Skip to playerSkip to main content
Idineklara ng Comelec na walang nilabag sa batas sina Sen. Chiz Escudero at kaibigan niyang kontratista kaugnay ng campaign contributions sa senador. Pinagpapaliwanag naman ng Comelec si Sen. Rodante Marcoleta dahil wala siyang kontribusyon na idineklara sa SOCE kahit lagpas sa kaniyang yaman ang ginastos noong eleksyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dineklara ng COMELEC na walang nilabag sa batas si Sen. Cheese Escudero
00:05at kaibigan niyang kontratista kaugnay ng campaign contribution sa Senador.
00:10Pinagpapaliwanag naman ng COMELEC si Sen. Rodante Marcoleta
00:14dahil wala siyang contribution na dineklara sa SOSI
00:17kahit lagpas sa kanyang yaman ang ginastos noong eleksyon.
00:22Nakatutok si Nico Wahe.
00:23Matapos ang investigasyon sa SOSI o Statements of Contributions and Expenditures noong eleksyon 2022,
00:33dineklara ngayon ng COMELEC, walang nilabag sa batas si Sen. Cheese Escudero
00:37at ng kaibigan niyang kontraktor na si Lawrence Lubiano.
00:40Si Lubiano ay ang presidente ng Center Waste Construction and Development Inc.,
00:45isa sa top 15 ng kontraktors na pinangalanan ni Pangulong Marcos
00:48na nakaakuha ng karamihan sa mga flood control projects sa bansa.
00:52Sa SOSI na isinumitin ni Escudero sa COMELEC,
00:55dineklara niya ang 30 million pesos na kontribusyon ni Lubiano sa kanyang kampanya.
00:59Ang depensa ni Lubiano, personal na pera niya ang ibinigay sa kampanya ni Escudero.
01:05Sa resolusyon ng COMELEC Political Finance and Affairs Department o PFAD,
01:09sinabi nitong kahit pa presidente ng Center Waste si Lubiano, hindi siya ang Center Waste.
01:14Base na rin doon sa mga nilabas na desisyon ng Korte Suprema noon,
01:17ang isang korporasyon ay may iba o hiwalay na pagkatao sa mga opisyal o stockholder nito.
01:24Wala rin daw naging ebedensya na nagamit si Lubiano ng Center Waste para mandaya o dayain ang gobyerno.
01:30Iba yung entity na korporasyon, iba yung entity na tao.
01:35Kung baga kahit ako nagtatrabaho sa COMELEC, may sarili akong pera.
01:39Yung COMELEC may sarili siyang ano, unless ginamit po ng, it will work this way,
01:47kung ginamit ng Center Waste si Mr. Lubiano para makapag-donate.
01:53So basically, ipit sa board, e wala naman naghanap sila ng ebedensya noon.
01:59Like a board resolution, allocating 30 million pesos to donate to ganito.
02:06Wala po.
02:06Wala eh.
02:07Sabi pa ng COMELEC, si Lubiano Rao bilang tao ay walang record na kontraktor ng gobyerno.
02:13Ang nag-contribute po as declared by Senator Escudero ay Mr. Lubiano.
02:22So si Mr. Lubiano po, doon na rin sa certification ng DPWH, ay hindi kontraktor ng gobyerno on his own.
02:31Wala rin daw ebedensya na ang kinontribute ni Lubiano ay galing sa Center Waste.
02:35Sabi ng COMELEC, wala rin daw silang nakitang sumobra ang gastos ni Escudero noong 2022 elections.
02:41Nag-inhibit si COMELEC Chairman Erwin Garcia sa investigasyong ito dahil minsan siyang naging election lawyer ni Escudero.
02:47Sa kabila ng pag-clear ng PFAD, may nakabinbin pang kaso kay Escudero na isinampan ng mga grupo ng abogado at ilang individual nito lang buwan.
02:55Iba pa raw ang investigasyon na ito, base sa magiging ebedensya.
02:59Ayon naman kay Escudero, pinagtibay ng disisyon ng COMELEC ang matagal na raw nilang ginagawa,
03:04na mahalagang transparency, honesty at pagsunod sa alituntunin.
03:08Mananaig daw ang katotohanan kapag tama ang proseso.
03:12Naglabas naman ng show cost order ang COMELEC kay Sen. Rodante Marculeta.
03:16Kaug na ito ng pagdideklara niya sa kanyang sose na zero ang kanyang natanggap na campaign contributions,
03:21samantalang mahigit 112 million pesos ang kanyang expenditures.
03:26Sinabi naman ni Marculeta sa isang panayam na ito'y dahil humiling ng privacy ang kanyang mga campaign donors.
03:31Kinukumpa na rin ng COMELEC ang mga nagasos ni Marculeta noong eleksyon sa kanyang salay nitong Hunyo na nasa halos 52 million pesos.
03:39Nagsabi na si COMELEC Chairman Garcia na mag-i-inhibit siya sa deliberasyon kay Marculeta
03:43dahil nagkaroon daw sila ng professional relationship noon ng senador.
03:48Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended