- 5 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Nakaparadang motorsiklo, tinangay; nagnakaw nito at pinagbentahan, parehong arestado at aminado sa krimen
-Pagtakas ng dalawang lalaking akusado sa pagpatay sa kanilang katrabaho, nahuli-cam/ Isa sa mga akusado, naaresto matapos ang 6 na taon/ Isa pang akusado sa pagpatay, nauna nang naaresto noong 2020
-25-anyos na babae, patay matapos pagsasaksakin ng kanyang pinsan sa Brgy. Agusan/
Suspek sa pagpatay sa kanyang pinsan, arestado; sinusubukan pang kunan ng pahayag
-Ex-Kapuso housemates, naghahanda sa kanilang future projects, fan meets at guestings; ang ilan, gustong i-explore ang music
-INTERVIEW: Atty. Francis Saturnino Juan
Chairperson & CEO, ERC
-Pamamahagi ng P5,000 cash aid para sa 31,000 delivery rider sa Quezon Memorial Circle, nagpapatuloy/ Ilang delivery rider, wala sa masterlist ng makatatanggap ng ayuda kahit lehitimong rider daw sila/ LTFRB, ipo-proseso at iche-check sa transport companies ang mga pangalang wala sa listahan/ DSWD, magkakaroon ng special payout schedule para sa mga wala sa initial na listahan
-Ombudsman: SALN ni VP Sara Duterte na hinihingi ng House Justice Committee para sa impeachment proceedings, handa na/ Ombudsman: Mga reklamo laban kay VPSD, consolidated na/
Ombudsman: Mga pahayag ni Ramil Madriaga, maingat na susuriin/ Ombudsman: Hindi totoong magagalaw ang mga frozen asset ng mga sangkot sa isyu sa flood control projects
-Pagsalubong ng baby sa amang galing sa trabaho, kinaaaliwan ng netizens
-CBB: Bagong teaser ng "The Master Cutter," siksik sa aksyon
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Pagtakas ng dalawang lalaking akusado sa pagpatay sa kanilang katrabaho, nahuli-cam/ Isa sa mga akusado, naaresto matapos ang 6 na taon/ Isa pang akusado sa pagpatay, nauna nang naaresto noong 2020
-25-anyos na babae, patay matapos pagsasaksakin ng kanyang pinsan sa Brgy. Agusan/
Suspek sa pagpatay sa kanyang pinsan, arestado; sinusubukan pang kunan ng pahayag
-Ex-Kapuso housemates, naghahanda sa kanilang future projects, fan meets at guestings; ang ilan, gustong i-explore ang music
-INTERVIEW: Atty. Francis Saturnino Juan
Chairperson & CEO, ERC
-Pamamahagi ng P5,000 cash aid para sa 31,000 delivery rider sa Quezon Memorial Circle, nagpapatuloy/ Ilang delivery rider, wala sa masterlist ng makatatanggap ng ayuda kahit lehitimong rider daw sila/ LTFRB, ipo-proseso at iche-check sa transport companies ang mga pangalang wala sa listahan/ DSWD, magkakaroon ng special payout schedule para sa mga wala sa initial na listahan
-Ombudsman: SALN ni VP Sara Duterte na hinihingi ng House Justice Committee para sa impeachment proceedings, handa na/ Ombudsman: Mga reklamo laban kay VPSD, consolidated na/
Ombudsman: Mga pahayag ni Ramil Madriaga, maingat na susuriin/ Ombudsman: Hindi totoong magagalaw ang mga frozen asset ng mga sangkot sa isyu sa flood control projects
-Pagsalubong ng baby sa amang galing sa trabaho, kinaaaliwan ng netizens
-CBB: Bagong teaser ng "The Master Cutter," siksik sa aksyon
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Kita sa CCTV ang lalaking niya na nakasandal sa motosiklong nakaparada sa barangay Bulihan sa Plaridel, Bulacan.
00:08Tumayo siya at binuksan ang compartment ng motosiklo.
00:12Ilang sandali lamang ay hinilan niya paatras at tinangay ang motosiklo.
00:17Sa isinagawang backtracking ng polisya, naaresto ang suspect at lalaking pinagbentahan niya ng motosiklo.
00:22Ayon sa polisya, kapitbahay ng may-ari ng motosiklo ang nahulikam na magnanakaw.
00:28Na-recover po ang motosiklo at ilan pang motosiklo na hinihinalang nakaw rin.
00:33Aminado sa krimen ang mga suspect na mahaharap sa reklamong car napping.
00:39Matapos ang halos 6 na taong pagtatago, naaresto na ang isang lalaking akusado sa pagpatay sa kanyang katrabaho sa isang
00:47panaderiya sa Valenzuela noong 2020.
00:50Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:55Kaswalang na naglalakad ang dalawang lalaking ito, galing sa panaderiyang pinagtatrabahuhan nila sa Lawang Bato, Valenzuela noong November 25, 2020.
01:05Pero ayon sa polisya, tumatakas na palanoon ang dalawa na nasa likod ng pagpatay-umano sa nakainuma nilang 20 anyos
01:15na katrabaho.
01:15Ang biktima, hinataw-umano sa ulo ng rolling pin at pinagsasaksak pa.
01:22Huli silang nakita na nagtatalo habang nagiinuman sa loob ng bakery at batay sa pag-iimbestiga doon sa lugar, may
01:31na-recover na rolling pin na duguan at gayon din yung kutsilyo na ginamit sa pananaksak sa ating biktima.
01:38Pinalo po siya ng rolling pin sa ulo, batay sa kanyang mga sugat na tinamo.
01:44Matapos ang humigit kumulang 6 na taon, na-aresto nitong lunes sa visa ng warrant of arrest sa kasong murder
01:50ang isa sa mga akusado.
01:53Nahuli siya sa barangay Maysan kung saan siya nagtatrabaho bilang construction worker.
01:58Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng akusado na nasa kustodiyan na raw ng BJMP.
02:04Ayon sa polisya, nauna nang na-aresto sa Maynila noong 2020 ang kasabwat-umanun niya sa krimen.
02:10Bea Pinlac, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:16Ito ang GMA Regional TV News.
02:22Patay ang isang babaeng 25 taong gulang matapos pagsasaksaki ng kanyang pinsan sa Cagayan de Oro City.
02:29Ayon sa polisya, natagpuan na lang nawala ng buhay sa kanilang bahay sa barangay Agusan ang babae.
02:35Nagtamu siya ng hindi bababa sa 20 saksak sa katawan.
02:39Na-aresto ang suspect matapos ituro ng 7 taong gulang na anak ng biktima.
02:43Ayon sa live-in partner ng biktima, nangungutang ang suspect sa kanyang asawa bago ang krimen.
02:49Patuloy pa ang investigasyon ng polisya ukol sa motibo sa krimen.
02:53Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang suspect na posibleng maharap sa reklamong murder.
03:03Thursday latest mga mari at pare.
03:06After ng successful stint nila sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0,
03:12ready to embrace na ang ex-capuso housemates sa new chapter ng kanilang career.
03:17Yan ang shinare nila sa kanilang media con kung saan present ang inyong mari.
03:22Si Capuso Big Winner Caprice Cayetano naghahanda na sa kanyang fan meet bukas.
03:28May nakaline-up na rin daw na upcoming teleserye at movie si Caprice.
03:33May fan meet din si second big placer Heath Hornales sa April 19 kung kailan haharanahin niya ang kanyang supporters.
03:42May upcoming guest appearance rin si Heath sa GMA Prime na Never Say Die.
03:47Gusto naman ni third big placer Ashley Sarmiento na i-explore ang music na na-discover ng kanyang fans.
03:55Si fourth big placer Princess Alia naman gustong balansihin ang acting at singing career.
04:01Busy naman si Marco Masa sa promotion ng upcoming Capuso Horror Film na Huwag Kang Titingin na Showing sa April
04:0915.
04:10Gusto rin ni Marco i-try ang music.
04:12I-ne-explore rin ni Clifford ang music at may upcoming guest appearance sa show ni Thea Astley Bukas.
04:19Nililis naman ni Lee Victor ang kanyang new single na inirecord bago siya pumasok ng bahay ni Kuya.
04:25Napapanood din siya bilang guest segment host sa unang hirit.
04:30Sinagot din ang housemates ang tanong sa kanilang PBB journey, gaya ng pagpapakatotoo nila sa loob ng bahay.
04:37Thankful rin sila na marami silang learnings after PBB na magagamit sa kanilang career, pati na sa pagdami ng kanilang
04:46supporters.
04:50Samantala, update tayo sa suspensyon ng operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market o WSM na epektibo ngayong araw.
04:57Kausapin natin si Energy Regulatory Commission Chair and CEO, Atty. Francis Sattornino Juan.
05:02Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
05:05Magandang umaga, Rafi, at sa lahat ng mga anak na ginig.
05:09Apo. Para po mas maintindihan ng ating mga kababayan, paano po makatutulong sa consumers yung suspensyon ng operasyon ng WSM?
05:17Dito sa ginawa nating suspension, punso na rin ng rekomendasyon ng Department of Energy,
05:22ang presyo, we will have a handle on the price that can be imposed by our different generation companies.
05:30Kasi kung normal na operasyon ng WSM, yung mga presyo na yan ay nakabase dun sa kanilang mga offers.
05:38At kung hindi natin sususpindihin, malamang ay magkaroon ng malaking pagtaas.
05:46Pasingilan sa kuryente dahil baka mayroong iba na manamantala dahil nga pataas ang presyo ng mga panggatong at pataas din
05:56ang demand
05:56at makapagtatakda sila ng presyo na sobra-sobra.
06:00So with the suspension of WSM, mayroon tayong handle dun sa prices that can be imposed.
06:05At the same time, mayroon din tayong handle on yung mga planta na madidispatch.
06:11So with the system operation guidelines na ipinalabas din ng Department of Energy,
06:17so madidesisyon lang kung ano-ano yung mga dapat na plantang unahin at ito yung karaniwang planta na mas mura.
06:24At kung kaya naman, ay yung mga planta na yung panggatong ay hindi naman nanganganib na maubusan tayo.
06:30So for security of supply na din, kaya nagkaroon ng pagdidesisyon ang ERC, naisuspindi na rin ang WSM.
06:38Siyempre, mangungunap po rito rin yung mga renewable energy sources.
06:42Gano'n ba kalaking prosyento yung ginagamit natin ngayon mula sa mga renewables?
06:47Malaking bahagi na rin. In fact, yung mga intermittent sources natin na naka mass dispatch
06:52ay umabot na rin sa mga double digit ang prosyento sa kabuang generation mix natin.
06:59At ang mga ito, kung sila ay available, sila ay talagang otomatikong mapatatakbo kasama sila sa dispatch.
07:05At ang susunod dito ay yung mga mas mura na patakbohin, lalo yung mga base load plants, yung mga coal
07:12ng panggatong.
07:13Mas mura kasi siya relative dun sa mga ibang uri ng planta tulad ng dose na tumatakbo sa oil.
07:20At magagarantiya ba nito na magiging sapat at stable yung supply ng kuryente sa bansa?
07:25Oo. Yung atin namang ipagagamit na presyuhan, yung administered prices, sisiguruhin din naman natin na magiging patas ito
07:34na yung ating mga generation companies ay makababawi pa rin, marerecover nila yung kanilang gastos
07:40at nang siya ganun ay patuloy din sila makapagsupply sa ating system.
07:44Nabanggit nyo ngayon yung gastos ng mga generators dito.
07:48Papano po yung pricing mechanism nito? Hindi ba sila malulugi?
07:52Yan ang tinitignan natin. Mayroon tayong itatakdang presyo para sa ibang specific na mga teknolohiya tulad ng oil.
08:00Pero kung yung presyo na yan ay hindi sasapat,
08:03ang sasabihin natin, mayroong mga teknolohiya tulad ng oil, maaari silang humingi ng additional compensation.
08:12Nang sa ganun ay mayroon pa rin silang full recovery ng kanilang gastos.
08:17Ano pong aasahan ng consumers sa mga susunod na buwan pagdating po sa presyo ng kuryente?
08:21Tag-init pa man din, mataas yung demand.
08:25Oo. May inaasahan na rin tayo na magiging epekto noong pagtaas na singil sa mga panggatong.
08:32Kaya't asahan natin na magkakaroon ng pagtaas na singil.
08:35Ito nga lang, ang ginagawa natin ay magkaroon ng kaunting intervention.
08:40Nang sa ganun ay magkaroon ng mitigation kung ano man niyang magiging pagtaas na yan.
08:44Gano'n naman po kahalaga na ngayon pa lang magtipid na yung ating mga kababayan?
08:49Gano'ng kalaking prosyento po ba ito kung yung isang household dahil magtipid ng kahit kaunti?
08:53Overall, ano magiging epekto po nito sa ating supply ng kuryente?
08:57Overall, kung marami ang gagawa niyan at mapababa pa natin yung ating system peak.
09:03So, mga nga hulugan nito,
09:06kakaunti ang kakailangan ng i-generate na kuryente doon sa mga panahon ito.
09:11So, bukod sa nakatitipid tayo dahil nagtipid tayo sa gamit ng kuryente,
09:15ay nakatutulong tayo sa pagpapababa ng singilan sa kuryente.
09:20Ayun nga, sana nga po na maraming mag-hit dito sa call ng pagtitipid dahil lahat naman ay makikinabang.
09:25Maraming salamat po sa oras na binahagi niyo sa Balitanghali.
09:29Maraming salamat, Rafi.
09:30Energy Regulatory Commission Chair and CEO Attorney Francis Saturnino Juan.
09:38Sinimulan na ang pamimigay ng ayuda sa mga delivery rider.
09:41At live po mula sa Quezon City, may ulat on the spot si JP Soriano.
09:45JP?
09:47Magandang tanghali, Connie.
09:48Sobrang haba pa rin ang pila ngayon dito sa Quezon Memorial Circle
09:51para sa nagaganap na payout ng 5,000 piso para sa delivery riders
09:55na apektado rin ng sobrang taas na presyo ng produktong petrolyo
09:59dulo sa grise sa Middle East.
10:01Connie, ayon sa PSWD, para sa Quezon City pa lang,
10:04aabot sa 31,000 delivery riders ang nasa listahan nila
10:08na makatatanggap ng 5,000 piso ng ayuda.
10:12Ipapamahagi raw ito sa 3 batches na inumpisahan niya ngayong araw,
10:16bukas at posibleng umabot pa hanggang lunes.
10:19Ang mahabang pila daraan pa rin sa proseso.
10:22Titila silang muli para sa step 1 para sa verification.
10:25Matapos matiyak na naroon nga ang kanilang pangalan sa master list,
10:29eh papupuntahin naman sila sa mga paymasters.
10:32Dito mo rin titignan ang kanilang driver's license at iaabot na ang 5,000 piso ng payout.
10:38Sa mga nakausap natin, Connie, na riders, eh iisa lang talaga ang sentimento.
10:42Napakalaking tulong daw nito para sa kanilang pamilya.
10:45Pero kung may mga riders na nakatanggap, meron ding mga riders ang wala sa listahan
10:50ang nagtungo rito sa pag-asang makakakuha ng ayuda.
10:54Sabi ng mga nakausap kong riders na wala sa listahan, eh hindi raw nila maintindihan, Connie,
10:59kung bakit hindi sila kasama, gayong mga legitimong riders sila.
11:02Ang mga wala sa listahan, kinag-registered,
11:05dahil ang QR code na nakapaskil,
11:07at kinukuha ang mga detalye ng booth ng LTFRB na narito naman, Connie.
11:12Ang LTFRB ipoproseso ang mga pangalang wala sa listahan
11:15at isi-check sa mga transport companies ang mga pangalan.
11:19Ayon sa DSWD, huwag daw pong mag-alala
11:21dahil magkakaroon ng special payout schedule
11:24para sa mga hindi kasama sa initial list.
11:28At yan muna ang lites, balik muna sa iyo, Connie.
11:30Maraming salamat, JP Soriano.
11:37Tinutukan daw ng Office of the Ombudsman
11:39ng impeachment proceedings sa Kamara
11:41laban kay Vice President Sara Duterte.
11:43Detali tayo sa ulat on the spot ni Salima Refran.
11:47Salima.
11:51Connie, handa na nga ang mga statement of assets,
11:54liabilities and net worth o mga sali
11:56ni Vice President Sara Duterte
11:57na hinihingi ng House Committee on Justice
12:00para nga sa impeachment proceedings laban sa BISI.
12:06Ayon sa Office of the Ombudsman,
12:07kahit wala pang sabi na binuksan na sa
12:09publikong access sa mga sal-in,
12:11kaya mabilis lang daw silang makakapagbigay
12:13na mga kopya nito.
12:15Masusiraw nilang babantaya ng proceedings sa Kamara,
12:18lalot may mga intersections
12:19o pagkakatugma ang mga reklamo doon
12:22at sa mga inihain dito
12:23sa Office of the Ombudsman.
12:24Sa ngayon, consolidated na o pinagsama-sama na
12:28ang mga reklamo laban sa BISI.
12:30Kabilang dito ang mga inihain
12:31ni dating Sen. Sonny Terillanes,
12:33civil society groups,
12:35committee report ng Kamara
12:36at maging ang sulat na nagpakilalang
12:38dating security aid at bagman umano
12:40ng BISI na si Ramil Madriaga.
12:43Nasa fact-finding investigation stage na ito
12:45at binibiripika na ang mga nilalaman
12:48ng mga reklamo.
12:49Magiging maingat rawang Ombudsman
12:51sa pagsusuri sa mga pahayag ni Madriaga.
12:53Narito ang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulia
12:56at i-assistant Ombudsman Mico Clavano.
13:00We understand the political ramifications here.
13:03If the Congress has the intention to talk to him,
13:08we do not want na sasabay kami
13:11at maguguluhan lang po si Mr. Madriaga
13:14dahil may mga tanong sila,
13:16dahil may ongoing impeachment,
13:18meron din kaming ongoing fact-finding.
13:20So we want to make sure na isa-isa muna.
13:24Tungkulin namin na kampanan,
13:27ito mga hinihingi sa ating tulong
13:30na iba't ibang ahensya ng gobyerno,
13:33isa na dyan ang Kongreso.
13:34Dahil sinusulod natin ang proseso ng batas
13:37na impeachment lamang ang paraan
13:40para panagutin ang isang ranking official ng government.
13:47Pwede, demanda. Kung meron demanda,
13:50dapat pwedeng kasuhan at pwedeng panagutin
13:53kahit nakaupong Vice President.
13:55Pero yung pinag-aaralan pa yan.
13:57Tinitingnan pa namin yung nung nga legal provisions
13:59na pwedeng maging mahalaga
14:03sa pagtingin sa tanong na yan.
14:06Samantala, Connie, sa issue naman ng freeze orders
14:09sa mga sangkot sa flood control investigation,
14:11nilinaw ng Office of the Ombudsman
14:13na may mga asset preservation orders na sa mga ito
14:16at hindi totoong magagalaw na mga bank accounts
14:19at mga ari-arian ng mga ito.
14:21Sa ngayon, may gumugulong na raw na for feature cases
14:24para sa mga ito.
14:25Yan muna ang latest bulanga dito
14:27sa Office of the Ombudsman sa Quezon City.
14:29Connie.
14:29Maraming salamat sa Lima Refran.
14:37Pagkatamis-tamis talaga ng mga eksena
14:38tuwing may reunion.
14:40Gaya na lamang ng special moment
14:41ng isang pamilya sa San Simon, Pampanga.
14:43Patunay na kaluguran o mahal
14:45na isang bata ang kanyang ama.
14:48Ito na, laser focus ang baby na si Ethan
14:51dahil paparating na ang isang niyang favorite human.
14:54Nakabalit na ang kanyang daddy Rick
14:56matapos magtrabaho malapit lamang din naman
14:58sa kanilang bahay.
14:59Mahigit walong oras lang silang nagkahiwalay.
15:03Nakakakilig pa rin ang pagsalubong na parabang
15:05hindi nagkita sa loob ng walong taon.
15:08Simula raw ng matutong maglakad si baby Ethan Clyde
15:11araw-araw na ang pag-aabang sa kanyang dad
15:13na isang school admin.
15:15Ang video nilang dalawa,
15:16mahigit 2 million na ang views.
15:19Trending!
15:21At ito po ang balitang hali.
15:23Bahagi kami ng mas malaking mission.
15:25Ako po si Connie Cesar.
15:26Rafi Tima po.
15:26Kasama niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
15:28Para sa mas malawak na pag-ilingkod sa bayan.
15:30Mula sa GMA Integrated News,
15:32ang News Authority ng Filipino.
15:37Bawat galaw, dapat sukat na sukat.
15:40Yung mga di kailan,
15:41alisin.
15:43Sakto at malinis at tabas.
15:45Kumbaga,
15:46parang final product.
15:47Boom!
15:48Baganda.
15:48Kab ethnicity cam malisha
15:51mayuska.
15:53Kumbaga,
15:54ka sing hongka.
Comments