00:00Inaproobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB
00:04ang aplikasyon ng 25 transport cooperatives para sa subsidiya upang makabili ng modern jeepneys
00:11sa ilalim ng Public Transportation Modernization Program.
00:15Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:19Kalahating oras ang naghintay ng masasakyan si Rashid sa kanilang lugar sa San Mateo Rizal.
00:26Pahirapan kasi ang makahanap ng masasakyan dahil sa dami ng mga commuter na papasok sa Metro Manila.
00:32Hindi tuloy maiwasan na abutin siya ng dalawang oras sa daan para lamang makapasok sa skwelahan sa Mandaluyong.
00:39Ang hirap sumakay kasi unti lang yung mga jeep na bumabiyahe tapos sobrang traffic pa sa San Mateo.
00:47Dapat ipapahinga ko na lang po. Nasa biyahe pa rin po ako.
00:51Ito ang naisitugunan ng LTFRB.
00:54Kaya naman, inaprubahan nito ang aplikasyon ng 25 transport cooperatives para sa subsidiya sa pagbilin ng modern jeepneys
01:02sa ilalim ng Public Transport Modernization Program o PTMP.
01:06Ayon kay LTFRB Chairperson, Atty. Vigoro Mendoza II,
01:11ang pag-apruba sa mga aplikasyon ay bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Martis Jr.
01:16na ayusin ang sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa.
01:21Sakop na mainaprubahan aplikasyon ang iba't ibang lugar sa Pilipinas mula Northern Luzon hanggang Mindanao.
01:28Ang pag-apruba ay sa ilalim ng Expanded Equity Subsidy o EES ng pamahalaan.
01:33Layon nito natulungan ng mga malilit na operator na makabili ng modern jeepneys.
01:39Pinapayagan ng EES ang LTFRB sa pamamagitan ng Department of Transportation
01:44na makipag-partner sa mga privado at pampublikong financial institution.
01:48Tutulong mga ito sa mga operator upang makabili ng modern jeepneys.
01:53Samantala, magsasagawa rin ng Recalibration Program
01:56ang Office for Transportation Cooperatives o OTC
02:00kung saan palalakasin ang fiscal management ng mga kooperatiba.
02:04Sa ganitong paraan, mababawasan ang pasanin ng mga kooperatiba
02:09upang ang kanilang buwanang bayarin ay mapunta sa principal at hindi lamang sa interes.
02:14Batay sa tala ng OTC, nasa 86% ng mga PUV ang nakaisa sa modernization program.
02:22Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:26B
Comments