Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kaugnay sa inaabangang desisyon ng ICC sa hiling na interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:05Kausapin natin si Central Loa Filippis Executive Director at ICC Listed Council, Atty. Gilbert Andres.
00:11Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:15Ano pong senaryo na inaasa natin kung mapagbibigan o kung hindi rin mapagbibigan ng ICC yung hiling na interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte?
00:22Ano pong mga susunod na hakbang dito?
00:24Oo, kung hindi pagbibigan, ipiksipihin, naka-detain pa rin si Mr. Duterte.
00:29Doon sa Scrivenagen Detention Center.
00:33At yun na po yun. Wala na pong appeal na yun.
00:35At kung ito naman, nag-grant naman yung kanyang appeal sa interim release,
00:40eh sa tingin ko po, may mga kondisyonis po yan na ibibigay.
00:44Kagaya po nang doon lang po siya sa bansang willing po siyang i-accept.
00:50At syempre, hindi niya po pwedeng i-contact whether directly or indirectly ang mga biktima at mga witnesses po.
00:57So may mga kondisyonis po yan. Pero abangan pa po natin yan mamaya.
01:01Nabanggit niyo po yung isa sa malaking kondisyon, yung isang third country na pupuntahan niya.
01:06May informasyon ho ba kayo kung may nag-agree na?
01:08At sa Europa lang ho ba po pwede na marilis itong dating Pangulo kung pagbigyan yung kanyang interim release?
01:15O, Rafi, mahirap talagang mahulaan kasi naka-redact.
01:20Ito pong country na ito, doon sa mga submissions ng defense, pati na rin po sa mga issuances ng ICC.
01:30Kaya talagang mahirap po siyang mahulaan kung anong country po yun.
01:34Pero ano po yung chance na makabalik sa Pilipinas ng dating Pangulo sakaling mapagbigyan yung kanyang interim release?
01:39Well, in the unfortunate event na mapagbigyan, I think hindi po siya dapat pumunta sa Pilipinas.
01:50Kasi wala naman pong agreement with the Philippines.
01:53Wala naman sinasabing Pilipinas na willing itong i-accept si Mr. Duterte dito sa teritoryo ng Pilipinas.
02:00Ngunit, naintindihan ko rin, Rafi, na mayroon ding news reports na I think August 19, 2025,
02:09kung saan sinabi nga ni Mr. Duterte sa kanyang anak na si Bipisara na gusto niyang dumiretso sa Davao kung mag-grant yung interim release.
02:18Pero sana hindi po mangyari po ito.
02:20May bearing po ba ang pagiging non-ICC member na ng Pilipinas?
02:25Ang laking bearing niyan, Rafi, kasi ibig sabihin, eh, paano pa na ipafollow ng Pilipinas?
02:31Ano yung mga kondisyonis na yun, eh, hindi na nga ito parte ng ICC.
02:35At alam mo, Rafi, wala ding sinabi ang Philippine government na willing po ito na i-accept si Mr. Duterte.
02:44Kaya sa palagay ko po, hindi po Pilipinas yung estado po yun o yung bansa po ngayon.
02:51Sa inyo pong karanasan at pag-aaral, meron na bang napagbigyan ng interim release at sa anong ground ko meron man?
02:56Ganito, Rafi, kung yung charge po ay international crime, ano, sa ilalim ng Article 5,
03:03gagaya ng crimes against humanity, war crimes, o genocide,
03:09wala pa pong napagbigyan ng ICC na application for interim release.
03:14Pero yung charge po ay offenses against the administration of justice under sa Article 70,
03:21mayroon pong dalawang pagkakate o na pinagbigyan po yung interim release.
03:26Pero ang ibig sabihin nito, eh, wala pa pong pinagbigyan na application ng interim release,
03:32kagaya po nung kay Mr. Rodrigo Duterte.
03:35Isa po sa sinasabi ng kampo ng dating Pangulo ay yung kanyang kalusugan.
03:40Pwede rin makonsidera na mapagbigyan yung kanyang interim release.
03:43Isa po ba ito sa pamantayan, yung kalusugan ng isang tawang standing trial?
03:50Rafi, hindi po siya isa sa mga pamantayan, ano, kasi wala po siya doon sa Article 58 ng Rome Statute.
03:56In fact, nung mag-decide po ang pretrial chamber, eh, hindi po yan sinama ng pretrial chamber
04:02yung konsiderasyon sa kalusugan at sa sitwasyon po ni Mr. Duterte.
04:08Kaya inaasahan po namin, hindi rin po ito maging factor sa appeals chamber decision.
04:13Okay, abangan po natin niya at 5.30 ng hapon, lalabas yung kanilang decision.
04:18Maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo sa Balitang Hali.
04:22Maraming salamat, Rafi, at mabuhay tayo.
04:24Si ICC-listed counsel, Atty. Gilbert Andres.
04:32Maraming salamat, Rafi, at mabuhay tayo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended