00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:02Bayan pinangunahan ni Pagulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06ang inauguration ng In-City Vertical Housing Project sa San Lázaro Residences sa Maynila.
00:13Mapapakinabangan ito ng halos 400 kwalifikadong residente sa lungsod ng Maynila.
00:20Tinitiyak naman ng national at local government ang kalidad ng pamumuhay ng mga titirarito
00:25sa pamagitan ng kumpletong pasividad sa kanilang komunidad.
00:28Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:32Tatlumput-walong taon nang nagtatrabaho sa Manila LGU si Leia.
00:37Sa tagal niya rito, hindi pa rin siya nakakapagpundar ng sariling bahay.
00:41Nakatira naman kami sa in-laws ko.
00:43Para mapagaan ang buhay ng mga katulad ni Leia,
00:47pinasinayaan na ngayong araw ang San Lázaro Residences sa Maynila
00:50sa pangungunan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:53Ang proyekto ay isang in-city vertical housing program ng siyudad ng Maynila
00:57na may lawak na 4,329.65 square meters.
01:02Mayroon itong dalawampung palapag, 382 residential units,
01:06kasama pa ang 169 parking slots.
01:10Kabilang din sa amenities nito ang indoor at outdoor activity spaces,
01:14function room, swimming pool at roof deck
01:16para matiyak ang kalidad ng pamumuhay ng mga titirarito.
01:19Parte rin ng gusali ay nakalaan para sa health services
01:22dahil nakapwesto mula sa una hanggang ikaapat na palapag
01:26ang bagong Manila Public Health Laboratory,
01:28habang sa first floor hanggang second floor naman ang Lanuza Health Center.
01:32Lagi po namin sinasabi, hindi sapat na magtatayo ka lang ng bahay
01:38o magbibigay ka lang ng unit
01:40dahil ang buhay ng tao ay hindi pa bahay lamang
01:44kung hindi kailangan malapit merong servisyo.
01:48Ito ang pinakamna...
01:50Ngayon lang ako nakakita na merong health center sa loob.
01:55Kaya't yung mga nakatira dito, hindi na kailangan lumabas pa ng building nila.
02:00Kung meron silang karamdaman, eh doon sila pupunta.
02:03Nakita ko nga yung malaking karatola nakalagay doon.
02:07Field health accredited na.
02:09So basta't maging tenant dito ay magiging maginhawa
02:15ang service ng healthcare.
02:18Masaya, hindi ko ini-expect po.
02:20Malaking bagay sir kasi nag-aaral yung anak ko sa Manila.
02:24Mula sa 382 units, nakalaan ang 193 rito para sa Manila City Health Workers
02:30habang ang 189 ay inilaan para sa mga kwalifikadong residente
02:34at Manila Government Employees.
02:36Ang mga aplikante, dapat may buwanang sahod na salary grade 18 o mas mababa pa.
02:41Walang anumang ari-arian sa bansa na dapat ay verifikado
02:44ng Land Registration Authority at dapat pamilyado na.
02:48Pinuri naman ng Pangulo ang liderato ng lungsod sa inisyatibang ito
02:52at ipinunto ang kahalagahan ng pagtutulungan ng national at local government
02:55lalo na sa pagpapalitan ng ideya sa kung paano matutugunan ang housing gap sa bansa.
03:01Ay ginawa nila yung Manila Urban Housing Ordinance na pinaginawang opisyal
03:07ang mga pabahay para sa mga mahihirap na Manila resident at empleyado ng gobyerno
03:15na salary grade 18 at pababa.
03:19Pagka nakita ng ibang LGU ito, gagayahin ito, asahan mo.
03:24Dahil napakagandang modelo itong ginawa ninyo.
03:27Sa paninirahan ng mga benepisyaryo sa San Lazaro Residences,
03:30mag-aambag sila ng nasa 2,000 hanggang 3,000 piso kada buwan.
03:35Mapupunta ito sa trust fund at maibabalik sa kanila,
03:38oras na mapagpasyahan nilang lisanin na ang unit.
03:40Ibabawas dito ang halaga ng kakailanganin pagkukumpuni.
03:44Magiging napakahalaga ang ganitong klaseng mga pasilidad para sa ating mga kababayan
03:50na may pabahay at maraming mga servisyo.
03:55Kenneth Pasyente
03:56Para sa Pambansang TV
03:58Sa Bagong Pilipinas
Comments