- 32 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Hotel sa Pasay kung saan pinaniniwalaang nagtatago ang 3 opisyal ng SunWest, Inc. na sangkot umano sa kuwestyunableng flood control projects, pinasok ng mga taga-PNP at NBI
-Duterte Defense Team: Hindi dadalo si FPRRD sa pagbaba ng desisyon ng ICC Appeals Chamber kaugnay sa apelang interim release
-Prayer vigil, isinasagawa ng mga tagasuporta ni FPRRD habang hinihintay ang desisyon ng ICC sa apelang interim release/Mga tagasuporta ng mga Duterte, dadalo raw sa Anti-Corruption Protest sa Linggo, Nov. 30
-Confidential letter umano ni Zaldy Co kay PBBM na nagpapaliwanag tungkol sa budget insertions, inilabas ng dating kongresista/Sen. Escudero at dating DPWH Sec. Bonoan, sinusubukang kunan ng pahayag kaugnay sa confidential letter umano ni Co sa Pangulo/ Ilang mambabatas, hindi kumbinsido sa mga pahayag ni Zaldy Co tungkol sa budget insertions; hinimok siyang umuwi sa bansa at panumpaan ang mga sinabi
-PNP, naka-full alert na para sa mga kilos-protesta sa November 30/Iba't ibang grupo, puspusan na ang paghahanda para sa kilos-protesta sa Cebu City sa Linggo
-Kapitan ng Brgy. Balibago, patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin
-Pag-ulang dulot ng Shear Line, nagdulot ng pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng Luzon/ Makilo Bridge, isinara matapos makitaan ng structural issues
-PAGASA: Trough ng Bagyong Koto o Verbena, magpapaulan pa rin sa Palawan
- Ph Consul General in Hong Kong: 1 Pinoy, nagpapagaling sa ospital; 1 pang Pinoy, kabilang sa 279 na hinahanap /3 opisyal ng kompanyang nagsasagawa ng maintenance sa nasunog na apartment complex, inaresto
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Duterte Defense Team: Hindi dadalo si FPRRD sa pagbaba ng desisyon ng ICC Appeals Chamber kaugnay sa apelang interim release
-Prayer vigil, isinasagawa ng mga tagasuporta ni FPRRD habang hinihintay ang desisyon ng ICC sa apelang interim release/Mga tagasuporta ng mga Duterte, dadalo raw sa Anti-Corruption Protest sa Linggo, Nov. 30
-Confidential letter umano ni Zaldy Co kay PBBM na nagpapaliwanag tungkol sa budget insertions, inilabas ng dating kongresista/Sen. Escudero at dating DPWH Sec. Bonoan, sinusubukang kunan ng pahayag kaugnay sa confidential letter umano ni Co sa Pangulo/ Ilang mambabatas, hindi kumbinsido sa mga pahayag ni Zaldy Co tungkol sa budget insertions; hinimok siyang umuwi sa bansa at panumpaan ang mga sinabi
-PNP, naka-full alert na para sa mga kilos-protesta sa November 30/Iba't ibang grupo, puspusan na ang paghahanda para sa kilos-protesta sa Cebu City sa Linggo
-Kapitan ng Brgy. Balibago, patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin
-Pag-ulang dulot ng Shear Line, nagdulot ng pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng Luzon/ Makilo Bridge, isinara matapos makitaan ng structural issues
-PAGASA: Trough ng Bagyong Koto o Verbena, magpapaulan pa rin sa Palawan
- Ph Consul General in Hong Kong: 1 Pinoy, nagpapagaling sa ospital; 1 pang Pinoy, kabilang sa 279 na hinahanap /3 opisyal ng kompanyang nagsasagawa ng maintenance sa nasunog na apartment complex, inaresto
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mainit na balita, pinasok ng mahigit isang daang polis at tauhan ng National Bureau of Investigation ng isang hotel sa Pasay.
00:10Para yan sa pagsisilbi ng waranto pares sa ilan pang tinutugis na akusado.
00:14Kaugnay sa 289 million peso road die project sa Nauhan Oriental Mindoro na questionable umano.
00:21Ayon sa PNP-CID-GNCR, sa hotel na yun, pinaniniwala ang nagtatago ang tatlong opisya ng SunWest Incorporated.
00:30Bukod sa kanila, dalawa pang individual mula sa SunWest ang kabilang sa mga akusado sa kasong Malversation of Public Funds at Paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
00:40Ang ibang detalya sa operasyon ng mga otoridad sa Pasay, iahatid namin maya-maya lang.
00:45International Criminal Court is now in session.
00:48Rodrigo Roa Duterte
00:52Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbaba o pagbaba ng desisyon ng International Criminal Court Appeals Chamber
01:06ngayong pong araw, alas 5.30 ng hapon, oras sa Pilipinas.
01:10Kaugnayan sa inapilang niyang interim release o pansamantalang paglaya.
01:14Sabi ng Duterte Defense Team, pumirma ng waiver ang dating Pangulo para hindi humarap sa pagbaba ng desisyon.
01:23Malalaman sa naturang pasya kung palalayain pansamantala ang dating Pangulo habang dinidinig ang kanyang kasong Crimes Against Humanity.
01:32Kaugnay po yan sa extrajudicial killings noong drug war.
01:37Iginigit kasi ng Duterte Defense Team na mahina na ang dating Pangulo kaya hindi na anila dapat siyang ikulong.
01:45Sa panayam ng Super Radio DZBB, sinabi ni ICC Assistant to Council Attorney Cristina Conti na mas mahalagang tutukan ang pagsusuri ng mga eksperto sa kakayahan ni Duterte na humarap sa paglilitis kesa sa pasya sa interim release.
01:58Sa Desyembre, ang deadline ng pagsusumitin ng expert opinion sa kondisyon ng dating Pangulo.
02:04Ang fitness to stand trial ang idinadahilan ng Duterte Defense Team para ipagpaliban ang confirmation of the charges hearing noong September 23.
02:1399% confident kami na hindi papayagan ng apelan niya.
02:21Bakit? Sa kasaysayan ng ICC at dun sa parametro, yung parang criteria ng interim release, talagang hindi pasok sa banga.
02:30Ang sinasabi na kagustuhan ni Duterte, mas importante, fitness to stand trial.
02:39Ito yung may medical issues ni Duterte, doon nakabaling.
02:42Dito sa interim release, legal issues na lang ito at apelan na ito sa isang nabasura ng request.
02:48Nag-prayer vigil ang taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang hinihintay ang desisyon ng International Criminal Court at Hills Chamber kaugnay sa apelan niyang interim release.
02:59Balita ang hatid ni Jomar Apresto.
03:01Nagdaraos ng prayer vigil ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa headquarters ng PDP Laban sa Santa Mesa, Maynila.
03:11Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, deputy spokesperson ng PDP Laban,
03:15ibat-ibang reliyon ang nagsama-sama para ipanalangin na pumabor sa dating Pangulo
03:19ang desisyon ng International Criminal Court o ICC para sa apelang interim release habang dinidinig ang kanyang kaso.
03:25Si Duterte ay nakakulong sa ICC detention facility sa Daheg, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity.
03:32Nagsimula ang programa ng alas 7 kagabi at magtatapos mamayaring alas 7 ng gabi.
03:36Ilan sa naabutan namin dito si na dating Energy Secretary Alfredo Cusi at dating Market Workers Secretary Abdullah Mamao.
03:43Nang tanongin naman namin si Atty. Topacio kung kumusta ang kalagayan ng dating Pangulo.
03:46Very restricted ang akses sa kanya pero from what I heard from those in the know
03:54He is very hopeful. Kami po ay umaapila na because of his advanced age at sa kanyang health
04:03if only for humanitarian reasons. Hindi naman yan flight risk, hindi naman magtatagu yan. May karamdaman yan.
04:10Sinabi naman ni Topacio na handa na rin sila para sa gagawing kilos protesta kontra korupsyon sa linggo, November 30.
04:16Nakiusap na rin umano sila sa mga dadalo na iwasan ng kaguluhan para hindi na maulit pa ang nangyari noong nakrankilos protesta.
04:22Hindi pa raw malinaw sa ngayon kung dadalo sa programa si Vice President Sara Duterte.
04:28Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:37Hindi kumbinsido ang ilang mambabata sa mga pahayag ni dating Congressman Zaldico tungkol sa insertion sa budget.
04:45Ang paliwanag sa naturang budget insertion na kapaloob sa confidential letter umano ni Ko sa Pangulo na inilabas ng dating kongresista.
04:54Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
04:56Noong February 2025, sumulat po ako ng isang confidential letter kay Pangulong Marcos.
05:06Doon ko ipinaliwanag na ginagawa ko lang ang mga utos niya tungkol sa mga insertions na sinasabi niyang hindi na raw niya makilala.
05:16Tulad ng kanyang sinabi sa videong pinos noong Martes, inilabas ni dating Congressman Zaldico ang kanya umanong confidential letter kay Pangulong Bongbong Marcos.
05:28Ang pitong pahin ng sulat, pirmado ni Ko.
05:31Walang nakasaad na pecha rito, bagamat sinabi ni Ko na ipinadala niya ito sa Pangulo noong Pebrero.
05:39Hindi rin malinaw kung paano ito ipinadala sa Pangulo.
05:43Walang anumang marka na natanggap ito ng Malacanang o ng Office of the President.
05:48Sa liham, sinabi ni Ko na sumulat siya sa Pangulo para magpaliwanag dahil pakiramdam niya na akusahan ng Kamara na ginulo nito ang 2025 budget
05:59gayong sinunod lang naman daw nila ang National Expenditure Program na isinumite ng Ehekutibo.
06:05Binanggit din ni Ko sa sulat ang umanay 100 milyon pesos na budget insertion na hinihiling umano ng Pangulo.
06:14Sabi ni Ko na paulit-ulit daw niyang tinanong kung inutos nga raw ba talaga ito ng Pangulo.
06:20Kinumpirmaan niya ni na Nooy Budget Secretary Amena Pangandaman at dating PLLO Chief Undersecretary Adrian Bersamin na utos nga raw yun ng Pangulo.
06:31Sinisiri ni Ko sinooy Senate President Chief Escudero kung bakit na lumobo ng husto noon ang budget ng DPWH nang mas malaki pa sa budget ng edukasyon.
06:43Gusto raw kasi ni Escudero na magkaroon ng 200 milyon na alokasyon ang Senado na ang malaking bahagi ay ipapasok sa mga proyekto ng DPWH
06:53kaya kinailangang magbawas sa pondo sa ibang departamento.
06:58Nagbabala pa raw siya kay Escudero na hindi pwedeng mas malaki ang alokasyon ng DPWH kesa edukasyon
07:05pero nagbanta raw si Escudero na patatagali ng budget deliberations para magkaroon na lang ng re-enacted budget.
07:14Ito raw at ang hininging budget insertion ng Pangulo ang dahilan kung bakit naging mas malaki ang budget ng DPWH sa edukasyon
07:22bagay na hindi raw alinsunod sa saligang batas.
07:26Itinuro rin ni Ko ang staff ng Senado na siya raw may kasalanan sa kinwestiyon noong mga blanco sa Bicameral Conference Committee report sa 2025 budget
07:37at hindi raw ang mga tao ng Kamara.
07:40Binanggit din ni Ko si dating DPWH, Secretary Manny Bonoan.
07:44Ayon kay Ko, sa opisina raw ni Bonoan, nag-aaway-away umano ang mga broker at mga contractor dahil daw nakapagbigay na ng mga anyay advance.
07:54Hinimok pa ni Ko ang Pangulo na i-review raw ang mga naging desisyon ukol sa budget
07:59at investigahan ang papel ng Senado at ng mga pinakamalalapit na kaalyado ng Pangulo sa malakihang realignment sa budget.
08:09Hinihingan pa namin ang reaksyon si Escudero, si Bonoan at ang Malacanang tungkol sa mga sinabi ni Ko.
08:16Ang ilang mambabatas naman na aming nakausap, hindi raw kumbinsido sa mga pahayag ni Ko.
08:22Hinimok nilang bumalik ito sa bansa, panumpaan ng lahat ng kanyang sinasabi at humarap sa korte.
08:29Dapat niyang ihain ito sa proper forum and then make himself personally be able to at least make these complaints before the courts
08:43so that he can also be given the due process to make all these allegations come into light before the proper forum.
08:50Umuwi siya.
08:51Mahirap malaman kung ano yung nasa utak ni Saldico but if you look at the statements, it's very serious accusations but at the same time, sabi lang niya yun.
09:04Ang iniintay ko ay maglaba siya ng supporting evidence, lalong-lalo na yung independent corroboration.
09:11Dapat bumalik siya dito, iharap niya yung mga kaso.
09:15Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:22Naka-full alert na ang Philippine National Police para sa kilos protesta kontra korupsyon sa linggo, November 30.
09:28Ayon sa PNP, magpapakalat sila ng mahigit 15,000 polis para sa rally.
09:34Pagtitiyak daw ito ng maximum visibility ng polisya at makakarespondin ng mabilis kung kinakailangan.
09:38Inaasahan ng PNP na aabot sa 300,000 ang makikisa sa kilos protesta sa Luneta Park sa Maynila at People Power Monument sa Quezon City.
09:49Sa ngayon, wala naman daw silang natatanggap na banta sa siguridad.
09:53Puspusa naman ang preparasyon ng iba't ibang grupo para sa isa sa gawa ng kilos protesta sa Cebu City.
09:59Pangunahan ng rally ng Archdiocese of Cebu.
10:02Inaasahan daw nilang 5,000 ang lalahok sa linggo.
10:05Naghahanda na rin ang lokal na pamalaan para matiyak na magiging maayos at matiwasay ang kilos protesta.
10:13Ito ang GMA Regional TV News.
10:19Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:23Patay ang isang barangay chairman matapos tambangan sa Masantol, Pampanga.
10:28Chris, anong nangyari?
10:29Connie, naalam pa kung sino ang nasa likod ng pananambang maging ang kanilang motibo.
10:38Ay sa pulisya, pauwi galing sa isang birthday celebration si Kapitan Jin King Kiambao ng barangay Balibago ng Tambangan.
