mga pterno, yung mga panjama, ginagabi nila sa mga panjama-jama party nila, sa mga duster, yung mga pambata.
10:59Lahat nabenta talaga ngayon.
11:00Patok din sa mga mamimili ang mga panigalong towel set na 120 pesos.
11:05Mabibili naman ng sling bag mula 3 for 100 pesos yung maliliit hanggang 250 pesos kada peraso yung malalaki.
11:12Si Bella halos mapununan ang mga pinamili ang daladala niyang malaking plastic.
11:16Dinayo raw niya talaga ang divisorya.
11:18Medyo mura, sir. Maraming mapagpilian.
11:21Ano ba mga hinahanap niya?
11:23Yung mga pagregalo sa mga bata, anak na dalaga.
11:29Merry Christmas pa.
11:30Happy New Year, sir.
11:31James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:37Dalawang araw bago magpasko, makibalita po tayo sa inaasahang hebigat na trafiko sa Nolto Sun Expressway o NLEX.
11:44Makakakapanem natin si Assistant Vice President for Traffic Operations ng NLEX Corporation, Robin Ignacio.
11:50Magandang umaga po at welcome sa Balitang Hali.
11:54Good morning po at bumalini po sa ating mga talagat-subaybay ng Balitang Hali.
11:58Apo, kumusta po ngayon ang dalaw ng trafiko dyan po sa NLEX?
12:02Yes, sa ngayon po, starting around 11 a.m., unti-unti na naman po dumadami yung ating mga kababayan bumabiyake.
12:10Lalong-lalong na po itong panorte, meron na pong medyo pagbagal ng dalaw ng trafik.
12:16Mula po dito sa may Valenzuela area up to Mecawayan area.
12:21Pero mabilis-bilis pa naman po yung tapuan at wala naman po tayong incidente na nagkakos ng congestion.
12:30Anong oras po nyo inaasahang dadagsapa?
12:32Yung mga motorista at ano mga areas yung usually nagkakaroon ng clogging, ika nga, dyan po sa NLEX?
12:38Apo, bagamat marami na po tayong naobserbahan na bumiyahin na po nung Friday, Saturday at saka maging kahapon po.
12:48Pero inaasahan natin na itong unti-unti pagtaas ng dalaw ng trafik ng ating ngayon ay tuloy-tuloy pa po ito hanggang mamayang hapon or early evening na po ito.
12:56At yun po, kadalasan na observe po natin na talaga ang pag-skip ng dalaw ng trafik is dito po sa may pagkalagpas pa lang po ng Balintawakpo Plaza.
13:09Tuloy-tuloy po yan hanggang Marilao area.
13:12Ganon din po yung ating pa-southbound.
13:15Mula pa po nung Friday, Saturday at saka nung kahapon, meron din po tayong volume talaga yung pa-southbound.
13:21So, before Bocawe-tuloy plaza and right after Bocawe-tuloy plaza, meron po tayong pag-bagal ng dalaw ng trafik po dyan hanggang dito sa may Valenzuela area.
13:33So, ang sanin lang po nito talaga yung volume ng mga sasakyan.
13:36Mga ilan po yung in-increase mga ganitong panahon?
13:39O, patama po yun, sir.
13:41Ang volume lang po yung nagkukos ng pagbigat ng dalaw ng trafik natin.
13:46At ang inaasaan nga po natin mula po December 19 hanggang January 5 ay maaaring tumas po ng 5% po mula po sa normal daily average po natin.
13:56Ang normal daily average po natin dito sa NLEX is si 350,000 and then si SETEX ay 8,000 at another 20,000 naman po dito sa NLEX connector.
14:07Sa ngayon, wala naman po construction na ginagawa sa kaabaan itong NLEX?
14:11Wala naman po, sir. Mula po nung December 19, wala po tayong lane crossers, wala na po tayong mga road work.
14:19At tuloy-tuloy na open po lahat ang ating lanes hanggang January 5 na po ito.
14:25Para po sa ating mga kababayan, ano po yung mga dates na libre yung toll dyan po sa NLEX?
14:31Apo, yung nai-announce na naman na po namin, umpisa po ng 10 p.m. po ng December 24 hanggang 6 a.m. ng December 25.
14:43Ganon din po sa 10 p.m. po ng December 31 hanggang 6 a.m. po ng January 1 na po.
14:49North at south, baan po ito?
14:51Yes po. Actually, lahat po ng Metro Pacific tollways, expressways.
14:57At dito sa North, kasama po ang NLEX connector, ang NLEX at saka ang MESITEX.
15:03May paalala po ba kayo sa mga motorista na daraan dyan po sa NLEX ngayong holiday rush?
15:08Nasa inyo po ang pagkakatawan?
15:09Apo, yun pa rin po yung lagi natin paalala na kailangan po ay nakahanda yung ating mga magbibiyaheng, mga kababayan po natin.
15:18At sa pagkahanda po nila, sana po ma-check po nila na nasa tamang kondisyon yung kanilang mga sasakyan bago bumiyahe.
15:25At yun din po sana yung magdadrive.
15:27At yun po, sana may sapat na pahinga, nasa tamang kondisyon.
15:30At kung pwede din po mag-monitor po sana nung kasalukuyang traffic situation dito sa NLEX, para kung maka-monitor po ng talagang sobrang sikit ng dali ng traffic at kaya naman po mag-adjust nung oras ng kanilang pagbabiyahe, ay mas malinang po gawin na po siguro nila.
15:47Ito pong napapanood sa ating screen ngayon, FB Live po ng inyong social media page.
15:52Makikita rin po ito ng publiko kung gusto nilang makita yung kasalukuyang sitwasyon ngayon dyan sa NLEX.
15:57Yes, sir. Tama po. Sa NLEX Corporation po sa FB Live po natin, may select CCTVs po na makikita din po nila yung kasalukuyang sitwasyon ng traffic dito sa NLEX.
16:10Okay. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa balitang hali.
16:14Salamat po at magandang panghali po.
16:16Yan po si Robin Ignacio, AVP for Traffic Operations ng NLEX.
16:20Labindimang milyong piso ang isinauli ng kontraktor na si Sally Santos sa gobyerno.
16:30Inihati dito sa tanggapan ng Department of Justice gamit ang armored vehicles kahapon.
16:35Ayon kay DOJ spokesperson, Attorney Paulo Martinez, bahagi ito ng partial restitution ni Santos at arinsunod sa kanilang napagkasunduan.
16:43Si Santos ang may-ari at manager ng Sims Construction Trading na sangkot sa umune Ghost Flood Control Project sa Baliwag, Bulacan.
16:52Umamin dati si Santos sa pagdilig ng Senado na ipinahiram niya ang lisensya ng kumpanya sa ilang engineer ng DPWH pero hindi ron niya alam na gagamitin yon sa mga ghost project.
17:02Sa ibang balita, pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na guilty sa tatlong polis na sangkot sa pagpatay sa noy labing-pitong taong gulang na estudyanting si Kian De Los Santos sa Kaloocan.
17:16Sinintensyahan ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng hanggang 40 taon ang mga polis na sina Arnel Juarez, Jeremias Pereda at Jerwin Cruz.
17:25Inutusan din sila magbayad ng P275,000 bilang danyos sa pamilya De Los Santos.
17:31Ayon sa SC, nakita ang lahat ng elemento ng murder sa kaso ni Kian.
17:36Gabi noong August 16, 2017, sa kasagsagan ng kampanya kontra iligal na droga, sinakta ng mga polis si Kian na napagkamalang drug suspect.
17:44Wala rin habas na pinagbabaril ang biktima kahit nagmamakaawa na siyang pakawalan dahil ma-exam siya kinabukasan.
17:51Hindi rin lumusot ang depensa ni Oarez na ginagampanan lang niya ang kanyang tungkulin.
17:55Ayon sa Korte Suprema, hindi bahagi ang pagpatay sa pagtugon sa tungkulin bilang mga polis.
18:02Hindi rin daw standard sa operasyon ang pagpatay sa isang minority edad.
18:07Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng mga akusado.
18:10Ay, nahulog!
18:14Lalunod silang danawa!
18:17Nahulog sa umapaw na Pinakanuan River sa Ilagan, Isabela ang van driver na yan at dalawang tumutulong sa kanya.
18:23Pinilit daw ng driver na tawirin ang Bakulod Overflow Bridge kahit may abiso ng huwag tumuloy dahil umapaw na ang ilog.
18:30Tumaob ang bankang ginagamit ang dalawang rescuer na tumutulong doon sa driver.
18:35Mabuti na lang na may isa pang bangka na sumaklolo sa van driver at dalawang naunang rescuer kaya naiahon sila sa ilog.
18:42Umapaw noon ang Pinakanuan River dahil sa ulang dala ng hanging amihan at shear line.
18:50Kumustahin naman natin ang sitwasyon sa Naiya bago ang bespiras ng Pasko.
18:54May ulat on the spot si JP Soriano.
18:57JP!
18:57Raffi, mga kapuso, dalawang araw bago magpasko, wala pong patid yung pagdating ng mga kababayan natin dito sa Naiya Terminal 3.
19:08Kung saan tayo naroon ngayon sa arrival section, Raffi, kung sa aking likuran na medyo pumunta lang tayo dito dahil ayaw natin maabala yung mga kababayan natin.
19:15Karamihan mga OFW, Raffi, mga balik-manggagawa na sinikap po makabalik ng bansa para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
19:23Marami pong eksena ng akapan, mga nagmamano.
19:26At kahit po ilang araw na lang ay Pasko na, sabi na nga ang pamunuan ng MIAA, napakarami pa rin talaga ang mga dumarating dito sa tatlong terminals ng Naiya.
19:35Terminal 1, 2, 3. At kahapon nga, December 22, umabot ng 164,858 ang kabuang bilang na mga paseherong dumating at umali sa tatlong terminals ng Naiya.
19:48Mataas daw po yun ng tatlong porsyento o mahigit tatlong porsyento kumpara sa parehong period noong nakaraang taon o parehong petsa noong 2024.
19:57At dito po sa labas ng Naiya, pagkatapos nga po syempre sa lubungin ng mga kababayan nila o mga mahal nila sa buhay
20:03ang kanila mga nagbabalik bayang OFW.
20:06Sa labas naman po sa mga terminal base o sa mga arrival base, medyo meron din queue na mga sasakyan pero systematiko naman ang pagpila ng mga sasakyan dyan.
20:16Hindi na po ganon ka-traffic kumpara noong mga nakaraang araw pero sabi po ng pamunuan ng MIAA, maagang o mabuting planuhin din na mabuti ang inyong biyahe
20:24kahit nga po marami na po ang mga nakabalik na ng Pilipinas at syempre marami pa rin ang paalis doon naman po sa departure area na ating iikutan din
20:33maya maya. At yan muna ang latest, balik muna sa iyo, Rafi.
20:37Maraming salamat, JP Soriano.
20:45Habang abalang maraming ngayong holiday season, busy naman ng ilan sa panluloko.
20:50Kaya magingat sa ilang holiday scams para huwag maging biktima.
20:54Una sa listahan, magingat sa mga peking tawag na nagpapakilalang taga-banko o e-wallet o financial service company
21:01na nagsasabing kailangang i-verify ang inyong transaction.
21:05Tip para makaiwas dito, huwag ibigay ang inyong one-time password at iba pang personal na impormasyon.
21:12Iingat din sa mga nagpapadala ng links para i-claim raw ang inyong reward, refund o reactivation ng account.
21:19Kapag clinic niyo yung link, dinadala kayo sa fake website para manakaw ang inyong login details.
21:24Ang tip, think before you click mga kapuso.
21:28Maging alisto rin sa mga bogos o peking online seller o buyer.
21:32Para makapag-scam, aya nagsasend sila ng AI-generated screenshots ng payment nila.
21:37Ang tip, i-double-check ang profile ng inyong katransaksyon.
21:41Maigi rin kung sa mga lehitibong website lang mamili.
21:45At may mga scammer din na nagpapanggap na kamag-anak o kaibigan
21:48sabay hingi ng pera para daw sa emergency.
21:52Ang tip, i-verify muna maigi sa ibang paraan kung ang inyong kausap ay kamag-anak o kaibigan nyo
21:58bago magpadala ng pera.
22:02Sa iba pang balita, pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte
22:06ang mga aligasyon ni Ramil Madriaga laban sa kanya.
22:09Si Madriaga na nakakulong ngayon sa kasong kidnapping
22:12ay nagpakilala ang dating civilian intelligence agent
22:15ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ni Vice President Duterte.
22:20Sinabi rin ng kanyang abogado na dalawang beses binisita ng bisi si Madriaga sa detention facility.
22:26Reaksyon dito ng bisi, wala siyang personal na relasyon o ibinigay na utos kay Madriaga.
22:31Hindi rin daw niya dinalaw sa kulungan si Madriaga at hindi nakausap kailanman.
22:36Sinabi rin ng bisi na kuha sa mga public event na dinulah niya ang mga larawan
22:40na isinumitin ni Madriaga kung saan makikitang magkasama sila.
22:44Hindi rin ito magpapatibay sa mga aligasyon ni Madriaga.
22:48Naroon daw si Madriaga bilang bahagi ng isang election campaign group.
22:51Ayon pa sa bisi, puro akusasyon lang ang binitawan ni Madriaga
22:55at walang dokumento o koraborasyon na magpapatunay rito.
23:00Ginagawa lang daw ito ni Madriaga para matiyak ang kanyang paglaya
23:03at paraan niya pahinain ang posibilidad ng kandidatura ni Duterte sa pagkapangulo.
23:09Ito ang GMA Regional TV News.
23:16Patay ang mag-asawang senior citizen na nahulog sa bangin
23:19matapos mabanggan ang pick-up ang kanilang motorsiklo sa Zambonga City.
23:24Ayon sa pulisya, nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan ang mag-asawa.
23:28Nagtamo rin na minor injuries ang pick-up driver at ang pasahero niyang minor de edad.
23:33Batay sa imbestigasyon, mabilis ang patakbo ng pick-up habang dumaraan sa pakurbang bahagi ng kalsada.
23:40Napunta ito sa lane ng kasalubong ng motorsiklo at nakaladkad ng pick-up ang motorsiklo patungo sa bangin.
23:47Hawak na ng pulisya ang pick-up driver na mahaharap sa reklamong reckless driving resulting in double homicide.
23:53Wala siyang pahayag.
23:54Ready for the holidays na ang ilang Kapuso stars.
24:03Ibinahagi rin nila ang kanilang New Year's resolution at mga inaasahan sa 2026.
24:09Si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
24:13New Year's resolution ang pagbabawas ng screen time o paggamit ng gadgets para maging productive.
24:19Niregaluhan niya rin ang sarili niya ng treadmill for her running era.
24:22Si Jake Vargas naman looking forward sa nalalapit na kasal nila ni Ina de Belen.
24:29For Christmas, kasama niya mag-celebrate ang kanyang family.
24:32Si Miss Universe Philippines 2023 at sparkle artist Michelle Marquesti makakasama rin ng family sa Pasko.
24:39Balak daw niyang mag-dress down and relax for the holidays.
24:43Looking forward na rin siya sa mga project niya sa 2026.
24:46Hashtag blessed and grateful si Apoy sa Dugu star Ashley Ortega dahil sa iba't ibang goals na kanyang na-achieve this 2025.
