Skip to playerSkip to main content
Sangkot sa bilyong pisong transaksyon sa casino ang tinaguriang "BGC Boys" o Bulacan Group of Contractors ayon kay Senador Ping Lacson. Tanong niya, bahagi ba ito ng money laundering scheme? Iniugnay din ni Lacson sa isang government contractor ang anak ni dating Public Works Secretary Manuel Bonoan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sangkot sa bilyong pisong transaksyon sa kasino ang tinaguriang BGC Boys o Bulacan Group of Contractors.
00:09Ayon po yan kay Sen. Ping Laxon.
00:11Tanong niya, bahagi ba ito ng money laundering scheme?
00:15Inignite din ni Laxon sa isang government contractor, ang anak ni dating Public Works Secretary Manuel Bonoa.
00:23Nakatutok live si Mark Salazar.
00:26Mark.
00:30Vicky, nakakalula ang dami ng perang binanggit ni Sen. Panfilo Laxon.
00:35Mga perang ani ay ninakaw ng mga korup sa flood control projects.
00:39At kagaya ng warning ni Sen. Laxon bago siya nagsimula ng kanyang privilege speech,
00:45nakakahighblood pakinggan kung paano ninakaw ang mga perang ito.
00:49Pinangalanan ni Sen. Ping Laxon ang limang tinatawag daw sa mga kasino bilang mga BGC Boys o Bulacan Group of Contractors.
01:03Si dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara, ang kanyang dating Assistant DE na si Bryce Hernandez,
01:09Isa pang Assistant DE na si JP Mendoza, DPWH Engineer RJ Domasig at isang Eric Sandiego.
01:18Ang limang ito raw ay involved sa umaabot ng bilyong piso mga transaksyon sa kasino.
01:23Halos isang bilyong piso ang kanilang naipatalo sa iba't ibang kasino.
01:28Base sa mga dokumentong nakalap namin mula sa PADCOR, malulula tayo sa laki ng halagang naging talo sa kasino ng limang ito.
01:38950 million in gross losses, Mr. President.
01:42Base ang mga ito sa official at validated na record mula mismo sa labing tatlong kasino sa Metro Manila, Cebu at Pampanga.
01:51Pero matindi rin daw kung tumabo sila ng panalo.
01:55Mula August 31, 2023 hanggang April 4, 2024, mahigit P530 million ang kanilang napanalunan sa isang kasino pa lamang.
02:06Kaya tanong ni Lacson.
02:08Siningar ito nga ba sabay-sabay na nalala ang mga ito, Mr. President?
02:13O baka naman money laundering scheme?
02:15May report kami at ito ay aming pang binabalidate na peke lang ang pagdeklaran nilang panalo.
02:23How so? Magpapalit ng cash into kasino chips.
02:27Pero pag natalo ng kaunti, pupunta sa cashier para mag-cash out at ideklarang panalo ang pinagpalitan nilang chips.
02:36Smart, your guess at this point is as good as mine.
02:39Malakasan din daw ang pagpapalit ng tatlo sa BGC Boys ng cash patungo sa kasino chips at ng cash to chips.
02:49Kung susumahin mula 2023 hanggang 2025, aabot sa mahigit 2.1 billion ang cash na pinapalitan nila ng chips,
02:59habang abot sa mahigit 2.7 billion naman ang chips na pinaconvert nila sa cash.
03:04Yes, Mr. President. You heard it right, my dear colleagues. B as in billion.
03:11Ang impormasyong ito, sinumitin na raw ni Laxon sa Anti-Money Laundering Council.
03:17Inisa-isa rin ni Laxon ang mga nahagip ng kanilang investigasyon na nagpapakita kung gaano kadali pinagnanakawan ng ilang kontratista
03:25ang mga flood control project.
03:27Isang project daw sa Bulacan-Bulacan, ang nai-award kunwari ngayon, kinabukasan, notice to proceed na.
03:36At dalawang araw lang, 46% complete agad, kaya nakasingil agad.
03:41Pero dinaya ang progress report.
03:44Nobrener, ika nga, maliwanag na iisa ang larawan na ginamit at sinumite para sa dalawang progress billings ng SIMS.
03:54Kaparehong kontraktor din daw itong naningil para sa dalawang kontrata para sa iisang proyekto dahil ghost yung isa.
04:02Sa kalumpit Bulacan, may dalawang proyektong siningil ang kontraktor at nagsabit na mga dokumentong pare-pareho para sa dalawang proyekto.
04:11Naaabot sa mahigit 174 million pesos ang halaga.
04:16Hindi tayo namamalik mata. Harap-harapan, pinagnanakawan po tayo.
04:22Kayo na po ang mag-connect ng dots.
04:25By the way, si Nancy Maglanque, Sansen Bernardo at pati Magay Bonoan, Galacruz, ay mga anak na mga nabanggit na opisyal ng gobyerno.
04:36Sinusubukan pa namin makuha ang panig na mga nabanggit na opisyal.
04:41Ang mga ebidensya na kalap daw ni Sen. Panfilo Lacso na ipapasa niya sa executive para magamit sa paghahabla kung ito ay maghahabla.
04:49Mula rito sa Pasay, mula sa Senado para sa GMA Integrated News, ako si Mark Salazar para sa 24 Horas.
04:57Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended