00:00Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isa ilalim sa Lifestyle Check ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno.
00:07Sa ginaparin niya ng investigasyon sa manumaliang flood control projects,
00:10unahing silipin ang mga opisyal at tauhan ng DPWH.
00:15Si Kenneth Paciente sa detalye.
00:20Hindi pa tapos sa pag-expose ng mga palpak na flood control projects si President Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26Gusto rin ng Pangulo na mapanagot kung sino ang nasa likod ng mga manumalyang proyekto.
00:32Kasama sa sisilipin niya ang mga opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng Lifestyle Check.
00:37Ito'y para malaman kung sangkot ang ilang government officials sa katiwalian.
00:41Sakop nito ang mga ahensyang may kinalaman sa mga flood control projects.
00:45Kaya buwena manong sisilipin ang mga opisyal ng DPWH.
00:48Sa bawat ahensya, mayroon man po na pwedeng magkaroon ng Lifestyle Check.
00:52Ang ombudsman pwede mag-initiate.
00:54Ang BIR pwede mag-inspect, magkaroon ng Lifestyle Check.
01:00Sa bawat ahensya na may sakop sa kaniyan, DPWH pwede rin po.
01:05So yun po, kung sino po yung may ahensya na dapat magkaroon ng pag-Lifestyle Check, gawin po nila.
01:09Nagsalita na po kasi ang Pangulong.
01:11So dapat ang bawat ahensya ay tumupad sa kaniyan tungkulin.
01:14Asahan po natin dapat at bigyan po din natin sila ng karampatang tiwala.
01:20At kapag pinakita din tayong anomalya sa kanilang pag-iimbestiga,
01:24magiging pasyonable din po ang kanilang magtatrabaho at malamang masama din sila sa pag-iimbestiga.
01:28Kinugpirma ng palasyo na natanggap na ng Pangulo ang mga dokumento mula kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
01:34Naglalaman ang mga ito ng mga ebidensya ng mga sablay na flood control projects.
01:38Pero hindi na idinitalya pa ng palasyo.
01:40Kahit naman po sino ay open ang Pangulo kung ito naman po ay patungkol sa mga anomal yung flood control projects.
01:45So kahit sino po, lalo-lalo po si Mayor Magalong, welcome po ang Mayor para makausap po ang Pangulo patungkol po dyan.
01:55Tiniyak ng palasyo na may mananagot sa mga palyadong flood control projects.
02:00Wala raw sasantuhin ang gobyerno, kaalyado man o hindi, pero kailangan din daw dito ang tulong ng ibang ahensya.
02:05Sa ginagawa pong pag-iimbestiga ng Pangulo dito, ito naman po ay hudyat na rin po para sa mga ibang government agencies like COA, BIR, LGUs, Bureau of Customs na magkaroon po ng pag-iimbestiga rito.
02:20Maraming po tayo nakikita na maraming nagkakaroon ng luxury cars.
02:24Malamang, malamang ay dapat makikita rin po ito ng BOC kung ito po ba ay bayad sa mga taxes na required.
02:30At sa mga LGUs po, kung makikita po natin na itong mga contractors na ito, mga kontratista na ito, ay napakalaki ng mga proyekto at malaki ang kanilang kinikita.
02:41Tingnan po nila kung ito po ay naaayon din sa mga mayor's permit or business permit na kanilang binabayaran sa LGUs.
02:50Pati po sa BIR.
02:51Paglilinaw ng palasyo, hindi lahat ang nagtatrabaho sa DPWH ay tiwali.
02:56Ito'y matapos sabihin ni Sen. Panfilo Lacson na one big criminal syndicate ang ahensya.
03:01Kaya nga po hindi nagbabanggit agad ang Pangulo kung sino man agad ang involved dito dahil ayaw niya pong makasagasa ng mga inosenteng tao na hindi naman involved.
03:13Kung yan po ang pananaw ni Sen. Lacson, tandaan po natin hindi naman po lahat ng tao sa DPWH ay maaaring involved.
03:19At katulad ng ginagawa po ng Pangulo Marcos Jr., pinapaimbestigahan niya po lahat para po malinis at maiayos kung anong po ang naging pagkakamali sa mga maanumalyang flood control projects.
03:32Umaabot na sa 9,020 ang bilang ng mga report na naipadadala sa sumbong sa Pangulo.ph.
03:39Hinikayat ang pamahalaan ng publiko na makiisa para mapanagot ang mga nasa likod ng palpak na proyekto.
03:44Sa harap ng mga development sa imbestigasyon sa mga maanumalyang flood control projects, sinabi ng palasyo na nananatili ang tiwala ni Pangulong Marcos Jr. kay DPWH Sekretary Manuel Bonoan.
03:56At sa ngayon, hindi pa raw napag-uusapan ang pagpapalit ng liderato sa DPWH.
04:02Kenneth Pasiente. Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.