00:00Sinimula na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB
00:04ang pagdinig sa hirit na pisong dagdag pasay sa jeepney.
00:08Isinusulong din ang mga driver at operator ang registration sticker contra sa mga kolorom na jeep.
00:14Si Bernard Ferrer sa report.
00:18Bilang uring manggagawa, mahalaga kay Mary Grace ang bawat sentimo,
00:22lalot araw-araw siyang sumasakay ng jeep para makapasok sa trabaho sa Quezon Satie.
00:27Kwento niya, dalawang beses siyang sumasakay ng jeep mula sa Imus, Cavite para makarating sa Metro Manila.
00:34Bagamat naiintindihan niyang hinaing ng mga driver at operator ng pampaserong jeepney,
00:38ay umaasa siyang hindi muna matuloy ang dagdag pasahe.
00:42Kung kaya pa namang hindi pa itaas yung minimum fare, mas mabuti.
00:48Tsaka syempre mga estudyante, maapektuhan din, mga anak natin, nag-aaral.
00:53Dininig ng Land Transportation Franchise and Regulatory Border LTFRB ang petisyon ng grupong pasang Mazda.
01:00Alto dapat akto para sa pisong provisional fare increase.
01:03Kung maaprubahan, mula 13 pesos ay magiging 14 pesos ang minimum na pamasahe sa mga tradisyonal na jeepney.
01:10Habang sa modernong jeepney, ay mula 15 pesos ay posibleng tumaas sa 16 pesos.
01:15Gingit na mga transport leader, ito ay bunsod ng patuloy na pagdaas ng presyo ng diesel.
01:20Nawawalan po ng halos 250 to 300 pesos ang ating mga jeepney drivers.
01:27Ang dahilan po, yung pong pagtaas ng diesel.
01:30Ano yung mga dahilan?
01:32Yung pong mga traffic, spare parts.
01:35Marami mo kaming sinagupa na talagang hindi namin nakalain na magtataasan.
01:41Bagamat may mga naitalang rollback, hindi pa rin ito nababawi ang mga naonang pagtaas sa presyo ng langis.
01:46Nilinaw ng mga petitioner na kung magtuloy-tuloy ang pagaba ng presyo ng langis, agad nilang ibababa ang pamasahe.
01:53Hiniling din nila ang paglalabas ng classification decal registration sticker upang masugpo ang mga kolorom na jeep na nakaka-apekto sa kanilang kita.
02:01Giniit naman ang LTFRB na kailangang balansin ang interes sa mga driver at operator,
02:06ang ekonomiya, inflation at ang kapakanan ng mga commuter bago maglabas ng resesyon.
02:11Binigyan ng sampung araw ang mga petitioner upang magsumite ng position paper.
02:14Naintindihan po namin yung kanilang kalagayan, however we still would want a complete data from them
02:21bago po kami magpatupad o bago po namin pagbigyan man yung kanilang hinihingi.
02:28Posibleng maglabas ng posisyon ng LTFRB sa hiling na pisong provisional fare increase bago matapos ang buwan.
02:34Subalit isasangguni pa ito sa Department of Transportation.
02:37Pinag-aaralan na rin ang LTFRB na ilabas na ang fuel subsidy
02:41para matugunan ang hinaing ng mga driver at operator ng pampasaherong jeepney.
02:46Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.