- 3 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Two people who were able to do it in Albay, but possibly not in the way.
00:05At the Balkan of Mayon and the other people who were able to do it in the way.
00:09They were able to do it in the alert level 3 because of the Balkan,
00:13so there are 4,000 individuals who are in the evacuation center.
00:17And now, Oscar Hoyt.
00:20Oscar.
00:25Yes, Vicky, a great and great and great pangamba in their own lives.
00:29Yan ang nararamdaman ngayon ng mga evacuees.
00:32Dalawang linggo matapos silang ma-evacuate,
00:34bunsod ng pag-aalboroto ng Balkan Mayon.
00:41Isa si Chesa sa may 1,000 pansamantalang naranatili sa evacuation center
00:45dito sa Barangay San Jose sa Malilipot Albay, bunsod ng pag-aalboroto ng Balkan Mayon.
00:51Ligtas at sapata niya ang supply ng pagkain,
00:54kaya labis daw ang kaninang pasasalamat.
00:57Pero, ipinag-aalalan nila ang mga kabuhayang iniwan nila sa kanilang lugar sa Kalbayog
01:03na nasa loob ng 6 km permanent danger zone.
01:06Kaya kung kakayanin, bumabalik-balik pa rin sila sa kanilang lugar.
01:11Kawawa po yung mga hayo, walang magpapakain.
01:14Siyempre, mamamatay sila pag hindi sila pinakain.
01:17Kawawa po yung mga kabuhayan namin, sir.
01:19Nangangamba rin sila sakaling tumaas pa ang alert level.
01:23Baka hindi na kami paakyatin. Ano yun na kami? Pagbabawalan na.
01:29Kanina, nagsagawa ng konsultasyon sa pangunan ng Kapitolyo para alamin kung paano makatutulong sa kanilang kabuhayan.
01:37Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa mahigit apat na libong individual o nasa mahigit isang libong pamilya pa ang nananatili sa labing pitong evacuation centers sa buong Albay.
01:51Sa ngayon, nananatili sa alert level 3 ang Bulkang Mayon. Patuloy ang magmatic unrest at posibleng mapanganib na aktibidad.
02:00Meron pa rin siyang tendency to escalate. So naadyan pa rin yung ating pagmamanman dahil nga dito sa intensity na sinasabi nila na pwede pa rin siyang tumaas.
02:14Bukod sa pagbuga ng lava dome at lava flow kasabay ng volcanic earthquakes, pag-uunong bato at kuson, nakikita pa rin ang banaag o crater glow sa tuktok ng bulkan, palatandaan ng aktibong magma malapit sa ibabaw.
02:30Pinag-iingat din ang publiko sa pag-agos ng lahar, lalo na kung may malakas na pag-ulan.
02:37Ang Albay PDRRMO, sinabing may dalawang bangkay silang natagpuan.
02:42Isa sa San Miguel Island sa Tabaco City at sa Sula Channel sa municipality ng Bakakay.
02:48Inaalam nila ang pagkakilanlan ng dalawa.
02:51Sa tingin namin walang connection sa volcano and then sa Typhoon Ada because as to the state of decomposition as reported, medyo advanced na siya.
03:02So before pa siguro nag-Typhoon Ada nangyari yun, nagkataon lang na nahanap sila kahapon.
03:10Samantala Vicky, muling tiniyak ng PDRRMO Albay na may sapat silang supply, mapapagkain man o supply pang kalusugan.
03:22At bagamat may mga nagkakasakit nga, ay agad naman daw itong natutugunan at kung kinakailangan ay may ospital namang mapagdadalhan.
03:29Vicky?
03:32Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
03:35Isang araw matapos magbalikbansa, sumalang agad si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa pagdilig ng Senate Rearven Committee sa Flood Control Scandal.
03:48Na question siya kaugnay sa mali-mali umanong coordinates o lokasyon ng mga itinayong proyekto kontrabaha.
03:55Ang depensa ni Bonoan sa pagtutok live ni Bob Gonzalez, Bob?
04:04Mel, posibleng lumobo raw yung bilang ng mga hinihinalang ghost flood control projects dahil nga dito sa mga mali-maling coordinates.
