- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Baguio City, nakapagtala ng 16.8 degrees celsius na minimum temperature ngayong araw
-Ombudsman Remulla: 2 big fish kaugnay sa issue ng flood control, malapit nang kasuhan; kabilang dito ang isang senador
-Nasa 1,500 special permits para sa mga bus na bibiyahe ngayong Kapaskuhan, inilabas ng LTFRB
-Ebidensya at pagkuwestyon sa nakitang traffic violation, kabilang sa bagong features ng mayhulika.mmda.gov.ph
-Babaeng kinasuhan dahil sa pag-recruit sa isang menor de edad na magtrabaho umano sa isang bar sa Marikina, arestado; itinanggi ang paratang
-Balamban MDRRMO: 80 pamilya, apektado ng pagbaha
-Tumatawid na babaeng senior citizen, patay matapos magulungan ng pison sa Brgy. New Cuyapo
-20-anyos na lalaking nabuyo raw na tumalon sa creek, natagpuang patay matapos ang 2 araw
-Iba't ibang Christmas pasyalan sa ilang probinsiya, binuksan ilang linggo bago ang Pasko
-Phl Army: Leader ng grupong Dawlah Islamiyah-Hassan Group, patay sa engkwentro sa militar
-PhilHealth sa P60B na pondong ipinababalik ng Korte Suprema: Gagamitin para mapabuti ang serbisyo, benepisyo at pagpapatupad ng Universal HealthCare Program
-Sawang lumalangoy sa baha sa Brgy. Maoyod Poblacion, hinuli at ibinigay sa Albay Park and Wildlife
-Alice Guo, nakakulong na sa Correctional Institution for Women matapos mahatulang guilty sa kasong qualified human trafficking
-Lalaki, patay matapos sagasaan ng motorsiklo at gulpihin ng isang grupo
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Ombudsman Remulla: 2 big fish kaugnay sa issue ng flood control, malapit nang kasuhan; kabilang dito ang isang senador
-Nasa 1,500 special permits para sa mga bus na bibiyahe ngayong Kapaskuhan, inilabas ng LTFRB
-Ebidensya at pagkuwestyon sa nakitang traffic violation, kabilang sa bagong features ng mayhulika.mmda.gov.ph
-Babaeng kinasuhan dahil sa pag-recruit sa isang menor de edad na magtrabaho umano sa isang bar sa Marikina, arestado; itinanggi ang paratang
-Balamban MDRRMO: 80 pamilya, apektado ng pagbaha
-Tumatawid na babaeng senior citizen, patay matapos magulungan ng pison sa Brgy. New Cuyapo
-20-anyos na lalaking nabuyo raw na tumalon sa creek, natagpuang patay matapos ang 2 araw
-Iba't ibang Christmas pasyalan sa ilang probinsiya, binuksan ilang linggo bago ang Pasko
-Phl Army: Leader ng grupong Dawlah Islamiyah-Hassan Group, patay sa engkwentro sa militar
-PhilHealth sa P60B na pondong ipinababalik ng Korte Suprema: Gagamitin para mapabuti ang serbisyo, benepisyo at pagpapatupad ng Universal HealthCare Program
-Sawang lumalangoy sa baha sa Brgy. Maoyod Poblacion, hinuli at ibinigay sa Albay Park and Wildlife
-Alice Guo, nakakulong na sa Correctional Institution for Women matapos mahatulang guilty sa kasong qualified human trafficking
-Lalaki, patay matapos sagasaan ng motorsiklo at gulpihin ng isang grupo
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Ilocos Region at malaking bahagi ng Cagayan Valley Region, Central Zone at Calabar Zone.
00:42Dalawa parao na big fish ang malapit ng kasuhan kaugnay sa isyo sa flood control projects ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Rimulla,
00:50isa sa kanila incumbent o kasalukuyang senador.
00:54Balita natin ni Jonathan Andal.
00:55Kasunod ni Nazal Dico at Sara Diskaya, may dalawa pang malaking isda ang malapit ng sampahan ng kaso ng Ombudsman
01:07dahil sa isyo ng korupsyon sa flood control projects.
01:10Sinabi yan ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla sa kanyang radio program.
01:14Of the big fish, may isa tayong tingin ko hinug na hinug.
01:19Papasok.
01:19Pasok na.
01:20Papasok.
01:20May isa pa na yung PI na delay ng konti, pero malapit na rin yun.
01:26Marami pa tayong ibang inaay na ibang cases.
01:31Kaya within the next few days marami ipa-file.
01:34Sandigan tsaka sa RTC.
01:36Regular.
01:36RTC, RTC.
01:37Walang binigay na pangalan si Rimulla, pero sinabi niyang sumulat siya kay Senate President Tito Soto
01:45para pigilang makalabas ng bansa ang isang senador.
01:48Sumulat din ako kay Tito Sen na huwag nabigyan ng travel authority.
01:53Ibig sabihin, senador yan.
01:54Yung isang nakaupo.
01:55Isang nakaupo.
01:57Huwag muna.
01:58Ano pa ang puno mo?
01:59Ano ang puno?
01:59Tatlo.
02:00Kaya lang, yung isa kasi mahihinug na eh.
02:03Wala muna.
02:03Huwag muna.
02:03Wala muna.
02:04Pero yung isang nakaupo, hinug na hinug na.
02:06Oo, oo.
02:07Isa.
02:08Pero sabi ni Senate President Soto, hindi niya pa natatanggap ang sulat ni Rimulla.
02:13Hindi an niya required kumuha ng travel authority ang isang senador kung personal ang biyahe.
02:19Sabi ni Soto, sa polisiya ng senado, official travel lang daw ang kailangan ng approval ng Senate President.
02:25Pero iba ang opinion dyan ni Rimulla.
02:28When you join government, you surrender your right to travel.
02:31And even your personal travel, you need the travel authority.
02:34Si dating senador Bong Revilla na iniimbisigahan din ang ICI, sinabi naman sa isang pahayag na ginagamit daw ang kanyang pangalan para malihis sa katotohanan.
02:44Hindi raw siya umurong noon at hindi uurong ngayon.
02:47Aniya, nasa panig niya ang katotohanan.
02:50Sinabi rin ni Rimulla na under investigation si dating Undersecretary Terrence Calatrava.
02:56Wala siyang binigay na detalye kaugnay nito.
02:58Nag-resign si Calatrava bilang Undersecretary ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas,
03:04na idinawit din ng mga diskaya sa pagkubra ng kickback sa mga flood control project.
03:09Kay Terrence Calatrava po, nag-usap po kami nito sa kanyang kondo po sa Makati.
03:16Tapos ang inuutusan na lang po niya na kumuha po ay si *** at saka yung kasama po po si ***.
03:23Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Calatrava.
03:27Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:32Sa ibang balita, naglabas na ng nasa 1,500 special permits ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
03:40Yan ay para tugunan ang demand sa mga pampasaherong bus ngayong Christmas season.
03:44Ayon sa LTFRB, efektibo ang special permit mula December 15 hanggang January 16, 2026.
03:50Nagdadagdag na rin daw ng mga Transport Network Vehicle Service o TNVS sa mga airport para sa mga parating at paalis na pasahero.
03:59Una nang iniutos ng Department of Transportation sa LTFRB ang pagpaparusa sa anumang taxi o TNVS driver na tatanggi sa pasahero
04:08o magkakancel ng book trip sa dahilang mabigat ang trapiko o malayo ang destinasyon.
04:14Abiso sa mga kapuso nating motorista sa Metro Manila, pwede nyo nang makita ang ebidensya ng inyong traffic violation sa no-contact apprehension policy.
04:25Kabilang yan sa mga bagong feature ng may huli ka website ng MMDA.
04:29Balitang hatid ni Vona Quino.
04:31Kita sa mga litratong ito na kuha ng mga CCTV camera ng MMDA,
04:40ang mga motoristang gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.
04:44Meron ding hindi nakaseatbelt.
04:46Mga halimbawa ito ng mga ebidensya ng traffic violation sa ilalim ng no-contact apprehension policy o NCAP
04:53na kabilang sa mga bagong makikita sa may huli ka.mmda.gov.ph website ng MMDA.
05:00Kung magche-check lang ng violation, ang plate number at MV file number lang ang kailangang ilagay.
05:06Pero para maggamit ang lahat ng bagong features, kailangang mag-register.
05:11Isa sa mga bagong pwedeng magawa sa website ang pag-contest o pag-question sa itinag na violation.
05:16Pwede yan gawin mismo sa website sa pamamagitan ng e-contest option.
05:21Gumawa ng ticket at ilagay ang lahat ng detalye at i-upload ang lahat ng required na dokumento.
05:26May tag officer na magre-review niyan ng inyo pong rason kung bakit hindi kayo dapat ma-issuehan ng ticket.
05:36Ino-notify po kayo kung kailangang mag-hearing through ano na rin po yan, zoom meeting.
05:43Kung hindi lang iisa ang sasakyan, pwedeng i-register ang mga ito sa iisang account para isahan ang notification sakaling may paglabag.
05:51Ang multa sa inyong paglabag, pwede na rin bayaran sa pamamagitan ng isang e-wallet app.
05:58Ayon sa MMDA, gumagamit sila ng 186 AI cameras, 348 CCTV cameras at 100 body-worn cameras sa panguhuli para sa NCAP.
06:09Madaragdagan paan nila ito habang patuloy ang paglalagay ng mga CCTV.
06:13Sa datos ng MMDA, as of November 30, umabot na sa mahigit 250,000 ang naitala nilang traffic violations.
06:20Nasa 119,000 lang dito ang validated.
06:25Ito po ay about 47% ang confirmation.
06:30Marami po dyan ay invalidate dahil hindi dahil sa mali yung panguhuli, dahil medyo lenient pa rin po tayo.
06:38Particularly doon sa mga areas na medyo may konti pang conflict or issues regarding signages or other issues.
06:48Sa tansya ng MMDA sa weekend, sa susunod na linggo hanggang sa December 20, ang peak na mga babiyahe para sa Pasko at handa raw sila sa Christmas rush.
06:58Pero sana raw ay huwag ding dumami ang mauhuling traffic violators.
07:03Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:06Huli sa Tarlac City ang isang babaeng wanted sa illegal recruitment ng isang minor de edad para magtrabaho umano sa isang bar sa Marikina.
07:16Ang akusado itinangyang paratang.
07:18Balita natin ni EJ Gomez.
07:20Sa Tarlac City na huli na mga operatiba ang babaeng akusado sa pagrekrut umano sa isang minor de edad para magtrabaho bilang isang entertainer sa Marikina City.
07:33Ayon sa pulisya, Marso 2020 nang mangyari ang pagrekrut at pagpapasayaw sa biktima.
07:39Ito ay kanyang hinair. Pero nung nandito na po sila sa kung saan dapat magtrabaho yung ating biktima, against her will po, siya ay pinasayaw live at pinaalis ang mga saplot, isa pong disco house.
07:57Oktubre ngayong taon, inilabas ang arestwarat laban sa akusado na nagtaguraw matapos siyang ireklamo ng 17 anyos na biktima.
08:05Itinanggi ng 35 anyos na si Alyas Mami Marie ang paratang.
08:11Di raw niya alam na minor de edad ang babae na nagmakaawa pa raw sa kanya na mabigyan ng trabaho.
08:17Hindi rin daw niya pinilit ang babae na magsayaw ng walang saplot.
08:21By time na nagsasayaw na po yun yung babae po, medyo nagkainom na rin po siya nun.
08:29Hindi naman ako yung nagutos sa kanya na magupad siya po sa inyang ginawa yun.
08:34Kaya ako lang naman siya pinayagan nung gabi na yun.
08:38Kasi nakikiusap siya na wala na siyang pamasahe pag uwi niya ng balensuela.
08:44At saka sabi niya may baby daw siyang binubuhay.
08:47Sa custodial facility ng Marikina Polis na Kadite ng akusado,
08:51sinusubukan pa namin kunan ang pahayag ang biktima.
08:55EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:58Ito ang GMA Regional TV News.
09:05Maiinit na balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
09:10Naramdaman din sa Balamban, Cebu ang masamang panahong dulot ng Bagyong Wilma na naging low pressure area.
09:16Ceci, lalang barangay ang binaha doon.
09:18Grafi, tatlong barangay ang binaha sa Balamban dito sa Cebu ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
09:29Kita sa isang video na hawak kamay ang ilang residente habang tumatawid para hindi matangay ng rumargasang tubig.
09:41Sa ibang bahagi naman ng bayan, isang kotse ang natangay ng baha at nahulog sa bangin na may lalim na hanggang 30 talampakan.
09:49Sugatan ang driver na agad namang narespondihan.
09:52Sa Cebu Transcentral Highway, nagkaroon naman ng landslide. Patuloy ang clearing operations doon.
09:59Ayon sa Balamban MDRRMO, 80 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa bayan.
10:08Patay ang isang senior citizen matapos magulungan ng pison sa tantangan South Cotabato.
10:14Sa investigasyon ng pulisya, pauwi na sana ang 70 anyos na biktima matapos magsinba sa barangay New Cuyapo.
10:22Tumawid siya sa bahagi ng kalsadang may kinukumpuni nang biglang umatras ang pison na ginagamit sa pagpapatag ng asfalto.
10:31Hindi umano napansin ng operator ang tumatawid na biktima.
10:35Wala rin daw ibang nakapansin o nakapagsenya sa operator na may tumatawid sa nasabing kalsada.
10:40Hawak na ng pulisya ang driver ng pison at ang heavy equipment. Wala pang pahayag ang kaanak ng biktima.
10:47Patay matapos malunod sa creek ang isang binata sa Kaloocan.
10:55Ayon sa barangay, nabuyo lang ang biktimang tumalon sa creek.
10:59Malitang hatin ni Bea Pinla.
11:01Wala ng buhay at palutang-lutang kasama ng mga basura sa creek nang matagpuan ang 20 anyos na lalaki sa barangay 176 B. Kaloocan.
11:13Ayon sa barangay, maulan at malakas ang ragasan ng tubig sa creek nang tumalon doon ang lalaki.
11:20Nagkaroon po ng buyo na tumalon.
11:25E samantalang yung mga taga lugar doon, kabisado po nila na may kakapitan.
11:31Ito naman po si Biktima, hindi po niya alam yung lugar.
11:34Kaya po nung tumalon siya, hindi na po niya na ano yung sarili niya.
11:38Sinubukan pa raw siyang isalban ng isa sa mga bata sa lugar.
11:42Pero hindi na nakaya.
11:44Ayon sa kaanak ng Biktima, ang paalam lang daw niya noon, babysita sa bahay ng girlfriend niya.
11:50Nagchat po yung girlfriend niya na tumalon daw po yung kapatid namin.
11:54Nakiligo daw po siya sa mga kabataan na tiga doon sa area na yun.
12:00Dalawang araw siyang hinanap ng mga otoridad.
12:02Sinuyod nila ang bahagi ng creek na dumadaloy patungo ng Bulacan.
12:06Sa tagal po nang hinanap namin, lahat ng nilakbay po namin is pagdating po namin doon, masakit.
12:16Sobrang sakit po nang makita po siyang na okay po po siya nung umaga.
12:22Pagdating po ng ilang araw po, makikita na lang po pala siya sa tubigan na lumulutang po.
12:28Ayon sa barangay, hirap silang kontroli ng mga pumupunta sa creek.
12:34Patuloy daw ang pagpapaalala nila na iwasan ang pagtalun doon.
12:37Bukas po kasi siya sa magkabilaang barangay.
12:41Kaya nahihirapan din po kami na magkontrol sa mga tao at mga kabataan.
12:48Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:53Mga mares, 17 days na lang bago ang Pasko.
12:56Dumarami pa ang mga nagbubukas na Christmas pasyalan sa ilang probinsya.
13:01Pasyal tayo sa Balitang Hatid ni J.P. Soriano.
13:08Makulay at nanginingning sa gabi ang pasyalang ito sa Kandonilo Cusur.
13:12Dinarayo ang Christmas Village na libre sa lahat.
13:16Perfect sa young ones at mga young at heart.
13:19Lalo't ang ilang pailaw tila mga higanting candy.
13:23Ang higanting Christmas trees sa San Fernando City La Union.
13:27Hitip sa siyam na raang parol.
13:29Nagawa ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL.
13:33Selfie worthy ang tapukritong Tunnel of Light.
13:37Level up ang saya dahil sa Carnival Rides at Food Bazaar.
13:43Hawig naman sa Super Trees ng Singapore.
13:46Ang Christmas Display sa Lasam, Cagaya.
13:49Agaw pansin ang kanilang Hobbit House pati na rin ang higanting Christmas tree.
13:54J.P. Soriano.
13:56Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:00Patay ang hinihinalang leader ng isang teroristang grupo sa Mindanao matapos makainkwentro ang militar.
14:06Detail niyan sa ulat on the spot ni Jun Benaracion.
14:09Jun?
14:10Rafi, plak-plak ng mga sundalo ang pumasok sa barangay Satan, Sharif Aguak Maguindanao del Sur.
14:18Kahapon matapos makatanggap ng informasyon na doon nagtatago ang matagal na nilang hinahanap na leader ng humanoid teroristang grupo na Dawla Islamiyah.
14:27Gumamit din ang armored personnel carrier sa operasyon.
14:31Nang makita na ang kanilang target sa kanyang bahay, sandaling nagkaputukan na nauwi sa pagkamatay ni Ustad si Muhammad Usman Sulayman.
14:40Ang amir o top leader ng Dawla Islamiyah Hasan Group, ayon kay Brigadier General Edgar Cato ng 6th of 1st Brigade ng Army,
14:50dalawang minuto lang tumagal ang operasyon kung saan isang sundalo ang nasugatan.
14:54Na i-turnover din daw agad sa mga opisyal ng barangay ang napatay na suspect.
14:59Sabi ni Cato, si Sulayman ay bomb expert at sangkot sa mga serya ng boss bombing sa Central Minderao mula 2022 hanggang 2023.
15:10Sabi naman ni Major General Jose Vladimir Tadara, commander ng 6th in 20 Division,
15:17na malaking dagok sa teroristang grupo ang pagkamatay ni Sulayman.
15:21Ito na raw ang panahon para sumuko ang iba pa kasitirang biyambro ng Dawla Islamiyah.
15:27Raffi?
15:27Maraming salamat, June Veneracion.
15:32Gagamitin daw ng PhilHealth para mapabuti ang kanilang serbisyo at benepisyo,
15:36ang 60 bilyong pisong pondo nito na ipinababalik ng Korte Suprema.
15:41Ayon sa PhilHealth, kabilang rito ang pagpapatupad ng Universal Healthcare Program.
15:46Matatandaan noong 2024, ipinare-remit sa PhilHealth ang halos 90 bilyon pesos na sobra umunong pondo ng ahensya,
15:53na i-remit sa National Treasury ang naunang 60 bilyon pesos.
15:57Ang halos 30 bilyon pesos naman, hindi natuloy dahil nag-issue ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order.
16:03Sa desisyon ng SC, idiniklaran itong walang bisang special provision sa 2024 General Corporations Act
16:10at Department of Finance Circular na naging basihan ang paglipat ng 60 bilyon pesos sa National Treasury,
16:16matapos makita ng grave abuse at discretion ang pagpapatupad nito.
16:21Bukod sa pagpabalik sa PhilHealth ng 60 bilyon pesos,
16:25tuluyang ipinagbawal ng Korte Suprema ang paglipat ng natitira pang halos 30 bilyon pesos mula sa PhilHealth.
16:31Immediately, eksekutoryang utos ng Korte.
16:37Ito ang GMA Regional TV News!
16:46Isang sawa ang hinuli ng mga residente sa kasagsagan ng pagbaha sa Legas, Pialbay.
16:52Nagpupumiglas ang sawang yan na nakita ng mga residenteng lumalangoy sa baha sa barangay Maoyod, Poblasyon.
16:59Muntik para makapasok sa bakuran ng isang bahay ang ahas, kaya pinagtulungan na itong hulihin ng mga residente.
17:07Nai-turnover na ang sawa sa Albay Park and Wildlife.
17:10Nakakulong na si dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Correctional Institution for Women o CIWS sa Mandaluyong.
17:23Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology,
17:25biyernes ng gabi nang ilipat si Guo at dalawa pa niyang kapwa-akusado mula sa Pasig City Jail.
17:30Sa CIW, ipinakulong ng Pasig Regional Trial Court si Naguo matapos mahatulang guilty sa kasong qualified human trafficking at sinintensyahan ng life imprisonment.
17:41Kaug na ito sa mga iligal na gawain sa niraid na Pogo Hub sa Bamban Tarlac noong 2024.
17:47Sabi ng BGMP, 60 araw munang mananatili si Naguo sa reception ng Diagnostic Center bago ihalo sa iba pang nakakulong sa CIW.
17:56Huli kamang paghabol ng mga lalaking yan sa isa pang lalaki sa Kagitingan Street sa Barangay Muzon sa Malabon, Lunas noong nakarang linggo.
18:07Maya-maya, tumakbo sila pabalik.
18:10Hinabol na pala sila ng lalaki na may dalang baseball bat.
18:13Ilang sandali lang, sinagasaan siya ng motorsiklo na kabuntot pala sa kanya.
18:18Nang tumilapon doon na siya pinagtulungang gulpihin.
18:21Ayon sa polis, hinataw din siya ng baseball bat sa ulo.
18:24Sinugod sa ospital ang biktima pero binawirang buhay nitong biyernes.
18:30Naaresto na ang isa sa mga sangkot sa paghugulpin na sinusubukan pang kunan ng pahayar.
18:35Pinagahanap na ang iba pang suspect.
18:37Mahaharap sila sa reklamong homicide.
18:39Muzikai.
18:39Muzikai.
18:39Muzikai.
Be the first to comment