00:00Bumwelta si Senate President Cheese Escudero kay Senadora Aimee Marcos.
00:05Matapos sabihin ng Senadora na tinanggihan niyang ipakulong ang isang resource person na pina-sight in contempt kahapon.
00:12Paalala ni Escudero, huwag gamitin ang Senado sa politika, bagay na itinanggil ang Senadora.
00:18Nakatutok si Darlene Guy.
00:19Show cause order ang in-issue ngayon ni Senate President Cheese Escudero laban sa kinatawa ng Interpol Manila at Special Envoy on Transnational Crime na si Ambassador Marcos Lacanilau
00:32para pagpaliwanagin sa loob ng limang araw kung bakit hindi siya dapat ma-sight in contempt.
00:38Kahapon, pinakontempt si Lacanilau, isa sa mga sumama kay dating Pangulong Rodrigo Duterte mula Villamore Airbase hanggang sa The Netherlands nang arestuhin siya.
00:46Hindi mo pa rin alam na hindi siya dinala sa judicial authority?
00:51Yes, Mr. Senator.
00:53Hindi mo alam?
00:54Yes, Mr. Senator.
00:54So you're lying?
00:57You're lying?
00:58Madam Chair, I move to cite in contempt, ambasador Lacanilau.
01:04Last chance, hindi mo alam if nilabas sa Villamore si PRRD?
01:09Hindi mo alam?
01:10Hindi po, Madam Chair.
01:12Okay, yeah, there's a motion to cite you in contempt.
01:14I-detain sila kanilau sa Senado pero pagkatapos ng ilang oras ay pinalaya rin bagay na tinawag kagabi ni Senadora Amy Marcos na nakadidismaya at mapanganib dahil maaaring maulit umano.
01:25Dismayado umano siya sa dipaglagda ni Escudero sa contempt order ng kanyang kumite.
01:31Pinabulaanan niya ni Escudero dahil ni hindi pa umano niya nakikita o natatanggap ang detention order nang ibandera ito ni Senadora Marcos kagabi.
01:39Tila isinawalang bahala din umano ng Senadora na dapat otorizado ng Senate President ang pagpapaaresto o pagpapakulong sa isang resource person.
01:48Isang patakaran para matiyak na hindi nagagamit ang kapangyarihan ng Senado laban sa karapatan ng resource person o para sa personal o politikal na pakinabang.
01:57Humanitarian consideration anya ito para kaila kanilau dahil ililibing ang lolo niya ngayon.
02:02Dagdag niya, hindi niya papayagang magamit ang Senado para sa anya'y mababaw na partisan interest lalo ng mga naghahangad na mahalal muli sa eleksyon.
02:10Hinihimok niya anya si Senadora Marcos na umiwas sa paggamit ng Senado para sa kanyang personal na layuning politika.
02:17Binanggit din Escudero ang concurring opinion ni Chief Justice Alexander Gizmundo sa kaso ni Lincoln Uyong.
02:23Nakasaad dito na ang testigong ipinagpapalagay na nagsisinungaling ay dapat munang isyuhan ng show cause order.
02:30Sabi ngayon ni Senadora Marcos, hindi pan sarili ang ikinasang pagdinig ng kanyang kumite.
02:35In aid of legislation yun kasi nagkakagulo nga kami, nagpapatulong nga kami kay Justice Ascuna.
02:43Nakita natin na medyo may kaguluhan sa batas.
02:47Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
03:00Mayoror Pav Professor
03:01Noam
Comments