00:00Bukas ang Department of Social Welfare and Development na repasuhin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
00:08Yan ang ulat ni J.M. Pineda.
00:11Itong nakaraan lang ng inihayag ni Sen. Erwin Tulfo na dapat ng baguhin o ibahin na ang binibigay na tulong sa mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.
00:22Imbis kasi na cash grant, dapat magbigay na lamang ng isang bagsakan na puhunan sa negosyo o livelihood program.
00:28Paliwanag ng Sen. Noong panahon na siya ang kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD,
00:35marami siyang naririnig na tinatawag na tamad ang mga miyembro ng 4Ps dahil umaasal ang umano ang mga ito sa tulong mula sa gobyerno.
00:43May ilan din na nagsasabi na unfair ang sistema ng 4Ps dahil hindi nakakasama ang mga low-income earners na siyang nagihikbit din ang sinturon dahil sa hirap ng buhay.
00:52Depensa naman ng DSWD, may proseso ang pagpili sa mga miyembro ng programa at hindi lang basta tulong ang ibinibigay nila kundi overall development ng mga miyembro.
01:02Yung gusto kasi natin dito sa 4Ps, yung ma-develop talaga yung kanilang behavior, kung paano nila ibabal yung education, paano nila yung health, at paano magsusulikap na hindi lang siyang magbidepend sa grant ng 4Ps.
01:18Dagdag pa ng ahensya na conditional o dapat may susundin na kondisyon ang mga miyembro ng 4Ps bago makatanggap ng cash grant.
01:26Kaya naman may ilang mga dating miyembro na tinanggal na sa programa dahil hindi tumutupad sa kondisyon.
01:32Pero hindi rin daw nila sinasarado ang pagkakataon na repasuhin at mas pagandahin pa ang programa.
01:38Open ang DSWD sa lahat ng konsultasyon at dialogo para sa pag-enhance ng programa.
01:45Sabi ko nga, 17 years na po itong tumatakbo. We recognize na kinakailangan na yung mga mabago na rin sa programa.
01:55At yan po yung gagawin natin kasama ang House of Representatives at ang Senado.
02:00May ilang mamabatas na nga rin ang nagbigay ng mungkay na isama ang mga may anak na kolehyo imbis na hanggang senior high school lamang.
02:07Samantala, binigyang D&D ng ahensya na patunay ang bilang o numero ng mga Pilipino na umangat na ang estado ng buhay
02:13na may maayos na epekto ang four-piece programa.
02:16Sineer ko nga po na mayroon tayong 1.4 million na po na nakaangat.
02:23So ibig sabihin kahit papano nakakatulong talaga ang programa.
02:28So ito ay may mga mukha at we can share yung mga success stories na magaganda para makita talaga na mayroong pagbabago sa tulong at iba't ibang gobyerno.
02:42So ang kailangan lang siguro ngayon paano pa natin i-strengthen, dadagdaganin.
02:50Base sa datos ng DSWD, nasa 12 milyon na ang nakapagtapos ng elementarya,
02:54igit 4 na milyon naman sa high school at halos 40,000 ang mga board passers dahil naging miyembro sila ng four-piece.
03:02J.M. Pineda para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.