Skip to playerSkip to main content
Napako na ang pangakong kapalit sa nawalang kabuhayan ng ilang magsasaka na apektado sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway Extension sa Calamba, Laguna. Idinulog 'yan sa inyong Kapuso Action Man.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, napako na ang pangakong kapalit sa nawalang kabuhayan ng ilang magsasaka na apektado sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway Extension sa Kalamba, Laguna.
00:11Idinulog yan sa inyong Kapuso Action Man.
00:17Nabuhay sa pagsasaka ang pamilya ni Susana Garcia na taga-barangay Banlik sa Kalamba, Laguna.
00:24Pero ang ilang tulad nilang magsasaka at tenant ng lupa, nawala na raw ng kabuhayan nang magsimula ang konstruksyon ng proyektong North-South Commuter Railway Extension noong 2020.
00:36Nangako raw sa kanila ang Department of Transportation ng Kapalit na Livelihood Program.
00:41Ang nasakop na taniman namin ay nakuha nila na ang kabuhayan namin ay papalitan ang pagkakang sabi nila sa livelihood.
00:52Pero yung sinabi nilang yun ay nawalang saisay.
00:57Ang hinahabol na lang namin dito ay yung mga pangako ng DOTR nakapalit ng aning ham na buhay.
01:03Taon-taon daw silang inaabisuhan ng DOTR na magsisimula na ang livelihood program pero...
01:08Nag-meeting kami ng 2020. Sabi nila December.
01:12Lumipas naging 2021. Sabi nila June.
01:16Lumipas na naman ang taon. Sabi nila October.
01:19Ngayon ay 2025 na po. Ang sabi nila hindi na raw aabutin ng noong October.
01:25Ano na pong buwan kami ngayon? Naghihintay pa rin kami.
01:28Yung kaunting may bibigay sa amin na kabuhayan, makakatulong ito.
01:36Dumulog ang inyong kapuso action man sa DOTR.
01:39Ayon sa DOTR, nakipagpulong sila sa mga agricultural tenant nitong September.
01:44Nadagdagan daw sila ng documentary requirements para maproseso ang kanilang eligibility sa livelihood restoration program na bahagi ng resettlement action plan.
01:56Ayon sa agensya, bahagi ng programa ang skills training at capacity building initiatives para makatulong sa magiging alternatibong pangkabuhayan.
02:05Makakatanggap din sila ng kaukulang cash assistance packages at financial assistance.
02:10Sabi ng DOTR, ngayong taon nila maibibigay ang livelihood assistance sa sandaling maipasa na lahat ng hinihinging requirements.
02:18Nakapagpasa na ang mga kaukulang dokumento sa DOTR, ang Pamilya Garcia.
02:23Malaking bagay na po ito na makararating sa aming mga hinahing sa DOTR.
02:28Tututungan namin ang sumbong na ito.
02:35Nakipag-ungnayan din tayo sa lokal na pamahala ng kalamba na nangakong tutulong sa mga afektadong pamilya.
02:40Para naman sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
02:44o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive, Corner Summer Avenue, Diliman, Kansas City.
02:50Dahil sa anumang reklamo, pang-aabuso o katewalian, tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
02:58Nakapagpasa na pang-aabuso o katewalian, tiyak, may katapat na pang-aabuso o katewalian.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended