00:00Una po sa ating mga balita, ipinagutos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05ang pagsuspindemuna sa pag-aangkat ng bansa ng bigas.
00:09Ito'y para maprotektahan ang ating mga kababayang magsasaka sa panahon ng anihan.
00:15Si Kenneth Pasyente sa Sentro ng Balita.
00:19Sa layuning o magapay sa mga magsasaka,
00:23pinasuspindina ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26ang pag-aangkat ng bigas sa loob ng 60 araw.
00:28Ito ang naging desisyon ng Pangulo kasunod ng kanyang pagkonsulta
00:32sa mga miyembro ng kanyang gabinete na kasama sa kanyang state visits sa India.
00:37Ipatutupad ang naturang suspensyon simula September 1.
00:40Ayon sa palasyo, ito umano ang naging direktiba ng Pangulo para matiyak
00:44na hindi malulugi ang mga lokal na magsasaka, lalo na ngayong harvest season.
00:49Lalo't iginiit ang Agriculture Department na batay sa kanilang forecast
00:52ay inaasahan na magiging mataas ang domestic harvest,
00:55dagdag pa ang mataas na stock ng bigas sa NFA.
00:58Napakarami ng pumasok na import, 2.5 million metric tons na bigas,
01:03plus record harvest tayo ng palay first semester.
01:07Yung 45 to 60 days, ano yun eh, one and a half months.
01:12Kung titignan mo yung requirement natin na 35,000 metric tons per day ng bigas,
01:19sa dami ng bigas natin, hindi yan makaka-apekto masyado.
01:25Samantala, sinabi rin ang Pangulo na hindi pa panahon para pag-usapan
01:28ang pagpapataas ng taripa sa mga imported na bigas.
01:32Una nang inirekomenda ng Department of Agriculture
01:34ang pagpapatupad ng unti-unting pagtaas ng rice import tariff
01:38na layong mabalanse ang pangangailangan ng mga magsasaka at mamimili.
01:42Mula New Delhi, India, Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.