Skip to playerSkip to main content
  • 6 weeks ago
San Lazaro Residences sa Maynila, pinasinayaan sa pangunguna ni PBBM; naturang vertical housing, kumpleto sa amenities | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magpapasko ng masaya at may bagong tahanan ng ilan nating mga kamabayan sa Maynila.
00:05Ito'y dahil sa ipinagkaloob na pabahay na ipinamahagi sa pangunguna ni Pangulong Ferdinance R. Marcus Jr.
00:11na bukod sa maganda na, abay kumpleto pa sa mga pasilitan ang kanilang komunitan.
00:16Sinipin niya sa Sentro ng Balita ni Kenneth Pasyente.
00:2138 taon nang nagtatrabaho sa Manila LJU si Lea.
00:25Sa tagal niya rito, hindi pa rin siya nakakapagpundar ng sariling bahay.
00:32Para mapagaan ang buhay ng mga katulad ni Lea,
00:35pinasinayaan na ngayong araw ang San Lazaro Residences sa Maynila
00:39sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:42Ang proyekto ay isang in-city vertical housing program ng siyudad ng Maynila
00:46na may lawak na 4,329.65 square meters.
00:51Mayroon itong 20 palapag, 382 residential units, kasama pa ang 169 parking slots.
00:58Kabilang din sa amenities nito ang indoor at outdoor activity spaces,
01:02function room, swimming pool at roof deck para matiyak ang kalidad ng pamumuhay
01:07ng mga titira rito.
01:08Parte rin ng gusali ay nakalaan para sa health services
01:11dahil nakapwesto mula sa una hanggang ikaapat na palapag
01:15ang bagong Manila Public Health Laboratory,
01:17habang sa first floor hanggang second floor naman ang Lanuza Health Center.
01:21Lagi po namin sinasabi, hindi sapat na magtatayo ka lang ng bahay
01:27o magbibigay ka lang ng unit
01:29dahil ang buhay ng tao ay hindi pa bahay lamang
01:33kung hindi kailangan malapit merong servisyo.
01:36Ito ang pinakamunang, ngayon lang ako nakakita na merong health center sa loob.
01:43Kaya't yung mga nakatira dito, hindi na kailangan lumabas pa ng building nila.
01:49Kung meron silang karamdaman, ay doon sila pupunta.
01:52Nakita ko nga yung malaking karatula nakalagay doon.
01:56Field health accredited na.
01:58So, basta't maging tenant dito, ay magiging maginhawa ang service ng health care.
02:07Masaya, hindi ko ini-expect po.
02:09Malaking bagay, sir, kasi nag-aaral yung anak ko sa Manila.
02:13Mula sa 382 units, nakalaan ang 193 rito para sa Manila City Health Workers,
02:19habang ang 189 ay inilaan para sa mga kwalifikadong residente
02:23at Manila Government Employees.
02:25Ang mga aplikante, dapat may buwanang sahod na salary grade 18 o mas mababa pa.
02:30Walang anumang ari-arian sa bansa na dapat ay verifikado ng Land Registration Authority
02:35at dapat, pamilyado na.
02:37Pinuri naman ng Pangulo ang liderato ng lungsod sa inisyatibang ito
02:41at ipinunto ang kahalagahan ng pagtutulungan ng national at local government
02:44lalo na sa pagpapalitan ng ideya sa kung paano matutugunan ang housing gap sa bansa.
02:50Ginawa nila yung Manila Urban Housing Ordinance
02:53na pinaginawang opisyal ang pabahay para sa mga mahihirap na Manila resident
03:03at empleyado ng gobyerno na salary grade 18 at pababa.
03:08Pagka nakita ng ibang LGU ito, gagayahin ito, asahan mo.
03:13Dahil napakagandang modelo itong ginawa ninyo.
03:15Sa paninirahan ng mga benepisyaryo sa San Lazaro Residences,
03:19mag-aambag sila ng nasa 2,000 hanggang 3,000 piso kada buwan.
03:24Mapupunta ito sa trust fund at maibabalik sa kanila,
03:27oras na mapagpasyahan nilang lisanin na ang unit.
03:29Ibabawas dito ang halaga ng kakailangan ng pagkukumpuni.
03:32Magiging napakahalaga ang ganitong klaseng mga pasilidad
03:37para sa ating mga kababayan na may pabahay at maraming mga servisyo.
03:43Kenneth Pasyente
03:45Para sa Pambansang TV
03:47Sa Bagong Pilipinas
Be the first to comment
Add your comment

Recommended