Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Ilang araw matapos magdulot umano ng sunog, masangsang na amoy naman ang inireklamo laban sa mga nagtatanso sa Tondo, Maynila. Panira umano ng tulog ang baho ayon sa ilang residente.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang araw, matapos magdulot umano ng sunog, masangsang na amoy naman ang inereklamo laban sa mga nagtatanso sa Tondo, Maynila.
00:09Panira umano ng tulog ang baho, ayon po yan sa ilang residente.
00:13At nakatutok si Bea Pinlock.
00:19Hindi pa sumisikat ang araw nitong linggo.
00:22Naantala na ang tulog ng ilang residente ng Barangay 104 Tondo, Maynila
00:26dahil sa nakasusulasok na amoy ng nasusunog na kalakal.
00:30Ayon sa ilang residente, isang grupo ng mga lalaki ang nakita nilang nagsusunog ng tanso sa gilid ng Kapulong Highway.
00:38Magkikising ka na lang, nangangamoy at tanso na, kaya namin nasusunog na yung lugar namin.
00:43Unang-una po yung health po namin, may isang gold team po dito sa amin, tsaka mga senior po.
00:51Matapos magsunog, ibinibenta umano ng mga lalaki ang tanso sa junk shop.
00:56Hindi mo titigil yan?
01:01Gusto mo ipahuli kita sa pulis?
01:04Anong pasensya? Itigil mo yan, bawal magsunog dyan.
01:07Ayon sa barangay, gabi-gabi silang may nire-respondehang reklamo tungkol sa mga dumarayong grupo ng mga lalaki roon,
01:15ang iba, mga minor de edad.
01:18Ang problema, lagi raw nakakatakas ang mga ito.
01:22Pagkagato ng dilim, magpre-prepare na ako sila na magsindi ng kanilang mga kalakal na susunugin.
01:28Na hindi talaga taga sa amin.
01:30Alam na yung kalakalan na, aral sila sa mga ganyang negosyo, trabaho, parang sila kikita.
01:35Kada reklamo, talagang pinupuntahan po namin.
01:38Alam po, mayroon po silang look out.
01:43Pag umano po kami, mga nagaan na, tatakbuhan na sa kabilang barangay po.
01:50Tinutukoy pa ng mga otoridad kung sino-sino ang mga nagsusunog ng tanso.
01:54Pinaigting na rin daw nila ang pagronda sa lugar.
01:58Labag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ang open burning o pagsusunog ng basura.
02:04Posibling pagmultahin o makulong ang mahuhuli.
02:09Ayon sa DENR, delikado ang open burning ng basura sa kalusugan at nag-aambag din ang usok nito sa global warming.
02:17Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak nakatutok 24 oras.

Recommended