Skip to playerSkip to main content
Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin sana ngayong Disyembre. Ayon 'yan sa COMELEC.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Bobong Marcos ang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gagalapin sana ngayong Disyembre.
00:09Ayon yan sa Comelec. Nakatutok si Von Aquino.
00:15Sa unang araw ng 10-day voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa BSKE,
00:22isang mahalagang anunsyo ang natanggap ng Comelec mula sa Office of the Executive Secretary.
00:27Kino-confirm sa atin sa 12 ng Agosto, alas 2 ng hapon, ay magkakaroon ng formal signing ceremony.
00:35Pipirmahan ng ating Pangulo ang batas na mag-re-reset o postpone ang Barangay at SK Elections
00:43at mag-fix ng termino ng Barangay at SK na mula 3 taon papunta sa 4 na taon.
00:48Kung may papagpaliban sa halip na ngayong Disyembre, gagawin na ang BSKE sa November 2026.
00:54Ang sinasabi noon pa ni Garcia, mas magiging maginhawa para sa kanila kung ma-re-reset ang BSKE
01:01para mas mapagtuunan nila ang paghahanda sa Bangsamoro Parliamentary Elections na gaganapin sa October 13.
01:08Sa kabila ng kumpirmasyong ito ng Malacanang sa Comelec, sabi ng Comelec tuloy-tuloy pa rin yung kanilang preparasyon
01:13tulad itong voters registration at yung kanilang procurement hanggat hindi paa nila pinal
01:18yung postponement ng Barangay at SK Elections.
01:21Kasi po, kahit pumapirmahan ng Pangulo, mayroong pupunta sa Korte Suprema
01:26at hindi naman sa pine-preempt natin ang aksyon ng Korte Suprema
01:29paano kung bigla kami i-TRO sa pagkukondak ng eleksyon
01:33tapos hindi kami naghanda, tapos wala tayong registration.
01:36Tuloy lang ang pagproseso sa mga registrants na dumagsa kanina sa Comelec sa Intramuros, Maynila.
01:42Pila rin ang mga nagparehistro sa Register Anywhere Program sites
01:46tulad sa Mabini Hall sa Rizal Park sa Luneta, Maynila.
01:49Gusto ko na pong bumota sa susunod na halalan, pati sa mga,
01:54para makakontribute na rin sa mga, para sa community ko, gano'n.
01:58Ang Register Anywhere Anytime hanggang August 7 lang,
02:02samantalang ang regular registration sa mga local Comelec naman ay hanggang August 10.
02:07Bukas ang voters registration simula 8am hanggang 5pm lunes hanggang linggo.
02:12Inaasahan ng Comelec na posibleng umabot sa 100 milyon na magiging registered voters para sa BSKE.
02:19Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
Comments

Recommended