Nakuha ng GMA Integrated News ang mga SALN ng tinaguriang BGC Boys O Bulacan Group of Contractors... na umaming sangkot sa pang-di-dispalko ng bilyon-bilyong pisong halaga ang pondo para sa flood control projects sa Bulacan First Engineering District.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nakuha po ng GMA Integrated News ang mga salen ng tinaguriang BGC Boys o Bulacan Group of Contractors
00:08na umaming sangkot sa pagdidispalko ng milyong-bilyong pisong halaga ng pondo para sa flood control projects sa Bulacan 1st Engineering District.
00:17Nakatutok si Chino Gaston, exclusive!
00:23Dating District Engineer Henry Alcantara, dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez
00:28at dating Assistant Engineer JP Mendoza.
00:32Ilan lang sila sa binansagang BGC Boys o Bulacan Group of Contractors,
00:37mga opisyal ng Bulacan 1st Engineering District na umaming sangkot sa pagdidispalko ng bilyong-bilyong pisong halaga ng pondo para sa flood control projects.
00:47Naungkat sa mga pagdinig ng Senado at Kamara ang kanilang mga pagkakasino kung saan bilyong piso ang kanilang naipatalo,
00:55pati na ang mararangyang kotse ng ilan sa kanila.
00:59Nakuha ng GMA Integrated News Research ang ilan sa kanila mga statements of assets, liabilities, and net worth.
01:06Si Alcantara na 1994 pa pumasok sa DPWH, taong 2019 nang maging OIC District Engineer ng Bulacan 1st District.
01:16Sa kanyang salen noong taon na yun,
01:17ang idiniklaran niyang net worth, nasa mahigit 6.4 milyon pesos lamang.
01:23Ang kanyang assets, nasa mahigit 6.7 milyon pesos.
01:27Pero kapansin-pansin na wala siyang idiniklarang mga pag-aaring lupa o bahay.
01:33May dalawang sasakyan lamang na nakasaad.
01:36Pagsapit ng 2020, nung ganap na District Engineer na siya,
01:40umakyat sa mahigit 9.5 milyon pesos ang kanyang net worth
01:44dahil sa paglaki ng halaga ng jewelries at appliances,
01:48pera sa banko, pati cash on hand.
01:51Wala siyang utang noong taong iyon,
01:53pero wala pa rin nakadeklarang real estate properties.
01:57Nagpatuloy ang pagtaas ng kanyang net worth sa 2021, 2022 at 2023.
02:03Hanggang itong 2024,
02:05ang kanyang idiniklarang net worth,
02:07nasa 17.7 milyon pesos na.
02:10Pero tulad ng mga nagdaang taon,
02:12walang nakadeklarang mga bahay at lupa sa kanyang mga ari-arian.
02:17Wala rin siyang inilistang liabilities.
02:19Si Hernandez naman ang unang pumiyok sa mga BGC boys
02:24at nagsabing nakinabang ang ilang senador
02:26sa mga kickback sa mga flood control project.
02:29Si Hernandez din ang nagsurrender ng ilang luxury vehicles sa ICI
02:33kabilang ang isang Lamborghini Urus
02:36na nagkakahalaga ng mahigit 30 milyon pesos
02:39at isang GMC Yukon Denali na nasa 12 milyon pesos ang presyo.
02:44Noong 2019, nasa halos 8.2 milyon pesos
02:47ang idiniklarang net worth ni Hernandez.
02:50Kabilang sa kanyang assets,
02:51ang dalawang lupaing halos 1.9 milyon pesos ang halaga
02:55at mga kotse yung nasa 2.8 milyon pesos.
02:58Bagamat hindi nakadetalye kung ano-ano ang mga ito.
03:02Pagsapit ng taong 2020,
03:04ang kanyang net worth umakyat sa halos 12 milyon pesos
03:07ang kanyang real properties
03:09na dagdaga ng isang house and lot
03:11na nakasaad na isang donation
03:13kaya walang kaakibat na halaga.
03:15Sa kanyang salen noong 2023,
03:18idiniklaran na niya itong inheritance o mana.
03:21Lumaki rin ang halaga ng kanyang mga kotse at pera.
03:24Taong 2021,
03:25tumaas pa ang kanyang net worth sa halos 14.2 milyon pesos.
03:29Taong 2022,
03:31ang kanyang net worth naging halos 20.2 milyon pesos na.
03:35Kapunapuna ang paglaki ng halaga ng kanyang mga kotse
03:38na nasa 10.8 milyon pesos na.
03:422023,
03:43ang kanyang idiniklarang net worth
03:44halos 28.7 milyon pesos.
03:47Ang kanyang mga negosyo
03:49na isa lang ang nakasaad sa kanyang 2019 salen
03:52naging tatlo na pagsapit ng 2023.
03:56Nagdeklara rin siya ng lupa na kanyaraw minana.
04:00At ang kanyang idiniklarang mga kotse
04:02nasa 15.8 milyon pesos na.
04:05Ganyan din ang halaga ng kanyang mga sasakyan
04:07sa kanyang huling salen itong 2024.
04:10Pero,
04:10mapunapuna ang pagkakaroon niya
04:12ng utang sa bangko na nasa 20 milyon pesos
04:15na humila sa kanyang net worth pababa
04:17sa halos 8.7 milyon pesos.
04:21Bahagya lang na mas mataas sa kanyang salen noong 2019.
04:24Si Mendoza naman,
04:27halos 10.3 milyon pesos
04:29ang idiniklarang net worth noong 2019.
04:32Nagdeklara siya noon ng house and lot
04:34na nasa halagang 5.4 milyon pesos
04:36at isang SUV.
04:37Hindi nagbago ang kanyang net worth noong 2020
Be the first to comment