Skip to playerSkip to main content
Ramdam na ang bagsik ng Bagyong #WilmaPH sa Eastern Samar na nasa Signal No. 1. Binaha ang ilang lugar doon at may banta rin ng daluyong o storm surge.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ramdam na ang bagsik ng Bagyong Wilma sa Eastern Samar na nasa signal number 1.
00:05Binaha ang ilang lugar doon at may banta rin ng daluyong o storm search mula sa Bayan ng Giwan sa Eastern Samar.
00:12Nakatutok live si James Agustin. James!
00:18Emil, banta ng storm search o daluyong yung binabantayan ng mga otoridad sa 45 barangay dito po yan sa Bayan ng Giwan sa Eastern Samar.
00:27Sa iba pang bayan na naikutan natin, nagpatupad na ng pre-emptive evacuation. May mga barangay din na nakaranas ng pagbaha.
00:38Sinoong ng mga residente ang abot binti na tubig sa Barangay 7 Poblasyon sa Bayan ng Kinapondan Eastern Samar kaninang umaga.
00:45Baha ang dulot ng umapaw na ilog matapos ang walang tigil na buhos ng ulan sa magdamag na dala ng Bagyong Wilma.
00:51Tulong-tulong sa paglalagay ng lubid para magsilbing gabay ng mga residente sa malakas na Agos.
00:55May mga gumamit din ng bangka.
01:13Kabilang ang lugar sa 7 flood-prone barangay sa binabantayan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
01:19Nakahanda na rin sila kung may kakailanganin ilikas sa mga residente.
01:22Yung barangay 7 kasi, catch vision, mababa. Mababa silang barangay. Kaya pag umuulan, yung nga sabi ko, pag apat na oras na umuulan, talagang baba na dyan.
01:32Sa barangay 5, barangay 1, baba sila pag katulad nga may bagyo. Dahil talagang marami ang tubig.
01:41Sa Bayan ng Giwan, hindi na pinapayagan ng mga palaot ang mga mga isda simula pa kahapon dahil sa bantaan ng bagyo.
01:47Kaya tabi-tabi ang mga bangka na nakatali sa dating daungan sa barangay 6.
01:50Masira minsan yung tali namin, maputol kasi maikot yung hangin. Kahit dito sa butgarad, mawasak rin yan. Mawasak.
02:06Bukod sa pagatali, ipinatong ni Mario ang kanyang bangka sa improvise sa balsa.
02:10Yung panahon kasi pinsan dagat, hangin. Kaya pumapunta dito, tinitingnan ng mga bangka kung okay ba ang pagkalagay.
02:20Kasi kung hindi mo titingnan, baka naano na yung isang puno ng tubig o naano sa tabi, naano sa dagat.
02:29Dahil hindi makapalaot problemado ang mga mga isda dahil ilang araw na silang walang kita.
02:33Mahirap talaga. Pero pinipilit lang namin kasi may ano man, pamilyado man. Wala naman kung kapuntahan.
02:43Naghahanda na rin lumikas sa mga residente na nakatira sa tabing dagat.
02:46Gaya ni Annalie na ibinalot sa plastik ang mga damit ng kanilang pamilya.
02:50Minsan na raw nawasak ang kanilang bahay.
02:53Karanasang nag-iwan sa kanila ng paalala na maging laging handa tuwing may bagyo.
02:56Pag pumupunta dito ang taga-barangay, nasabi na kailangan ng lumikas, lumilikas talaga kami agad.
03:01Dalo na pag malakas yung alo, tapos pag may bagyo, nakabot talaga kami ng dagat.
03:07Tapos minsan din po pag sisera yung bahay namin.
03:11Ayon sa lokal na pamahalaan, 45 barangay ang binabantayan nila sa bantanang storm surge o daluyok.
03:17Ang mga barangay officials are already instructed to monitor these people.
03:21Kung sakali kailangan nilang lumikas, gagawin po natin ang paglikas sa kanila.
03:25Sa bayan ng Balanghiga, nagpatupada ng pre-emptive evacuation sa dalawang barangay.
03:36Lumikas ang ilang residente sa kanilang mga kaanak at temporary shelter.
03:40Nakastandby na ang rescue boat at iba pang search and rescue equipment, gaya ng mga life vest at salvavida.
03:46Sabi ng LDRMO, ulan at shearline ang binabantayan nila na posibleng magpabaha sa ilang barangay.
03:52Pag masyado yung malakas yung ulan at yung torrential rain na ilang days at isang hours din,
03:59pag ano yan ng high tide, sinalubong ng high tide, kasi malaki yung estuary namin dyan,
04:05hindi makakaagos yung Balanghiga River from upstream, papunta dito, sasalubongin sila.
04:12Kaya nagkakaroon ng mga flooding, yan yung surface flooding lang namin dito sa postal barangay.
04:23Samantala sa pinakahuling tala mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,
04:28umabot na po sa 470 families yung kinilangang ilikas mula sa pitong bayan dito sa Eastern Summer.
04:35Yan muna ilitas mula po dito sa Bayan ng Giwan. Balik sa'yo, Emil.
04:39Maraming salamat, James Agustin.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended