00:00Sa Digos Davao del Sur, nahagip sa CCTV ang sasakyan ng gunman na bumaril kay Kapitan Oscar Bucol Jr. ng Bargay Tres de Mayo.
00:09Unang nakita ang sasakyan na pumasok sa subdivision kung saan nakatira si Bucol.
00:14Maya-mayay, mabilis na ang takbo nito papalayo sa bahay ng biktima.
00:18Kinumpirma ng polisya na ito ang sinakyan ng mga sospek.
00:22Base sa inisyal na investigasyon, tatlo ang sakay nito.
00:25Itinuturing nilang persons of interest ang mga individual na binanggit ni Bucol sa mga dati niyang social media posts.
00:32Kabilang dyan ang nakaalitan niyang hepe ng Digos City Police.
00:36Tinanggal ang hepe sa pwesto habang isinasagawa ang investigasyon.
00:40Isinailalim naman siya at dalawampung iba pang polis sa paraffin test.
00:44Wala pa silang pahayag.
00:46Humiling naman ang pamilya ni Bucol na investigahan ng National Bureau of Investigation ang pagpatay sa Kapitan.
00:55Wala pa silang pahayag.
Comments