00:00Dahil po sa nagbabadyang big time taas presyo sa petrolyo sa susunod na linggo,
00:05may mga motoristang maagal ang nagpakarga ngayong weekend.
00:08At may gasolinahan na nga sa Quezon City na naubusan pa ng diesel.
00:13At kahit po bawal ang hoarding, may mga motoristang nagpakarga pa rin ng galong-galong petrolyo.
00:21Sa gasolinahan ito sa Fairview, Quezon City, 0-0 ang presyo ng isang klase ng diesel kaninang umaga.
00:28Yun pala, ubus na ang supply nila sa dami raw ng nagpapakarga bago ang nagbabadyang big time oil price hike
00:35sa susunod na linggo.
00:36Marami pa rin po naghahanap po ngayon, wala na po kaming maibigay.
00:39Kinokontak ba po namin kung magkakaroon po kami ng stock dahil nga po sa nagkataasan po ng gas po ngayon.
00:45Ang isang ang motorista, galon-galon na ang pinakarga kanina.
00:49Tumanggi siyang humarap sa kamera pero anya, gagamitin niya ito sa mga heavy equipment sa kanilang negosyo.
00:54Ramdam na kanina ang buhos ng mga nagpapakarga.
00:57Sabi ng Department of Energy, ang minimum o pinaamababang posibleng dagdag, 19 pesos kada litro sa diesel, 9 pesos sa
01:05gasolina, 31 pesos sa kerosin.
01:08Minimum kasi hindi pa po dito kasama yung mga premiums siguro at mga insurance na pag hindi ko masabi yung
01:17mga tinatawag nilang premiums kasi ang sama ng sitwasyon ngayon.
01:23Pero sabi ng DOE, hinihintay pa ngayong weekend ang desisyon ng mga kumpanya ng Lainis kung paano nila uutay-utayin
01:30ang taas presyo.
01:32May naranig ako noon kung malaki daw masyado, baka mag-daily sila ng staggered increase.
01:38Pero kung maliit lang, pwede nilang gawing like twice a week.
01:43Ang DOE at PNP nagtutulong ang mag-inspeksyon at manita ng mga gasolinahang nagtaas presyo agad kahit hindi pa dapat.
01:50Gaya rao sa isang gasolinahan sa Tagum City, Davao del Norte, naaabot sa 73 pesos kada litro ang benta sa
01:57diesel, katumbas ng 8 piso kada litro ang dagdag.
02:01Nakikiusap ako sa ating mga negosyante at mga trader, huwag ninyo sanang samantalahan ang sitwasyong ito.
02:08Pinapaalala ko sa lahat na ang hoarding at ang profiteering ay labag sa batas.
02:13Sabi kagabi ni Pangulong Bongbong Marcos, may ginagawa na ang pamahalaan.
02:17Nakikipag-ugnayan na tayo sa Kongreso upang mapagkalooban ang Pangulo ng pansamantalang kapangyarihan upang bawasan ang excise tax sa mga
02:27produktong petrolyo kung papalo ito sa 80 US Dollars kada barrel.
02:33Lagpas $100 na kahapon ang kada barrel ng Dubai Crude ayon sa DOE.
02:39Panawagan ngayon ng grupo ng mga trucker, higit sa excise tax, mas dapat alisin ng gobyerno ang VAT o value
02:45-added tax sa petrolyo.
02:46Ang excise tax ay fixed. Ang dapat na pag-aralan, yung pag-alis ng VAT.
02:52Habang tumataas ang presyo ng langis, tumataas din yung VAT.
02:56Sabi ng mga trucker, nag-abiso na sila sa mga kliyente na magtataas sila ng 20 to 30 percent ng
03:02kanilang transportation services.
03:04Unfortunately, hindi yan pwedeng hindi maka-apekto sa presyo ng commodities natin.
03:10Ang grupo naman ng mga city bus operator nagpaplano na raw magbawas ng papasadang mga bus.
03:15Ang muters ang mahihirapan. Kung lahat pa di-deploy mo, ay malaki po kasi ang magiging epekto sa operational cost.
03:25May mga grupo ng mga choper na nauna ng humirit ng taas-pasahe.
03:29Sabi ng gobyerno, may nakahanda silang fuel subsidy at cash transfer para sa mga apektadong sektor.
03:34Hindi naman po solusyon yung taas-pasahe. Tanggalin na rin yung VAT, yung nagpapalaki sa krudo.
03:45Ang Department of Agriculture naglaan ng 150 million pesos para sa fuel subsidy sa mga magsasaka at mangyingisda.
Comments