04:11Pero ayon sa DPWH, teknikalidad lang ito dahil sa mahigit tatlong daang proyektong sinek nila,
04:17meron talagang flood control projects na usod nga lang ng ilang metro.
04:25Shut the F up!
04:28Yan ang mensahe ni Sen. Ping Laxon sa mga anyay maiingay na naninira sa ginagawang investigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa ghost flood control projects,
04:38pero walang tinukoy na pangalan si Laxon.
04:41Ngayon lang muli nagsagawa ng pagdinig ang komite simula noong Nobyembre.
04:44At isa sa mga unang isinalang, si dating DPWH, Sekretary Mari Bonoan.
04:50Kasunod ng aligasyon na sadyang nagbigay ng mga mali-maling coordinates ng flood control projects si Bonoan para lituhin ang Pangulo.
04:57Sa validation ng Department of Public Works and Highways, 416 ang suspected ghost projects.
05:03Sa bilang na ito, 337 ang may mali-maling grid coordinates ayon mismo sa report ng DPWH sa Senate Blue Ribbon Committee.
05:11Kaya tanong ni Laxon, pattern ba ito o hindi sadyang pagkakamali lang?
05:17Kung ang percentage ng mali na-overcome o na-overwhelm yung tama, may pattern yun.
05:27Pero kung halimbawang sa sampu na random sampling ninyo, isa o dalawa lang yung mali, then there's no pattern.
05:34Maybe inadvertent.
05:35Out of 337 ang more than 50 meters away, 291 po.
05:42Yung less than 50 is 46.
05:45Ayon sa inisyal na pagsusuri ng DPWH noong kalihim pa si Bonoan,
05:50ang isinumiti nilang datos para sa sumbong sa Pangulo website ay ang coordinates na sinusumiti sa planning stage ng proyekto.
05:58Hindi pa itong aktual na coordinates o lokasyon kung saan mismo itinayo ang proyekto.
06:02At ang layo ng proposed at ang layo ng aktual.
06:09Paano nagkaganon?
06:10We will have to investigate.
06:12And Mr. Chair, dun po sa tanong niyo kanina, kung yun po ba yung sinamit deliberately, of course, ayaw po namin.
06:17We are not in the position to answer that.
06:20Meron po kami dinidevelop na app.
06:23Ito na po yung unified application wherein the coordinates from the planning stage and the coordinates for the actual ay isang mapa na lang po yung ginagamit.
06:35Halimbawa, sa isang flood control project sa Naguilian La Union, halos dalawang kilometro ang pagkakaiba ng coordinates.
06:42Sa Cagayan River naman, mahigit dalawang kilometro ang pagkakaiba ng coordinates.
06:47Ayon kay Laxon, kung mali-mali ang coordinates na sinumiti, posibleng lumobo ang bilang ng ghost projects kahit may nagawa naman talaga.
06:56Kasi pag pinuntaan yung grid coordinates na mali, wala makakikitang project, ire-report na ghost.
07:01Yan po ang nangyari dito sa initial field validation natin.
07:07Out of the supposedly 421 na trim down to 416, dahil wala sila pong nakita, dahil mali po yung coordinates, nireport po nila as non-existent.
07:19Meron pong mga lugar, medyo masukal na yan.
07:22And kung talagang mag-deviate ka lang by a few so many meters, hindi mo talaga po makikipin.
07:31Ayon kay dating DPWH Yusek Roberto Bernardo, sinabihan daw niya ang ibang opisyal ng DPWH na maling coordinates ang naipasa.
07:40Malaki po ang diferensya niyan doon po sa datos ng planning kasi minsan po sa loob po ng isang taon, nagbabago po ang linya ng ating mga ilog.
07:49So yan po, kailangang maging sakto.
07:52Paliwanag ngayon ni Bunuan sa mali-maling coordinates ng flood control projects na naibigay sa Pangulo,
07:57umasa lang siya sa datos na galing sa opisina ni Yumaong DPWH Yusek Catalina Cabral.
08:03Because of the time constraint that we have to submit, I instructed the late Undersecretary Cabral to collate the information that we need to submit to the Office of the President.
08:20Dagdag ni Bunuan, sa planning coordinates na binigay nila, ang nakalagay lang ay bayan at probinsya kung saan ilalagay ang proyekto.
08:28Marami pa naman daw silang binigay na pwedeng i-check ng field inspectors, gaya ng pangalan ng proyekto, anong ahensya o district office ang magpapatupad,
08:37kontraktor, pechang sinimulan at natapos, pati halaga ng kontrata.
08:41Noong panahong din yun, Region 3 lang aniya ang nag-report na posibleng may ghost project sa lugar nila.
08:48Personal daw vinalidate ni Bunuan ang report at doon na nga nila nadiskubre ang mga anomalya sa Bulacan 1st District Engineering Office.
08:55Agad daw niya itong nireport sa Pangulo.
08:59My statement to the President is that I hope, Mr. President, that this is an isolated case
09:05because there has not been any other report that reached me.
09:10The President told me to start investigating the ghost projects.
09:16Immediately thereafter, Mr. Chair, I relieved all the personnel of Bulacan 1st Engineering District.
09:27Dahil naman mali-mali nga ang unang coordinates na binigay ng DPWH, kailangan na naman daw umulit ng ahensya.
09:33Kung natapos na po natin yung one-third ng 30,000 flood control projects in the last 10 years,
09:42and then i-re-reassess na naman po natin ito just to be sure po with our data.
09:51Kaya sa huli, nasayang lang ang buwis at oras na ginugol sa unang assessment.
09:55Bakit di yun yung ginamit ng department sa unang validation pa lang?
10:00Parang ngayon lang lahat ito nalalaman.
10:03Initially po, nagbuo nga po ng team itong ICI, composed of the AFP, PNP, and DEFTEB.
10:09And they relied on the coordinates dun po sa sumbong sa Pangulo.
10:17May L-anim na oras na at nagpapatuloy pa rin ngayon yung pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
10:22Samantala, pinayaga naman na ng komite na ibigay ang kusadiya ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara
10:29sa Department of Justice dahil dito nga siya nakadetain sa Senado matapos masight and contempt mula pa noong September.
10:35Mel?
10:35Maraming salamat sa iyo, Mahab Gonzalez.
10:38Mga kapuso, update naman tayo sa Bagyong Ada.
10:45Humina na yan.
10:46Habang unti-unting lumalayo, kaya ibinaba na rin na pag-asa ang lahat ng wind signal.
10:51Huling namataan ang sentro ng Bagyong Ada sa layong 465 kilometers.
10:56Silangan ng kasiguran aurora.
10:58Ayon sa pag-asa, pusibling magtuloy-tuloy na ang paglayo nito sa Luzon.
11:02Maaari rin lalo pa itong humina mula tropical depression ay maging low-pressure area na lamang.
11:08Dakil pa rin sa malamig at tuyong hanging amihan.
11:11Hindi na ganoon kalaki ang magiging efekto nito sa bansa,
11:13mahaliban lamang sa mga lugar na mahahagi pa rin ng trough o yung bahagi ng mga kaulapan ng bagyo.
11:19Pusibling rin magpaulan ang amihan, kasabay ng bagyang paglamig ng parahon.
11:23Base sa datos ng Metro Weather, umaga bukas, mababa ang tsansa ng ulan sa kalusbong bansa,
11:28maaliban sa mga kalat-kalat na ulan sa Camarinas Norte at Mindoro Provinces.
11:32Maaaring magpatuloy yan sa kapon pero meron na rin hanggang katamtaman
11:36at panandali ang ulan sa Cordillera, Cagan Valley, Zambales, Quezon, Davao Region at Barm.
11:41Sa Metro Manila, hindi pa rin inaalis ang tsansa ng localized thunderstorms.
11:46Samantala, isang bagong low-pressure area o sama ng panahon
11:50ang pusibling mabuo sa mga susiro da araw at may tsansang pumasok din sa para.
11:55Ayon sa pag-asa, maaaring lumapit din yan sa silangan ng Visayas at Benderau.
11:59Pwede pa itong magbago, kaya tutok lamang sa Updates.
12:04Pinakakansela na ng DILG ang pasaporte ng negosyanteng si Atong Ang
12:16na ipinapa-aresto ng dalawang korte dahil sa mga nawawalang sabongero.
12:21Hindi po bababa sa labimpitong tip na ang natanggap ng pulisya sa kinaroroonan ni Ang.
12:27Ang resulta ng paggalugad sa ilan dyan sa pagtutok ni Marisol Abduraman.
12:36Sumugod ang mga tauhan ng CIDG sa lugar na ito sa Rosario, Batangas kaninang umaga.
12:41Matapos makatanggap ng impormasyon, hinggil sa amunay kinaroroonan
12:45ng negosyanteng si Charlie Atong Ang.
12:47Hinalughog ang lugar.
12:53Para isilbi ang mga warrants of arrest na inilabas ng dalawang korte,
12:58kaugnay sa pagkawala ng mga sabongero sa Santa Cruz, Laguna at Lipa, Batangas.
13:03Pero wala ang tinaguriang number one most wanted ng DILG.
13:07Dini-deny nila that they are known to Charlie Atong Ang.
13:13Kahapon, ang malawak na farm na ito sa Porak, Pampanga ang pinasok ng CIDG.
13:18Wala roon si Ang.
13:19Pero inamin ang may-ari ng farm na doon kumukuha ng manok ang negosyante.
13:24Nakausap din namin yung mismong may-ari at sinasabi niya,
13:27oh yes, magkakilala sila way back sa online sabong
13:32dahil doon kumukuha ng mga manok para doon sa mga laban.
13:36Sa ngayon, tanging si Atong Ang na lang ang hindi pa na-aresto sa lahat ng mga akusado.
13:43Simula nang lumabas ang warrant of arrest kay Atong Ang,
13:46mahigit sampung lugar na raw ang pinuntahan ng mauturidad.
13:49Pero bigo pa rin silang mahuli ang ngayon itinuturing na most wanted sa bansa.
13:55Naniniwalang si ADG na nasa bansa pa rin si Ang.
13:58Napaghandaan na niya ito.
14:00And as I said, he has the resources.
14:03He has a circle of friends.
14:07He has properties na nagagamit niya para sa kanyang pagtatago.
14:13From time to time, nagmumove siya.
14:16Hindi siya tumitigil sa isang lugar.
14:19May heightened monitoring tayo on all ports, on lahat ng airport.
14:25Bukod sa mga liblib na lugar, may tinitingnan din daw ang CIDG ng mga exclusive subdivision.
14:31Nakatutulong daw sa kanilang paghahanap ang mga impormasyon na binibigay sa kanila sa mga hotline number.
14:37Sa ngayon daw, labimpitong text at call na ang kanilang natatanggap hinggil kay Ang.
14:42Unknown to them na nakita siya allegedly.
14:45Yung mga iba doon, nakapag-deliver na ng pagkain, like seafoods, sa bahay niya.
14:50Siyempre, tip is the tip. Yung umi-establish credibility kung tapos na ang operations.
14:57Pero so far, sa dalawang ginawa namin kahapon at yung umaga, wala kami na hinta.
15:01Posible ba ang hilingin ng gobyerno na kansilahin yung kanyang pasaporte?
15:05Kasama na yan, request na namin sa DOJ at DFA yan. It should come in. Malapit yan.
15:10Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman. Nakatuto, 24 Horas.
15:20Mga Kapuso, hindi na nga mapakinabangan, nakakasagabal pa ang mga nakatambak na materyales.
15:27Sa natinggang pag-ayos ng daan sa boundary ng Makati at Maynila, idinulog yan sa inyong Kapuso Action Man.
15:37Oktubre ng nakaraang taon pa dapat natapos ang proyektong rehabilitation ng daan sa boundary ng Makati at Maynila
15:45sa bahagi ng Zobel Rojas at Tejeron Street. Sa ilalim niya ng DPWH South Manila District Engineering Office.
15:53Pero ang proyektong nagkakalagang mahigit 18 million pesos noong hunyo pa umano na tenga.
15:59Kaya ang isang lane ng daan hindi mapakinabangan.
16:01Ang mga materyales ng konstruksyon iniwang nakatambak, may hukay pang pasta na lamang tinakpan.
16:30Maraming perwisyo, alikabok. Lalo pagka umuulan, putik.
16:35Nagkalat, putik. Tapos yung bato, syempre umuulan. Kaya lumalalim.
16:40Ang gusto po sana namin sa samahan ng tricycle po rito at iba pang at least mga motorista
16:46ay matanggal na po ito para po yung daloy po ng trafico ay maayos po, maibalik po sa kaayusan.
17:01Dumulog ang inyong kapuso action man sa DPWH South Manila District Engineering Office.
17:06Nagkaroon umunan ng delay sa proyekto dahil kinailangan muna nilang mag-comply sa mga requirement
17:11ng bagong luklok na administrasyon sa Lunsod na Maynila.
17:14Pinayagan na raw silang ipagpatuloy ang konstruksyon noong Nobyembre 2025.
17:17Pero pansamantala itong sinuspindi bilang pagsunod sa MMDA moratorium na nagbabawal sa pagsasagawan
17:24ng road excavation at anumang paghukay hanggang Enero ngayong taon.
17:29Ito'y para raw makabawas sa pagbigat ng daloy ng trafico nitong nagdaang holiday season.
17:34Tiniyak naman ang DPWH NCR na magpapatuloy na ang konstruksyon ngayong buwan
17:38at nangako silang matatapos ang proyekto sa alam ng dalawang buwan.
17:41Nagpapasalapat ang ahensya na naiparating sa kanila ang naging problema para sa beneficyo ng mga motorista at commuter.
17:47Tututukan namin ang sumbong na ito.
17:53Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
17:57o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Diode Corner sa Marabinyong Diliman, Quezon City.
18:02Dahil sa anumang reklamo, pang-abuso o katiwaliyang,
18:05may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
18:11Investigasyon naman sa nangyaring trash slide sa Cebu.
18:13Ang inaabangan ng publiko ngayong natagpuan na lahat ng mga natabunan ng gumuhong bundok ng basura roon.
18:21Nakatutok si Luan Mayron Dina ng GMA Regional TV.
18:27Minsan ang nasabi ng Cebu City Hall na gusto nitong tutukan muna
18:31ang paghahanap sa mga natabunan ng gabundok na basura sa Binaliw Landfill
18:36ng usisain ukol sa pagpapanagot sa posibling may sala kung meron.
18:41Kahapon, halos sampung araw mula nang mangyari ang trash slide,
18:46na-recover alas 5.41 ng madaling araw ang huling biktimang na-trap
18:50sa gumuhong estruktura ng Prime Waste Solution.
18:54Tatlumput-anim lahat ang nasawi, labing walo ang nasugatan at wala nang nawawala.
19:00Pero limitado pa ang pahayag ng City Hall sa investigasyon.
19:04Sabi lang ni Mayor Nestor Archival,
19:07suportado nito ang investigasyon ng Department of Environment and Natural Resources o DNR
19:12upang matukoy kung sino ang nararapat managot sa sinapit ng mga biktima.
19:17If there would be an investigation sa DNR, bukoyog kanila.
19:21Sinubukan ng GMA Integrated News na makapanayam ang alkalde
19:25para sana sa karagdagang impormasyon sa Binaliw Trash Line.
19:29Pero nag-abiso ang tanggapan ng PIO na bukas na ang press con.
19:34Tinututukan din ang Pamahalang Lungsod,
19:36katuang ang iba't ibang ahensya ng gobyerno,
19:39ang pagbibigay ng tulong sa mga naulila na mga nasawi at sa mga apektadong kawani.
19:45Pinag-aaralan na rin kung ano ang magiging hakbang matapos ang 30 araw
19:49na palugit na ibinigay ng Pamahalang Lungsod ng Cebu
19:52para pansamantalang makitapon ng basura sa Bayan ng Konsolasyon.
19:57Apat na lugar ang kasalukuyang sinusuri na posibling
20:00susunod na tapunan ng basura ng Lungsod ng Cebu.
20:03Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
20:08Luan Merondina, nakatutok 24 oras.
20:10Minsan na nating na-feature ang pakinabang sa isang uri ng maayos na radiation,
20:26ang pag-transform ng mga basurang plastic para maging building materials.
20:31Ngayon, sasampulan namin kayo ng totoong bahay na naipagawa gamit yan.
20:37Tara, let's change the game with this Prex House.
20:44Gabundok na ang problema ng bansa sa plastic pollution,
20:47kaya nasa top contributors tayo ng basura.
20:50Worldwide.
20:51Hindi tayo nawawala sa top 5.
20:52Kahit ano pa mang ranking natin,
20:56it is a fact,
20:57ang plastic waste pollution sa Pilipinas ay talamak.
20:59Ibinidanoon ang DOST Philippine Nuclear Research Institute
21:03ang paggamit sa post-radiation extrusion o PREX para sa plastic recycling.
21:09Ang ginagawa ng radiation ay minamanipulate nito ang mga polymers in the molecular level
21:15para kapag tinunaw mga plastic waste at minolde upang mabuo ang mga target nating produkto.
21:22Through this process,
21:24kayang makagawa ng materials gaya ng tiles, lumber at bricks mula sa plastic.
21:30Fast forward to 2026.
21:32Ang mga materiales na ito,
21:34na-convert na into a 24 square meter prototype house.
21:38Welcome Martin,
21:39dito sa PREX prototype house.
21:42Itong walkway na ito,
21:43papasok sa ating PREX prototype house.
21:45Gawa rin ito mula sa PREX plastic product.
21:48Ito ay yung PREX bricks.
21:49So, ito ay mula sa mga plastics na na-discuss natin kanina.
21:53At in-enhance ang kanilang mechanical strength gamit ang electron beam irradiation.
21:58Para talaga siyang regular na simento na sahig.
22:02Matibay.
22:03At maging ang mga walls ito.
22:05Walang halong simento.
22:07Actually, lahat ng walls,
22:09both internal at external,
22:11ng bahay na ito ay mula sa PREX plastics.
22:13Pati pala ito,
22:14gawa sa plastic.
22:15So, lahat na nakikita natin dito,
22:17ding-ding,
22:18itong flat box.
22:20Ultimo itong upuan,
22:22ay gawa po sa plastic.
22:26Now, let's have a tour inside.
22:29Ang mga pader sa loob na gawa sa plastic,
22:31na masilyahan na din.
22:33Pwede natin itong talagang direct ang gawing substitute
22:35dun sa usual construction materials natin.
22:38Walang iibayin sa proseso.
22:40Paging ang mga tiles,
22:41gamit na lames at upuan,
22:43na mukhang gawa sa kahoy,
22:45100% made of recycled plastic waste.
22:48Pero sa lahat,
22:50ang talagang nakaagaw ng atensyon ko.
22:53Mga kapuso,
22:53kapag hinawakan nyo po siya,
22:55kapag kinakatok mo siya,
22:59malalaman mo,
23:00kumbaga na plastic siya gawa.
23:02Pero,
23:03kapag pinapakiramdaman mo na
23:04yung iba niyang parte,
23:07mas solid siya.
23:08Ang kama na ito, Martin.
23:10Believe it or not,
23:10this is also made from plastic waste.
23:13Kayang-kaya po niya makipagsabayan
23:15dun sa mga karaniwang bahay
23:17na ginagawa natin.
23:18Pero approve naman kaya
23:20sa masa ang costing nito?
23:22From the design
23:22hanggang sa pag-construct,
23:25tayo ay aabot ng isang milyong piso.
23:27Subalit,
23:27ayon sa aming mga engineers,
23:29kaya itong papabain
23:30hanggang 600 to 700 thousand pesos.
23:33There you have it mga kapuso,
23:35it's another game-changing innovation
23:37na pwedeng solusyon din
23:39sa plastic waste problem sa bansa.
23:40From plastic waste
23:42to a sustainable home.
23:44Para sa GMA Integrated News,
23:46ako si Martin Avere.
23:47Changing the game!
Comments