10:45Dead on arrival siya sa ospital.
10:47Sinusuri na na pulisya ang mga nakalap na ebidensya sa crime scene.
10:51Sa tala ng pulisya, mula 2022 hanggang sa kasalukuyan, aabot anim na punong barangay na sa Pampanga ang nasawi sa pamamaril.
11:02Nagdulot naman ng baha at landslide ang ulang hatid ng share line sa ilang bahagi ng Luzon.
11:07Sa Puntot at Ayaw, nasawi ang isang lalaki matapos matabunan ang gumuhuno pa sa barangay Aurora.
11:13Sa search and rescue operations, na-recover ang bangkay ng biktima.
11:17Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng biktima alinsunod sa hiling ng mga kaanak.
11:24Binaanaman ang maraming lugar sa Tuguegaraw, Cagayan dahil sa pagulan.
11:28Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, 50 barangay ang apektado.
11:35Nananatili sa evacuation centers ang nasa mahigit 2,000 pamilya.
11:39Patuloy ang monitoring ng mga otoridad,
11:41habang sa bayan naman ng apari, nalubog din sa baha ang ilang tanim na o taniman at bahay.
11:48Nakahanda naman ang mga otoridad doon para sa posibleng paglikas ng mga apektadong residente.
11:54Isin na rin naman sa mga motorista ang Makilo Bridge sa ating Lion, Kalinga,
11:58matapos makita ng issue sa istruktura nito.
12:01Hinala ng otoridad, nakaapektoryan ang pagulang dulot ng share line.
12:06Pinayuhan na ang mga motorista na huwag munang dumaan sa tulay para sa pagsusuri at pagpukumpo ni roon.
12:17Mga kapuso, nagpapaulan pa rin sa Palawan ang trough o buntot ng Bagyong Cotto o dating Bagyong Verbena,
12:23kahit nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
12:26Huling namata ng pag-aasang Bagyo, 190 kilometers north-northwest ng pag-aasa island sa Palawan,
12:32taglay ang lakas ng hangin na aabot sa isandang kilometro kada oras.
12:37Wala namang nakataas na wind signal sa alinman panig ng bansa.
12:41May ilan pang weather systems ang magpapaulan sa Luzon, ang Hanging-Amihan, Easterlies at Shear Line.
12:47Mas makaaasa ngayon sa maayos na panahon tayo rito sa Metro Manila,
12:50ilang bahagi ng Central at Southern Luzon, kasama na ang buong Visayas at Mindanao,
12:56pero posibli pa rin ang mga local thunderstorm, kaya maigi pa rin magbawa ng payong kung lalabas ng bahay.
13:03Light to moderate rains ang dapat paghandaan sa ilang bahagi ng Cagayan Valley Region,
13:07Cordillera, Palawan, Zambales, Quezon Province, Negros Island at Mindanao,
13:13base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
13:16Heavy to intense rains naman ang pusibling bumuhos particular sa Cagayan.
13:21Maari po yung magdulot ng baha at landslide.
13:24Pagsapit ang hapon, uulanin na rin ang ilan pang panig ng bansa.
13:28Umaga bukas at sa linggo, Bonifacio Day, bagyang huhupang ulan sa Cagayan Valley.
13:33Pusibli pa rin ulanin ang Palawan.
13:37Higit na mataas ang tsansa na ulan sa maraming lugar sa bansa,
13:40kasama ang Metro Manila sa bandang hapon o gabi.
13:47Stable ang kondisyon ng isang Pinoy na naospital matapos ang matinding sunog sa isa pong apartment complex sa Hong Kong.
13:55Ayon po yan sa aming panayan kay Consul General to Hong Kong Romulo Victor Israel Jr. sa Super Radio DZBB.
14:02Dinala sa Intensive Care Unit ang naturang Pinoy matapos siyang makalanghap ng maraming carbon dioxide mula sa sunog.
14:09Ayon sa Consul General, dinalo na siya ng mga taga-Overseas Workers' Welfare Administration o OWA sa Hong Kong.
14:17Isa pang Pinoy-anya ang kabilang sa mahigit dalawang daang hinahanap pa.
14:22Ligtas naman ang 25 pang Pinoy na nakatira sa naturang apartment complex.
14:28Nagpapatuloy ang search and rescue operations ng mga bombero sa Hong Kong.
14:31Sa tala ng Hong Kong Fire Department, halos ang daan ang napaulat na nasawi sa sunog.
14:38Inaresto naman ng Hong Kong Police ang dalawang direktor at isang konsultant ng kumpanyang nagsasagawa ng maintenance sa mga nasunog na gusali.
14:48Para po yan sa posibleng kapabayaan at paggamit ng mga hindi dekalidad na material sa mga gusali.
14:55Mga hindi dekalit ng mga hindi dekalit ng mga hindi dekalit ng mga hindi.
Be the first to comment