24:58Mas extra special pa nga ang holiday season for Ash dahil sa surprise birthday bash organized by her fans.
25:05Narito ang latest mga mare at pare.
25:07Feeling nagdiburaw ulit si Ashley Ortega sa inihandang birthday party para sa kanya ng kanyang fans.
25:18Sa December 26 pa ang birthday ni Ash.
25:21Pero mas maaga nila itong isinelebrate bago pa maging busy ang lahat ngayong holiday season.
25:27Emosyonal daw siya dahil sa time and effort na ibinigay ng kanyang fans to make her feel special.
25:33Talagang sinurprise nila ako and sobrang nostalgic ng feeling kasi yung last time na nag-feeling ko first and last yung nag-party ako ng malaki was my debut.
25:43Turning 27 na si Ash at masasabi raw niya na one of the best years niya ang 2025 dahil marami raw siyang na-achieve.
25:52Ang ilang dyan, ibinahagi pa ni Ash sa Achievement Cake Trend kasama ang kanyang sparkle artist friends.
25:59This year, I am the CEO and founder of Sibu.
26:04We sold 500 candles already.
26:09I bought a condo investment.
26:13I won Best Actors again.
26:16Mayroon din siyang Metro Manila Film Festival movie, ang Shake, Rattle and Roll, Evil Origins.
26:22At upcoming kapuso drama series na Apoy sa Dugo.
26:26Honestly, ang hirap i-let go na magta-27 na ako.
26:30I feel like I want to stay 26 forever because sobrang daming blessings na nangyari sa buhay ko
26:36and sobrang grabe yung pivotal moment sa life ko.
26:39I feel like 26 changed my life for the best.
26:42Looking forward na rin si Ash to celebrate Christmas at sa ibibigay na regalo ng boyfriend na si Mavele Gaspi.
26:48Naku, hindi ko pa alam.
26:51Excited ako sa gift ni Mami but I don't know yet.
26:54Pero actually, natutuwa nga ako kasi last year, since syempre birthday ko after Christmas,
27:00dalawa talaga yung binibigay niya sa aking gift.
27:02Kasi sanay ako na isang gift lang binibigay sa akin ng tao, pang Christmas and pang birthday.
27:06Pero him, laging separate yung Christmas and birthday gift ko.
27:09Pero hindi ko pa alam.
27:11Nang tanungin naman ang kanyang birthday wish.
27:13Sana matapos na po yung corruption.
27:15I couldn't ask for more kasi talagang this year, sobrang daming blessings na na-achieve.
27:22And sana next year, si Lord nang bahala.
27:24Kung ano mang blessing ang ibigay niyo sa akin, ano mang birthday gift ibigay niyo sa akin, I trust Him.
27:29And wala na akong may hihiling pa eh kasi talagang sobrang best year ko tong 2025.
27:35Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
27:43Holiday cheers ang hatid ng magbabarkada sa isang coffee shop sa Maynila.
27:48Ang kanila kasing reunion bonding naging caroling real quick.
27:52Ako, pwede bang makijoin? Kaso po usap mo.
27:55Joy to the world, the Lord has come. Let our receiver king.
28:03For sure na hindi kasi sigaw ng patawad po.
28:06Literal na joy kasi ang hatid ng magbabarkadang yan to the world.
28:10Kwenta ng uploader na si Japet Lapidario, reunion niya nilang magtotropa.
28:16At bago magpunta sa coffee shop, legit na nangaruling talaga sila.
28:20Dagdag pa ni Japet, mga dating membro sila ng kanilang school chorale.
28:24Yun naman pala, kaya naman, kaya dalang-dala nila ang Christmas vibes.
28:29Ang video na yan, may online na ginalo ng 1.3 million views.
28:34Trending!
28:36Ayun na nga, duda ko.
28:37Gusto ko na sana eh, kaso paus ako eh.
28:40Hintayin niyo mawala yung pagkapaos nito.
Comments

Recommended